Kamari's Pov
MAAGA ako gumising dahil ngayong araw na magsisimula ang unang araw ko bilang secretary ng may-ari ng Van Laren company. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinasabi niya na siya ang may-ari pero mukha naman siyang seryoso kaya maniniwala na lang ako.
Nakapag ayos na ako ng sarili ko at ready na ako para umalis ng bahay. Kabado ako at baka entrance pa lang ay hindi na ako papasukin ng mga guard. Pero sabi naman sa 'kin ng lalaking nagpakilala na asawa ko daw ay sabihin ko lang daw na ako daw si agapi mou ni Evander. Baliw talaga ang lalaking yun dahil kakaiba ang code na binibigay sa 'kin.
Palabas na ako ng bahay at sinuguradong naka lock ang pinto. Mahirap na baka pasukin ang maliit kong bahay. Kahit maliit ang bahay ko ay kapag ang magnanakaw ay pursigedo makakuha ng gamit para ibenta ay wala talagang pinipili mapamaliit na bahay o malaki. Kaya dapat lang na mag-ingat palagi.
Tuluyan akong naglakad ng masiguro kong naka lock ang pinto ng bahay. Ang dami na naman tambay sa gilid ng kalsada mapababae man o lalaki. May tsismis na naman yatang latest kaya ganyan sila. Ang sarap siguro ng buhay nila kaya pa chill-chill lang sila sa buhay. Sana all nalang talaga.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit pa nga naiilang ako sa mga titig nila. Hindi ko alam kung bakit nila ako tinitigan. Siguro ay nagagandahan sila sa 'kin at naisip nila na bagay sa 'kin mag represent bilang candidate sa barangay namin. Pambihira talaga! ngayon lang nila nalaman na maganda talaga ako. Ang sarap nilang sakalin in fainrness.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at napangiwi ng may kumindat sa 'kin na tambay. Nakakakilabot talaga kapag tambay ang kumndat, pero kapag pogi ay nakakakilig.
"Ang swerte mo naman, Kamari." Sabi ni ate Tessie na number one tsismosa sa barangay namin. Ano kaya nakain nito at sinabihan niya ako ng swerte. Nanalo yata ako sa lotto ng hindi ko nalalaman kaya siguro siya nagsabi na swerte daw ako. Pero agad nalukot ang mukha ko dahil naalala ko na hindi nga pala ako tumataya ng lotto kaya paano ako mananalo.
"Oo nga. Ang swerte mo talagang babae ka. Ang gwapo ng jowa mo. Hindi lang gwapo kundi mayaman pa talaga. Baka naman pwedeng malaman ang secret mo diyan para naman makabingwit din ang anak ko ng mayaman na lalaki." Sabi pa ng isa kong kapitbahay na halos wala ng ngipin sa harap kakatsismis.
"Anong pinagsasabi ninyo?" Naguguluhan kong tanong sa mga tsismosa. Mabuti pa talaga sila dahil alam nila na may jowa ako. Pero ako hindi. Ang gagaling talaga nila magpakalat ng impormasyon.
"Kunwari ka pa talagang babae ka. Siguro ang yaman mo na ngayon no? Ang gara ng kotse ng jowa mo na nakaparada sa basketball court natin. Ang sabi jowa mo daw at hinihintay ka," sabi ni ate Tessie kaya nanlaki ang mata ko. Para kasing may mali sa sinasabi nila.
Hindi ko na pinansin ang dalawa kahit pa nga kinukulit ako kung ano ba daw talaga ang ginagamit ko pang-akit ng lalaki. Kung di ba naman mga siraulo.
Tinungo ko ang basketball court para malaman kung nakahthit ba ng katol ang dalawang tsismosa na nakausap ko. Pero nakita ko ang isang gwapong lalaki na tumambay asa bahay ko kagabi at kumain ng sardinas para lang makasama ako. Napabuga ako ng hangin dahil nandito na naman siya. Akala ko pa naman na malinaw na ang usapan namin dalawa na hindi na niya ako pupuntahan dito dahil bukod sa makipot ang daan ay marami ding tsismosa at tambay na nandito nakatira.
Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'to at gusto kong pumitin ang ngiti niya sa labi dahil sa inis ko. Wala na akong nagawa kundi ang maglakad papunta sa kanya para kausapin siya. Nang makalapit ako sakanya ay tuluyang nawala ang inis ko ng makita ko ang kulay abo niyang mata. Para bang nawala sa isipan ko ang magalit kaya para tuloy akong maamong tupa. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa 'kin. Sa t'wing kaharap ko din ang lalaki ay para akong nahihirapan huminga. Para bang nawawala ako sa tamang pag-iisip.
Pakiramdam ko ay kilala siya ng puso ko eh. Ang bilis kasi ng t***k ng puso ko pero hindi ko maintindihan kung inaatake ba ako sa puso o hindi.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito, sir?" Tanong ko at talagang pinagdiinan ko pa ang salitang sir. Gusto ko sanang idagdag na ang tigas ng ulo niya at kung gusto ba niya na palambutin ko ang ulo niya.
"Sinusundo ka, agapi mou." Sagot niya agad na hindi man lang pinansin ang matalim kong titig.
"Hindi ba't nag usap na tayo na wag ka ng pumunta dito sa lugar na 'to dahil mahihirapan ka lang. Pero hindi ka talaga nakinig sa 'kin at pinilit mo pa talaga ang gusto mo." Sabi ko sa naiinis kong boses.
"Ayaw lang kita mahirapan sumakay, agapi mou. Ayos lang kung mahirapan ako basta ang importante ay hindi ka pagpawisan sa paglalakad." Sagot niya sa seryosong boses.
"Hay ewan ko sa'yo! Sasakit brain cells ko sa'yo eh," reklamo ko habang nagkakamot sa likod ng ulo ko. Mukha tuloy akong may kuto.
"Let's go, agapi mou. It's your first day kaya dapat maaga ka pumasok." Sabi niya sa 'kin na para bang empleyado lang siya na ka level ko. Nakakapagtaka na talaga ang lalaking 'to pero kahit ano namang isip ko kung bakit niya ginawa 'to ay wala naman akong makuhang sagot.
Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat. Dinig na dinig ko pa ang sinabi ng mga kapitbahay ko na sana all daw may boyfriend na may magandang kotse. Napapikit nalang talaga ako dahil malamang ako na naman ang laman ng tsismis, Ang tagal pa naman mawala ng tsismis nila dahil umaabot ng tatlong linggo bago mag change ng topic.
Baka pag uwi ko nito mamaya ay may mag abang sa 'kin sa labas ng bahay ko at mangungutang dahil akala nila may pera na ako dahil sa lalaking matigas ang ulo.
Hnihintay ko lang na pumasok siya sa loob ng koste habang pinagmamasdan ang mga taong tsismosa samin, Hindi talaga sila aalis diyan hanggat hindi umaalis ang sasakyan ng magiging boss ko.
Ilang sandali lang ay nakapasok na siya ng kotse. Hindi ako nagsalita pa dahil hindi naman kami close. Pinausad niya ang sasakyan kaya umayos na ako ng upo at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
"Are you nervous, agapi mou?" Tanong niya sa 'kin kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi naman masyado. Mas kinakabahan pa ako sa sinabi ng tsismosa sa 'kin kanina kung ano daw ang secret ko para makakuha ng mayaman at gwapong lalaki." Pagsasabi ko ng totoo kaya natawa siya ng mahina.
Habang pinapausad niya ang sasakyan ay panay nag tingin ko sa mga taong panay ang tingin sa kotse ng lalaking 'to. Nang makalabas kami sa court ay deri-deritso na ang takbo ng sasakyan ni sir Evander dahil wala ng mga taong tsismosa.
Ito na talaga, may trabaho na talaga ako at hindi lang trabaho dahil isa pa talaga akong secretary ng may-ari ng kompanya. Habang iniisip ko yun ay hindi ko maiwasan kabahan dahil ito ang unang beses na ang magiging trabaho ko ay sa computer at papers. Dati kasi ay nag pro-promote lang ako ng product sa mga grocery store. Sana lang talaga ay magawa ko ng tama ang trabaho ko para hindi ako palitan ni sir ng ibang secretary. Hindi naman kasi porket tinawag niya akong asawa ay magiging kalma ako pagdating sa trabaho. Kailangan ko parin magpakitang gilas para hindi ako matanggal .