Chapter 6

1134 Words
Kamari's Pov KINAKABAHAN na ako dahil nandito na ako sa office ni sir Evander. Start na ang duty ko bilang secretary niya. Kabado ako pero alam ko kaya kung gawin ng maayos ang trabaho ko. Hindi naman ako sa trabaho kinakabahan eh, sa boss ko ako kinakabahan dahil panay ang titig sa 'kin. Kahit yata saan ako maglakad sa loob ng office niya ay nakasunod ang mata niya sa galaw ko. Nag-aayos ako ng mga papeles dahil sabi ng isa pa niyamg secretary na ayusin ko daw 'to. Nagulat talaga ako dahil may isa pa pala siyang secretary pero ang table no'n ay nasa labas ng office ni sir Evander. Natatarayan pa naman ako sa mukha ng babae pero ang sabi niya ay mataray lang daw ang mukha niya pero mabait naman daw siya. Ganun lang daw talaga ang mukha niya kaya dapat daw ay masanay na daw ako na ganun ang mukha niya. Natapos na ako sa ginagawa ko kaya tumingin ako sa gawi ng boss ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na siya talaga ang may-ari ng kompanyang 'to. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko ng magtagpo ang titig namin dalawa. Napaiwas nalang talaga ako ng tingin dahil kanina pa talaga ako hindi komportable sa kanya. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. "Ahm.. tapos na po ako dito, sir. May ipapagawa ka pa po ba sa 'kin?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung ano pa ang isusunod ko. Kung hindi pa nga ako inutusan ng secretary niya ay baka tumunganga lang ako sa office niya. Ayaw niya kasi akong utusan dahil baka mapagod daw ako. "Yes. May ipapagawa ako sayong mahalagang bagay." Sabi niya sa seryosong boses. Napatayo ako ng tuwid at agad na naglakad papunta sa harap ng office table niya. "Ano po yun, sir Evander? Do you like coffee? Ipagtitimpla po kita agad." Nakangiti kong tanong sa kanya. Kailangan ko talagang ngumiti kahit pa nga naiilang ako sa titig niya. Umiling naman siya saka inangat ang isa niyang kamay at tinuro ang upuan na nasa harapan ng table niya. "Sit down," utos niya kaya dali-dali naman akong umupo. Baka kasi may iuutos siya sa 'kin o kaya ay kailangan niya ng tulong ko. "Nakaupo na po ako, sir Evander. Ano pong gagawin ko?" Tanong ko habang nakangiti parin. "Wala. Dyan ka lang habang may ginagawa akong trabaho." Saad niya kaya kumunot ang noo ko. "Po?" Takang tanong ko. Nakatitig parin siya sa 'kin saka ngumiti. "I need you. Kaya diyan ka lang! Umupo ka lang diyan para ganahan ako mag trabaho." Sagot niya kaya napakurap-kurap ako ng mata. Seryoso ba talaga siya? "P-Pero sir.. hindi naman yata tama na nakaupo lang po ako dito habang sinasahuran mo po ako. Dapat po may gawin po ako," saad ko dahil ayaw ko ng sinabi niya. Ewan ko ba dito kay sir, kanina pa niya ako gustong hindi pa trabahuin. Secretary nga niya ako pero gusto naman niyang nakaupo ako. "May ginagawa ka naman, agapo mou." Sabi niya. Ayan na naman siya sa tawag niya sa 'kin. Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa paligid at baka sakaling may makita akong kalat na papeles. Ngunit masyadong malinis ang office niya kaya mas lalo akong napabuga ng hangin. Para bang wala na akong gagawin dito sa opisina niya. Parang gusto ko nalang maglinis para malibang ako dito. "Wala naman po eh. Pinapaupo mo lang po ako," sabi ko habang nakanguso. Hindi ito ang ang ine-expect kong trabaho ko. Akala ko magiging busy ako at hindi magkaugaga sa first day of work ko. Yun pala uupo lang ako sa harap ng boss kong sinasabi na asawa daw niya ako. Hindi na ako kumontra sa boss ko at hinayaan siya sa gusto niya. Bahala na siya sa buhay niya. Ang mahalaga ay may sahod ako kahit nakaupo lang ako dito. Ibinalik niya ang tingin niya sa binabasa niyang papeles at minsan ay sinusulyapan niya ako. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag hindi siya nakatingin dahil para siyang takot na mawala ako sa paningin niya. Nagtataka na talaga ako sa lalaking 'to kung bakit ganito na lang ang asta niya. Sino ba naman kasing mag-aakala na may lalaking tatawag sa 'kin na agapi mou. Alam ko na kasi ang meaning na yun kaya nakakagulat talaga. "Sir Evander.." sambit ko sa pangalan niya sa mahinang boses. Tumingin naman siya sa 'kin at binitiwan ang hawak niyang papel. "What is it?" Tanong niya habang titig na titig sa 'kin. Tumikhim ako dahil ayan na naman kasi siya. Hindi ako komportable talaga sa titig niya. Para bang may gumagalaw sa tiyan ko na hindi ko alam kung ano. "May tanong po sana ako. Kung okay lang po sa'yo." Sabi ko kaya ngumiti siya sa 'kin. Hindi naman siya nagsalita kaya naisipan ko na baka hinihintay niya ang sasabihin ko. "Bakit titig ka ng titig po sa 'kin? May dumi po ba ang mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Baka naman kasi kumalat na pala ang lipstick ko at kanina pa niya ako tinatawanan. "Nakakawala ng pagod kapag tinititigan ka, agapi mou." Sagot niya agad. Gusto ko sanang umirap dahil sa sagot niya pero naalala ko na boss ko siya kaya wag na lang. Dapat mabait ako dahil nasa loob ako ng kompanya niya. Mahirap na.. baka pulutin ako ng mga gwardya dito at kaladkarin palabas ng office. "Yung totoo po, sir Evander. Nakakapagtaka ka na po talaga. Akala ko po talaga scammer ka nong una at nagpapanggap na mayaman. Pero ngayon, mas lalo po akong nagtataka dahil sa lagi mong pagtawag na agapi mou sa 'kin. Napaka imposible na may lalaking mayaman na magkakagusto sa katulad ko na mahirap na wala namang ipagmamalaki sa buhay." Mahaba kong sabi. Gusto ko talaga malaman ang dahilan niya kung bakit siya ganito sa 'kin. Pinalagpas ko na nga ang pagsundo niya sa 'kin sa bahay ko pero itong trato niya sa 'kin na ayaw niya akong utusan ay parang labag na talaga sa loob ko. Yung ibang mga empleyado kasi ay todo kayod at busy na busy sa kani-kanilang mga tarabaho kaya hindi naman ako papayag na wala akong gawin dito. Paano ako matuto kung uupo lang ako. Dinaig ko pa ang may-ari ng kompanya sa ginagawa ko. Bumuntong hininga nga ang boss ko dahil sa sinabi ko. "Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo ang lahat, agapi mou. Pero hayaan mo lang ako na tawagin ka ng ganun dahil nakasanayan ko ng tawagin kang my love." Sabi niya kaya napalunok ako ng laway. Magkatitigan lang kaming dalawa at para bang nagsusukatan kami ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya kaya iniwas ko nalang ang tingin ko. Ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD