Kamari’s Pov
HINDI ako nakauwi sa bahay ko dahil ayaw akong pakawalan ng lalaking nagsasabing asawa ko daw siya. Sapilitan pa talaga niya akong binuhat palabas ng malaking building niya dahil ayaw kong sumama sakanya. Baka kasi scammer pala ang lalaking ‘to. Marami pa naman modus ngayon para maka pangloko kaya kailangan ko talagang mag-ingat.
Nasa kotse parin kaming dalawa ng lalaki ngunit nasa tapat kami ng malaking bahay. Para na nga itong hindi bahay dahil sobrang laki. Yung gate din ay ang ta-taas na talagang hindi maakyatan ng magnanakaw. Wala ding ibang bahay na katabi at malayo ang pagitan nito.
Tumingin ako sa labas ng bintan at hindi pinapansin ang lalaking nakatitig sa ‘kin. Kanina pa talaga niya ako pinagmamasdan at hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa sinabi niya na ako daw ang asawa niya. Dapat ko na sigurong ihanda ang napapanood kong martial arts sa tv. Makakarate ko talaga siya kapag nalaman kong may gagawin siya sa ‘kin. Isang maling galaw lang talaga niya ay sipa ang aabutin niya sa ‘kin.
“Anong ginagawa natin dito?” Pambabasag ko sa katahimikan.
“Ito ang bahay ko, agapi mou. Simula ngayon dito ka natitira.” Saad niya sa seryosong boses.
Nalukot ang mukha ko dahil paladesisyon siya sa buhay ko. Hindi ko nga siya kilala eh, at higit sa lahat ngayon ko pa lang nakita ang mukha niya buong buhay ko.
“Ayaw ko! Hindi naman kita kilala kaya bakit ako titira sa bahay mo. At pwede ba mister.. wag mo akong titigan ng ganyan. Nakakatakot eh,” saad ko kaya mahina siyang natawa na para bang nakakatawa ang sinabi ko.
“Sorry, agapi mou. I just can't stop myself from staring at you. You look so beautiful.” Sabi niya sa malambing na boses. Hindi ko alam pero para akong kinilig sa sinabi niya. Pero agad akong nag-iwas ng tingin upang hindi niya mahalata na kinilig ako. Nakakahiya naman kung kiligin ako sa lalaking hindi ko naman kilala.
“Uuwi na ako sa bahay ko.” Pag-iiba ko sa usapan.
“No! Dito ka lang sa bahay ko.” Sagot naman niya na pinigilan pa talaga ang kamay ko na bubuksan sana ng pinto ng passenger seat.
“Ano ba! Trabaho ang pinunta ko at hindi bahay na titirahan. Kung naka drugs ka man at hanggang ngayon ay mataas parin ang amats mo.. please lang, humigop ka ng sabaw para mawala yan.” Suplada kong sabi saka tinanggal ang kamay niya.
“Ayaw ko! Hindi mo naman kailangan ng trabaho. Dito ka nalang sa ‘kin. Ako pa mismo ang mag-aalaga sa’yo. Pagsisilbihan kita mula ulo hanggang paa.” Sabi niya na halatang desido na patirahin ako sa bahay niya.
“Ayaw ko! Please.. Ihatid mo na ako sa bahay ko o di po kaya ay ihatid mo nalang po ako sa may highway.” Pakiusap ko sa kanya. Bumuga naman siya ng hangin na para bang ayaw talaga niyang pumayag sa sinabi ko.
“Okay, agapi mou. Pero ihahatid kita sa mismong bahay mo.” Sabi niya kaya nag ning-ning ang mata ko sa sagot niya. Nadadaan naman pala siya sa pakiusap. Pinahirapan pa talaga niya ako.
Agad niyang binuhay ang makina ng kotse at pinausad niya. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Ayaw ko na siyang kausapin kaya mas mabuti ng tahimik nalang ako. Palaisipan talaga sa ‘kin kung bakit niya sinasabi na asawa niya ako. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi ko talaga maalala na kinasal ako. Napabuga ako ng hangin saka ako lumingon sa lalaking nag c-claim na asawa niya ako. Ang gwapo talaga niya. Ang tangos pa ng ilong ng lalaki. Yung labi niya ay parang natural na mapula-pula. Maputi din ang kanyang balat na para bang hindi na arawan ng matagal na panahon. Kahit nakasuot siya ng mamahalin na suit ay alam ko matipuno ang katawan ng lalaki. Sa braso pa lang kasi niya at naramdaman ko din kanina habang binubuhat niya ako na parang bagong kasal.
Uminit tuloy ang magkabilaang pisngi ko ng lumingon bigla sa ‘kin ang lalaki. “Hindi ba kailangan mo ng trabaho?” Tanong niya sa ‘kin. Ngumuso naman ako sa harap niya dahil kasalanan niya kung bakit hindi ako nakasali sa interview.
“Opo. Pero hindi po ako nakasali sa interview. Kasalanan mo po yun eh,” saad ko na tinuro ko pa talaga siya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinuli ang kamay ko at dinala sa kanyang labi at dinampiang ng halik. “Sorry, agapi mou. Hindi bagay sa’yo ang mag trabaho. Ang dapat sa’yo ay reyna. Pero dahil gusto mo talagang mag trabaho, kukunin kitang secretary ko.” Sabi niya sa malambing na boses. Hindi naman ako nakapagsalita dahil hindi man lang ako dumaan sa interview at naging secretary pa talaga ako.
Pumayag nalang ako dahil kailangan ko pa naman talaga ng trabaho. Baka wala na akong kainin sa susunod na buwan. Kailangan ko din ng pera pang bayad ng tubig at kuryente. Bahala na kung may saltik ang boss ko.
Ilang sandali pa ay medyo nakikita ko na ang kanto kung saan ako nakatira. “Dito nalang po ako, sir. Hindi po kasi magkakasya ang kotse mo kung ipipilit mo pong ipasok sa kanto.” Sabi ko kaya iginilid niya ang sasakyan.
Tinanggal ko agad ang seatbelt na nasa katawan ko saka ako lumingon sa lalaki na magiging boss ko na simula bukas. “Magsisimula na po ako bukas, sir. Salamat po sa paghatid sa ‘kin.” Pagpapasalamat ko sa kanya.
“Bago ka bumaba.. Pwede ko bang tanungin kung saan ang bahay mo?” Tanong niya sa seryosong boses.
Kumunot naman ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit niya tinatanong. “Ahm.. straight mo lang po yan, sir. May makikita naman po na kanto, papasok po do’n at pang apat na bahay. Makikita po agad kasi barong-barong po ang bahay na tinutuluyan ko.” Nakangiwi kong sagot. Tumango-tango naman ang lalaki kaya binuksan ko na ang pintuan ng passenger seat.
“Baba na po ako, sir. See you po tomorrow.” Saad ko kaya tumango siya habang nakatitig lang sa ‘kin. Nakikita ko na naman sa mga mata niya ang lungkot na para bang nangungulila.
Pinagwalang bahala ko na lang at tuluyan akong bumaba ng kotse. Isinara ko ang pinto saka ako naglakad papasok ng kanto. Hindi na ako lumingon pa sa kotse ng future boss ko at dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay namin ni lola Dolores.
Pumasok nalang ako sa bahay para makapag pahinga na din ako. Napagod talaga ako kanina sa lalaking yun na may pangalan na Evander. Bagay sakanya ang pangalan niya. Gwapo na may malungkot na mata. Hindi tuloy mawala sa isipan ko ang maganda niyang mga mata.
Agad akong umupo sa upuan na nasa sala habang hinihilot ang sintido ko. Nakakapagod talaga ang nangyari sa ‘kin ngayon, pero ang mahalaga ay meron na akong trabaho. Hindi ko na pro-problemahin pa ang bayad ng kuryente at tubig. Mababayaran ko na din ang naiwan na utang ni lola Dolores. Sana lang talaga ay hindi ako mahirapan sa trabaho ko lalo na sa boss ko na parang iwan.
Dumating ang gabi at nakapag luto na ako ng pagkain ko. Nag de lata lang kasi ako dahil ako lang naman mag-isa ang kakain. Tinatamad na din ako bumili ng ulam sa kanto kaya nag bukas nalang ako ng sardinas.
Nagsasandok ako ng kanin ng biglang may kumatok sa labas ng pinto ng bahay ko. Inilapag ko nalang muna ang plato sa mesa saka ako naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang taong kumakatok. Baka ang kapitbahay ang kumakatok at baka may dala na naman na ulam.
Binuksan ko ang pintuan at halos matulos ako ng makita ko ang lalaking magiging boss ko. Nakatayo siya sa harapan ko habang may dalang bag. “A-Anong..” saad ko pa habang palipat-lipat ng tingin sa gwapo niyang mukha at sa hawak niyang bag.
“Ayaw mong matulog sa bahay ko, kaya ako ang mag a-adjust, agapi mou. Gusto kitang makasama kaya sana payagan mo akong tumuloy sa bahay mo.” Deritso niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. Legit nga! Baliw talaga ang lalaking ‘to.