Kamari's Pov
HINDI ko sinabi kay sir Evander na may lakad kami mamayang hapon kasama si ma'am Tanya. Hindi din naman nagsasalita si sir Evander simula pa kanina kaya hinayaan ko nalang. Bahala siya sa buhay niya.
Nandito ako ngayon sa table ko at nakatitig sa sahig. Yung boss ko, ayaw akong bigyan ng gagawin. Kaya heto ako.. naka upong maganda.
Sinubukan kong lumingon sa gawi ni sir Evander at nakitang seryoso siyang nakatitig sa hawak niyang papeles. Napangiti ako dahil busy siya ngayon, mabuti nalang at hindi siya busy sa pagtitig sa 'kin.
Tumitig nalang ako sa cellphone ko at hinayaan ang boss kong may dalaw.
Lumipas pa ang mga ilang oras ay dumating na ang uwian. Nakita ko naman si sir Evander na tumayo na sa swivel chair niya. Ako naman ay tumayo na din sa upuan ko at kinuha ang shoulder bag ko.
"Mauuna na po akong umuwi sa'yo, sir Evander." Pagpapaalam ko sa kanya saka yumukod sa harap niya.
"Sabay na tayong umuwi, agápi mou." Sabi niya kaya ngumiti ako.
"May pupuntahan lang po ako, sir Evander. Kaya wag mo nalang po ako ihatid. Sige po, alis na po ako, bye po!" Sabi ko at dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto. Binuksan ko agad ang pintuan at lumabas ako ng office ni sir Evander. Tinawag pa talaga niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.
Nang makalabas ako ay agad akong lumapit sa table ni ma'am Tanya. Mukhang hindi pa siya uuwi dahil nakaupo parin siya sa swivel chair niya.
"Ma'am Tanya.." tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa 'kin.
"O, ready ka na?" Tanong niya. Ako naman ay dali-daling pumasok sa loob ng table niya at agad akong yumuko para magtago.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya
sa 'kin dahil sa pagtago ko sa ilalim ng table niya.
"Shh.. sabihin mo kay sir Evander kapag nagtanong kung pumasok na ako sa elevator sabihin mong oo ha!" Sabi ko kay ma'am Tanya kaya kumunot naman ang noo niya. Siguro ay nagtataka sa sinabi ko.
Mag papaliwanag pa sana ako ngunit narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni sir Evander kaya nagtago ako lalo.
Natataranta namang tumayo si ma'am Tanya kaya ako naman ay tinakpan ang bibig ko gamit ang palad ko. Para akong tanga sa ilalim ng mesa ni ma'am Tanya at hindi na yata ako huminga at baka marinig ni sir Evander paghinga ko.
"Goodbye, sir!" Dinig kong sabi ni ma'am Tanya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil uuwi na ang boss ko. Akala ko nga ay deri-deritso na siya papunta sa elevator ngunit mali pala ako dahil nakita ko ang dulo ng sapatos ni sir Evander sa harap ng table ni ma'am Tanya. Bigla tuloy akong kinabahan at baka mahuli ako.
"Nakita mo bang dumaan si Kamari?" Tanong niya kay ma'an Tanya.
Yung kaba ko ay mas lalong lumala ang kaba ko.
"Ahm.. o-po, sir Evander. Nagmamadali po yun papasok ng elevator po." Sagot ni ma'am Tanya na nauutal-utal pa. Sana lang ay hindi niya mahalata na nasa ilalim ako ng table. Malakas pa naman yata pang-amoy ni sir Evander.
"Okay," tipid na sagot ng boss namin at nakita ko ang dulo ng sapatos niya na nagsimula ng umalis sa harap ng table. Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit hindi parin ako umalis sa ilalim ng table. Baka kasi lumingon ulit.
Umupo si ma'am Tanya sa swivel chair niya at sinilip ako sa ilalim. "Okay na, nakapasok na siya sa elevator. Bakit mo ba tinataguan si boss?" Tanong sa 'kin ni ma'am Tanya.
Napangiwi naman ako at napiling hindi sagutin ang tanong ni ma'am Tanya. Umalis nalang ako sa ilalim ng mesa at inayos ang sarili ko.
"Anyway, tara na! nag text na sila na hinihintay na nila tayo. Excited ka na?" Tanong ni ma'am Tanya sa 'kin.
Hindi ko alam kung tatango ako o hindi. Pero bahala na dahil nandito naman na din ako.
Nag-ayos lang kami ni ma'am Tanya at talagang pinahiram pa niya ako ng make up. Nag-ayos nalang din ako para makaalis na kami.
Nang matapos kami ay sabay na kami lumabas ni ma'am Tanya. Sumakay lang kami ng elevator at nagpahatid sa ground floor. Habang sakay kami sa elevator ay pinatay ko ang cellphone ko. Para naman walang magulo. Baka biglang tumawag si sir Evander, uunahan ko na siya sa binabalak niya.
Nakarating kami sa ground floor at nakita namin si sir Elio na para bang hinihintay niya kami. Akala ko ay mag ta-taxi kami papunta do'n ngunit hindi pala dahil may sarili palang siyang sasakyan.
"Sa passenger seat ka na sumakay, Kamari. Syempre, reyna ka sa 'kin eh," sabi ni sir Elio sa 'kin. Napangiwi naman ako dahil para siyang tanga. Si ma'am Tanya naman ay inaasar ako kay sir Elio. Like eww.. hindi ko naman siya type.
Sumakay parin naman ako dahil pinagbuksan aki ni sir Elio. Umikot naman ang binata papunta sa driver seat at pumasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Si sir Elio at ma'am Tanya naman ay nag-uusap. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong ako ni sir Elio o di kaya ni ma'am Tanya.
Lumipas ang 40 minutes at nakarating kami sa sinasabi bilang bar. Nasa loob na daw ang mga kasama namin at hinihintay na daw nila kami.
Naghanap lang ng mapaparkingan si sir Elio ng sasakyan saka kami bumaba ng kotse. Napabuga pa talaga ako ng hangin dahil parang gusto ko nalang umuwi. Hindi kasi talaga ako mahilig uminom ng alak o makipag inuman sa mga hindi ko close. Pero wala naman akong magagawa dahil kailangan ko makisama sakanila at baka sabihin pa na suplada ako.
Nang makapasok kami ay bumungad agad sa 'kin ang medyo madilim na lugar. May patay-patay na ilaw din na iba't ibang kulay. Dito pa lang ay nahihilo na ako, pano pa kaya kung uminom na kami ng alak.
Sumunod nalang ako sa dalawa hanggang sa makita nila ang table ng mga kasama namin. Heto na talaga ang sinasabi ko na ako lang ang bago kaya puro pakilala lang ako sa sarili ko.
May babae at lalaki kaming kasama tulad ng sabi ni sir Elio kanina. Umupo ako at laking gulat ko dahil tumabi ng upo sa 'kin si sir Elio. Ayaw ko sana siyang katabi pero nahiya naman ako paalisin siya lalo na't siya pa naman ang magbabayad ng drinks.
Hinayaan ko nalang dahil wala naman siguro siyang gagawin na masama
sa 'kin. Marami namin kami kay pwede naman yata ako sumigaw kapag may ginawa siya.
Nagsimula na silang umorder habang ako ay pinabayaan sila dahil hanggang red horse lang naman ako.
Heto na ang kinakatakutan ko talaga eh, ang ma out of place sa circle of friends ng iba.
Inabutan ako ni sir Elio ng baso na may lamang alak. Sa amoy palang ay ang tapang na. Parang babaliktad na ang sikmura ko pero ayaw kong mag inarte kaya ininom ko nalang yun ng straight.
Napangiwi ako ng gumuhit ang pait ng alak sa lalamunan ko. Ako lang yata ang ngumiwi dahil halata sa mukha nila na mga sanay na sila uminom ng alak.
Binigyan ako ulit ni sir Elio ng alak at panay ang daldal niya. Hindi naman ako nakikinig dahil ang isip ko ay may pumasok bigla na imahe. Hindi ko alam kung bakit ko naisip ang mukha ng boss ko.
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala yun sa isipan ko. Yung alak naman ay agad kong ininom. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi talaga mawala sa isipan ko si sir Evander. Dire-diretso tuloy ang inom ko ng alak at agad akong tinamaan. Piste! ang tanga ko talaga.. nahilo tuloy ako sa ginawa ko.
Napasapo ako sa sintido ko at pilit na kumurap-kurap para mawala ang hilo na nararamdaman ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa 'kin ni sir Elio na napansin yata ako na umiiling.
"Opo, sir Elio. Nahilo lang ako." Sagot ko kaya tumawa siya.
"Ganyan talaga kapag hindi sanay. Ito oh.. inom ka pa!" Sabi niya saka sinalinan ang basong hawak mo ng alak.
Napangiwi nalang talaga ako at nagdarasal na sana makauwi ako kapag nalasing ako. Marunong naman siguro umuwi ang mga paa ko. Kainis talaga ako.
Lumipas ang dalawang oras at panay na ang tawa ko. Nakikipag kwentuhan na ako kay sir Elio pero minsan ay naiinis ako dahil panay ang hawak niya sa kamay ko. Lasing ako pero alam ko naman ang nangyayari sa paligid ko.
Tinutulak ko pa si sir Elio dahil yung kamay niya ay napupunta na sa isa kong binti. Naiinis na ako pero dahil sa namamanhid ang katawan ko dahil siguro sa alak ay wala akong magawa.
Yung mata ko ay parang namimigat at gusto ko nalang pumikit para makatulog na ako. Gusto ko na talagang umuwi pero hindi ko alam kung paano ako uuwi ngayon.
"U-Uwihhh na po ako, sir Elio." Sabi ko na halos hindi ko na mabigkas ng maayos ang salita ko. Pati dila ko namamanhid na.
"Hatid na kita, gusto mo ba? Pwede din magpahinga tayo, Kamari. May alam ako." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Sasagot na sana ako ng biglang may humila kay sir Elio mula sa pagkakaupo sa tabi ko. Nanlalabo ang mata ko pero nagawa ko pang iangat ang mukha ko at nakita ang galit na galit na mukha ni sir Evander.
Napalunok ako ng ilang beses dahil ang talim ng tingin niya at nakakatakot talaga. Pero dahil nahihilo ako ay unti-unting nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong nangyari.