CHAPTER 2

1565 Words
"I'm his lady guard" [CHAPTER 2] ANGELINA POV: NADATNAN ako nang mag-asawang amo ko na kumain sa misa matapod ko silang lampasan kanina, tahimik silang umupo sa upuan at tiningnan nila ako nang seryoso sa mga mata pero tuloy parin ako sa aking pagsubo. Nginitian ko sila nang malapad bago nagsalita about kanina. "Maam/sir, pasensya na kayo sa nagawa ko sa anak niyo ha. Gusto ko kasing turuan nang leksyon ang anak nyo, wala kasing mudo kong sigawan kayo di na kayo ginagalang. Ayaw ko po kasi nang ganun kasi nakakagalit talaga lalo na po at di nyo siya napipigilan sa ugali niya tuloy parin siya pero gaya nga nang sinabi ko sa inyo wala po akong pinagsisihan sa ginawa ko sa kanya dahil sumusubra na po siya subrang haba na Kasi nang sungay at kailangan ko na itong putulin". Mahabang salaysay ko sa kanila. Tahimik lang silang makikinig sakin at maya-maya lang ay bigla silang tumawa nang malakas na ikinagulat ko. "Weird naman nang mga ito". Anang isip ko. "AHAHAHHA! Wag ka mag-alalal iha hahaha natuwa kami sa ginawa mo lalo na doon sa mga kaibigan niya kahit paano siguro ay matuto na siya. Pero di namin akalain na sa ganyang liit mo kaya mo silang patumbahin Isa-isa. Parang sanay na sanay kana sa ganung labanan tapatin mo nga kami iha sino ka ba talaga?" Tanong nang daddy ni tristan sakin. Pero Hindi pa ako handang sabihin sa kanila kong sino talaga ako dahil masyadong sekreto ang pagkatao ko at hindi Ito pwedeng malaman nang iba liban sa amin nang pamilya ko. "Ang totoo po kasi niyan natuto lang po akong lumaban dahil sa mga napapanuod ko sa tv, mahilig kasi ako sa mga Chinese movies gaya nila Jackie chan ,jetli at brus lee". Pagsisinungaling ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito at parang naniwala naman. "Wow! Ang galing mo naman iha bilib ako sayo dahil di ako nagkamaling tanggapin ka sa bahay namin. Salamat ha..sana nga tuluyan nang magbabago ang anak namin, wala na kasing ibang magmamana sa kompanya kong hindi siya titino." Malungkot na may halong tuwang pagkasabi nang mommy ni tristan "Hayaan niyo lang po akong patitinuin ang anak niyo maam/sir dahil sisiguraduhin kong magbabago rin ang anak niyo balang araw". Sagot ko dito. "Nga pala maam, nasa garden po sila nakatulog". Wika ko. "Hayaan mo sila don hangang sa magising para naman magtanda sa ginawa nila". Anang daddy niya na ikinatango naman nang mommy niya. Sabagay Gabi naman na don na sila matulog. Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain, tapos narin silang kumain maliban sa limang lalaki na gang ngayon tulog parin. Nagshower muna ako dahil nakasanayan ko na ito bago matulog, ilang minuto rin at natapos na ako, nagpalit narin ako nang aking pantulogm tinawagan ko ang mga magulang ko pagkahiga ko sa aking kama. Nagkamustahan lang kami at nabalitaan ko na medyo okey na ang lagay nang mama ko kaya kahit paano masaya na ako roon hangang sa natulog narin ako nang tuluyan. MADALING umaga nang nagising ako sa malakas na katok mula sa pinto nang aking kwarto. Naaliputangan ako dahil dis oras palang nang gabi ay may nang iistorbo nang tulog ko. Lalakad na sana ako sa tapat nang pinto nang maalala ko sina Tristan sa labas. Kaya bumalik ako sa pagkahiga dahil siguradong si tristan ang kumakatok nang malakas. "Bahala kayo sa buhay nyo!" Anang isip ko at inignore na ang kumakatok sa pinto dahil inaantok pa ako. TRISTAN POV: NAPADILAT ako nang aking mata nang maramdaman ko ang lamig sa aking katawan. Nagulat ako kong bakit nakikita ko ang mga bituin maging ang buwan. Bigla akong bumangon at naalala ang nangyari kanina. Humanda ka saking babae ka! Nakita ko sa magkaibang pwesto ang mga tropa ko! Mga bweset walang binatbat don sa maliit na babaeng 'yon ni hindi manlang nila natamaan ni isang buhok ata sa babaeng yun walang nakuha! Grrr talaga inuubos niya pasensya ko napakayabang niya makikita niya mamaya at makakaganti rin ako sa kanya! Agad kong ginising ang mga kaibigan ko, paika-ika akong naglakad patungo sa lugar kong saan sila nakahilata nang patulogin nang babaetang iyon! "Hoy mga sira ulo gumising kayo"! Gising ko sa kanila..ilang saglit lang at tuluyan na silang bumangon, tila di pa nila naalala ang nangyari kanina. "Ano ba! Inaantok pa yong tao eh nangigising ka!" "Oo nga! Anlamig naman!" Reklamo nang dalawa kong kaibigan na sina Gerald at stephen, samantalang ang dalawa na sina jason at Andrew ay tila naalala na ang nangyari dahil binatukan nila pareho sina gerald at stephen. "Mga ugok! Wala tayo sa sariling kwarto! Nandito tayo sa garden nila tristan nakatulog dahil don sa kagagawan nang babae"! Ani andrew. Naalala rin bigla nang dalawa ang nagyari kong bakit sila nakatulog. "Saan na siya gusto kong maghiganti sa ginawa niya! Sinira niya mukha ko"! Andrew "Ako rin sinira niya rin mukha ko, sayang kapogian ko". Jason "Buti sa inyo mukha sakin halos lahat katawan ko nabugbog nang babaeng 'yon". Tristan. Tawa naman nang tawa sina Stephen at gerald. "Tawa pa Kayo akala nyo naman di kayo nabugbog aminin niyo na". Duet ni andrew at jason kaya natahimik ang dalawa. "Makinig kayo sa akin, maghihiganti tayo". Anunsyo ko sa kanila. "Teka nga muna pare sino ba ang babaeng 'yon?" Tanong nilang apat sakin. "Siya daw ang magiging bodyguard ko sabi nila mom at dad". Pikong sagot ko sa kanila kaya nagtawanan nanaman silang apat. "Bakit ba?! Sigaw ko sa kanila sakto lang na kami ang makarinig dahil gabi na i mean madaling araw na dahil tiningnan ko ang oras 2am na nang madaling araw, di namin maalala kong ilang oras kami nakatulog dito sa labas. Mas kinasasama ko nang loob kong bakit hinayaan lang kaming makatulog dito nang mga magulang ko! "Kasi naman bro mukhang may nahanap na sila tito na katapat mo hahahah ayaw mo sa mga lalaking bodyguard kaya dito sa babae mukhang titino kana". Tudyo ni jason sakin. Binatukan ko ito saka tumayo kahit masakit ang balakang ko buo parin ang disisyon kong ituloy ang paghihiganti sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan nang araw bukas, sumama kayo sakin sigurado akong natutulog siya ngayon kailangan natin mapasok ang kwarto niya". Yaya ko sa kanila. Sumunod naman sila sakin parehas kaming lima na paika-ika idagdag pa yung pareho kaming apat na may galos sa mukha. Kainis mas subra ata sakin dahil pati labi ko pumutok sa ginawa niya! Babae ka maghintay ka sakin at di kana sisikatan nang araw bukas. Handa na kaming lima, nasa tapat na kami nang kwarto nang babaeng iyon, lahat kami ay may dala-dalang pambugbog para makapaghiganti. Bahala na kong mapapatay namin siya wala akong awa dahil ayaw ko sa lahat 'yong pinakiaalaman ang buhay ko, kapag napatay namin ang babaeng yun mamaya walang ibang sisihin dito kundi sila mom at dad. Kumatok muna kami para buksan niya ang pinto, pero nakailang katok kami pero walang tumutugon, mukhang tulog na tulog ito. Sumenyas ako sa kanilang apat na wag silang maingay dahil bubuksan ko ang pinto dahil may double key naman ako sa kwartong 'to. Pumunta ako sa may kwarto ko at kinuha ang susi non at bumalik ako kaagad. Ipinasok ko na ang susi sa lock nang maya-maya pa ay nag click iyon na ibig sabihin ay bukas na. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at tumambad sakin ang madilim na kwarto. Pero naaninag ko ang isang bulto nang tao na walang iba kundi ang mestisang hilaw na iyon! Wala na akong inaksayang oras at basta-basta ko nalang iyon pinagpapalo, ganun rin ang mga kaibigan ko tumulong narin sila sa pagpalo hanggang sa magsawa kaming lahat. "Tiyak na patay na iyan". Wika ko. "Sigurado yan, buti nga sa kanya at nakaganti tayo". Ani jason. "Oo nga. Teka kailangan na natin itago ang bangkay nya bago pa tayo mahuli nang mga magulang mo at isuplong sa pulis ayaw kong makulong". Ani andrew. Tama ito kailangan namin itong itago agad. Akmang bubuhatin na namin ito nang wala kaming makapang tao maliban lamang sa unan na tinabunan lang nang kumot. Naisahan nanaman kami nang babaeng 'iyon"! Maya-maya pa ay nagulat nalang ako nang may biglang may tunog akong narinig na bumagsak sa sahig. Bagsak na ang mga kaibigan niya alam niya kong sino may gawa non ang babae. Biglang lumiwanag ang paligid, nakita kong nakatayo si babae sa tapat nang switch nang ilaw habang nakatingin ito sakin. Nakapantulog pa ito halatang pilit ang gising niya. "So. Maghihiganti ka?" Wika niya sa mahinang boses. "Oo! Lalo na sa mga ginawa mo sa amin". Sagot ko. "Sinong amin?" Aniya "Samin nang mga kaibgan ko bweset ka"! Dugtong ko. "Sila ba?" Sabay turo niya sa likuran ko. Doon ko lang napansin na nakabulgta nanaman sila. Fuck! Pano niya nagawang patumbahin ang mga ito gayong madilim ang paligid subrang bilis niya naman. Hindi ba talaga namin ito matatalo? "Ikaw!!!!!" Sambit ko na lamang dahil sa inis na aking nararamdaman sa kanya habang sumusugod hawak ang pampalo sa kanya Pero sinangga nya lang ito at muli nanaman niya akong nahawakan at iginapos patalikod sa kanya. "Alam mo ikaw ha! Inaantok pa ako e tapos iistorbohin mo ako, ang ayaw ko sa lahat ang ginigising ako sa oras nang tulog ko! Kaya mas mabuti pang matulog ka narin". Huling naalala kong sambit niya bago nagdilim ang paningin ko dahil sa pagpalo nito sa aking batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD