Kabanata 8. Waling-waling

1768 Words
Mabagal ang pagtabas ko sa mga damo kaya hindi gano'n kadami ang damong naaalis ko. Wala pa man sa kalahating oras ay nakaramdam na 'ko ng irritation. "Ang init huhu!" "Manang Ibay, hindi ko na po kaya!" sigaw ko mula sa malayo. Naroon siya sa kabilang hilera ng palayan, nagtatabas din ng damo gaya ko. Agad siyang naglakad palapit sa 'kin. "Ano bang sinisigaw-sigaw mo riyan? Hindi ka pa nagtatanim ay pagod ka na?" sambit niya at saka itinuro kung hanggang saan ang damong tatabasin ko. "Hindi ko na nga kaya-" "Hindi ko na nga po kayang tapusin..." Palusot ko. Bawal pala ng hindi gumamit ng po at opo sa mga nakatatanda rito, baka isumbong ako kay Cielo at parusahan ako. No way! "Ang init naman po kasi rito sa pwesto ko wala ba 'yong may silong... at saka, nauuhaw na 'ko. Gusto ko na rin kumain," tugon ko. Aba kanina pa 'ko hindi kumakain. Nang sabihin ko 'yon ay agad siyang tumalikod at nagtungo sa loob no'ng maliit na kubo. Ilang minuto lang ang lumipas ay natatanaw ko na siyang pabalik sa kinaroroonan ko. "Uminom ka muna. Ang oras ng pagkain ay mamaya pang alas dose." ininom ko ang isang baso ng tubig at saka ito ibinalik sa kaniya. Uhaw na uhaw ako sa initan isama pa ang gutom dahil hindi naman ako sanay magtabas ng damo. "Pwede bang mauna na 'ko kumain? Nakakagut-" "Hindi maaari. Na sa ikatlong batas ang tamang oras ng pagkain, hindi ka maaaring mauna o mahuli," sambit niya ng hindi ako pinatatapos sa pagsasalita. Ano ba naman kasing klaseng patakaran 'yan?Nakakaimbyerna! Lahat na lang may batas, kulang na lang pati pagbanyo ay ipagbawal nila. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa initan at magtabas ng damo. "Bwisit na buhay to!" "Bakit ba kasi ako napadpad sa lugar na 'to?" "Puro batas! Puro batas ang alam!" Paulit-ulit kong bulong sa 'king sarili. Hindi ko namalayan na nakalahati ko na ang pagtatabas ng damo. Effective pala ang galit na nararamdaman kapag ganitong sitwasyon na nagtatabas ako ng damo. Mas napadadali ang trabaho ko. "Mas lalong iinit ang panahon kung patuloy kang mag-iingay." isang boses mula sa lalaki, pagtingin ko ay siCielo? Teka, bakit parang... bakit parang lalong naging cool ang dating niya? Oh no! No way! Namamalikmata lang siguro ako o baka naman lumabo ang paningin ko dahil masyado akong na-exposed initan. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Bakit ngayon ka lang dumating?" tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ka makatingin?" nakakunot noo kong itinanong. "Bagay pala sa 'yo," sambit niya. Sa pagkakataong 'yon ay 'di siya nakasimangot. Doon ko lang din napagtanto na nabahiran ng putik ang suot kong damit pang itaas at baba, so ito pala ang tinutukoy niya na bagay sa 'kin? "Alam mo ayos na sana kasi 'di ka nakasimangot pero hindi pa rin pala dahil may halong pang-iinsulto." inirapan ko siya at saka ko muling ipinagpatuloy ang pagtatabas ng damo. "Pumunta lang dito para insultuhin ako!" "Para panoorin akong naghihirap dito!" "Tabakin kita diyan e!" Bulong ko sa sarili habang malakas na ginagamit ang pwersa pantabas sa mga damo. "Ibuhos mo lang ang galit mo, nang sa gano'n ay matapos mo 'yan." talaga bang gusto niya 'kong mapagod? Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Sa tingin mo ba tatapusin ko 'to?" "Sa tingin mo rin ba ay hahayaan kitang makauwi nang hindi natatapos lahat 'yan?" seryoso niyang tanong. Bigla ko na lang naisip na mali ang sinabi ko dahil baka lalo niya 'kong 'di pauwiin. "Gusto ko na umuwi, pwede ba? Please, patawarin mo na 'ko sa sinabi ko," pagmamakaawa ko. Tumalikod siya at akmang maglalakad palayo pero hinila ko ang kamay niya paharap. Oh s**t! Nang mapaharap ako sa kanya ay halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa pagkabigla. Sobrang lapit na naman ng mukha namin. Agad siyang umiwas ng tingin habang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. "Sige na, magpalit ka na muna." sa wakas! "Wala akong dang gamit," sagot ko "Manghiram ka." nagawi ang tingin ko sa kubo at naalala si Manang Ibay. Agad akong naglakad papunta roon. Buti na lang ay si Manang Ibay lang ang tao roon kaya mabilis akong nakahiram ng damit. Agad akong dumiretso sa palikuran na itinuro ni Manang Ibay at nagpalit ng damit. Paglabas ay halos napatalon ako sa gulat. "Ano ba 'yan! Bakit ka ba nandito?" kunot noo kong tanong kay Cielo. "Huwag mong sabihin pati pag-cr este paggamit ng palikuran ay kasama sa batas? O baka... sinisilipan mo 'ko noh?!" sinamaan ko siya ng tingin. "Masyadong marumi ang pag-iisip mo, Gretha. Binabantayan lang kita dahil hindi mo isira maigi ang pinto." agad ko itong nilingon. Na sa labas ng pinto ang mahabang tali at sa loob ng palikuran ito isinasabit para maisara. "A-ahh akala ko k-kasi..." Bigla siyang tumalikod sa 'kin. "Halika na't may pupuntahan pa tayo." Nagpaalam na kami kay Manang Ibay at agad na umalis. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa kung saan. Gusto kong itanong kay Cielo kung saan kami pupunta at bakit 'di pa uuwi? Pero mas nangingibabaw ang kagandahan ng paligid sa bawat dadaanan namin. Sandali akong tumigil sa paglalakad nang makita ang isang bulaklak na nakaagaw ng aking pansin. "Sandali lang." "Anong tawag sa bulaklak na 'to?" tanong ko at saka hinawakan ang isang bulaklak na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Kulay rosas ito sa itaas at sa parteng ibaba ay dark red. Sa gitnang bahagi naman ay parang may ulo ng paruparo. "Walingwaling ang tawag diyan. Ang itinuturing na reyna ng mga bulaklak sa Pilipinas." napaawang ang bibig ko sinabi niya. Sana all may alam! "Ang ganda naman, dinaigan pa ang sampaguita," tugon ko habang hinahaplos ang walingwaling. "Noong ika-dalawang libo't apat na taon, nagkaroon ng aksiyon ang kapulungan ng mga kinatawan ng Pilipinas na ang Walingwaling ang magiging kapalit ng pambansang bulaklak, pero hindi naituloy." saad ni Cielo. Just wow! Hindi ko alam ang tungkol do'n ah. Sana lahat may alam sa gano'n. Sabagay, hindi na 'ko magtataka dahil napakaganda naman kasi, kakaiba sa lahat ng bulaklak. "Bakit hindi niyo ibenta sa ibang lugar?" tanong ko. Sandali niya 'kong tinitigan at pagkatapos ay muli ring ibinaling ang tingin sa bulaklak. "Hindi matutumbasan ng pera ang halaga ng bulaklak na 'to. Piling lugar lang ang mayroong walingwaling kabilang ang Davao, Cotabato at Zamboanga. Maswerte ang Los Ultimo dahil sumibol ang ganda ng bulaklak na 'yan rito." sabagay ay may punto siya pero kasi sayang ang pera, 'di ba? "Noong unang kita ko sa bulaklak na 'to ay agad kong napusuan. Kahit na sa malayo ay napakasarap pagmasdan." bigla na lang akong napatingin sa kaniya at maya-maya ay umiwas din ako agad. Hindi ba ako ang tinutukoy niya? Dahil hindi ako taga rito pero napadpad ako kaya ngayon ay exposed ang beauty ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa napatigil ako. Shit! Biglang kumulo ang tiyan ko, at alam kong dinig 'yon ni Cielo. Sandali akong napahinto sa kahihiyan at nang mapatingin ako sa kanya ay bigla siyang umiling senyales ng pagkadismayado niya sa 'kin. Hinila niya ang kamay ko dahilan para mapakunot noo ako. "Sandali nga! Saan mo ba 'ko dadalhin? "Ang bilis mo naman maglakad. Sinabing wait lang!" Sigaw ko hanggang sa binitawan niya 'ko. "Sinabing hindi pwedeng maingay dito. Bakit ang bilis mong makalimot sa mga sinabi ko?" inis niyang itinanong. "Malamang! Hinila mo ang kamay ko, 'di ba? Tingin mo dapat akong matuwa?" taas kilay kong tanong. Inakala kong mapapahiya siya at mag-so-sorry pero tinalikuran niya lang ako. Nakakainis na talaga 'tong Cielo na 'to. Kanina ang ayos ng pag-uusap namin, ngayon iba na naman ang mood niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Ang bagal mo maglakad. Pakibilisan." lagi niyang sinasabi sa tuwing lilingon siya sa 'kin. Sa totoo lang ay naiirita na 'ko sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na kainan. Walang taong kumakain kaya hindi ako naiilang. Tanging makikita lang ay ang tatlong babae. Iyong isa ay nagpupunas sa mga lamesa, iyong isa naman ay ang nagwawalis. Ang isang babae naman ay biglang lumapit sa 'min. "Magandang tanghali po, Koronel Cielo." "Magandang umaga rin sa 'yo," bati ni Cielo pabalik. Pinaupo niya 'ko sa may pinakadulong bahagi nitong kainan habang siya ay kinakausap iyong babae na sa palagay ko ay kusinera o taga-pamahala rito. Ilang minuto ang lumipas. Pagbalik ni Cielo ay may dala na itong tray na may lamang ulam at kanin pati tubig. Umupo siya sa harap ko at saka inilapag ang kaniyang bitbit. Hindi ko gusto ang itsura ng pagkaing nakahapag sa lamesa. Kulay itim na parang dinuguan ang itsura. "A-ano 'yan?" nandidiri kong tanong. Para kasing kadiri hawakan, paano ko pa kaya kakainin? "Tiyula itum." "Huh? Ano 'yon? S-sorry pero hindi ko alam 'yan. 'Di rin ako kumakain niyan," kabado kong sagot. "H'wag kang maarte, wala ka sa Maynila kaya wala ka rin karapatang tumanggi. Kakainin mo 'yan o mamamatay ka sa gutom?" suplado niyang tanong. Nakakaimbyerna talaga 'to, wala 'kong panama sa kaniya. Lagi na lang siya ang panalo, tsk! "Kakain na nga ko 'di ba?" sinamaan ko siya ng tingin. "Ayusin mo 'yang kilos at pananalita mo. Kung ayaw mong matulad ka sa mga 'yon." itinuro niya ang direksyon sa labas kung saan nakatayo ang tatlong lalaki sa tirik na arawan. Nakatali ang kamay ng mga ito sa kanilang likuran habang nakaluhod. Tanaw na tanaw ko sila mula rito sa kinauupuan ko, at kahit pa may mga dumaraan ay walang nagnanais na tumulong o lumapit man lang sa mga lalaking ng iyon. Sabagay, paano nga ba sila tutulong? Kung ikapahahamak lang nila ang pangingialam. "Anong ginagawa nila ro'n?" pagtataka ko dahilan para mapatingin siya sa 'kin. "Pinarurusahan," matipid niyang sagot. "Bakit naman? Saka sinong nagparusa?" kuryosidad kong tanong. Umaasa akong isasagot nito ang kaniyang sarili. "Inutusan ko si Kapitan Olfo na parusahan sila dahil hindi sila dumalo sa ensayo ng pagmimilitar. Kaya nga ako narito kasama mo, naudlot ang pag-eensayo't pagpupulong namin dahil sa tatlong pasaway na 'yan." Seriously? Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Grabe ka naman. Dahil lang 'di um-attend... este hindi dumalo, 'yon agad ang parusa?" "Oo. Dahil pasaway sila. Inuna nila ang pagpunta rito kaninang umaga para sa pagkain, kaysa gawin ang obligasyon. Kaya ikaw, matuto kang sumunod dahil kung hindi ay ako mismo ang magbibigay parusa sa 'yo." nakakikilabot ang mga tingin niya. Para bang balak niya 'kong lamunan sa oras na sumuway pa 'ko. Napalunok ako namg muling mapatingin doon sa tatlong lalaking nakakaawa. Grabe! Hindi ko na yata kayang manirahan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD