bc

"I'M HIS LADY GUARD"

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
fated
drama
assistant
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

ANGELINA CHUA ay isang Half Pilipino at Half Chinese na naninirahan sa pilipinas kasama ang mga magulang nito. Hindi sila mayaman at parehong may trabaho sa iisang kompanya ang kanyang mga magulang.Sa mga sinasahod nang mga magulang niya sila kumuha nang pang gastos sa bahay at sa kanyang pag-aaral.ISANG araw ay nagkasakit ang kanyang Ina lumala ito nang lumala hanggang sa magkandabaon-baon sila sa Utang para lang may pambili sila ng gamot nito. Naging dahilan rin iyon nang pansamantalang pag tigil ni angelina sa kanyang pag-aaral para maghanap ng Trabaho.

Hindi na kasi kaya nang Ama niya na kumayod mag-isa.Pansamantala niyang iniwan ang kanyang ina sa kanilang kapitbahay na si Tina para Alagaan muna ang ina nito dahil maghahanap siya ng Trabaho.Makalipas lang ang buong maghapon subalit wala paring tumatanggap sa kanya dahil wala pa naman itong tinapos.

Pauwi na siya nang may madaanan siyang isang karatula na nakasabit sa may gate nang malaking bahay."Wanted Body Guard" iyon ang nakasulat doon.Agad namang nag doorbell si angelina para mag Apply.Isang magandang babae ang bumungad sa kanya, nakangiti ito nang malapad at mukhang mabait naman."Yes iha? Sino sila?" Tanong nang ginang sa kanya."Uhm kuwan mag-aaply po sana ako nang trabaho". Anya."Aaply ka? Kong kasambahay kasi ang Aaplayan mo wala kaming bakante ngayon iha". Malungkot na wika nang ginang sa kanya."Hindi po katulong ang aaplayan ko maam Body Guard po sana". Lakas loob na wika ni angelina dahilan para mapatawa ng mahina ang Ginang."Iha sigurado ka? Lalaki kasi ang hinahanap namin at hindi isang babae at sa tingin ko baka di mo naman kakayanin na maging Bodyguard nang aking anak". Aniya"Opo sigurado ako maam. Bakit hindi niyo muna ako subukan para malaman niyo kong ano ang kaya kong gawin?" Wika ko sa kanya."Hmm gusto ko iyang linya mo iha. Pero sige susubukan kita. Patunayan mo sa akin na kaya mong maging badyguard nang aking anak." Ani nang ginang. Kinuha sa kanya ang dala niyang requirements at binasa naman sa kanyang harapan."Marunong kaba mag drive nang kotse?" Tanong nang ginang sa kanya."Yes po". Mabilis na sagot niya."Okey sige tanggap kana pero ipaalala ko lang sayo ha. Hindi basta-basta ang pagiging bodyguard lalo na at pang 10 kana sa mga nag apply bilang bodyguard nang anak ko pero ang 9 na iyon ay nagpaalam nalang matapos ang isang araw." Pahayag sa kanya nang babae."Bakit naman po?" Curios na tanong niya."Dahil isa sa kanila walang nakapagpabago sa anak kong lalaki, hindi nila ito mapigilan sa gusto at lahat nang katarantaduhan ginagawa niya mapaalis lang ang mga iyon,pinabugbog niya sa mga katropa nito para lang umalis na ang mga ito bilang bodyguard niya bukod tangi ka dahil ikaw lang ang babae na naglalas loob na mag-apply bilang bodyguard.Napanganga si angelina sa narinig dahil subrang sama naman pala nang kanyang babantayan. Pero hindi siya aatras bagkos natuwa pa siya nang malaman nito kong gaano ka sama ang alaga nya niya kinakailangan na niya itong turuan nang leksyon kapag siya ang naging bodyguard nito."Iha bakit natahimik ka ata? Ano aatras kanaba? Sabihin mo na sa akin lalo pa at babae ka baka di mo talaga kakayanin ang anak ko" ani nang ginang sa kanya."Hindi po may iniispip lang ako, hindi po ako aatras"., Matapang na wika ko sa kanya."Hays. Okey iha. Sana nga lang mapabago mo siya pero ayaw kong umasa dahil babae ka. Iasa ko nalang sa itaas ang magiginga pagbabago nang aking anak.Umuwi nang masaya si angelina, pinapabalik siya ngayong hapon rin para doon na manirahan sa bahay nang kanyang magiging amo. Ipakilala rin daw siya nito sa magiging amo niya na anak nang ginang na kausap niya kanina.Nalaman ni angelina na lalaki ito at nasa 23 anyos na. Tapos na ito nang pag-aaral at walang trabaho bukod sa tagapagmana ito nang kompanya nila subalit lagi naman itong nasa bar, nasa galaan kasama ang mga tropa niya kaya kinakailangan nang pabaguhin nang mga magulang ang anak para makapaghanda ito pagdating nang panahon na siya na ang uupo bilang ceo nang kompanya.Nagpaalam naman nang maayos si Angelina sa kanyang ina, ayaw man niyang malapayo dito subalit kailangan niya nang malaking pera para sa pang-gamot nang ina niya. Lalo na at napagkasunduan nila nang ginang kanina na kapag tumagal siya kahit isang linggo sa kanilang bahay ay bibigyan nya agad ito nang 100,000. Kailangan niyang galingan sa trabaho at gagawin niya lahat para mapatino ang anak nang amo niya.Muling iniwan ni Angelina ang ina kay tina, sasahuran nalang niya ito kapag nakasahod na siya.Saktong 6pm nang makarating siya sa bahay nang magiging amo niya.Pinagbuksan siya nang isang katulong at pinapasok sa loob nang bahay. Dinala siya nang katulong sa opisina nang ginang para sabihin na nandito na siya.Pagkakita sa kanya nang ginang ay ngumiti ito."Akala ko umatras kana eh". Biro nang ginang sa kanya."Hindi ako aatras maam." Aniya

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"I'M HIS LADY GUARD" ~CHAPTER 1~ ANGELINA POV: MASAYANG naghahapunan ang mag-asawang amo ko nang biglang may sumigaw na boses lalaki sa tapat nang pinto. Siguro ito na ang anak nila. "Ano 'tong nabalitaan ko na may kinuha nanaman kayong magiging guard ko!" Sigaw niya sa mga magulang nang makalapit na ito. Halos hindi naman makapagsalita ang mga magulang dahil sa takot at gulat sa galit nilang anak. "Son. Ginaw----- Biglang pinutul nang lalaki ang salita nang kanyang ina. "Ginawa niyo nanaman akong bata! Hindi ba kayo nadala na ilang beses ko na silang pinagbalian nang buto! Baka gusto nyo makapatay na talaga ako dahil diyan sa pangingialam nyo sa buhay ko". "Lintek talaga tong lalaking 'to gusto ko talaga siya balian nang buto". Anang isip ko dahil naiinis na talaga ako sa kanya. Kong sigawan nya ang mga ito ay para bang hindi na magulang ang turing niya dito. "Son makinig ka! Hanggat hindi ka nagbabago hindi rin kami titigil nang kakahanap nang magiging guard mo na siyang magpapatino sayo". Sa wakas tumayo na ang ama nito at sinalubong ang tingin nang kanyang anak. "Pagsisisihan niyo ang pagkuha ulit nang bodyguard ko dahil sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan nang araw"! Ani tristan. "Aba talaga bang ginagalit ako nito ha! Ano bang kaya niyang gawin sakin hmm?" Saad nang isip ko. "Asan ang lintek na bodyguard na iyan? Iharap niyo sa akin nang ngayon palang ay ipapakita ko na sa kanya kong ano ang kaya kong gawin". Wika nu tristan. Hindi ko na hinantay pang tawagin ako dahil ako na mismo ang lumapit sa harapn niya para magpakilala total kating-kati na itong kamay kong saktan ang damuho na 'ito! "Ako po sir". Magalang na sambit ko sa kanya nang makalapit ito. Nakaarako naman ang kilay nito na tila di makapaniwala sa nakikita dahil siguro akala niya lalaki anf magiging bodyguard niya. "Ikaw! Sigurado kaba sa pinasok mo. Ang tapang mo namang pasukin ang trabahong ito". Ismid nito sa akin. "Wag niyo akong maliitin sir. Dahil kahit ikaw kaya kong balian nang buto". Deretsahang wika ko sa kanya na ikinangisi niya. Maging ang mga magulang niya ay tila nagulat sa aking sinabi. "Wow ang lakas mo naman babae! Pero wala akong pakialam diyan sa sinasabi mo. Basta ito tandaan mo! Matutulad ka rin sa iba na umalis wala pang isang araw goodluck baby girl, kong sexslave ko sana ang inaply mo baka tanggapin pa kita! Kong ako sayo ngayon palang umalis kana dito kong mahal mo pa ang buhay mo." Ani tristan sa kanya. "Hindi ako aatras". Wika ko na nagpataas muli nang kanyang kilay. "So gusto mo talagang magstay? Humanda ka dahil gagawin ko na sayo ang balak ko.. at kayo !" Baling niya sa mga magulang niya. "Wala kayong ibang sisihin kapag napatay ko ang babaeng ito kundi kayo lang!" Sabay alis nito. Tila kinabahan naman ang mag-asawa sa sinabi nang kanilang anak tiningnan nila ako sa mga mata ko na parang sinasabi sakin na umuwi nalang ako. "Iha, mukhang totohanin nang anak namin ang balak sayo siguro umuwi ka nalang". Anang mommy niya. "Hindi po! Lalo na at nakita ko na ang suwail niyong anak, hayaan niyong ako po ang puputol nang sungay niya, hayaan niyo akong sundan ang anak niyo ngayon magtiwala kayo sakin dahil may gagawin lang ako sa kanya". Paalam ko sa kanila. Nagkatinginan pa sila bago sila tumango tanda nang pumayag sila na sundan ko ang bweset nilang anak. Sinundan ko ito kong saan siya patungo, sa garden nila ito pumunta. Pagdating ko roon ay may kausap siya sa celphone niya.. "Oo! Kailangan niyong pumunta ngayon din dahil may tuturuan tayo nang leksyon! Ayaw umalis pwese daanin natin sa santong paspasan". Narinig kong sabi nito sa kausap niya. Ibinaba na nito ang tawag at saktong paalis na sana papasok sa loob nang nakita ako nito. Umarko ang kilay niya at tiningnan ako mata sa mata. "Kong gusto mo akong turuan nang leksyon bakit hindi ngayon? Bakit kailangan mo pang tumawag nang kasama? Hindi mo ako kaya? Or baka duwag ka lang? Kaya ka lang naman matapang kasi may mga kaibigan ka na tumutulong sayo! Tama ako hindi ba?" Pang-iinsulto ko sa kanya. "Hinahamon mo ba ako?" Seryosong tanong niya. "Oo hinahamon kita! Saktan mo ako ngayon na! Susubukan ko kong hanggang saan ang kaya mo"! Seryosong sagot ko dito. "Wag mo akong subukan". Aniya "Sinusubukan kita! Kaya lumapit ka sa akin kong matapang ka! Saktan mo ako! Suntukin mo ako kong anong gusto mo sakin,basta suguraduhin mo lang na kaya mo akong tamaan". Utos ko sa kanya. Tila nagdadalawang isip pa ito kong gagawin niya ang inuutos ko sa kanya. "Ano natatakot ka? Wala ka pala e duwag ka"! Wika ko sabay talikod sa kanya. Pero ramdam ko na kumilos ito at kumuha nang isang kahoy na nasa gilid lamang nang taniman nang bulak-lak. Ngumisi ako, dahil namiss ko rin ang ganitong eksena sa bahay. "Haaaaaa!"! Aniya, handa na ito para sumugod sakin subalit nailagan ko ito at nahawakan ang isang niyang kamay kahit nakatalikod pa ako, gulat naman ang nakita ko sa mukha niya nang mahawakan ko ang kamay niya, pinaikot ko ito dahilan para mapunta sa likod niya ang kanyang kamay. "Arghh!" Sambit niya tanda na nasasaktan ito sa ginawa ko. "Yun lang ba ang kaya mong gawin?" Wika ko sa kanya. Nagpupumiglas ito subalit mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya dahilan para mapa ouch ito. "Oras na makawala ako dito papatayin kita". Aniya. "Talaga kaya mo?" Pang-iinis ko sa kanya kaya nagpasya akong palayain siya mula sa pagkaikot nang kamay niya sa likod. Galit na galit ang mukha nitong nakatingin sa akin. "Papatayin kita!" Aniya sabay sugod ulit sa akin. Pero sinalubong ko ito nang isang malakas na suntok dahilan para mapahiga ito. Duguan ant ilong, maging ang labi nito dahil sa suntok ko. "Tumayo ka! Dahil hindi pa ako tapos sayo!" Utos ko sa kanya. Sakto namang dumating ang apat na lalaki, nagulat sila nang makita nilang bulagta ang lalaki, malamang ito ang tinawagan niya kanina. "Ang tagal niyo! Bugbugin niyo ang babaeng iyan". Utos ni tristan sa kanilang apat. Nagdadalawang isip ang mga ito dahil babae ako, subalit sumugod parin sila sakin. Ni isa ay hindi nila ako tinamaan dahil sa magaling akong umilag at magaling akong makipaglaban, mamaya ekwento ko kong sino talaga ako. Ako yung tipo nang babae na hindi pinapatagal ang laban gusto ko agad tapusin kaya lahat sila pinatulog kong apat maliban kay tristan na gulat na gulat sa kanyang nasaksihan. "Yun ba ang sinasabi mong tutulong sayo? Mga lampa mga walang silbi, isang babae na tulad ko ay hindi nila kaya ang yabang nyo sa salita pero wala naman pala sa gawa". Saad ko rito. Tumalikod na ako para bumalik sa amo ko nagulat nalang ako nang bigla ako nito pinalo sa likod kaya napaharap ako. "Alam mo ikaw nagugutom na ako! Ang hina mo naman humampas dapat ganito"! Tumalon ako sabay sipa nang malakas sa kanya dahilan para makatulog ito. Tsk! Mga lampa, katawan lang ang malaki pero hindi naman marunong makipag-laban tsk. Iniwan ko silang lima sa garden at bumalik sa mga amo ko,pero nakita ko silang tulala sa tapat nang pinto na nakatingin banda sa kanilang garden. Nagkibit balikat lang ako at dumertso nalang ako sa kusena para kumain dahil nagugutom na ako.. CHAPTER 2 (PAGHIHIGANTI NI TRISTAN AT NANG MGA KAIBGAN NITO KAY ANGELINA)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.1K
bc

Dangerous Spy

read
307.4K
bc

EASY MONEY

read
177.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
15.1K
bc

YOU'RE MINE

read
899.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
198.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook