Prologue

1261 Words
Naglalakad ako sa tahimik na hall way habang pinagmamasdan ang karagatan. Napaka gandang pagmasdan nito lalo na't natatamaan 'to ng sikat ng araw. I stopped walking when I reached the door that connected to the terrace. Binuksan ko 'to saka naglakad sa malaking terrace para tanawin ang kalangitan. Nakatingala ako sa kalangitan habang iniisip ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Hanggang ngayon.. umaasa parin ako na magkikita kaming dalawa. "I miss you, agápi mou." I whispered in the air. Malungkot akong nakatitig sa kalangitan habang inaalala ang mukha ng babaeng matagal ko ng hinihintay na bumalik sa 'kin. I have been waiting for the woman I love for 600 years. Hanggang ngayon ay iniikot ko parin ang kasuluksulukan ng mundo at nagbabakasakali na baka na reincarnate na siya sa panahong 'to. Ngunit, lagi akong bigo. Lagi akong umuuwi dito sa Greece na bagsak ang balikat. Natigilan ako ng marinig kong bumukas ang pintuan. Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino 'yun. "Master Evander!" Tawag niya sa 'kin. Dahan-dahan akong lumingon sa taong lubos kong pinagkakatiwalaan. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha dahil malaki ang pinagbago ng aking kaibigan. "Ang laki ng pinagbago mo, Adonis." Nakangiti kong sabi sakanya kaya tumawa siya ng mahina. "Kumukulubot na ang balat ko, Master Evander. Ngunit, ikaw ay wala paring pinagbago." Sagot niya sa 'kin habang pinapakita ang buhok niyang puro puti. Ang pamilya ni Adonis ang matagal ng na ninilbihan sa 'kin. Naglilibot-libot lang ako kahit saan hanggang sa makilala ko si Feliciano. Nang mga panahong 'yun ay mag-isa lang ako sa buhay at laging naglalakbay para hanapin ang babaeng mahal ko. Hanggang sa napagdesisyonan kong pasukin ang kalakalan sa negosyo. Lumago ang mga negosyo ko hanggang sa dumami 'to. Nag kalat ang negosyo ko sa buong bansa dahil binibili ko ang mga ari-arian ng mga taong malapit ng yumao. Lagi akong naiingit sakanila dahil makakapag pahinga na sila sa mundong 'to. Habang ako.. lagi lang nandito. Kahit anong gawin kong pagpapakamatay ay hindi ako namamatay dahil sa binigay na sumpa ng isang matanda sa 'kin. Kaya lahat ng nakikilala ko dito sa mundo ay namamaalam. Habang ako ay patuloy na nabubuhay. Gusto ko na ding matapos ang buhay na walang hanggang na sinumpa sa 'kin para makasama ko na ang babaeng mahal na mahal ko. Hindi ako nagpapakita sa kahit sino, maging sa iba't-ibang negosyo ko. Ayaw kong may makatuklas sa pagkatao ko. Ayaw kong malaman nila ang pagiging imortal ko dito sa mundo. "Mukhang galing na naman po kayo sa ibang bansa, Master. Hinahanap mo parin po ba ang babaeng hinihintay mo?" Tanong sa 'kin ni Adonis. Tumalikod ako sa gawi niya saka tumingin sa kalangitan. "Umaasa parin ako hanggang ngayon na madudugtungan ang pagsasama namin ni Hestia." Malungkot kong sabi. Narinig kong bumuntong hininga si Adonis kaya lumingon ako sakanya. "Kamusta ka naman dito?" Tanong ko sakanya. "Mabuti naman ako, Master." Bumuntong hininga siya ulit. "Nag-aalala ako sa'yo, Master. Paano nalang kapag namaalam ako sa mundong 'to. Maiiwan ka na namang mag-isa." Malungkot niyang sabi kaya napangiti ako. "Matagal pa mangyayari ang sinasabi mo, Adonis. Malakas ka pa. Hindi mo pa ako iiwanan sa mundong 'to." Sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. "Hindi ka man lang nag pasabi na darating ka, Master Evander." Sabi niya. Inakbayan ko siya sa balikat at sabay kaming naglakad para pumasok sa loob ng bahay. "Hindi mo na kailangan salubungin ako ng magarbong handaan, Adonis. Sandali lang din naman ako dito sa Greece. Gusto lang talaga kitang bisitahin." Sabi ko sakanya kaya tumigil siya sa paghakbang. Tumingin siya sa 'kin kaya tinanggal ko ang braso ko sa kanyang balikat. "Saan ka na naman pupunta, Master?" Tanong niya sa 'kin habang naka kunot ang noo. Mas lalo tuloy kumunot ang noo niya dahil matanda na ang kaibigan ko. "Sa Italy. Gusto ko muna do'n tumira." Sagot ko. "Kailangan mong pumunta sa Pilipinas, Master Evander. Isa sa mga companya mo ay kailangan mong bisitahin." Sabi niya sa 'kin. May mga negosyo kasi ako sa iba't-ibang bansa at kasama na do'n ang Pilipinas. "Nga pala, Master. May mga pumunta dito at hinahanap ang nagbigay ng malaking donasyon sa isang charity. Gusto ka nilang makita at makilala dahil mailap ka daw sa media." Sabi sa 'kin ni Adonis. Biglang uminit ang ulo ko ng matinig ko 'yun. Hindi kasi ako nagpapakita dahil baka mahagilap nila ang totoo kong pagkatao. "Sinabi ko nalang na wala ka dito sa bansang 'to at pumunta ka ng Europe." Dagdag na sabi ni Adonis. Napabuntong hininga ako dahil sa makukulit na mga tao. Matagal na nila akong kinukulit na magpakita sa publiko sa t'wing nag bibigay ako ng donation lalo na sa mga orphanage. "Doon ka nalang muna sa Pilipinas, Master. Ipapahanda ko kay Philip ang iyong tahanan do'n sa Pilipinas." Sabi niya sa 'kin na tinutukoy ang apo niyang si Philip na inilagay ko sa Pilipinas para mag manage ng companya ko. Kaya ang akala ng mga tao do'n ay si Philip ang may-ari ng companya. Lahat ng mga negosyo ko ay may humahawak at lahat 'yun ay pamilya ni Adonis. Alam kung mapagkakatiwalaan ko sila dahil matagal ng naninilbihan ang pamilya nila sa 'kin. Kaya pagala-gala lang ako sa iba't-ibang bansa. "Kailangan ko ba talagang pumunta do'n? Hindi ba kayang ihandle ni Philip?" Tanong ko kay Adonis. "Kailangan ka daw niya, Master. Kaya siya tumawag sa 'kin kahapon at pinapasabi na kung pwede ay do'n ka muna sa Pilipinas." Sagot niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Fine! Ihanda mo ang private plane ko. Bukas na bukas ay uuwi ako ng Pilipinas." Sagot ko saka tinapik ang balikat niya. Nauna akong naglakad kay Adonis saka pumasok sa loob ng bahay. Masyadong malaki ang bahay na 'to para sa 'kin. Inihabilin 'to sa 'kin ng yumao kong kaibigan. Maging ang mga ari-arian ng pamilya niya ay sa 'kin niya binigay. Naglakad ako papunta sa isang kwarto kung saan nakalagay lahat ng mga iniwan ng mga yumao kong kaibigan na mayayaman. May mga gold bar pa 'to, alahas, mga mahahaling mga gamit na gawa sa ginto. Pagmamay-ari ko na ang mga 'to ngayon kaya inilagay ko lang siya dito sa bahay ko. Kaya laging nakabantay si Adonis sa bahay na 'to para walang makapasok na kahit sino. Baka magulat sila sa tinatago kong kayamanan. Dati ay nakikipaghalubilo pa ako sa mga tao kaya marami akong nakikilalang mga mayayaman sa iba't-ibang parte ng mundo. Kinakaibigan ko ang mga 'to kaya nila iniiwan sa 'kin lahat ng kayamanan nila. Wala akong sinabihan na kahit isa sa pagiging imortal ko. Tanging ang pamilya ni Adonis lang ang nakakaalam sa totoo kung pagkatao. “Master Evander, pwede mo ba akong samahan maglaro ng chess?” Tanong sa ‘kin ni Adonis kaya ngumiti ako sakanya at tumango. Sa haba ng panahon na sila ang kasama ko ay mula sa pagkabata ni Adonis ay nasaksihan ko hanggang ngayon na pumuti na ang buhok niya. Alam kung malulungkot na naman ako pagdating ng panahon na mawawala ang matalik kong kaibigan na si Adonis katulad nalang din sa pagkawala ng ama niya. Lagi kong nasasaksihan ang pagkabuhay ng isang tao sa mundong ‘to at nasasaksihan ko din kung paano siya mamaalam sa mundong ‘to. Kaya bawat segundo sa ‘kin ay mahalaga dahil natuto na ako sa pagkawala ng babaeng mahal ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako napapagod sa pagdarasal na sana bumalik na siya at isilang ulit sa mundong ‘to. Yun lang ang tanging hiling ko na hanggang ngayon ay hindi parin natutupad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD