Kamari’s Pov
HINDI ko alam kung bakit siya nandito sa harap ng bahay ko at may dala pa talaga siyang bag. Kumunot ang noo ko at gusto ko sana siyang paalisin na agad pero naalala ko na boss ko nga pala siya simula bukas. Baka bagong pasok pa lang ako ay sibak agad ang mangyari sa ‘kin.
“Ano pong ginagawa niyo po, sir? Hindi po ka po nababagay dito.” Sabi ko sa mahinahong boses.
“I just want to be with you, agapi mou.” Sagot niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
“Can I come in?” Tanong niya kaya umiling ako. Hindi ko siya papasukin sa bahay ko dahil nakakahiya. Magulo ang bahay ko at masikip. Maluwag sana ‘to kung itatapon ko ang mga dating gamit ni lola Dolores. Ngunit ayaw kong gawin yun dahil yun nalang ang natitirang alaala ni lola sa ‘kin.
“Ayaw ko po, sir. Nakakahiya po sa’yo. Kaya wag mo na pong subukan na pumasok. Hindi po dahil sa hindi ka welcome, kundi nahihiya po ako sa bahay namin.” Saad ko kaya kumunot ang noo niya.
“Ayos lang yun sa ‘kin. Nakaya ko ngang tumira sa gubat, sa ganitong bahay pa kaya.” Sagot niya saka walang pasabi na pumasok bigla sa loob ng bahay ko. Napa atras pa talaga ako dahil sa ginawa niya.
“Teka! Hindi naman kita pinapasok sa bahay ko eh,” maktol ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nakapasok talaga siya sa loob ng bahay ko at agad na ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Bigla naman akong nahiya dahil sa ginawa niya. Ang kalat kasi, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang ibang gamit. Masikip ang bahay kaya konti lang talaga ang mapaglalagyan.
“Ayos lang naman pala ang bahay mo. Wala naman problema.” Sabi pa niya saka ngumiti sa ‘kin.
“Ano po ba talaga ang ginagawa mo dito, sir? May dala ka pa talagang bag.” Sabi ko saka bumaba ang tingin ko sa dala niyang bag.
“Can I sleep here?” Tanong niya kaya nanlaki ang mata ko at agad na umiling.
“Hindi po pwede, sir. U-Umalis ka na po at umuwi ka na. Magpapahinga na din po ako para maaga po akong papasok bukas.” Padadahilan ko kaya nakita ko na naman sa mata niya ang kalungkutan. Ewan ko ba, kapag nakikita ko ang malungkot niyang mata ay nalulungkot na din ako. Hindi naman ako ganito sa ibang tao kaya nagtataka ako kung bakit nadadala ako.
Napabuga ako ng hangin dahil parang ayaw ko siyang paalisin. “Hindi ka po pwedeng matulog dito, sir. Pero pwede ka pong mag stay kahit saglit po.” Saad ko kaya agad nawala ang lungkot sa mga mata niya.
“Kakain po ako ngayon, sir. Yayayain po sana kitang kumain pero nakakahiya po ang ulam ko eh..” nahihiya kong sabi. “Sardinas lang po kasi. Kaya wag na po kitang yayain kumain. Baka hindi mo po alam yung pagkain na yun. Baka.. biglang sumakit ang tiyan mo.” Dagdag ko pang sabi. Ngunit nagulat ako ng biglang binitawan ni sir Evander ang dala niyang bag sa sahig saka naglakad papunta sa kusina.
Napasunod naman ako sakanya dahil nahihiya talaga ako sa barong-barong na bahay namin. Nakita ko siyang titig na titig sa kanin at ulam ko kaya mas lalo akong nahiya at napayuko.
“Pwede ba akong kumain? Nagugutom din kasi ako.” Sabi niya kaya nag angat ako ng tingin. Hindi ako makapaniwala na gusto niyang kumain ng sardinas. Nakita ko pang hinahaplos niya ang kanyang tiyan na parang nagugutom talaga.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko sabay tumango. Sana lang talaga ay kumakain siya ng sardinas. Halata kasi na mayaman siyang tao. Kung totoo talaga ang sinasabi niya kanina na hire na ako bilang secretary niya ibig sabihin lang no’n ay siya ang may-ari ng kompanya.
Kahit naguguluhan man ay kumuha parin ako ng plato at inilagay sa mesa. Dalawa naman ang upuan dito dahil kay lola Dolores yun dati.
“Upo ka po, sir. Pasensya na po kung ito lang po ang maihahanda ko po sa’yo. Bibili lang po ako ng ulam sa labas.” Sabi ko dahil nahihiya talaga ako na sardinas ang ulam na nakahain.
“No need, agapi mou. Kumakain ako niyan.” Sabi pa niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Duda talaga ako sakanya eh.
Umupo siya sa katapat kong upuan at nahiya pa ako ng tumunog yung kinauupuan niya. Maging siya ay nagulat din. Akala ko nga ay mababali yung upuan, hindi pala. Ang laking tao naman kasi ni sir Evander, matangkad kasi talaga siya at may matipunong katawan.
Nilagyan ko ng kanin ang plato niya at napansin ko na ngumiti siya. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at nilagyan din ng ulam ang plato niya.
“Thank you, agapi mou.” Sabi niya kaya tumango ako. Mamaya talaga ay ise-search ko ang meaning ng agapi mou na yan. Lagi kasi niya akong tinatawag na agapi mou.
Kahit nahihiya man ay kumain parin naman ako. Pinagmamasdan ko din siya na kumakain kaya nahiya ako dahil sunod-sunod ang subo niya.
Tumingin nalang ako sa sarili kong pagkain at sumubo ng pagkain. Hindi ko nalang pinansin ang lalaki na sarap na sarap sa pagkain ng sardinas.
“Sir..” tawag ko sakanya kaya tumingin siya sa ‘kin. Nagkasalubong ang tingin namin dalawa at agad na bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko alam kung bakit. Ewan ko ba, bigla nalang bumilis na hindi ko maintindihan. Sakaka kape ko na yata ‘to eh.
“Yes, agapi mou?” Tanong niya sa ‘kin.
“Ahm.. ikaw po ba talaga ang may-ari ng malaking building na yun? Akala ko po talaga si Mr. Philip.” Pagsasabi ko ng totoo.
“Si Philip ay right hand ko. Siya ang tumatayong may-ari kapag wala ako, agapi mou.” Sagot niya kaya tumango ako.
Ganun pala, kaya siguro din akala ng iba ay si Mr. Philip ang may-ari. Yung kaibigan ko nga ang alam din talaga niya ay yun.
Kumain ulit ako kahit pa nga sardinas ang ulam ko kahapon. Nagsasawa na talaga ako sa sardinas pero wala naman akong choice kundi ang kumain. Nagtitipid talaga ako hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Itong sardinas din na ‘to ay three weeks mahigit ko na yatang stock ‘to.
Tahimik lang kaming dalawa ni sir Evander na kumakain. Nanghingi pa talaga siya ng kanin dahil gusto daw niya ang ulam. Hindi ko alam kung nagkukunwari siya na masarap o hindi.
Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko nalang muna ang pinagkainan namin dalawa. Balak pa nga sana niya akong tulungan pero hindi ako pumayag dahil bisita siya. Bisita na hindi nagsabi na pupunta sa bahay ko.
“Dito ka na ba lumaki?” Tanong niya
sa ‘kin habang naghuhugas ako ng plato.
“Opo, sir. Simula po ng kupkupin ako ni lolo Dolores. Wala na kasi siya kaya ako nalang po mag-isa ang naninirahan dito.” Sagot ko kaya tumango-tango siya.
Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ng plato hanggang sa matapos ako. Lumingon ako kay sir Evander at nakitang nakaupo parin siya at mataman na nakatitig sa ‘kin.
Gusto ko na siyang umalis dahil hindi talaga ako komportable na nandito siya. Ang pangit ng bahay namin ni lola Dolores dahil sa hindi pa talaga ako nag-aayos. Pero ‘tong lalaking ‘to ay parang walang pakialam na makalat ang bahay ko. Parang gusto pa niya mag stay. Nakakapagtaka talaga siya, mas lalo pa nong tinawag niya akong asawa. Hindi ko siya maintindihan pero aalamin ko yun. Aalamin ko din kung sino ba talaga siya.