Kabanata 6. Saklolo

1696 Words
Nang makaramdam ako ng busog ay tumigil na 'ko sa pagkain. Hindi pa man ako nakakatayo ay agad akong napuna ni Cielo. "Ubusin mo 'yang pagkain mo." "Ayoko na busog na 'ko." agad akong tumayo. Halos mabingi ako at mapatalon nang kalampagim bigla ni Cielo ang table at tumitig sa 'kin. "Hindi pwede! Walang kahit anong butil ang matitira riyan sa plato mo. Bilang isang koronel inuutusan kitang ubusin mo 'yan, naiintindihan mo?" lahat ng taong naririto ay na sa amin ang atensyon. "Ang oa mo naman. Ano bang magagawa ko e busog nga 'ko?" nakakunot noo kong tanong. Hindi ko man makita ang mismong reaksyon ng mga taong kasama namin ay halata sa peripherial vision ko na nagulat sila sa pagsigaw ko. Lumapit sa 'kin nang bahagya si Cielo bago bumulong. "Pinagbigyan na kita, pwede mong gamitin ang wikang kinasanayan mo kapag ako ang kaharap mo. Pero ang pagtira ng pagkain sa plato ay mahigpit ding ipinagbabawal dito. Walang dapat na masayang o masira!" "Ano ba naman 'yan! Pati ba naman pagkain ay kasama sa batas?" pagdadabog kong tanong, lahat ng tao rito sa loob ay nakatingin sa 'min. Kami lang ang nagkakaintindihan dahil bulungan lang kami. "Uubusin mo 'yan ngayon o hihintayin mong masira mamaya 'yan bago mo kainin?" napakunot noo ako sa inis. Pinapili niya pa talaga 'ko, pareho naman 'di ko gustong gawin. "Busog ng-" "Isa!" "Dalawa!" Dali-dali akong umupo at hinawakan ang kutsara't tinidor. "Uubusin ko na nga 'di ba?" "Gretha, sumosobra ka na aba hindi mo pwedeng sagutin nang pabalang si Koronel Cielo!" sermon sa 'kin ni Manang Soledad. "Kaya nga. Mali ang ginagawa mo na pagtaasan ng boses ang nakatataas sa 'yo! Maganda ka pa man din ngunit wala kang respeto," pagsang-ayon ng isang babae doon sa pinakadulong upuan. "Hayaan niyo siya, kumain na muna kayo. Mamaya ay sumunod ka sa 'kin, Gretha." napalunok ako sa huling sinabi ni Cielo. Parurusahan niya kaya ako? Wala akong choice kaya pinili kong kainin 'yon kahit pa busog na 'ko. Gusto kong ihagis lahat ng plato sa harap ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon pero paano ko gagawin 'yon sa lugar na alam kong pwede akong ibitay anomang oras. Lahat ng tingin na ibinabato nila sa 'kin ay nakakikilabot. Ang buong oras na inilaan sa pagkain ay napaka-pormal. Walang pwedeng kumibo o mag-ingay kaya naman 'di-makabasag pinggan ang mga kababaihang kasama ko na kumakain din.  Ang tahimik, nakakaburyo. Matapos kumain ng lahat ay nagpaalam na ang mga ito kay Cielo habang ako ay nag-aayos at kinakalma ang sarili. Siya naman ay may hawak na papel at tahimik itong binabasa habang nakaupo at naka-dekuwatro. Akmang tatayo ako para bumalik sa kwarto pero naudlot ito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Cielo. "Sa kwarto, saan pa ba?" "Hindi ka muna pwedeng magpahinga." "At bakit?" pagrereklamo ko. "Bilang isang koronel, inuutusan kitang linisin mo lahat ng pinggan ngayon din," seryoso niyang sinabi. "Ano? Bakit naman ako? For your information bisita ako rito." "Maglilinis ka o parurusahan kita?" sa sinabi niyang 'yon ay napaismid ako sa inis. Naglakad ako palapit sa kaniya at saka huminto. Itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway sa harap niya mismo. "Kita mo 'to? Alam mo bang hindi ako pinaghuhugas ng Nanay ko sa bahay namin, tapos ako pipilitin mo?" "Sa kinis ng 'yong balat, halatang ubod ka ng tamad." aba judgemental pala 'tong koronel na 'to! Samantalang siya hindi magawang linisin 'yong pinalilinis niya sa 'kin. Napaatras ako nang maglakad siya palapit sa 'kin. "Lahat ng utos ko, dapat mong sundin. Wala sa bukabularyo ng mga tao rito ang salitang ayaw at hindi. Maliban na lang kung gusto mo ng parusa." Napalunok ako dahil sobrang magkalapit na ang mukha namin. The presence of this man was inflicting in my soul. Umeepekto ang tapang niya pero at the same time ay kumakabog ang dibdib ko kalag malapit siya. "M-maglilinis na ako..." nauutal kong sinabi. Oh my god! What's wrong with me? Mabilis siyang nagbigay ng espasyo kaya naman agad akong naglakad pabalik sa mahabang lamesa. Argh! Sa bahay nga hindi ako pinaglilinis tapos dito parurusahan ako kapag 'di sumunod? Talagang madudumihan ang kamay ko nito. "Ano pang hinihintay mo?" natauhan ako nang magsalita siya. Tinitigan ko siya sa mata, sumenyas naman siya na tanggalin ko na ang mga kalat sa lamesa. Nagsimula na 'kong alisin ang mga baso, ang mga tirang pagkain ay pinagsama-sama ko sa iisang supot. Ang mga plato ay pinagpatong-patong ko. Hindi ko maiwasan mandiri dahil first time ko ito. Never ko pang ginawa 'to sa buong tanan ng buhay ko. Kaya 'di ko mapigilan ang bumulong nang bumulong. "Bakit ba kasi ako pa 'yong pinaglinis?" "Bisita raw ako pero ginagawang yaya, tsk!" "Akala mo kasi presidente siya, koronel lang naman! Napagtanto ko na mula kanina ay nakatingin siya sa 'kin. Ang oa naman, binabantayan niya ba kung maglilinis ako o tatakas? "Hindi naman ako tatakas kaya kung pwede lang sana 'wag mo na 'kong panoorin." Hindi siya kumibo at nanatiling nakatayo't nakatingin lang sa 'kin. Nakakaimbyerna na ah! I hate it when someone staring at me while I'm too busy doing something. Nagsimula na 'kong maglinis at maghugas ng plato, hindi ko maiwasan mainis kaya medyo padabog ang ikinikilos ko. "Kung tinatamad kang maghugas, pwede mo naman basagin na lang lahat 'yan. Ikaw din naman ang maglilinis kung sakali," pang-iinsulto niya. Nag-suggest pa talaga siya sa 'kin, walang kwentang suggestion naman. "Kung mukha mo kaya ang basagin ko matutuwa ka?" nabigla ako sa sinabi ko kaya nakagat ko ang ibaba ng labi ko. Hindi ko sadya. "Anong sinabi mo?!" nag-umapaw ang pagkayamot sa mukha niya at agad itong naglakad palapit sa 'kin. Nang makarating siya sa tapat ko ay huminto ito at tinitigan ako sa mata. "Joke lang. Ang ibig kong sabihin, biro lang 'yon. Napakaseryoso mo naman masyado." Hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa 'kin. Isama pa ang inis na nararamdaman ko dahil ayoko talagang naghuhugas ng plato. Nakaka-dry ng balat, sa totoo lang. "Kapag ako 'di nakapagtimpi sa 'yo, ngayon din ay uuwi ako sa 'min!" muli kong bulong sa sarili ko. "Hindi ko alam kung nasisiraan ka nang bait dahit kinakausap mo ang sarili mo o mayroon kang nakikia rito na hindi ko nakikita at kinausap mo." hindi ko siya pinansin at bumulong na lang ako sa sarili ko. "Ako pa ngayon ang may sayad? Kung sa 'ting dalawa lang din aba mas may saltik ka." "Ano? May sinasabi ka ba?" natauhan ako sa tanong niya. "Ahhh hindi... wala 'yon ang sabi ko ang saya-saya pala maghugas ng plato. Grabe ang sipag ko," sarkastikong sabi ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ipagpatuloy ang paglilinis ng plato. Pinunasan ko ang mahabang mesa at sa wakas ay makakapagpahinga na 'ko. Nagpaalam na ako sa kaniya na mag-stay muna 'ko sa kwarto at magpapahinga. Buti na lang ay pumayag ang supladong Cielo na 'yon. "Hay nako nakakapagod." ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. "Hindi pagod ang nararamdaman mo." napabangon ako nang marinig ang boses na 'yon. Si Cielo. Pati ba naman sa oras ng pahinga ko ay makikita ko ang supladong lalaki na 'to. "Alam mo pa sa 'kin, hindi naman ikaw ang naglinis," mataray kong tugon. "Katamaran ang tawag diyan," saad niya na akala mo'y napakasipag. "Okay fine!" Uumirap ako at sandaling lumingon sa ibang direksyon. "Gumising ka bukas ng alas seis ng umaga at mag-ayos, may pupuntahan tayo," paalala niya. "Ang aga naman, hapon ako nagigising kaya 'di ko kayang bumangon ng maaga." "Pwes masanay ka na dahil simula ngayon ay mamumuhay ka bilang isang mamamayan ng Los Ultimo. Hindi pwede ang maingay at magsisigaw kahit na saan ka, maliban na lang kung may sapat na rason ka." "Walang matitirang pagkain sa plato mo sa tuwing kakain ka. Ang tubig ay hindi pwedeng sayangin, iniinom man o panlinis." "Walang teknolohiya sa lugar namin. Mga nakatataas lang at kasapi sa opisyal ang may karapatang gumamit ng telepono kaya ngayon pa lang ay itabi mo na 'yang sa 'yo bago ko tuluyang kumpiskahin 'yan." "Gumamit ka ng opo at opo sa mga nakatatanda sa 'yo, kahit bata ay dapat nirerespeto." "Ang salitang ayaw at hindi ay 'di mo pwedeng sabihin sa tuwing may iuutos o ipakikiusap sa 'yo." "Kailangan maging maingat ka sa pagbitaw ng salita dahil pwede kang parusahan kung sakaling BASTOS ka at walang modo." "Hindi ka pwede magreklamo, 'pag napatawan ka ng parusa. Hindi ka naman parurusahan kung wala kang nilabag na patakaran." "Hindi ka pwedeng magkalat sa kahit saang lugar mapa-loob o labas ng dormitoryo." Matapos ang sunod-sunod na sinabi niya ay halos balutin ako ng makapal na yelo. Hindi kapani-paniwala masyado ang mga batas nila. "Seriously? Ganiyan ba talaga rito? Para naman akong na sa lumang panahon nito. Baro at Saya na lang ang kulang sa 'tin," naiinis kong sinabi. "Bakit ba gano'n ang patakaran dito? Kulang na lang pati paghinga ko kailangan bilang. Baka gusto mo pang dagdagan sabihin mo lang." "Kulang pa talaga ang mga sinabi ko. Pero sa ngayon, 'yon na lang muna ang ipasok mo sa kokote mo," sambit niya. "Wala naman akong choice, tsk." Sandaling tumahimik ang paligid pero maya-maya ay muli akong nagsalita. "Tutal nandito ako at walang gagawin, gusto kong gumala at maglibot. Masasamahan mo ba 'ko?" "Wala kang lugar na mapupuntahan dito maliban sa palayan, panahian, at pagawaan ng mga kagamitang nasira at ang pagamutan." "Ano? Wala man lang magagandang view? Ang ibig kong sabihin ay galaan o tambayan man lang?" "Wala. Sa loob ng isang linggo ay isang beses ka lang din maaaring pumunta sa bayan." Magsasalita pa sana 'ko at magrereklamo pero inunahan niya 'ko. "Masyado ka nang madaldal, Gretha. Magpahinga ka na lang muna," huling salitang sinabi niya at saka tuluyang lumabas ng aking silid. How could I ever live my life in this kind of situation? In a place where I'm not getting used to living. I wasn't able to use my phone. I wasn't able to go anywhere and eat anything I wanted. How could I ever live with myself if I allowed that kind of people to dictate how I live my life. Mommy, Liezel... help me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD