Kamari's Pov
MAAGA AKONG nagising ngayong araw dahil may dadaluhan akong interview. Natapos na kasi ang dati kong work dahil six months lang ang kontrata ko.
Kasama kong mag aaplay ang kaibigan kong si Rosalie. Magkasama din kami sa dati naming work bilang promodiser sa isang malaking mall. Sabay din kaming na endo kaya napagpasyahan namin na maghanap ulit ng trabaho.
Kahapon kasi ay may nakita kaming post sa isang kilalang kompanya dito sa Manila. Ang Van Laren Company. Sabi nila mahirap daw makapag trabaho sa comapanyang 'yun. Bukod sa strikto, madami daw bawal. Kaya lahat ng mga employee do'n ay sumusunod sa batas dahil ayaw nilang matanggal sa trabaho. Malaki kasi magpasahod ang kompanyang yun. Kaya sana makapasa kami sa interview mamaya ni Rosalie. Kagabi ko pa talaga pinagdarsal yun kaya sana lang talaga marinig ng diyos ang dasal ko.
Naghahanap kasi sila ng personal assistant and janitress. Kaya kahit janitress nalang sana, ayos na sa 'kin. Ang mahalaga ay may trabaho ako kaysa naman maging tambay at walang pera.
Mag-isa lang akong nakatira sa maliit na bahay na 'to. Namatay na kasi si lola Dolores last year. Siya ang kumupkop sa 'kin ng makita niya akong nag papalaboy sa harap ng simbahan dati. Bata palang ako no'n at naligaw sa madaming tao. Hindi ko alam kung sinadya ba akong iniwan ng nanay ko o talagang nalingat siya n'ong panahon na 'yun. Basta ang alam ko ay iyak lang ako ng iyak nang panahon na yun.
Hindi ako umalis sa harap ng simbahan at nagbabakasakali na balikan ako ng nanay ko. Ngunit nagdaan ang ilang linggo ay walang naghanap sa 'kin. Takot na takot ako dahil marami ding mga batang naliligaw din. Ang iba naman ay nag haharian sa kalsada. Kapag hindi ako umalis sa pwesto nila ay nanakit. Sa takot ko ay umiiwas nalang talaga ako sa mga batang hamog na katulad ko na din dahil sa kalsada na din ako nakatira.
Napilitan akong mag kalkal ng basura para lang may makain ako. Minsan ay nanlilimos ako sa harap ng simbahan para lang may pambili ako ng pagkain. Masyado pa akong bata no'n kaya hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko para humingi ng tulong. Yung iba kasi ay may lumalapit sa ‘kin na lalaki at sinasabi na tutulungan daw niya ako na makauwi at pakakainin daw niya ako basta lang daw ay pumayag ako sa gusto niya. Sa takot ko ay lagi akong tumatakbo sa mga taong ganun at sinusumbong ko sa mga taong pumupunta sa simbahan ngunit hindi naman nila ako pinapansin.
Buong buhay ko ay umikot lang sa kalsada. Sa t’wing nakikita ko na may kompletong pamilya ang isang bata ay napapatig nalang ako at napapaluha dahil naiingit ako dahil sila may magulang at mahal na mahal sila. Ako, hindi ko alam kung mahal ako ng nanay ko. Dahil kung mahal talaga niya ako ay hahanapin niya ako upang magkita kami ulit.
Hanggang sa nakita ko si lola Dolores sa harap ng simbahan. Tinulungan ko kasi si lola ng muntik siyang matumba dahil sa pagkakahilo.
Tinanong pa niya ako kung bakit ang dungis ko ng araw na 'yun. Sinabi ko kay lola ang nangyari sa 'kin kaya naawa siya at nag offer kung gusto ko ba daw tumira sa bahay niya. Wala naman daw siyang kasama sa bahay dahil lahat ng anak niya ay kinalimutan na daw siya simula ng makapag tapos daw 'to ng pag-aaral. Hindi na daw siya binibisita ng mga anak niya kaya naawa ako kay lola.
Sumama ako sakanya dito sa bahay niya at binihisan niya ako pinakain. Maliit lang ang bahay at simple lang ang kinakain namin ni lola dati pero sobrang saya.
Pinag-aral din ako ni lola Dolores. Ayaw ko sana kasi naawa ako sakanya. Ngunit, pinilit niya ako dahil mahalaga daw ang pag-aaral.
Mabuti nalang ay may mga mababait na kapitbahay si lola Dolores at inasekaso ang mga requirements ko para makapag-aral ako. Hanggang sa naka graduate ako ng high school. Gusto ni lola, makapag aral ako ng college.
Kaya kahit matanda na siya ay nagtitinda siya ng banana que sa mga kapitbahay namin. Ako naman ay nagtitinda sa loob ng school para pandagdag baon. Kung ano-ano pinagbibinta ko at hindi naman ako nahihiya.
Two years lang ang kinuha ko dahil ayaw kong mahirapan si lola Dolores sa 'kin.
Naka graduate ako ng college. Ngunit, pumanaw naman si lola Dolores kinabukasan no'n. Talagang hinintay niya lang na maka graduate ako ng college.
Sobrang iyak ko ng araw na 'yun dahil gusto kong makabawi sa mga ginawa niya. Pinangako ko pa sakanya na pagagandahin ko ang bahay niya kapag nakapag trabaho ako.
Pero hindi ko man lang nagawa 'yun dahil wala na siya. Hindi man lang ako nakabawi sa kabutihan ni lola Dolores.
Mas lalo pa akong nalungkot ng araw na 'yun dahil kahit isang anak ni lola Dolores ay walang pumunta sa lamay. Nalulungkot ako para kay lola, ang sabi pa naman niya sa 'kin ay baka daw dalawin na siya ng mga anak niya kapag namatay na siya. Pero kahit namatay si lola, kahit anino ng mga anak niya ay hindi nagpakita.
Naiinis ako dahil hindi man lang nila niisip ang kanilang ina. Hindi ako umalis sa lamay ni lola Dolores. Ayaw ko siyang iwanan kahit sa huling gabi niya.
Kaya hanggang ngayon ay nandito parin ako sa maliit na bahay ni lola Dolores. Gusto kong tuparin ang pinangako ko sa kanya na ipapaayos ko ang bahay niya. Kaya nagsusumikap akong makahanap ng trabaho ulit.
Lagi ko din inaayos ang maliit na kwarto ni lola, hindi ko pinapabayaan dahil 'yun nalang ang alaalang meron ako sa kanya.
Naglakad ako papunta sa lababo para maghugas ng kamay. Nagpakulo ako ng mainit na tubig dahil magkakape muna ako bago ako maliligo.
Umupo mun ako sa upuan habang hinihintay na kumulo ang tubig. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa mesa saka binuksan 'to at baka nag message na sa 'kin si Rosalie.
Iniingatan ko ang cellphone na 'to kahit mumurahin lang 'to. Regalo kasi sa 'kin 'to ni lola Dolores n'ong gumraduate ako ng college. Mukhang pinag-ipunan niya ng husto ang cellphone na 'to para
sa 'kin.
Tumayo ako sa kinauupuan ko ng marinig kong kumulo na ang tubig na pinapa-init ko. Agad kong pinatay ang kalan saka kinuha ang paborito kong baso.
Nagtitimpla ako ng kape ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Naglakad ako papunta sa lamesa habang hinahalo ang tinimpla kong kape.
Inilapag ko muna ang mug sa mesa saka ko kinuha ang cellphone ko. Binasa ko lang ang message ni Rosalie sa 'kin saka ko 'to nireplayan.
Humigop ako ng kape habang nakatulala. Ganito talaga ako t'wing umaga.
Nang matapos akong magkape ay agad kong kinuha ang t'walya na nakasabit lang sa gilid ng pinto ng kwarto. Pumunta ako ng banyo para maligo na at kanina pa ako kinukulit ni Rosalie.
Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil baka malate ako. Bawal na bawal pa naman malate do'n.
Lumabas ako ng banyo habang nakatapis ng t'walya. Tinungo ko ang kwarto namin ni lola Dolores at nagmamadaling nagbihis.
Kanina pa din panay tunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun dahil alam kong si Rosalie 'yun. Nag send nalang ako ng message na magkita na lang kami sa harap ng company dahil mag-aayos palang ako.
Nagsuot lang ako ng black skirt at pinartneran ko 'to ng pink long sleeve. Hinayaan ko lang na nakalugay ang natural na brown at wavy hair ko. Hindi na ako masyadong naglagay ng make up dahil nagmamadali na talaga ako. Tanging lipstick lang at polbo ang inilagay ko.
Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang brown envelope kong saan nakalagay ang mga requirements ko.
Lumabas ako ng bahay at sinigurong naka lock ang pinto. Naglakad ako sa kalsada at nadaanan ang mga tambay. Tumango lang ako sakanila dahil ngumiti sila sa 'kin. Mababait naman ang mga 'yun kaya hindi ako natatakot sa kanila. Sa katunayan ay tinulungan pa nila ako sa gastusin para sa libing ni lola.
Nag ambag-ambag din ang mga kapitbahay namin at maging ang mga tambay ay gumaw din ng paraan para makatulong sa 'kin.
Tinungo ko ang paradahan ng tricycle saka sumakay sa naka unang naka parada. Mag tr-tricycle nalang ako dahil kanina pa daw si Rosalie sa harap ng kompanya. Nakakahiya naman kasi sa prenny ko.
Malapit lang naman mula dito kaya hindi pa naman siguro ako late nito. Di ako sure!
Pinaandar na ni kuya driver ang tricycle niya tahimik lang akong nakaupo sa loob habang nag me-message kay Rosalie. Kunot ang noo ko dahil hindi siya nag re-reply sa mga text ko. Bigla tuloy akong kinabahan at baka nagsimula na ang interview. Ang huling message kasi sa 'kin ng kaibigan ko ay marami daw nakapila sa labas na mga aplikante. Kaya napamura nalang talaga ako sa isipan ko.
Nang makarating kami sa harap ng malaking building ay agad kong inabot ang aking pamasahe. Bumaba ako sa tricycle at nag-angat ng tingin sa malaking building.
Ipinikit ko ang aking mga mata para magdasal na sana matanggap ako.
Dali-dali akong naglalakad papunta sa entrance para lumapit sa apat na guard na nakatayo do'n. Ngumiti ako sa kanila saka yumukod. "Good morning po mga sir. Itatanong ko lang po sana kung saan po dito 'yung interview? Isa po kasi ako sa mag aaplay." Sabi ko saka pinakita ang hawak kong brown envelop.
"Nasa third floor po, Ma'am. Bilisan mo dahil kanina pa pinapasok sa loob ng office ang mga aplikante. Baka hindi ka makasali dahil may numbers po ang ibibigay sainyo." Sagot niya habang binubuksan ang pintuan.
Ngumiti ako kay kuya guard saka ako nagsalita. "Thank you po, sir." Pasasalamat ko.
"Itanong mo sa information desk, Ma'am. Sabihin mo aplikante ka para mabigyan ka ng visitor id." Pahabol na sabi ng guard sa 'kin kaya tumango ako at nagmamadaling naglakad papasok ng building.
Lumapit ako sa information desk at sinabi ko na aplikante ako. Pinagalitan pa ako bago binigay sa 'kin ang visitor id dahil kanina pa daw nagsimula ang interview. Sinabihan pa ako ng babae na goodluck nalang daw sa 'kin kung makasali ako sa interview. Hindi nalang ako sumagot dahil alam kung hindi naman ako mananalo sa kanila. Like duh! ganyan talaga mga yan dahil matagal na sila sa kompanya. Ang iba nga ay pinapahirapan pa ng mga yan para masabi lang na mas mataas sila kaysa sa mga bagong pasok.
Nagmamadali akong naglalakad papunta sa elevator ng makita kong papasara na ang pintuan. Hindi ko nahabol 'to kaya napakamot ako ng ulo. Wala na yatang mas ikakamalas sa nangyari sa 'kin.
Masyadong maaga ang ginawa nilang interview. Ang naka schedule kasi ay 9AM. Kaya naiinis lang talaga ako dahil pa bago-bago ang schedule. Bumuntong hininga na lang ako habang hinihintay na bumukas ang elevator. Kinakabahan din ako dahil sa mga sinabi ng dalawang babae sa information desk. Baka nga talaga late na ako at hindi ko abutan ang binibigay na number bawat aplikante.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pintuan ng elevator. Dali-dali akong pumasok saka pinindot ang number three para magpahatid sa third floor. Papasara na sana ang pintuan ng elevator ng may humarang no'n na kamay kaya bumukas ulit.
Umusog ako sa gilid saka yumuko kaya hindi ko nakita kung sino ang pumasok sa loob ng elevator.
Naamoy ko ang panglalaki niyang pabango na halatang pangmayaman. Nag-angat ako ng tingin at at tinignan ang lalaking kasama ko sa loob ng elevator.
Nahigit ko yata ang paghinga ko ng makita ko ang makisig na lalaki. Matangakad ito at halatang mayaman sa suot niyang suit. Naka sideview siya sa gawi ko habang nakatuon ang mga mata niya sa hawak niyang cellphone.
Ang tangos ng ilong ng lalaki, maputi din ang balat nito na akala mo'y naka gluta. Bigla tuloy nahiya ang balat ko.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa lalaki at baka mahuli pa niya ako na nakatitig sa kanya. Ngunit, bigla siyang lumingon sa 'kin kaya napalingon din ako sa kanya.
Kunot ang noo ko dahil titig na titig siya sa 'kin. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at baka may dumi, nakakahiya naman kay kuyang pogi na nakatitig parin sa 'kin.
Tumingin ulit ako sa kanya dahil akala ko ay hindi na siya nakatitig sa 'kin. Laking gulat ko ng mabilis siyang lumapit papunta sa 'kin kaya napa-atras ako.
"A-Anong.." nauutal kong sabi at hindi na ituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at mas lalong tinitigan.
Kumunot ang noo ko habang nakatitig din sa kanya. Sinalubong ko ang kanyang mga mata na may kulay abo. Ang gandang pagmasdan ng mga mata niya, halatang may lahi ang lalaking 'to dahil sa kulay ng mga mata niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na salubungin ang titig niya dahil sa ganda ng mga mata niya.
"Agápi mou.." sambit niya na hindi ko maintindihan.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Halata kasi sa mga mata niya na para siyang malungkot.
"Ikaw nga! Nagbalik ka, agápi mou." Sabi niya sa 'kin kaya kumunot ang noo ko.
"P-Pasensya na po.. hindi po kita kilala." Nauutal kong sabi habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya.
Tagumpay kong natanggal ang mga kamay niya. Ngunit, niyakap naman niya ako ng mahigpit. Pilit ko siyang tinutulak ngunit hindi ko magawa dahil bukod sa matangkad siya malaki din ang katawan niya. Kaya walang laban ang lakas ko sa kanya. Naguguluhan ako kung bakit niya ginagawa 'to. Hindi ko naman siya kilala o nakita kahit isang beses man lang. Baliw nga yata ‘tong lalaking ‘to.