Chapter 7

1309 Words
Kamari's Pov ONE WEEK na akong nagtra-trabaho bilang secretary ni sir Evander, one week na din akong naiinis sa mga pinag gagawa niya. Paanong hindi ako maiinis kung palagi na lang niya akong hinahatid pauwi sa bahay. Sa umaga naman ay sinusundo parin niya ako kahit pa nga pinagsabihan ko na siya na wag niya akong sunduin. Nakakainis na minsan pero hindi ko naman siya mapigilan dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang kalsada. Mayor ba ako para pigilan siya. Kahit yata mayor ay hindi siya pwedeng pigilan. Matigas ulo niya kaya hindi ko na aasahan na makikinig siya. Nasa bahay pa ako ngayon pero nakapag bihis naman na ako. Tinitirintas ko lang ang buhok ko dahil hindi ako naligo ngayong araw. May dalaw kasi ako kaya tinamad akong maligo. Wala naman kasing aamoy sa 'kin kaya ayos lang na hindi ako maligo. Natapos na ako sa ginagawa ko kaya umupo na muna ako para ubusin ang kape na tinimpla ko kanina. Lumamig na siya sa dahil nahirapan ako ayusin ang mahaba kong buhok. Naiinis ako dahil paulit-ulit lang ako. Tumayo na din ako agad at inilagay ang tasa na ginamit ko sa lababo. Mamaya ko nalang huhugasan yun pag uwi. Ang out kasi namin sa office ay 6PM. Hindi naman ako nahihirapan pauwi dahil lagi naman akong hinahatid ni sir Evander. Kinuha ko na ang shoulder bag ko saka ako tuluyang naglakad palabas ng bahay. Sinigurado ko din na naka lock ang pinto ng bahay. Habang ginagawa ko yun ay nagulat na lang ako na may umamoy sa tuktok ng ulo ko. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita si sir Evander. Ang sarap talaga niyang pektusan pero wag nalang dahil gwapo siya. "Nandito ka na naman, sir Evander!" Saad ko habang naka pameywang sa harap niya. Tumawa naman siya ng mahina habang nakatitig siya sa 'kin. Ewan ko ba, sa t'wing nakatitig siya sa 'kin ay para bang sinasabi niya na ako lang ang babaeng maganda sa paningin niya. Hindi naman sa pag fe-feeling pero yun talaga ang nararamdaman ko kapag nakatitig siya sa 'kin. "Sinabi ko naman kasi sa'yo na wag mo na po akong sunduin, sir Evander. Ang kulit mo talaga." Saad ko at hindi ko ipinakita sa kanya ang ngiti sa labi ko. Gusto kong malaman niya na seryoso talaga ako para sana tumigil na siya. Pero alam ko kahit anong sabihin ko ay para bang lumulusot lang sa kabilang tenga niya. "Hanggat hindi tayo magkasama sa iisang bahay ay susunduin kita at ihahatid pauwi, agapi mou. Hindi mo ko mapipigilan sa gusto ko kaya tanggapin mo nalang ang kakulitan ko." Saad niya kaya nalulot ang mukha ko. "Ewan ko talaga sa'yo, sir Evander." Pagsuko kong sabi at nagsimula na akong maglakad. Nilagpasan ko lang siya at tuluyan akong naglakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman ko naman si sid Evander sa likuran ko kaya hinayaan ko nalang siya. "I like your hair, agai mou. Ang ganda mo pala lalo kapag naka tirintas ang buhok mo." Sabi niya sa 'kin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigalan ang ngiti ko. Ayaw kong kiligin sa harap niya kaya dapat lang kalmado ako. Hindi ako nagsalita dahil baka tumili lang ako eh di nahuli akong kinikilig. Napasinghap ako ng pagsiklupin ni sir Evander ang kamay namin dalawa. Wala talaga siyang paalam kapag ginagawa niya yun. Apat na beses na yata kaming magka holdimg handa kaya ang mga mata ng mga tsismosa ay halos lumuwa. Kasalanan talaga 'to ni sir Evander eh, amg dami tuloy pumupunta dito sa bahay namin para mangutang sa 'kin. Akala yata nila mayaman ako. May boyfriend daw kasi akong mayaman kaya mayaman na daw ako. Diyos ko! mga mindset talaga ng mga kutang lupa. Yung iba pa ay nagtatanong sa 'kin kung may kilala pa ba daw akong mayaman na lalaki. Gusto kasi nila makabingwit din ng gwapo kaya nila ako pinipilit. Ewan ko kung bakit nila naisip yun. Natatangahan talaga ako sakanila. "Hindi ako sasabay sa'yo, sir Evander." Sabi ko nalamang. Napahinto sa paglalakad si sir Evander at kunot noo siyang lumingon sa 'kin. "Why? Are you going somewhere?" Tanong niya sa seryosong boses. "Ahm.. meron po. Pero wag ka pong mag-alala dahil hindi po ako malalate. Saglit lang naman po ako eh." Sabi ko kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Gusto ko na kasing wag niya akong sunduin dito sa lugar namin. Iniisip ko kasi na baka pagtripan siya ng mga tambay dito. Ayaw ko naman mapahamak siya kahit pa nga malaki ang katawan niya at isang sakal lang niya sa mga payatot na tambay ay mamatay agad. "Wala ka namang pupuntahan, agapi mou. Iniiwasan mo lang yata ako," sabi niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang salitang tumpak pero wag nalang at baka buhatin niya ako at ipasok sa loob ng sasakyan niya. "Meron nga po," sagot ko habang hinahalukay ang isipan ko kung ano ang palusot ko. "P-Pupunta po kasi ako sa grocery saglit. Bibili po kasi ako ng napkin." Palusot ko kahit hindi naman talaga. Alam kong papayag siya lalo na't napkin ang sinabi ko. Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay. "Ako na ang bibili, agapi mou. Kahit isang truck pa bibilhin ko para sa'yo." Sabi nya kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. Para talaga siyang timang. "Tumigil ka nga, sir Evander." Saad ko sabay irap sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan na supladahan siya dahil sa kakulitan niya. "Sasabay ka sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo, agapi mou." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Ang bilis ng kamay niya kaya hindi ko naiwasan. Wala na akong nagawa ng hilain ako ni sir Evander papunta sa kung saan naka park ang sasakyan niya. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kakulitan niya. "Ang kulit mo talaga, sir Evander." Sabi ko habang hila-hila niya ako. "Makulit talaga ako, agapi mou." Sabi niya kaya napabuga nalang ako ng hangin at hindi na sumagot pa. Baka ma highblood lang ako ng maaga sa kanya. Nakarating kami sa harap ng sasakyan niya at agad niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat at ipinasok ako sa loob. Hindi na ako umangal pero naka simangot ang mukha ko. Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay tumingin ako sa paligid at nakita na naman ang mga kapitbahay ko na mga tsismosa. Yung isa nakangisi, yung isa nakasimangot at yung isa daldal ng daldal habang palipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa kasama niya. Mga wala talagang magawa sa buhay nila. Pumasok si sir Evander sa driver seat kaya lumingon ako sa gawi niya. Nakasimangot parin ang mukha ko para alam niyang hindi ako masaya sa pinaggaawa niya. Kahit advantage naman talaga para sa 'kin dahil hindi na ako mapapagod maghanap ng masasakyan. Hindi na din ako mamasahe pero kasi.. nahihiya na ako na panay ang punta niya dito. Ako na tuloy palagi ang topic ng nga kapitbahay ko. Lumingon sa 'kin si sir Evander habang binubuhay ang makina ng sasakyan. "Meron ka ba ngayon?" Tanong niya kaya nanlaki ang mata ko. "Ha? P-Paano mo nalaman?" Tanong ko pa sa kanya. "Joke ko lang naman yung napkin na bibili ako." Dagdag ko pang sabi. Ngumiti lang siya sa 'kin saka hinawakan ang buhok ko. Inaayos din niya ang baby bangs ko sa noo kaya natigilan ako. "Inamoy ko ang ulo mo, agapi mou. Alam ko kapag meron ka o wala." Sagot niya sa makahulugang boses. Hindi naman ako nakasagot dahil nagulat ako. Naglagay kasi ako ng pabango sa ulo ko para hindi mahalata na hindi ako naligo ngayong araw. Tumawa lang ng mahina si sir Evander at agad na pinausad ang sasakyan. Napaka misteryoso talaga ni sir Evander at hindi ko alam kung bakit siya ganito. Para bang alam na alam niya ako. Pati nga yata kilos ko ay alam niya kaya nakakapagtaka talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD