CHAPTER 6

2557 Words
"I'M HIS LADY GUARD" [CHAPTER 6] ANGELINA POV: KINABUKASAN ay balita sa buong campus ang pagkamatay nang tatlong babae na sina Ma.fee natasha at andrea maliban kay samantha na nasa ospital ngayon dahil sa natamo nitong sugat mula sa akin. Bantay sya nang mga pulis dahil tumugma sa kanya ang print na mula sa akin. Kong pano ko iyon ginawa? Madali lang naman. Bago namin nilisan ang lumang bodega ay nagsuot ako nang gwantes na lagi ko namang dala incase of emergency para maalis ron ang finger print ko pinunasan ko iyon at pinahawak kay samantha habang wala itong malay. Hindi siya pweseng mamatay para sa ganun isa lang ang mapagbintangan sa mga nangyari. Naalala ko pa ang pag tawag niya sa akin na mystica pero hindi ko naman siya pinansin dahil di ko naman kilala iyon. "Kawawa naman sina natasha no? Pero bakit kaya sila pinatay ni samantha e true friends kaya sila". Rinig ko sa mga estudyante na nag-uusap. "Oo nga. Sabi nang iba inggit daw at hindi daw talaga sila magkaibigan plastikan lang daw yun at alam niyo ba? Inggit daw si samantha dahil gusto raw nya na siya lang ang magihing queen sa school hindi daw pwedeng silang apat gusto nya mas angat siya". Dugtong naman nang isa. Natawa nalang ako sa mga narinig ko dahil Kong ano-anong kwentong gawa nang tsismis ang mga narinig ko. "Uy angelina". Salubong sakin nang mga kaibgan ko. "Uy rin"., Tugon ko. "Alam mo naba ang kwento about don..., Pintulol ko na ang sasabihin niya at sinagot ito. "Yes alam ko na. Kalat na dito sa campus". Sagot ko. "Imagine nagawa ni samantha iyon lalo na sa pinsan niya". Sabay na wika nang kambal. "Oo nga eh, pero hayaan niyo na sila problema na nila iyon". Tugon ko at inaya na silang pumasok sa silid namin. Tahimik ang buong klase dahil walang maldita gaya nina samantha walang gulo dahil sa gang nila. Mabuti naman at kahit paano sisigla na ulit ang mga estudyante at mga guro dahil wala nang nananakot sa kanila. Masaya kaming nag-aalmusal nang mga kaibgan ko sa cafeteria nang tumawag ang papa ko. Nag excuse muna ako sa kanila at tumalikod para sagutin ang tawag nito. "Hello pa". Masiglang sagot ko dito. "Anak. Nasaan ka?" Malakas na boses ni papa ang bumungad sakin. "Nasa school pa bakit po?" Ask ko. "Kailangan mong pumunta sa ospital ngayon rin"! Sa binanggit ni papa ay kinabahan ako bigla. "B-bakit papa anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko. "A-ang mama mo 50-50 maraming saksak sa katawan ang mama mo pinasok sila nang masasamang loob kasama si tina 50-50 rin magmadali ka". Hindi ko na pinatapos si papa at agad nang umalis sa school di ko na nagawang mag-paalam dahil sa kabang nararamdaman ko. Alam ko naman kong saang ospitak pwedeng dalhin si mama. Sinong pu***nang sumaksak sa mama ko maghanda na siya! Mahigit isang oras rin nang makarating ako sa ospital nadatnan ko si papa na nakaupo sa sahig habang hawak nito ang gulong-gulo niyang buhok. "P-pa". Tawag ko dito. Pagkakita niya sa akin ay agad itong tumayo at niyakap ako. Anak ang mama mo wala na siya". Salubong ni papa sakin habang umiiyak. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko dahil sa nangyari kay mama basta ang alam ko nalang ay pinagsusuntok ko ang pader hanggang sa dumugo ang mga kamao ko dahil nasasaktan ako sa nalaman at narinig mula kay papa, pinakalma ako nito at ipinasok kong saan si mama, nakahiga ito at natakpan nang puting tela sa katawan na ibig sabihin ay wala na itong buhay. Niyakap ko si mama habang umiiyak. Swerte ni ate tina dahil nakaligtas ito sa kamatayan. Sya nalang ang pag-asa ko para malaman kong sino ang mga pumasok sa bahay. Hindi pa siya pwede makausap ngayon dahil na truma ito sa nangyari sa kanya. Pagpapahingain ko muna siya. Tumawag ako sa amo ko nagpaalam na ako sa kanila na hindi na muna ako makapagtrabaho sa kanila dahil may aasikasohin akong importante. Hindi ko na sinabi sa kanila kong ano ang dahilan ko basta nagpaalam ako nang maayos. SOMEONE POV: NGAYON TIKMAN mo ang sakit at pait na naramdaman ko angelina, pinatay mo ang tatlong kaibigan na malapit sa akin ngayon nanay mo ang kapalit. Maswerte ka dahil buhay pa ang tatay mo pero wag kang mag-alala dahil isusunod ko ang tatay mo. Masyado kang magaling angelina kaya gusto kong ipaghigante ang mga pinatay mo. "Boss, pano na si samantha,. Hangang ngayon nasa ospital parin siya". Tanong nang isang ka gang ko. "Hayaan niyo muna siya basta sinabi ko na sa kanya na sumunod lang muna siya sa agos, wag siyang magsalita mas okey yung magpanggap siyang wala lang para Hindi siya mahihirapan basta kami nag-usap na at sinabi niya sakin lahat. Maging ang vedio na kuha niya ay nasa akin. Kaya naniniwala ako na si angelina ang may gawa sa tatlong prinsesa natin". Sambit ko dito. "Sabagay boss, iparanas natin sa babaeng iyon ang paghihiganti natin pahihirapan rin natin siya"! Wika nito. "Tama ka diyan. Kahit gaano pa siya kagaling ay madadaig rin natin siya. Nakita ko kasi kong pano siya makipaglaban medyo familiar pero hindi ako naniniwala na siya iyon dahil malayo ang mukha nila sa isa't isa. Sige mag man-man muna kayo sa bahay nila ereport niyo sakin kong anong galawa at kilos niya lalo na nong papa niya dahil kapag nahuli natin ang papa niya ay pwede natin magamit iyon sa kanya para madali natin siyang mahuli agad." Utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod. Humanda ka angelina chua isa ka lamang lamok para sa akin na kaya kong durugin! TRISTAN POV: NAPADILAT ako nang aking mga mata nang dumampi sa balat ko ang sinag nang araw na mula sa labas. Tingnan ko ang oras at 10am na iyon ang umaga. Late na ako sa klase kaya di na ako papasok bahala na si angelina. Pero himala bakit ata hindi ako ginising non? Asan naba yun? Bumaba ako sa kusena para kumain nadatnan ko ang pagkain sa misa at may sulat pang nakalagay. "Wag ka muna pumasok ngayon. Ako na muna ang papasok kasi sa palagay ko di mo pa kaya. Kumain kana diyan sir, ito niluto ko para sayo". Angelina. Uhmm. Okey rin. Nandito kasi ako sa condo ko, kasama siyang nakatira dito dahil nga sa kanya ako pinagkatiwala ni mom at dad kaya iisang bahay lang kami dalawa ang room at tig-iisa kami kaya wala namang problema. Ayaw rin akong bigyan nang katulong nila mom dahil nga sabi nila matanda na ako at kaya ko na ang gawaing bahay pero bakit matanda na ako may lady guard pa ako? Tsk namanm Kinain ko na ang niluto ni angelina simpleng almusal lang iyon pero masarap. Inubos ko iyon at hinugasan. Pagkatapos ay umakyat ako sa room ko para magpalit nang damit dahil gagala ako kasama ang mga tropa ko namiss ko narin kasi sila, sure naman akong walang makapag pigil sakin dahil wala si angelina. Kaya lubos-lubosin ko na. Pero teka lang ano nga ga ang nangyari kahapon? Bakit subrang sakit nang ulo ko at para akong nahihilo naalala ko kasi magkasama kami nila andrea at nang friends nito sa lumang Bodega pero paano ako nakauwi dito? Hays tanungin ko nalang mamaya si angelina. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umalis na ako sa unit ko para pumunta sa bar, don na kasi kami magkita-kita nang mga kaibigan ko Sakay na ako nang kotse ko patungo sa bar na pagkikitaan namin, mabuti naman at walang sablay ngayon at wala pa si ange sa bahay. Pagkarating ko sa bar ay pumasok na ako sa loob, doon ko na hinantay ang mga tropa ko. Naghanap ako nang mauupoan pansamantala para matawagan ko na sila at tatanungin kong nasaan na sila. Bago ko paman edial ang number nila ay saka naman sila nagsidatingan. "Pare! Long time no see ah". Si jason. "Mga pare!" Bati ko sa kanilang apat. "Umorder na kayo namiss ko rin 'to no". Wika ko sa kanila. "Syempre kami rin namin rin namin Ito ilang araw ka rin kaya naming di nakasama dahil don sa karakista mong tagapagbantay".ani andrew. Tumawa naman ang tatlo. "Tama na nga iyan, mag order na kayo don baka mamaya magulat nalang ako andito na yun". Saad ko. "Oo nga himala ata at nakalaya ka sa kanya, asan ba sya?" Tanong ni Jason sakin. "Nasa school.", Sagot ko. "Ows diba dapat nasa school ka rin?" Sabay na wika nila. "Hindi ako pumasok". Tipid na tugon ko. "Buti pumayag siya?" Jason "Yes naman.", Ani ko. "Okey guys ito na ang orders natin inuman na"! Galak na sigaw ni andrew. Nagsimula na kaming mag inuman hanggang sa malasing kaming pareho hanggang sa natapos na namin ang inuman pero kayanin ko parin umuwi. Pero itong apat mukhang di na nila kaya kaya iniwan ko nalang sila dito sa may bar mamaya pag nawala ang lasing nila uuwi rin mga iyan sanay narin naman sila kapag lasing ganyan lagi ang nangyayari. Lumabas na ako sa bar pasuray-suray akong naglalakad parang gusto ko ring sumuka pero pingilan ko ang sarili ko para di masuka hangang sa makarating ako sa may parking lot kong saan nakapark ang kotse ko. Iistart ko na sana ang makina nang may kumatok mula sa binatana. Binuksan ko iyon at sinilip ang tao na mula sa labas, halos mawala ang pagkalasing ko nang masilayan ko ang galit na mukha ni angelina. "Hindi ka ba talaga titino ha? Tapos uuwi kang lasing pano kong madisgrasya ka!" Pangaral nito sakin. Hindi na ako sumagot pa dahil alam ko na kapag nagpaliwanag ako ay baka masaktan lang niya ako. Binuksan ko nalang ang pinto para makapasok siya, pero dito siya dumaan sa pwesto ko, itinulak ako nito sa katabing upuan para siya ang papalit sa driver set sa madilang salita siya ang mag dadrive. "Wag mo nang ulitin ito sa susunod, lalo na kong wala ako maliwanag ba?" Sambit niya sakin habang nagmamaneho. "Okey nga yung wala ka para kahit paano makaliwaliw ako". Sagot ko sa kanya. "Yes. Tama ka makapagliwaliw ka hindi kita pagbabawalan pero wag ka naman sana magpakalasing para kahit anong oras kapa makakauwi basta hindi ka lasing sure na makakauwi kang ligtas. Gaya nito wala ako tapos uuwi ka lasing pano nga kong madisgrasya ka dahil diyan sa kalasingan mo! Please lang kahit umalis ka nang di magpaalam sakin wag lang magpakalasing dahil kapag may nangyari sayo ako ang sisihin nang mga magulang mo maliwanag sana sayo yan". Aniya "Para kang nanay ko kong magsalita ah! Alalay lang naman kita tsk"! Saad ko. Tumahimik na ito at itinuon nalang ang mga mata sa pagmamaneho ganyan nga dapat kasi matutulog ako dada kasi nang dada nakakarindi sa pandinig ko. ANGELINA POV: Gusto ko nang mag quit sa trabaho ko dahil babalik na kami sa china, mahirap sakin iwan si trsitan dahil sa loob nang isang buwan na pagtatrabaho ko sa kanya ay napalapit na ang loob ko sa kanya. Yes mahal ko na siya pero hindi pwede dahil may mas mahalaga pa akong dapat aasikasohin lalo na sa pamilya namin. Kanina kasi nag-usap kami nang daddy ko at sinabi niya lahat sa akin kong sino at ano talaga ang pagkatao ko. Ayaw kong madamay si tristan at ang pamilya niya sa gulon na pinapasok nang pamilya ko. Bukas ililibing na agad namin si mommy, at aasikasohin rin ni daddy ang mga requirements na kailangan namin pabalik sa china. Habang inaasikaso ni daddy iyon ay may inaasikaso rin sana ako ngayon kong di lang tumawag ang mommy ni tristan at sinabing wala ito sa condo niya kaya ganun nalang ang pag-alala ko kasi baka mapahamak siya lalo na at alam ko kong sino ang pumatay sa mommy ko, hindi pagnanakaw ang balak nila sa bahay kundi gusto talaga nilang mapatay isa sa mga mahal ko sa buhay at yun si mama ang nadali nila. Sila ang mga kagang ni samantha na hangang ngayon ay pinaghahanap parin nang mga pulis dahil nakatakas ito ang kinababahala ko ay baka si tristan ang balikan nila pero wag naman sana dahil sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama Kay tristan. Bago kami lilipad patungong china ay sisiguraduhin kong matapos na ang problema ko kina samantha dahil malakas ang kutob ko na binabantayan rin niya kami para pag-aralan ang bawat kilos ko lalo na ang daddy ko pero alam kong kaya ni daddy kahit wala ako magaling rin siyang makipaglaban gaya ko marami rin siyang napatay noon peroas pinili niyang lumayo nang makilala niya ang mommy ko, binago niya lahat nang pagkatao niya pati pangalan at apelyedo ay nabago niya para di sya masundan sa pilipinas. May matalik rin siyang kaibgang doctor para maisagawa ang pagbabago nang kanyang mukha. Hangang ngayon ay walang nakakahula na siya ang isang kungfu master na kilala sa buong china maging sa pilipinas kilala si daddy dahil minsan na siyang napanuod noon sa mga pelikula na pinagbibidahan nina Jackie chan brus lee at marami pang iba noong kabataan niya. Nakarating na kami sa wakas dito sa condo ni tristan, ginising ko na ito para sabihin na nakarating na kami pero ayw parin nitong magising. Tinitigan ko muna ito nang matagl bago ko idinampi ang aking mga labi sa labi niya pero nagulat nalang ako nang tumugon ito nang halik sa akin. Hinawakan niya ang batok ko at idiniin sa kanya nagpaubaya ako dahil narin sa gusto ito nang puso at isip ko. Tinigil niya ang paghalik sakin, bagkos binuksan niya ang pinto nang kotse at hinila ako palabas. Nagpatinaanod ako hangang sa makarating kami nang elevator nang magsara iyon ay muli nanaman niya akong hinalikan hangang sa marating na namin mismo ang pinto nang condo niya, kinuha niya ang susi mula sa bulsan niya at sinusian ang pintoan para bumukas iyon maya-maya pa au bumukas na ang pinto nilock niya ang pinto at patuloy parin niya akong hinahalikan. Nagpapaubaya nalang ako sa kanyang ginagawa sa akin hindi ko na namalayan na pareho na papa kaming hubot'hubad. Masaya akong ipaubaya sa kanya ang aking sarili. Hangang sa naganap nga ang nais nito sakin, bago siya makatulog ay binanggit niya sakin ang salitang "mahal kita" Napangiti ako kahit di niya sinabi ang pangalan kong sino ang tinutukoy niya sa salitang iyon pero sana nga ako iyon magiging masaya ako kong ako nga iyon. Kahit masakit sa parteng ibabang katawan ko ay nagawa ko paring tumayo para magbihis hindi ako pwedeng magtagal dito nakapag-paalam narin ako sa mga magulang ni trsitan na aalis na ako bilang lady guard nang anak nila hindi narin ako mag-aaral sa school na pinapasukan ko dahil don ko na ito ipagpatuloy sa china. Nag-iwan ako nang sulat sa maliit na Mesa para mabasa niya agad pagkagising niya. Nakalagay roon ang pasasalamat at sa lahat nang masasayang ala-ala . Hindi ko inilagay roon ang pag quit ko sa trabaho dahil sure kaong sasabihin rin nang mga parents niya iyon sa kanya. Sa huling pagkakataon ay muli ko siyang tinitigan nang ilang segundo. Hindi ko maipangangako Kong magkikita pa tayong muli tristan pero sana nga magkita pa tayo ulit at sana sa mga panahong iyon ay wala pang nag-mamay-ari nang puso mo. Iloveyou tristan.. " huling sambit ko sa kanya bago nilisan ang condo niya. May mahalaga pa akong aasikasohin ngayon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD