Kabanata 4. Batas

1700 Words
Gretha Tumayo ako agad gano'n din siya. Akmang magsasalita ako pero hindi ko naituloy dahil sa isang lalaki na ngayon ay palapit sa 'min ni Cielo. Matipuno ang kanyang pangangatawan, moreno, matangkad pero mukhang loko-loko. May hawak itong baril. Shit! Sa kaniya pala nagmula ang ingay. "Diosdado! Itigil mo na 'tong kahibanan mo!" utos ni Cielo sa lalaking na sa harap namin. Diosdado pala ang kaniyang ngalan. "Paumanhin kuya, gusto ko lang mag-ensayo sa paggamit ng armas. Sa 'yo na rin nanggaling na ang tunay na lalaki ay handang humawak ng bala't baril," nakangisi niyang sagot. "Sa mabuting paraan mo gamitim hindi rito. Alam mo naman na maraming kabuhayan dito ang pwedeng masira sa butil ng bala!" singhal ni Cielo. Nagawi ang tingin sa 'kin ni Diosdado, dahilan para kumunot ang noo ako. "Sino naman ang magandang babae na kasama mo?" tanong niya. "Wala kang pakialam kung sino man siya. Kaya kung pwede lang sana ay bumalik ka na sa Baryo Bistar ngayon din!" utos ni Cielo pero nanatiling nakangisi sa kaniya si Diosdado. "Pakilala mo naman sa 'kin ang magandang dilag na kasama mo. Kung ayaw mo naman ay hayaan mo 'kong kilalanin siya." akmang hahawakan ni Diosdado ang kamay ko pero mabilis na hinarang ni Cielo ang kamay niya. "Hindi kita pinahihintulutan na hawakan siya. Bilang isang Koronel, inuutusan kitang umalis dito sa Baryo Gozum at bumalik sa Baryo Bistar, ngayon din!" wala akong salitang masabi. Nakatitig lang ako sa palitan ng kanilang tinginan na para bang anumang oras ay maaari silang mag-rayot. Muling nagawi ang tingin sa 'kin ni Diosdado at malawak itong ngumiti. "Sa susunod na punta ko rito ay umaasa akong makakasama kita." Lumingon siya sandali at ngumisi kay Cielo bago tuluyang lumakad palayo. Hinila ni Cielo ang braso ko habang papunta sa kung saan. "Saan mo 'ko dadalhin?" "Hey! Where are we going?" "Sagutin mo 'ko sa-" Natigilan ako nang takpan niya ang bibig ko gamit ang kaniyang palad. "Ang ingay mo! 'Wag ka na lang magsalita kung ayaw mong maparusahan!" I had no ther choice but to stay calm and keep quiet. Dito ko lang napagtantong na sa tapat na kami nitong malaking dormitoryo. Pumasok kami sa loob at sa bawat kwartong daraanan namin ay may mga taong naroon sa loob. Kapag magagawi ang tingin nila sa 'kin ay iisa lang ang reaksyon ng mukha nila at 'yon ay ang pamamangha na para bang ngayon lang nakakita ng magandang nilalang. Umakyat kami sa second floor at dumiretso sa pinakadulong silid. Pagkapasok ay doon niya lang din ako binitawan. "Anong gagawin ko rito?" tanong ko habang inililibot ang paningin. Napasinghap ito ng hangin bago sabihin, "Dito ka muna dahil kakausapin ko sandali ang kumander ng dibisyon tungkol sa gusto mong gawin." "Lahat na lang ng gagawin kailangan ipaalam? Ano ba yan! Akin na phone... este telepono ko." inilapad ko ang kamay ko at hinihintay na iabot niya iyon. "Pumunta ka talaga rito ng walang baon na kahit anong kaalaman?" nakasimangot niyang itinanong. "Paano akong mag-r-research tungkol dito e wala nga kayo sa google! Wala nga rin ang lugar na 'to sa map, tsk." napaismid ako sa inis. "Hindi ka na sana pumunta rito. Kahit ang dayo na katulad mo dapat ay may alam. Lahat ng taong pumupunta rito na walang alam at lumabag sa batas ay hindi na nakalalabas ng ligtas. Alam mo bang napakarami mong nilabag na batas?" I felt a sudden nervous, but I tried to look brave. "Hindi ko naman kasi alam, tsk! Pasalamat ka sa 'kin dahil may commission... este komisyon kayong makukuha sa gagawin ko," wika ko habang crossed arms. "Wala akong pakialam sa komisyon, tapusin mo ang gusto mong gawin nang makaalis ka na sa lalong madaling panahon. Delikado ka rito." Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabihin mo mga sa 'kin, ano bang nilabag kong batas? As far as I know maayos akong pumunta rito." "Mahigpit na ipinagbabawal dito ang paggamit ng wikang ingles, kapag sinuway mo ay maparurusahan ka." "Ang sinomang hindi rumespeto ay maparurusahan." "Hindi ka rin pwedeng tumawa, sumigaw o magsalita ng may kalakasang boses kapag na sa loob o labas ng dormitoryo. Maaari kang makulong ng ilang linggo." "What the hell? What kind of place is this?!" hindi makapaniwala kong tanong. "Hindi ba't kasasabi ko lang na bawal gumamit ng wikang ingles dito? Gusto mo bang parusahan kita?" seryoso lamang ang mukha niya, na tila ba parurusahan talaga ako. "S-sorry... este paumanhin." napanguso na lang tuloy ako. Baka sakaling tablan siya ng ganda ko. "Bawal din 'yang ginagawa mo. Lalo na sa harap ng maraming tao," dagdag pa nito. "Ikaw lang naman ang nandito kaya payagan mo na 'ko, pwede? Ang hirap naman kasi sundin ng mga sinabi mo." hindi ko maiwasang mainis, napaka-corny ng batas nila. "Binabalaan kita, matuto kang rumespeto sa kausap mo lalo 'pag ito'y nakatatanda sa 'yo. Ayusin mo ang pananalita mo dahil kahit bisita ka rito ay maaari kang parusahan." walang anumang emosyon akong nabasa sa mukha niya at ito'y tuluyang nang tumalikod. "Sa ganda kong 'to? Sino naman ang magbibigay parusa sa 'kin?" nakangisi kong tanong dahilan para mapaharap siya. "Ako." humakbang siya palapit sa 'kin at huminto sa harap ko. "Ako si Koronel Cielo, ang namumuno rito sa Los Ultimo, ang nagpapataw ng parusa sa mga taong suwail. Ako lang din ang nag-iisang tagapagpatupad ng batas at maaring magbago kung gugustuhin ko." Napalunok ako sa sinabi niya kaya naman agad akong lumingon sa ibang direksyon at muli ring ibinaling sa kaniya ang aking atensyon. Bakit ba parang hindi siya tinatablan ng karisma ko? "Ano nga ulit ang pangalan mo?" "Ako si Gretha Estacio, isang magandang nilalang na nanggaling sa syudad ng Manila at naparito para sa isang misyon kung sa-" bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya ako natigilan. "Ang daldal mo.... Gretha." nakakaimbyerna na 'tong lalaki na 'to ah. Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinigilan ako. "Alam mo gwapo ka sana kaso suplado ka. Dinaigan mo pa ang kamalditahan ko. Dinaig pa naka-menopause. Tsk!" tumalikod ako at akmang uupo sa kama pero hinila niya bigla ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Malapit ko na masampal 'tong lalaking na 'to, aba bigla na lang manghihila na walang pahintulot. "Papayagan kita na magsalita ng ingles o anumang lenggwahe na kinasanayan mo kapag ako ang kaharap mo, pero sa harap ng iba ay dapat makiayon ka. Bilang isang Koronel, inuutusan kitang tuparin mo 'yon, naiintindihan mo ba?" napalawak ang ngiti ko roon ah! Buti naman pinagbigyan niya ako kahit papaano. "Buti naman naisip mo 'yan. Anyway, thank you!" "Magpahinga ka muna, babalitaan kita mamaya kung anong desisyon ng kumander ng dibisyon," sambit niya. Agad akong tumalikod at humiga sa kama. Si Cielo naman ay tuluya nang lumabas ng kwarto. Pagmulat ng aking mata ay agad na bumungad sa 'kin ang mukha ng isang matandang babae na sa tingin ko ay na sa cuarenta pataas ang edad. Sino siya? Kanina pa ba niya 'ko tinititigan at binabantayan? "Magandang gabi, Gretha. Ako si Soledad, 'wag ka mag-alala maiintindihan ko kung ilang beses ka man magkamali dahil bago dayo ka rito." "What brings you here?" hindi ito nakasagot kaya naman napailing ako. "Ano kailangan mo sa 'kin? Bakit ka nandito? At na saan si Cielo, oh I mean si Koronel Cielo?" "Naparito ako dahil ipinagbilin ka sa 'kin ni Koronel Cielo para ako na ang magsabi sa 'yo tungkol sa desisyon ng kumander ng dibisyon." Tumango ako. "Buti naman. So anong balita? Pumayag na ba ang kumander ng dibisyon dito na mag-vlog ako? Pwede na ba 'ko mag-start?" "Pumayag na manatili ka rito hanggang sa matapos ang gusto mong gawin pero hindi ka maaaring gumamit ng telepono," wika niya na ikinagulat ko. "Ano?! Edi nonsense din 'yon. Hindi ako makakapag-start ng walang phone, ang ibig kong sabihin ay telepono." Nakakainis ah! "Hindi ka pwedeng sumuway dahil kasunduan 'yon dito sa lugar namin. Kasalanan mo 'yan dahil pumunta ka rito ng walang alam. Kung ako sa 'yo, isulat mo na lang muna ang mga bagay na matutunghayan mo, at baunin sa 'yong pag-alis." Nang sabihin niya 'yon ay para akong nanlumo. Imagine? Ang laking pera ang nakahanda na sana para sa vlog na 'to. Badtrip! Walang kwentang batas ang mayroon sila rito. Uuwi na lang ako kung wala rin lang mapapala. "Ang oa ng batas niyo, 'di ko na keri! Sorry, but it's time to go." agad akong tumayo at akmang kukunin ang maleta pero agad siyang nagsalita. "Ano ang sinabi mo? Anong gagawin mo?" tanong niya. "Ano pa ba, edi babalik na 'ko sa 'min! Wala naman pala 'kong mapapala, kung alam ko lang na totoo ang sinabi ni Ms. Laurente 'di na sana 'ko nagsayang ng panahon makapunta lang dito, tsk!" pagdadabog ko. "Hindi ka rin maaaring umuwi ngayon na walang pahintulot ng kumander ng dibisyon, ipagpabukas mo na lang 'yan." "Seriously?! Pati pag-alis ko kailangan ipaalam kay Koronel Cielo? Hindi pwede, umuwi na 'ko?" pagpupumilit ko. "Sinabing hindi pwede. Gabi na kaya't nagpapahinga na ang Koronel Cielo. Manatili ka na lamang dito sa buong gabi kung gusto mo na umuwi ay ipagpabukas mo na lang. Ako na ang magsasabi kay Koronel Cielo." para akong aatakihin sa puso sa sobrang inis. "Ano bang klaseng lug—" "Magagalit si Koronel Cielo, gusto mo bang maparusahan ka niya?" saad niya ng hindi ako pinatatapos magsalita. Napaupo na lang ako sa sobrang inis. Siya naman ay tuluyan nang umalis at lumabas ng kwarto. Bakit ba kasi ako pumunta rito? Wala rin lang akong mapapala at makukuhang magandang impormasyon. Sana 'di na 'ko nagsayang ng pera at pinang-gala ko na lang sana sa Manila o 'di kaya'y nag-Palawan na lang ulit ako. Kasalanan ito ng bwisit na sundalo na 'yon! Kung sinabi niya agad sa 'kin na mala-martial law ang plataporma sa lugar na 'to, kanina pa sana ako umalis. Na sa eroplano na sana 'ko ngayon pabalik sa Manila. Humanda siya sa 'kin dahil bukas din ay isisisi ko sa kaniya ang lahat ng ito. Paanong matatawag na vlog ang gagawin ko kung walang phone? Imagine? How could I ever live my life in this kind of place? No technology. No phone. Just f*****g rules and I hate that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD