Story By Nenjo vlog
author-avatar

Nenjo vlog

bc
"I'M HIS LADY GUARD"
Updated at Jul 4, 2023, 21:42
PROLOGUE ANGELINA CHUA ay isang Half Pilipino at Half Chinese na naninirahan sa pilipinas kasama ang mga magulang nito. Hindi sila mayaman at parehong may trabaho sa iisang kompanya ang kanyang mga magulang.Sa mga sinasahod nang mga magulang niya sila kumuha nang pang gastos sa bahay at sa kanyang pag-aaral.ISANG araw ay nagkasakit ang kanyang Ina lumala ito nang lumala hanggang sa magkandabaon-baon sila sa Utang para lang may pambili sila ng gamot nito. Naging dahilan rin iyon nang pansamantalang pag tigil ni angelina sa kanyang pag-aaral para maghanap ng Trabaho. Hindi na kasi kaya nang Ama niya na kumayod mag-isa.Pansamantala niyang iniwan ang kanyang ina sa kanilang kapitbahay na si Tina para Alagaan muna ang ina nito dahil maghahanap siya ng Trabaho.Makalipas lang ang buong maghapon subalit wala paring tumatanggap sa kanya dahil wala pa naman itong tinapos. Pauwi na siya nang may madaanan siyang isang karatula na nakasabit sa may gate nang malaking bahay."Wanted Body Guard" iyon ang nakasulat doon.Agad namang nag doorbell si angelina para mag Apply.Isang magandang babae ang bumungad sa kanya, nakangiti ito nang malapad at mukhang mabait naman."Yes iha? Sino sila?" Tanong nang ginang sa kanya."Uhm kuwan mag-aaply po sana ako nang trabaho". Anya."Aaply ka? Kong kasambahay kasi ang Aaplayan mo wala kaming bakante ngayon iha". Malungkot na wika nang ginang sa kanya."Hindi po katulong ang aaplayan ko maam Body Guard po sana". Lakas loob na wika ni angelina dahilan para mapatawa ng mahina ang Ginang."Iha sigurado ka? Lalaki kasi ang hinahanap namin at hindi isang babae at sa tingin ko baka di mo naman kakayanin na maging Bodyguard nang aking anak". Aniya"Opo sigurado ako maam. Bakit hindi niyo muna ako subukan para malaman niyo kong ano ang kaya kong gawin?" Wika ko sa kanya."Hmm gusto ko iyang linya mo iha. Pero sige susubukan kita. Patunayan mo sa akin na kaya mong maging badyguard nang aking anak." Ani nang ginang. Kinuha sa kanya ang dala niyang requirements at binasa naman sa kanyang harapan."Marunong kaba mag drive nang kotse?" Tanong nang ginang sa kanya."Yes po". Mabilis na sagot niya."Okey sige tanggap kana pero ipaalala ko lang sayo ha. Hindi basta-basta ang pagiging bodyguard lalo na at pang 10 kana sa mga nag apply bilang bodyguard nang anak ko pero ang 9 na iyon ay nagpaalam nalang matapos ang isang araw." Pahayag sa kanya nang babae."Bakit naman po?" Curios na tanong niya."Dahil isa sa kanila walang nakapagpabago sa anak kong lalaki, hindi nila ito mapigilan sa gusto at lahat nang katarantaduhan ginagawa niya mapaalis lang ang mga iyon,pinabugbog niya sa mga katropa nito para lang umalis na ang mga ito bilang bodyguard niya bukod tangi ka dahil ikaw lang ang babae na naglalas loob na mag-apply bilang bodyguard.Napanganga si angelina sa narinig dahil subrang sama naman pala nang kanyang babantayan. Pero hindi siya aatras bagkos natuwa pa siya nang malaman nito kong gaano ka sama ang alaga nya niya kinakailangan na niya itong turuan nang leksyon kapag siya ang naging bodyguard nito."Iha bakit natahimik ka ata? Ano aatras kanaba? Sabihin mo na sa akin lalo pa at babae ka baka di mo talaga kakayanin ang anak ko" ani nang ginang sa kanya."Hindi po may iniispip lang ako, hindi po ako aatras"., Matapang na wika ko sa kanya."Hays. Okey iha. Sana nga lang mapabago mo siya pero ayaw kong umasa dahil babae ka. Iasa ko nalang sa itaas ang magiginga pagbabago nang aking anak.Umuwi nang masaya si angelina, pinapabalik siya ngayong hapon rin para doon na manirahan sa bahay nang kanyang magiging amo. Ipakilala rin daw siya nito sa magiging amo niya na anak nang ginang na kausap niya kanina.Nalaman ni angelina na lalaki ito at nasa 23 anyos na. Tapos na ito nang pag-aaral at walang trabaho bukod sa tagapagmana ito nang kompanya nila subalit lagi naman itong nasa bar, nasa galaan kasama ang mga tropa niya kaya kinakailangan nang pabaguhin nang mga magulang ang anak para makapaghanda ito pagdating nang panahon na siya na ang uupo bilang ceo nang kompanya.Nagpaalam naman nang maayos si Angelina sa kanyang ina, ayaw man niyang malapayo dito subalit kailangan niya nang malaking pera para sa pang-gamot nang ina niya. Lalo na at napagkasunduan nila nang ginang kanina na kapag tumagal siya kahit isang linggo sa kanilang bahay ay bibigyan nya agad ito nang 100,000. Kailangan niyang galingan sa trabaho at gagawin niya lahat para mapatino ang anak nang amo niya.Muling iniwan ni Angelina ang ina kay tina, sasahuran nalang niya ito kapag nakasahod na siya.Saktong 6pm nang makarating siya sa bahay nang magiging amo niya.Pinagbuksan siya nang isang katulong at pinapasok sa loob nang bahay. Dinala siya nang katulong sa opisina nang ginang para sabihin na nandito na siya.Pagkakita sa kanya nang ginang ay ngumiti ito."Akala ko umatras kana eh". Biro nang ginang sa kanya."Hindi ako aatras maam." Aniya
like
bc
FALLING INLOVE WITH YOU
Updated at Oct 21, 2021, 23:30
Simple lang ang pangarap ni Savanah, ang mahanap naging kaibigan niya noong bata pa siya. Nangako rin kasi sa kanya noon ang batang lalaki na babalikan siya nito kapag malaki na siya para daw muling ipagtanggol sa mga nang-aaway sa kanya. Siya lang ang bukod tanging naging kaibigan at malapit kay savanah kaya ganon nalang ang pagpupurse niya na mahanap ang kuya-kuyahaan niyang si Dandan. Pero paano kong ang taong hinahanap pala ay nasa malapit lang at hindi nila nakikilala ang isat-isa? Magkakaroon kaya ng pagkakataon na makilala at makasama ulit ang isat-isa? Paano kong ang lalaking hinahanap pala ni savanah ay ang lalaking pantasya ng lahat, ng mga kababaihan ang lalaking mahirap pangarapin dahil tila kay hirap nitong abotin. May pag-asa bang magtakbo ulit ang landas nilang dalawa at ipaliwanag dito na dati na silang magkakilalang dalawa.
like
bc
BAYARANG BABAE
Updated at Oct 12, 2021, 09:03
BAYARANG BABAE" PROLOGUE.. Sa isang syudad nang maynila ay may isang magandang dalaga na bukod tangi sa lahat. Bukod kasi sa mganda na, matalino pa at ubod nang bait. Siya si Mariposa. Mabilis siyang magustuhan nang mga kalalakihan kahit na 17 anyos pa lamang ito. Subalit tinatanggihan lahat nang dalaga dahil ang nais lamang nya sa buhay ay makatapos muna sa pag-aaral para maiahon sa hirap ang buhay nilang mag-ina. Wala nang Ama ang dalaga pero meron naman siyang ina na na si Aleng Minerva na nagtataguyod ng kanyang pag-aaral. Mabait ang ina nya at tulad nya ay may pangarap rin ito sa kanya na gustong ipatupad dito yon ay ang makatapos sya. Pero nong 1st year collage palang ang dalaga ay nagkaroon nang boyfriend ang nanay niya. Si anton, si anton ang naging kasintahan nang kanyang ina. Mayaman si anton pero nagkagusto ito sa nanay niya na single mom at malayo ang agwat nang edad nila. Si anton ay 35 lamang samantalang ang kanyang ina ay 38 na. Medyo bata pa naman tingnan ang nanay niya dahil mahilig itong mag-ayos nang kanyang sarili. Mabait naman si anton sa kanya nong una pero simula nang nagsama na ang nanay niya at si anton sa iisang bahay ay doon na nagsimulang magkaroon nang kalbaryo sa buhay ni mariposa. Tatlo lang sila sa bahay ni anton, doon na kasi sila nakatira dahil narin sa kagustuhan ni anton na makasama na sila bilang isang pamilya pero di alam ni aleng minerva na may masama palang balak ang nobyo nya sa kanyang anak. Tuwing wala si minerva sa bahay ni anton ay impyerno naman ang buhay ni mariposa sa kanyang amain na si anton. Ilang beses na siyang ginahasa ni Anton, hindi magawang magsalita ni mariposa sa ina dahil natatakot siyang patayin silang dalawa ni anton. Labag man sa kalooban ni mariposa ay wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya. Lalo na at sa unang pagtatalik nila ni anton ay lasing siya at halatang hayok na hayok sa lalaki dahil pala sa drugs na nilagay ni anton sa inumin ni mariposa. Kinunan nya ito ng vedio at ginawang panakot kay mariposa. Ayaw niyang mapahiya lalo na at siya lang ang nakakaalam nang totoong nangyari sa kanya siya lang ang nakakaalam at wala nang iba. Pwede siyang baliktarin ni anton para siya ang mapahiya sa huli ay natahimik na lamang siya. Tanging iyak na lamang ang nagawa niya para sa kanyang sarili. Paano nga ba maipagtatanggol ni mariposa ang kanyang sarili mula sa kanyang Amain? At paano nga ba siya mapunta sa pagiging bayarang babae?
like
bc
The Boss And His Maid Is Fallen Into Each Other
Updated at Oct 5, 2021, 22:26
PROLOGUE Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang katulong ay pakakasalan ng kanyang boss which is Mayaman. Siya si Sandra mahirap lang ang pamilya na kanyang pinagmulan ngunit mayaman naman sa pagmamahal dahil sa mabuti niyang mga magulang. High school lang ang natapos ni sandra at tanging pagbubukid lang ang hanap buhay ng kanyang mga magulang. Pero kahit ganon paman ay hindi niya ikinahihiya na ganon ang trabaho ng magulang niya. Masaya naman sila subalit nagkaroon ng pagsubok ang pamilya ni sandra na naging dahilan para lumuwas sya ng maynila para maghanap ng trabaho para siya naman ang makatulong sa mga magulang. Nagkasakit ang tatay niya na naging dahilan para hindi na ito makapag trabaho dahil sabi ng doctor ay di na daw ito makakalakad. Sinolo lahat ng nanay niya ang trabaho sa bukid pero dahil babae ito ay di nito mapantayan ang trabaho ng tatay niya noon. Nilisan na nga ni sandra ang kanilang bayan para tumungo sa manila, ayaw man sya payagan ng mga magulang ay disidido na talaga siyang umalis.
like