Kabanata 3. Los Ultimo

2288 Words
Gretha Kasalukuyan akong nagalalakad papuntang sakayan ng taxi. Patungo ako sa Meldez Airport. Buti na lang ay natakasan ko si Mommy, sakto naman na may meeting siya sa company nila kaya malaya ako Sandali akong natigilan nang humarang sa daanan ko ang isang matanda. "Pahingi naman kahit kaunting barya lang," palimos sa 'kin ng isang babaeng medyo may edad na. Shit! Ang dugyot niya! Naaamoy ko rin ang masangsang niyang damit. Willing naman ako magbigay ang kaso ay nakakapag-alangan dahil sa itsura at amoy niya. Baka sumama sa 'kin 'yong presensya niya at maging kasalanan ko pa ang kalalabasang baho sa eroplano. "Eww!" kusa kong nasabi at saka siya inirapan. Tsk! Andami naman iba riyan bakit sa 'kin pa dapat manghingi? Sinusundan niya pa rin ako sa paglalakad hanggang sa naisip kong tumigal at humarap sa kanya. "Excuse me? Why are you following me?" "P-pwede bang manghingi kahit kaunting tulong lang hija?" lakas loob niyang tanong. Agad akong kumuha ng buong veinte sa wallet at inihagis sa kaniya. "Ayan! Pwede ka nang umalis!" Akmang tatalikod ako pero bigla niyang hinila ang braso ko. "Sayang ang ganda mo, hindi ka marunong rumespeto at walang pagpapahalaga. Magtagumpay ka sana sa paglalakabay mo," seryoso niyang sinabi bago ako tuluyang bitawan. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Bakit alam niyang maglalakbay ako? Ay ang shunga! Oo nga pala na sa labas ako, obvious naman na may lakad ako. Makalipas ang limang oras at kalahating minuto na pagbibiyahe. Finally! I'm here! Pagbaba ng eroplano, wala ng kung anu-ano pa't nagmadali akong lumabas ng airport. Sumakay ako agad ng taxi at ibinilin sa driver na dalhin ako sa Libliban, ang lugar kung saan ang sakayan patungo sa pinakadulo ng Tawi-tawi. Wala raw ksing diretso kaya gano'n. Iyon ay base sa babaeng pinagtanungan ko kanina bago ako makalabas ng airport. Matapos ang mahigit kalahating minuto, sa wakas ay nakarating na 'ko rito sa Libliban. Sumakay ako sa kakaibang tricycle na mayroon sila patungo sa Capitulo ng Tawi-tawi, ang pinakadulong bahagi ng Tawi-tawi. Iyon naman ay base sa driver kanina na ay pinagtanungan ko. Napakaraming lugar, 'di ba? Kalahating minuto ulit ang lumipas. Finally! This is it! Pagbaba na pagbaba ko ay tumambad ang isang karatula na ang nakalagay ay Capitulo ng Tawi-tawi. Namangha ako sa ganda at linis ng paligid, maaliwalas ang daanan, may mga lumang karwahe pero walang anumang trapiko ang makikita. Gawa sa kahoy at maninipis na bakal ang mga kabahayan at walang malalaking gusali ang makikita sa kahit saang paligid. Napakalawak ng daanan, isama pa ang simoy ng hangin na nagmumula sa mga iilang punong nakatayo sa bawat gilid. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ang mga taong naririto'y nakatingin sa 'kin. I don't want the way they look at me. Ang iba ay nagbubulungan at 'pag titingnan ko sila'y agad umiiwas ang mga ito. I had no other choice but to ignore them. Naglakad ako papunta sa gilid kung saan naka-park ang hilera ng mga karwahe. "Pwede niyo po ba 'kong dalhin sa Los Ultimo?" tanong ko sa isang lalaking nakaupo ngayon sa karwahe. Titig na titig lang siya sa 'kin at walang masabi, 'yong tingin na para bang may gustong sabihin. "Magbabayad po ako ng malaking halaga, basta dalhin niyo lang po ako sa mismong Los Ultimo," tugon ko. "L-los Ultimo?!" gulat na gulat niyang itinanong, pero bakit naman gano'n ang reaksiyon niya? "Tama ka kuya, sa Los Ultimo. Babayaran kita ng malaking halaga please... basta dalhin mo 'ko ro'n." agad akong kumuha ng dalawang libo at inabot ito sa lalaki, nang makita ang pera ay agad itong pumayag na dalhin ako roon sa Los Ultimo kaya naman sumakay na 'ko agad. Bakit nga ba gano'n na lang ang takot sa kanyang itsura? Pinagmamasdan ko ang paligid. Napapaligiran ng mga puno, halaman at mga bulaklak. Ang daanan habang tumatagal ay lalong nagiging makitid. Mas nagiging liblib at tahimik, walang kalat na makikita sa kahit saang gilid ako lumingon. Wala rin tao na makikita sa labas, at ang mga bahay ay hiwa-hiwalay. Sa tuwing may taong mapatitingin sa 'kin mula sa kanilang tahanan ay talagang napatutulala ang mga ito na para bang may malalim na ibig sabihin. Kung titingnan ang buong paligid, para lamang itong probinsya o sa madaling salita ay baryo. Mahigit isang oras ang nakalipas, bago huminto ang driver sa pag-da-drive. My goodness! Nakakangawit ang isang oras na pag-upo. Pagbaba ay agad kong inabot ang pera sa driver, dali-dali naman itong umalis. Nang lumingon ako ng diretso sa daraanan ko ay namangha ako sa laki ng gate na naririto. Ang nakapaskil sa itaas ay Los Ultimo. Apat na lalaking nakasuot na pang-militar ang nakabantay sa gate. Lumapit ako sa kanila at agad na inilabas ang phone. This is it! Magkakaroon na ulit ng laman ang vlog ko, yes! Wala pa man ako sa gate ay agad akong hinarangan no'ng isang lalaki. "Taga saan ka? Bakit ka naparito?" bungad niya sa 'kin. "Obvious naman, visitor ako rito sa lugar ninyo. By the way, I am Gretha Estacio from Manila, Philippines and I'm here t-" Bigla niyang hinablot ang phone ko kaya naman napakunot ang noo ko. "What the hell!" "Give it back to me or else... sasampalin kita!" Nanatiling tikom ang bibig niya't seryosong nakatingin sa 'kin. "Anong tinitingin mo riyan? Ibalik mo sa 'kin ang phone ko!" sigaw ko at saka inilapad ang kamay ko sa harap niya. Hindi siya sumagot kaya naman dali-dali kong kinalkal ang bag ko para hanapin ang id at ang ticket patunay na galing ako sa Manila, at nandito ako para sa content ng vlog ko. Andaming kalat sa bag ko. Habang kinakalkal ito ay isa-isa kong itinapon ang mga pinagbalatan ko ng pagkain, inihagis ang bote ng tubig sa gilid ng damo at sa wakas nahanap ko rin ang hinahanap ko. I am about to say something but he cut me off. "Napakarami mong nilabag na batas! Hindi ko alam kung anong gagawin sa 'yo ni Koronel Cielo sa oras na malaman niya ito," mariin niyang sinabi sa harap ko. "Batas? Ang harsh mo naman sa 'kin, pumunta lang naman ako rito para sa content ng vlog ko. Makikinabang din naman kayo sa kikitain ko so please ibalik mo na ang phone ko at papasukin niyo na 'ko." tinaasan ko siya ng kilay pero walang talab iyon sa kaniya. Hanggang sa matanaw ko ang ilang mga sundalo palapit sa 'min. Para silang mga hukbong militar. "Harap sa kanan! Ha-RAP!" sambit ng lalaking nakaharang sa 'kin at sabay-sabay silang nag-martsa no'ng tatlong lalaking na sa gate. "Magandang hapon, Koronel Cielo!" sabay-sabay nilang bati. Nang magawi ang tingin ko roon sa Cielo na tinutukoy nila ay nakaramdam ako ng kakaibang pintig sa puso ko. Just wow! Lakas ng tindig niya infairness. Maskulado ang katawan, moreno at matangkad. Natauhan ako nang mapagtanto kong na sa harap ko na siya. "Sino ka? Bakit ka naparito?" walang emosyon niyang tanong. Napakabaritono ng boses niya, para akong lalamunin. Isama mo pa ang amoy niyang umaalingawngaw sa paligid, gumagamit ba siya ng bench perfume? "My name is Gretha Estacio, 22 years old from Manila, Philippines. Ovbious naman na outsider ako at na-" "Paumanhin Koronel Cielo, pero napakaraming batas po ang nilabag niya mula pa kanina," singit no'ng sundalo na humarang sa 'kin si kanina. "Kung may nais kang puntahan, sa palagay ko'y hindi ito ang lugar na hinahanap mo," sambit nitong si Koronel Cielo sa harap ko. Tinitigan ko lamang ito bago muling magsalita. "Bakit? May iba pa bang Los Ultimo rito?" "Wala. Pero sigurado akong hindi ka nababagay sa lugar na 'to. May isang minuto ka pa, para humakbang palayo at bumalik sa pinanggalingan mo." kung titingnan ay walang mababasang emosyon sa mukha niya. "Actually, matagal ko na itong plano. Kailangan kong pumasok sa lugar niyo, makikinabang din naman kayo sa kikitain ko, so please? This is for my new vlog, just let me in." nginitian ko ito at umaasang mabibighani siya sa ganda ko. "Koronel Cielo, sa palagay ko'y isa siyang manunulat o 'di kaya'y tagapagbalita sa radyo at telebisyon sa Lungsod ng Maynila. Kaya siguro siya nandito ay para kumalap ng mga mahahalagang impormasyon sa lugar natin," singit no'ng isang sundalo sa gate. Infairness, he was right. Pero hindi ako writer or reporter, duh! "Precisely! Isa akong vlogger, hindi naman akong masamang tao. Hindi pa ba halata? Mag-isa lang ako, so plea-" hinarangan nitong Cielo na 'to ang bibig ko gamit ang malapad niyang palad. Aba napakabastos! Hindi pa ako tapos magsalita! "Nagsasabi ka ba ng totoo? Hindi ka ba talaga naliligaw? O baka naman isa kang tulisan na nagbabalat kayo para manggulo sa lugar namin?" aba ginawa pa 'kong tulisan! "Grabe ka sa 'kin ah. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang masaksihan ang paraan ng pamumuhay ninyo. Ayaw niyo bang sumikat 'tong lugar niyo? May makukuha rin naman kayong kita mula sa vlog na gagawin ko sa please..." pagmamakawa ko. Nakita kong bumuntonghininga si Koronel Cielo sa harap ko. Lalong sumingaw 'yong pabango niya, infairness ang bango lalo! "Tenyente Silong, inuutusan ko kayo ng mga alagad mo na ihatid ang babaeng 'yan sa Baryo Gozum. 'Wag niyong iwanan mag-isa hangga't 'di ako dumarating," utos ni Koronel Cielo. So, Silong pala ang name no'ng lalaking humarang sa 'kin kanina, ang cheap naman. Now I know. Ang importante ay pinayagan ako nito si Cielo este Koronel Cielo. "Ngunit, Koronel Cielo, mahigpit na ipinagbabawal ng Heneral ng dibisyon ang pagtanggap ng panauhin, kaya't hindi na natin maaaring papasukin ang nais bumisita." bwisit talaga itong Tenyente Silong na ito, kumokontra pa! Pagkasabi niya no'n ay inirapan ko siya. Humarap ako kay Cielo at nag-please sign. "Sige na please, galing pa 'ko sa Manila. Ilang oras kaya 'kong nagbiyahe makapunta lang dito tapos ipagtatabuyan niyo lang ako," pabebe kong sinabi para maawa siya. "Koronel Cielo, hindi niyo maaaring papasukin ang bab-" "Ako si Koronel Cielo, hindi ba? Kaya ngayon ay inuutusan kita na papasukin siya sa loob, ako na ang bahala na kumausap sa Heneral ng dibisyon." wow ang bossy niya ah. "Masusunod Koronel Cielo," mabilis na sagot ni Tenyente Silong. "Oh my god! Thank you!" Nagagalak kong sinabi kay Cielo pero nanatiling seryoso ang mukha niya. Akmang tatalikod na siya sa 'kin pero... "Mas mabuting 'wag ka na lamang magsalita para hindi madagdagan ang mga batas na nilabag mo," pahabol niya kasabay ng titig na parang lalamunin niya 'ko. Shit! Nakakakaba 'yong mga tingin niya, pero ano nga bang nilabag ko? Parang wala naman. "Kayo na ang bahala sa kaniya. Magkita na lang tayo sa Baryo Gozum," huling salitang sinabi niya sa apat na sundalo at saka tuluyang lumakad palayo. Isinakay nila 'ko sa sasakyang pang-militar at agad itong pinaandar. Habang na sa biyahe ay 'di ko maiwasang mag-isip kung ano ang itsura ng lugar sa mismong tinitirahan nila? Bigla ko ring naalala 'yong kwento ni Ms. Laurente, siguro naman ay 'di ako mapapahamak lalo't may kikitain din naman sila sa vlog na gagawin ko. Hindi ko namalayang nakarating na kami rito sa Baryo Gozum. Pagkababa ay namangha ako sa nakita ko. Napakalinis at maaliwalas ang paligid. Bawat gilid na dadaanan ko ng tingin ay napapaligiran ng mga naglalakihang puno at samu't saring bulaklak. Sa gitnang bahagi ay naroon ang isang dormitoryong napakalaki, malayo man ay natatanaw ko ito mula rito sa kinatatayuan ko. May mga kabahayan sa gilid na gawa sa kahoy, ang iba ay yaring bakal at kung titingnan ay hindi naman gano'n kalaki ngunit halatang napakatibay ng mga ito. "Dito ka muna at aalis kami sandali. 'Wag kang aalis dito," paalam sa 'kin ni Tenyente Silong. Teka! Hindi ba't sinabi ni Cielo na 'wag nila 'kong iwan hanggang 'di siya dumarating? Aba, mga bwisit 'to! "Sandali lang..." hindi nila 'ko pinansin at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan ang paligid. Hapon na pero wala pa ring katao-tao. Habang nagmamasid sa paligid, I can't stop asking myself. Ano kayang klaseng buhay ang mayroon sa lugar na 'to? Alam kong tama ang sinabi ni Ms. Laurente na sa lugar na 'to ay may mga batas pero naniniwala akong walang mananakit sa 'kin dito lalo't bisita ako. Lumipas ang kalahating oras pero wala pa rin sila. Naisipan kong maglakad sandali sa gitna mismo. Sa sobrang tahimik ay pakiramdam ko na sa sementeryo ko. Sa 'king paglalakad ay unti-unti akong nakaririnig ng ingay at sa bawat paghakbang ay lalo itong lumalakas. BOOM! Shit! Isang tunog mula sa putok baril ang umalingawngaw sa paligid dahilan para matigilan ako sa paglalakad. Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang nagsidatingan at naglabasan ang mga tao, lahat sila ay nagsisitakbuhan at sigawan. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at 'di ko matukoy kung saan ba galing. Shit! Maawa ka tadhada, 'wag mong sabihin na katapusan ko na 'to! Ayoko pa mamatay! Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng labis na pangamba at takot. Where should I go now? I'm stuck in the middle of nowhere. Isang putok ng baril ang muling umalingangaw, mas malakas kumpara sa mga nauna. Kusa na lamang akong napapikit at tanging ingay ng tao ang aking naririnig. Maya-maya lang ay may pwersa ang yumakap sa 'kin. "Yuko." pabulong man ang pagkakasabi ay alam ko ang boses na 'yon. Sabay kaming umupo habang ang kanyang bisig ay nakayakap sa 'kin. Lumingon ako sa kanya, tama ang aking nasa isip. "Cielo... este Koronel Cielo?" nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang nag-init ang mukha ko. Nagmistulang bula ang kaba na kanina'y nararamdaman ko. Animo'y kuliglig na patuloy sa pagaspas sa 'king dibdib ang tangi kong naririnig hindi ang ingay ng tao. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay pakiramdam ko namumula ako. No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD