Kamari's Pov
KABADO na naman ako habang nandito ako sa office ni sir Evander. Nakatitig na naman kasi siya sa 'kin at para bang may magnet yata ako dahil hindi niya maialis ang tingin niya sa 'kin.
Inayos ko nalang ang nakalugay kong buhok dahil nagulo yun. Mabuti nalang at tapos na ang dalaw ko at baka masabihan na naman ako ni sir Evander na hindi naligo dahil do'n.
Tumingin ulit ako sa gawi ni sir Evander at nakitang nakatitig parin siya sa 'kin. Natatawa talaga ako sa lalaking 'to. Yung ibang lalaki kasi kapag nahuling nakatitig sa isang babae ay iniiwas ang tingin, pero siya.. parang proud pa na nakatitig sa 'kin. Ang lakas talaga ng fighting spirit niya kaya ako nalang ang nag iiwas ng tingin.
Hindi ko tuloy mapigilan na irapan siya. Natatawa nalang tuloy siya sa ka supladahan ko. Dapat ay matakot siya sa 'kin pero hindi naman bagkos ay ngumiti pa talaga sa 'kin.
Hindi ko na kaya ang titig niya kaya naisipan ko na lumabas ng office niya. Bahala na kung hindi man ako mag paalam sa kanya.
Dire-deritso lang ang ginagawa kong paglalakad hanggang sa makita ko ang table ng secretary ni sir Evander.
Sa pagkakaalala ko ay Tanya ang pangalan.
Nakita ko siyang busy siya habang nag-aayos ng mga papeles na nasa harap ng table niya. Ganito ang gusto ko eh, yung marami akong ginagawa, hindi yung nakatunganga lang ako do'n sa harap ni sir Evander.
Mapapakamot na lang talaga ako sa likod ng ulo ko dahil sa naiingit ako kay Ma'am Tanya.
Napansin yata ni ma'am Tanya ang presensya ko kaya nag angat siya ng tingin. "Oh, ikaw pala, Kamari." Sabi niya kaya ngumiti ako.
Lumapit ako sa table niya habang nakangiti parin. "Baka may ipapagawa ka sa 'kin, ma'am. Ang boring po kasi sa loob eh, wala pon akong ginagawa." Saad ko kaya natawa siya ng mahina.
"Wala na eh, tapos ko na ayusin ang mga papel na 'to. Balak ko nga sana mag coffee break sa pantry eh. Sama ka?" Tanong niya sa 'kin kaya dali-dali akong tumango.
Kailangan ko din naman kasing makipag halubilo sa ibang tao at hindi lang mukha ni sir Evander ang nakikita ko. 1 week and 3 days na ako nag tra-trabaho dito sa kompanyang 'to pero ni minsan ay hindi ko pa nasubukan pumunta ng pantry. Pano ba naman kasi.. ang boss kong magaling ay ayaw akong payagan. At ang malupit pa ay oorder lang siya ng pagkain para sa 'kin at para sa kanya.
"Halika! punta tayo sa pantry. Naku, hindi pa talaga kita napapakilala sa mga ibang officemate natin. May baon ka bang pagkain palagi?" Tanong sa 'kin ni ma'am Tanya. Sabay pa kaming naglakad papunta sa elevator para pumunta sa pantry.
"Hindi po. Ahm.. actually po ay bumibili si sir Evander ng pagkain niya at pati ako ay kasama sa inoorderan niya ng pagkain." Sabi ko sa mahinang boses.
Napahinto naman si ma'am Tanya at kumunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. "Alam mo.. hindi talaga siya ang boss ko eh. Si sir Philip talaga. Pero dahil nasa bakasyon ngayon si sir Philip at ni request ako ni sir na mag assist ako kay sir Evander. Nagulat pa ako dahil sa pagkaka akala ko talaga ay si sir Philip ang may-ari ng kompanyang 'to. Yun naman pala hindi.." mahaba niyang sabi kaya tumango ako. Kahit ako naman kasi ay akala ko si sir Philip ang may-ari.
"Napaka mahiwaga talaga ang boss natin. Ngayon lang talaga siya nagpakita kaya ang alam ng mga empleyado ay si sir Philip. Pero hindi magpagkakaila na sobrang gwapo talaga ng lalaking yun. Ang dami nga na iingit sa'yo dahil lagi mo siyang nakikita." Sabi ni ma'am Tanya kaya lihim akong napangiwi. Kung alam lang niya na wala ng ginawa ang boss niya kundi sunduin ako sa bahay at ihatid. Pagdating naman sa trabaho titigan lang ako. Tinanggap lang yata niya akong maging secretary para titigan.
Hindi nalang ako sumagot kay ma'am Tanya at hinayaan nalang siya. Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob ng elevator. Si ma'am Tanya na din ang nag pindot kung saang floor kami pupunta.
Nagkwekwentuhan lang kami ni ma'am Tanya hanggang sa makarating kami sa floor kung saan kami pupunta. Bumukas ang pintuan ng elevator at na unang lumabas si ma'am Tanya. Sumunod naman ako at nakita ang ibang empleyado na nagkakapae din.
"Break time po ba ngayon?" Tanong ko kay ma'am Tanya.
"May coffee time kasi sa umaga, meron din sa hapon. Hindi ka kasi lumalabas sa office ni sir Evander kaya hindi mo tuloy alam." Sabi niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
"Ganun po pala yun. Ngayon alam ko na, lalabas na po ako pag ganitong oras." Saad ko naman kaya ngumiti si ma'am Tanya. Akala ko talaga masungit siya, yun naman pala ay mukha lang ang maldita sa kanya.
Naghanap lang kami ng bakanteng mesa saka umupo. Naisipan ni ma'am Tanya na siya na daw ang o-order ng coffee at food namin. Libre na daw niya yun
sa 'kin. Ayaw ko pa sanang pumayag dahil sympre bago lang naman kasi ako dito at bago ko lang talaga siya nakausap din. Kaya nakakahiya kung ililibre niya ako agad.
Pinapanood ko lang si ma'am Tanya naa umuorder ng biglang may lumapit sa table ko. Tumingin ako sa lalaki na alam ko empleyado din dito.
"Hi! ikaw ba ang bagong secretary?" Tanong ng lalaki sa 'kin habang nakangiti.
"Ahm.. opo, sir." Sagot ko sa magalang na boses. Baka kasi mataas ang posisyon niya kaya dapat lang na igalang ko siya. At isa pa, ang bago-bago ko pa lang dito kaya dapat lang na gumalanh ako sa mga matatagal na mag tra-trabaho dito para walang gulo.
"I'm Elio Santiago, by the way." Pagpapakilala niya sa 'kin habang nakalahad sa harap ko ang kamay niya.
"Kamari Sarmiento po, sir." Pagpapakilala ko din at tinanggap ang pakikipagkamay ng binata.
"Nice name. Parang bagay sa apelyido ko." Sabi ng lalaki kaya napangiwi ako at dali-dali kong hinila ang kamay ko na hawak niya. Sakto naman na dumating si ma'am Tanya kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Aba, Elio, nakikipagkilala ka na naman sa bago ha!" Sabi ni ma'am Tanya sa lalaki.
"Nagpapakilala lang naman ako, Tanya. Ngayon ko lang kasi na kita ang bagong secretary." Sabi ni sir Elio.
"Hindi kasi sya lumalabas sa office ni sir. Kaya sinama ko ngayon para naman makilala siya ng ibang officemate." Sabi naman ni ma'am Tanya. Ako naman ay hindi nagsasalita dahil busy ako sa paghigop ng kape ko. Bahala silang dalawa kung ano ang pag-usapan nilang dalawa.
"Nga pala, Kamari.. sama ka samin mamaya. Bar tayo!" Saad ni ma'am Tanya sa 'kin.
Inilapag ko naman ang hawak kong tasa at napangiwi. "Ahm.. hindi po ako masyadong umiinom, ma'am Tanya." Pagsasabi ko ng totoo.
Bigla namang umupo si sir Elio sa bakanteng upuan na katabi ko. Tinapik pa talaga niya ang braso ko na para bang close kaming dalawa.
"Sige na, sumama ka na. Parang pa welcome party na din namin sa'yo yun. Hindi lang naman kami ni ma'am Tanya ang kasama mo. May makakasama din tayo boys and girls naman kaya hindi ka maboboring." Saad ni sir Elio.
Hindi naman ako nakasagot agad at iniisip ko kung sasama ba talaga ako o hindi. Nakakahiya naman kasi at halatang mga friends na sila, baka para akong tanga do'n.
"Oo nga. Para may makilala ka pa dito sa kompanya. Every week kasi pumupunta kami sa bar. Wala lang gusto lang namin mawala ang stress sa work. Kaya naisipan namin mamaya pumunta." Sabi ni ma'am Tanya saka sumimsim ng kape.
"Sagot ko ang drinks tonight, Kamari. Kaya wag kang mag-alala." Sabi pa ni sir Elio. Talagang pinipilit nila ako pero wala parin akong sagot. Naka try na ako uminom ng alak nong kasama ko si Rosalie at masasabi ko talaga na hindi ko na uulitin dahil suka ako ng suka. Halos tawagin ko na nga yata lahat ng santo para lang matigil ang hilo at suka ko. Kaya takot ako uminom at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iinom pang muli.
Kinulit ako ng kinulit ng dalawa hanggang sa dumating ang isa pa yata nilang kaibigan na babae kaya pinakilala din ako ni ma'am Tanya. Pati siya ay nakisali na din kaya napabuga ako ng hangin.
Pumayag na lang din ako dahil wala naman akong magagawa. Baka kasi may masabi sila sa 'kin kapag hindi ako pumayag. Baka sabihin nila suplada ako at hindi marunong makisama.
Nang matapos ang coffee break namin ay bumalik na kami ni ma'am Tanya sa top floor. Nando'n ang office ni sir Evander kaya do'n kami pupunta. Ayaw ko pa nga sana pumasok sa office niya at baka titigan na naman ako no'n eh.
Perp nang makarating kami top floor at bumukas ang pintuan ng elevator ay nakita ko na ang naka busangot na mukha ni sir Evander. May dalaw yata, tapos na ako kaya siya naman ang may dalaw ngayon.
"Hello po, sir Evander!" Parang tanga na bati ni ma'am Tanya. Siguro kinabahan 'to kaya iba na ang nasabi.
Hindi naman sumagot si sir Evander kay ma'am Tanya at sa 'kin lang siya nakatitig. Nagulat nalang ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng elevator.
Ako naman ay tumingin kay ma'am Tanya na halatang nagulat din dahil nanlaki ang mata niya habang nakatitig samin. Wala na akong nagawa dahil pumasok na si sir Evander sa loob ng office niya habang hila-hila ako.
Ano kaya problema niya? Nanghihila nalang agad eh. Ang sakit niya sa baby bangs ha!