Chapter2

1982 Words
Kamari's Pov HINDI AKO NAKAPALAG sa lalaking nakasama ko sa loob ng elevator. Bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal. Imbis na pupunta ako sa third floor ay hindi ako nakalabas dahil sa lalaking may kulay abo na mga mata. "Ano ba! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa lalaking buhat-buhat ako. Pinalo ko pa talaga ang balikat niya sa inis ko ngunit hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Hindi siya sumagot sa 'kin hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Naglakad siya palabas ng elevator habang buhat-buhat parin ako. Iginalaw ko ang katawan ko at wala ng pakialam kahit mahulog pa ako. Kailangan kong makatakas sakanya. "Don't move, agápi mou." Sabi niya sa 'kin kaya tumigil ako sa ginagawa ko. "Ibaba mo kasi ako!" Galit kong sabi sa kanya saka ko pinalo ang dibdib niya. Pero nakakainis ang lalaking ‘to, ang tigas kasi ng dibdib niya. Sigurado ako na amy maganda siyang katawan dahil braso palang niya ay bakat na bakat ang suot niyang suit. Bigla siyang tumigil sa paglalakad ng tumapat kami sa isang pinto. Gamit ang isang kamay niya ay nagawa niyang pihitin ang siradura ng pinto kahit buhat-buhat niya ako. Napasinghap nalang talaga ako sa lalaking 'to dahil ang lakas niya. Naglakad siya papasok ng kwarto habang ako naman ay nakaawang ang labi dahil sa ganda ng kwarto. "Gold room ba 'to?" Naitanong ko dahil lahat ng gamit sa kwartong 'to ay puro gold. Mahina siyang tumawa habang naglalakad siya papunta sa mahabang sofa at dahan-dahan akong inilapag do'n. Umupo siya sa sahig habang hawak ang mga kamay ko. Inagaw pa niya ang hawak kong envelop saka ipinatong 'yun sa gold glass na table. Grabe, puro gold talaga ang kwartong 'to. Kailangan ko yatang sampalin ang mukha ko dahil nanaginip yata ako. Kaya sinubukan kong sampalin ang sarili ko kaya nagulat siya sa ginawa ko at agad na pinigilan ang kamay ko. “Why are you slapping yourself?” Kunot noo niyang tanong sa ‘kin. Siya pa talaga may ganang magtanong no’n eh halos nagulat ako sa mga nakita kong gold. Na engkanto na yata ako. "May interview ako,” bigla kong sabi ng maalala ko ang pakay ko dito sa kompanya. Kasalanan talaga ng lalaking ‘to kapag hindi ako na interview. Kukunin ko talaga sa kanya ang gold niyang mesa saka ko ibebenta tapos mag ne-negosyo nalang talaga ako. Tatayo na sana ako ngunit mabilis niya akong hinila kaya napa-upo ulit ako. Masama ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya sa 'kin. Siraulo talaga ‘tong lalaking ‘to. Kanina pa niya ako hinihila. "Ano ba! Bakit mo ba ako dinala dito? Sino ka ba?" Tanong ko sa galit na boses. Hindi naman siya sumagot sa tanong ko at nakatitig lang siya sa 'kin. Hindi ko tuloy alam at baka madumi pala ang mukha ko o kumalat ba ang lispstick dahil sa ginawa niyang pagbuhat sa 'kin. Nasagi pa naman nguso ko kanina ng buhatin niya ako. Ang likot ko naman kasi kaya hindi imposible na masagi ang nguso ko kanina. "Kanina ka pa nakatitig sa 'kin. Hindi mo ba alam na nakaka ilang ang ginagawa mo." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Ewan ko ba dito sa lalaking 'to. Natatakot ako sa titig niya talaga. Para bang binabasa niya ang nasa isipan ko. Hindi lang yun, pakiramdam ko ay pati ang kaluluwa ko ay binabasa niya. Isali na kaya niya buto ko. Grabe naman kasi makatitig. "I'm sorry. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka sa harap ko." Sabi niya saka itinaas ang kamay niya at hinaplos ang isa kong pisngi. Bigla akong may naramdaman na kakaiba sa ginawa niya na hindi ko maipaliwanag. Agad kong iniwas ang mukha ko kaya natigil siya sa paghaplos. "Kilala mo ba ako?" Naitanong ko nalang sa kanya. Iba kasi ang uri ng titig niya sa 'kin. Titig na parang may halong pangungulila. Kaya ako nagtataka dahil ngayon ko palang naman siya nakita. Sigurado ako do’n dahil gwapo siya eh kay maaalala ko siya kung nagkita na kaming dalawa. "Yes. I know you, agápi mou." Sagot niya sa malumanay na boses habang nakangiti sa ‘kin. "P-Pano? Ngayon lang naman kita nakita. At sure ako ngayon palang nagtagpo ang landas natin. Kaya bakit mo ko kilala?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Gulong- gulo na talaga ako sa lalaking ‘to. "Mahabang kwento, agápi mou. Sasabihin ko din sa'yo, pero hindi pa ngayon." Sagot niya saka kinuha ang brown envelop na dala ko kanina. Mahabang kwento daw, eh pwede naman sana niyang iklian kung gusto niya. Parang ewan 'tong lalaking 'to eh. Pektusan ko siya eh. Binuksan niya 'yun saka binasa ang resume ko. "Kamari Sarmiento." Basa niya sa pangalan ko saka tumingin sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko dahil unti-unting ngumiti ang lalaki. Hindi naman nakakatawa ang pangalan ko eh. Batukan ko na talaga ang gwapong lalaking 'to. "M-May problema ba sa pangalan ko?" Nauutal kong tanong sa kanya kaya ngumiti siya lalo saka umiling. "No. It's beautiful." Sagot niya habang may ngiti sa labi. Napadako ang tingin ko sa labi niya at sa ngipin niyang mapuputi na akala mo'y endorser ng colgate. Ang pantay pa. Bigla ko tuloy itinikom ang labi ko dahil nahiya ako sa ngipin ko. "So, nag aaplay ka bilang personal assistant or janitress?" Tanong niya sa 'kin habang nakatitig siya sa resume ko. "Dapat iniinterview na ako ngayon kung hindi mo ko dinala dito. Kailangan ko pa naman ng trabaho." Pag-iiba ko sa usapan saka inagaw ang resume na hawak niya. "Kailangan ko ng pumunta sa third floor." Sabi ko habang inaayos ang resume ko. Nakamasid lang siya sa 'kin habang nakangiti. "Ano bang gusto mo sa dalawa?" Biglang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Yung alin?" Tanong ko sa kanya. "Mas bagay sa'yo ang nasa bahay lang, kasama ako." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung anong ibig niyang sabihin. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa sahig at agad naglakad papunta sa telephone. Nakatitig lang ako sa kanya dahil mukhang may tinatawagan siya. "I already found a personal assistant." Sabi niya sa kausap niya sa telephone. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinasadahan ko siya ng tingin at iniisip kong siya ba si Mr. Philip. Ang alam ko kasi ay siya ang may-ari ng kompanyang 'to. Ibinaba niya ang telephone at naglakad 'to pabalik sa pwesto ko. Napalunok ako ng ilang beses sa uri ng titig niya. Iniisip ko tuloy kung sinigawan ko ba siya kanina. Nakakahiya naman kung siya si Mr. Philip. Punyemas! Pinagpawisan tuloy ako ng malagkit kahit nakabukas ang aircon sa kwartong 'to. Napaka siraulo ko talaga at nagawa ko yun kay Mr. Philip. Pero hindi ko naman sinasadya yun eh, siguro naman mapapatawad niya ako. "I-Ikaw po ba si Mr. P-Philip?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina saka naglakad ulit papunta sa 'kin at lumuhod sa harap ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya pinigilan ko siya. "B-Bakit ka po lumuluhod, sir Philip?" Tanong ko sa kanya saka hinawakan ang braso niya para pigilan siya. "Hindi Philip ang pangalan ko, agápi mou." Sabi niya sa serysong boses. Pinantay niya ang kanyang mukha sa mukha ko at mataman akong tinitigan. Hindi ko maalis ang mga mata ko at sinasalubong ang titig ng kulay abo niyang mga mata. "I'm Evander Van Laren, agápi mou. I'm your husband." Pagpapakilala niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-Husband? Wala akong maalala na nagpakasal ako." Kunot noo kong sabi sa kanya. Naka drugs yata 'tong lalaking 'to at kung ano-ano ang pinagsasabi sa 'kin. Konting konti na lang talaga at mahahalikan ko na siya este masasapak pala. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko para sana lumabas sa kwartong 'to. Mukhang baliw yata ang lalaking 'to kaya kailangan makalabas ako dito. "Where are you going?" Tanong niya sa 'kin sabay hawak sa kamay ko. "A-Alis na sympre. Palabasin mo ako dito." Sabi ko sabay hila ng kamay ko na hawak niya. "Hindi ka makakalabas dito, agápi mou. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'to. Matagal ko ng hinintay ang pagbabalik mo, kaya wala akong sasayangin kahit isang minuto, makasama ka lang." Sabi niya at mabilis akong hinila papunta sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis niyang sinakop ng halik ang labi ko. Napakurap-kurap ako hanggang sa ma proseso ko ang nangyari. Hinahalikan niya ako. Hinahalikan ako ng gwapong lalaki na nagpakilalang asawa ko. Mabilis ko siyang tinulak kaya naputol ang halik na iginawad niya sa 'kin. "Magnanakaw ng first kiss!!" Galit kong sigaw sa kanya habang pinupunasan ang labi ko. "Nanakawin ko din ang second, third, fourth, agàpi mou. Ako lang ang pwedeng humalik sa labi mo." Sabi niya saka hinawakan na naman ako. Akmang hahalikan na naman niya sana ako ng may narinig kaming katok sa labas ng pinto. "Come in," sabi ng lalaking nagpakilalang asawa ko sabay hawak sa kamay ko at pinagsiklop yun. Pilit kong hinihila ang kamay ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kainis talaga ang lalaking ‘to. Bumukas ang pintuan at mula do'n ay pumasok ang isang matangkad lalaki na may suot na eyeglass. Yumukod siya samin saka siya nagsalita. "Master Evander." Sabi ng lalaki habang nakayukod parin 'to sa harap namin. "Ready my house, Philip. Ibabahay ko na ang asawa ko." Sabi ng lalaking katabi ko kaya nanlaki ang mga mata ko. "P-Philip.. ikaw po ba si Mr. Philip?" Gulat kong tanong sa lalaking nakayukod. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin saka ngumiti. "Yes, Mrs. Van Laren." Sagot niya kay mas lalo akong naguluhan. Piste! Nag-aaplay lang naman sana ako ng trabaho dito, bakit bigla akong naging Mrs. Van Laren. Ano bang trip nila sa buhay. Nanaginip na talaga siguro ako, kailangan ko ng kurutin ang pisngi ko para magising na talaga ako. "Sarmiento po apelyido ko sir. At isa pa, dalaga po ako. Wala po akong asa—” Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na sinakop ng halik ang labi ko sa lalaking nagpakilala sa 'kin na asawa ko. "I'm your husband, agápi mou." Sabi niya habang hinahaplos ang ibabang labi ko. Ano ba talaga nangyayari? Hindi ko na kasi alam ang sinasabi ng lalaking 'to. Pumunta lang ako dito para makapagtrabaho pero may umaangkin na sa 'kin na asawa daw niya ako. Iniisip ko tuloy na baka kinasal ako habang tulog ako, dahil wala naman akong matandaan na kinasal ako. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa lalaking 'to. Nagpaalam na si Mr. Philip samin kaya kami na lang dalawa ang naiwan sa kwartong 'to. Nakaupo ako sa mahabang sofa habang hawak-hawak ng lalaki ang kamay ko. Ayaw niyang pakawalan ang kamay ko na akala mo'y tatakasan ko siya. "Pwede bang.. wag mo akong titigan ng ganyan." Sabi ko sa kanya dahil nakatitig na naman siya sa 'kin. "Walang nagbago sa'yo, agápi mou. Maganda ka parin katulad ng dati." Sabi niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. Hindi nalang ako sumagot dahil naguguluhan talaga ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Tahimik lang ako habang nakayuko at pinapakiramdaman ang kilos niya. Mukha namang hindi siya masamang tao, hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit hindi ako natatakot sa kanya. Kanina n'ong binuhat niya ako parang pamiliar sa 'kin ang init ng katawan niya, pero sure ako, wala pang bumubuhat sa 'kin na lalaki ng ganun. Kaya dagdag pa yun sa iniisip ko dahil kilala siya ng katawan ko dahil komportable ako sa kanya. Ano bang meron sa lalaking ‘to. Gusto ko din malaman kung bakit niya ako tinatawag na asawa. Pumasok pa sa isipan ko na baka ipinakasal ako ni lola Dolores na hindi ko alam. Sumakit tuloy bangs ko sa kakaisip kung paano ba talaga niya ako naging asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD