Kabanata 7. Palayan

1185 Words
Pagmulat ng aking mata ay bumungad ang mukha ni Manang Soledad. "Sa wakas ay gising ka na. Halina't kumain, ikaw na lang ang hinihintay sa hapag kainan." napakunot noo ako. Kagigising ko lang minamadali na 'ko nitong si Manang Soledad. Pagtingin ko sa orasan ay alas cinco pasado pa lang ng umaga. "Hindi po ba pwedeng mamaya na 'ko?" tanong ko. Napaka-aga naman kasi para bumangon. "Hindi. Kaya kung pwede ay bumangon ka na. 'Wag mong hintayin na si Koronel Cielo pa ang humila sa 'yo palabas." ang oa ah! "Sige po, susunod na po ako," walang gana kong sinabi. Agad akong tumayo at dumiretso sa cr. Naligo na agad ako at nag-ayos. Aminadong nakakaimbyerna pero wala akong magawa. Pagpasok sa gitnang silid nitong second floor ay agad na bumungad sa 'kin ang ang mga taong nakaupo at naghihintay.Naroon din si Cielo. Umupo ako ulit sa tabi niya ngunit nang makita ko ang ulam ay bigla na lang bumaligtad ang sikmura ko. "Tuyo?" kusang lumabas sa 'king bibig. "Nakatutuwang malaman na alam mo ang tawag diyan," sambit ni Manang Soledad. "Anong nakatutuwa do'n e hindi ako kumakain niyan," direkta kong sinabi. "Gretha!" sigaw ni Cielo. "Hindi po ako kakain, Koronel Cielo," mariin kong sinabi at saka ko tumayo at lumabas. Nang makarating sa kwarto ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Cielo. "Kung pababalikin mo 'ko roon, inuunahan na kita. AYOKO." ipinikit ko ang mga mata ko. "Ang arte mo. 'Di ka pa magpasalamat dahil may pagkain ka," sambit niya dahilan para mapamulat ako ng mata. "Hindi nga ko kumakain ng tuyo, may allergy ako!" mariin kong sinabi. "Allergy? Ano 'yon?" kunot noo niyang itinanong. "Allergy, ang ibig ko sabihin ay 'pag kumain ako no'n mamumula ako o 'di kaya'y tutubuan ng kati-kati sa balat." sa inis ay napaismid na lang ako. "Ano bang kinakain mo sa bahay niyo, ginto?" "Pilosopo!" mariin kong sinabi at saka umirap. "Aalis tayo pagkatapos kong kumain. Kapag nagutom ka, kasalanan mo 'yan." lumabas na siya at isinara ang pinto. Makalipas ang ilang minuto ay hinatiran ako ng inumin ni Manang Soledad. Hindi tubig kung hindi isang tea na may pagka-apple nestea ang amoy. "Mabisang inumin para hindi sumakit ang tiyan mo kahit wala pang bakas na kinain. Aalis kayo ni Koronel Cielo kaya inumin mo 'to." Ininom ko agad ito, infairness masarap ang lasa. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Cielo. Aminado akong 'di ko maiwasang mapa-wow sa ganda ng paligid. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganito kalawak, kalinis at kagandang lugar. Hindi mawawala ang puno sa bawat sulok na daraanan namin. Isama pa ang mga bulaklak na samo't sari ang kulay kasabay ng hanging dumadampi sa 'kin bata. "Saan mo ba 'ko dadalhin? Ipapasyal mo na 'ko?" nagagalak kong tanong. Tumingin siya sa 'kin at tumango. "Sabi na nga ba't 'di mo matitiis ang ganda ko." nginitian ko siya pero hindi umimik. Hindi ba siya tinatablan ng karisma ko? Hanggang sa makarating kami sa isang malaking palayan. "Huwag mong sabihin na rito mo lang ako dadalhin?" taas kilay kong itinanong. "Lang? Hindi mo ba alam na dahil sa palay ay nakakakain ka?" kunot noo niyang tanong. "Alam ko. Per-" Natigilan ako sa pagsasalita nang lumapit sa 'min ang isang matandang babae. "Magandang umaga Koronel Cielo. Nariyan na pala kayo ng bisita mo," bungad niya. "Manang Ibay, kayo na ang bahala sa kaniya," bilin ni Cielo na ikinagulat ko. "Masusunod po, Koronel Cielo," nakangiting sagot ni Manang Ibay. "Mauna na ako." tumalikod na si Cielo at nagsimulang maglakad. Napakunot noo ako bigla. "Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko rito?!" no way! Hindi niya 'ko pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hinabol ko siya at hinila ang kaniyang braso paharap sa 'kin. "Saan ka pupunta? Hindi mo 'ko pwedeng iwan dito!" mariin kong sinabi "Bilang isang koronel, inuutusan kitang gawin ang trabaho mo." itinuro niya ang mga halaman. "Ano? Hindi! Ayoko sasama ako sa 'yo!" "Sinabing hindi pwede! May mahigpit na ensayo at pagpupulong kami ngayon sa campo! Ano gusto mo? Matamaan ng bala?" nakakunot noo siya. Napaismid ako sa sobrang inis. "Kung sabihin ko sa 'yong sasama pa rin ako, papayag ka na?" "Hindi." dalawang segundo niya 'kong tinitigan sa mata bago tumalikod. Napapadyak na lang ako sa inis. "Bumalik ka rito! Koronel Cielo!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig. "Cielo!" Hindi man lang niya 'ko nilingon. O baka naman 'di na niya 'ko narinig. What should I do now? Wala akong kaalam-alam sa pinaggagawa nila rito sa palayan. "Gretha, halika na rito. 'Wag mong istorbohin si Koronel Cielo," pagtawag sa 'kin ni Manang Ibay. Wala akong nagawa kung hindi ang lumakad palapit kay Manang Ibay. Pinagmamasdan ko ang itsura niya at aminado akong napakataray ng aura nito Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Alam kaya niya na hindi ako marunong magtanim? Magdilig? Ayokong humahawak ng buhangin, alam kaya nila? Kung hindi paano na? Nang makarating ako sa tapat niya ay awtomatikong naging seryoso ang kanyang mukha. "Sumunod ka sa 'kin." napalunok ako sa kaba at walang nagawa kung hindi ang sumunod. Huminto kami sa tapat ng isang palayan. Aminado akong napakaganda pagmasdan ng buong paligid pero tirik na tirk ang araw kaya 'di ko maiwasang mairita. Napayakap ako sa 'king sarili. "Gretha, isuot mo 'to." paglingon ko ay si Manang Ibay. Inaabot niya sa 'kin ang damit na puti at sumbrero katulad ng suot niya pero ayoko tanggapin. "No... ang ibig kong sabihin ay ayoko. Bakit ako magpapalit?" "Dahil mabuhangin sa lupa. Kinakailangan mo itong isuot para hindi marumihan ang damit mo. Nando'n ang palikuran dalian mo na." umiling ako sa sinabi niya. "Ayoko. Ayoko magpalit ng damit." "Tama si Koronel Cielo, matigas ang ulo mo. Kung 'yan ang 'yong gusto, simulan na natin." mabilis niya 'kong hinila at dinala sa gitnang bahagi ng palayan. Oh my god! Ang daming damo rito at medyo maputik. Wala pa man sa sampung minuto ay nangangati na ang mga paa ko. "Ito ang itak na gagamitin mo pantabas sa mga damo." ini-demonstrate niya sa 'kin kung paano putulin ang mga halaman at damo. "Pagkatapos mong tabasin ang maraming damo ay kakamayin mo ito at ilalagay rito." kinuha niya ang mga damo gamit ang kaniyang kamay at inilagay sa loob ng isang steel trash can. Napalunok ako sa nakikita ko. Is this true? Sana panaginip lang. I can't do this s**t! Inaabot na niya sa 'kin ang itak habang ako ay nagdadalawang isip kung kukunin ba o tatakbo ako palayo sa kaniya? "Ang init... w-wala bang payong?" tanong na kusang lumabas sa 'king bibig. "Gretha, walang nagtatanim na nakapayong. Hindi mo ba nakikita ang balat ng mga tao rito ay hindi kasing kinis o puti gaya mo." napasinghap na lang ako ng hangin dahil wala naman akong magagawa. Gusto ko na talagang umuwi sa Manila. Mababaliw ako rito. "Ano pang hinihintay mo? Umpisahan mo na." wala akong ibang nagawa kung hindi kunin sa kamay niya ang itak. Inis na inis akong yumuko at sinubukang tabasin ang mga damong na sa harap ko kahit pa labag sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD