Kabanata 5. Kanselado

1756 Words
Iminulat ko ang aking mga mata. Sumilay ang araw na nakasisilaw dahilan para mapahawak ako sa mata ko habang kinukusot ito. Laking gulat nang makita ang orasan. Shit! Tanghali na! Naalala kong aalis na pala 'ko rito. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa cr, naligo ako at nag-ayos. Sa kalagitnaan nang pagmamasid ko sa 'king sarili sa harap ng salamin ay bumukas bigla ang pinto. "Buti naman dumating ka na, Koronel Cielo. Pwedeng bang ihatid mo na 'ko't ituro ang daan palabas dito?" seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. "Halika na kung gusto mo ng umalis," walang emosyon niyang sagot. Balak ko siyang sisihin at sigawan kagabi pa, pero naisip kong 'wag na lang at baka lalo akong 'di makalabas dito kapag nagalit siya sa 'kin. Habang naglalakad sa hallway nitong dormitoryo, laking pagtataka ko kung bakit walang tao sa bawat silid na madaraanan namin. Hanggang sa paglabas ng dormitoryo, namangha ako sa bumungad sa 'kin. "Bilang isang Koronel, inuutusan kitang itikom ang 'yong bibig sa ating paglalakad. Kung gusto mong makalabas nang maayos, makinig ka sa sinabi ko," seryoso niyang sinabi bago tumalikod at maglakad. Gusto ko pa sanang kumibo pero mas pinili kong manahimik na lang. Muling naibalik ang atensiyon ko sa paligid na nakikita ko ngayon. Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang gawain, paggawa ng basket, porselas, pagdidilig, pagbubuhat ng mga naglalakihang kahoy, pag-igib ng tubig at pagsasama-sama ng mga uling. Lahat ay abala at sa itsura pa lang nilang napaka-seryoso ay halatang sanay ang mga ito sa mabibigat na gawain. "Bakit ka huminto?" tanong ni Cielo na nagpamulat sa 'kin. "A-ahhh... wala naman," pagpapanggap ko. "Siguro'y namamangha ka sa kasipagan ng mga tao rito, tama ba?" tanong niya. Teka, pang-iinsulto ba 'yon sa 'kin? "Ba't ako mamamangha? Tsk." mabilis akong bumalik sa reyalidad at nagpatuloy sa paglalakad. Wala pa man sa kalahati ay natigilan na si Cielo sa paglalakad, gano'n din ako. Isang grupo ng sundalo ang lumapit sa 'min at doon ko namukhaan na ang nangunguna ay si Tenyente Silong. "Koronel Cielo, galing kami sa Capitulo ng Tawi-tawi at ang sasakyang panghimpapawid ay naudlot sa pag-alis. Muling itutuloy ang biyahe sa susunod na buwan." Oh s**t! No! That's not true! "Ibig mong sabihin, kanselado ang lipad ng eroplano? Sa makalawang araw ba ay wala ring biyahe patungong Manila?" umaasa akong masasagot ang kaniyang tanong. "Hindi rin, Koronel Cielo, dahil sa makawala ay magkakaroon ng barter sa pagitan ng Marawi at Jolo, Sulu bilang pagkakasundo at pagbibigyan mula sa mga ari-ariang sila rin mismo ang sumira. Alam natin na ang dalawang lugar na 'yon ay matalik na magkaaway at nakaraang taon lang ay nagkaroon sila ng sagupaan. Bilang pag-iingat sa buong Los Ultimo, napagdesisyunan ng Heneral ng dibisiyon na wala munang lalabas o bibiyahe, para sa kapakanan ng lahat. Sapagkat hindi pa rin tayo nakasisiguro kung magkasundo na nga ba ang dalawang panig o baka sa kalagitnaan ng barter ay maulit ang giyera," mahabang paliwanag ni Tenyente Silong. Halos madurog ang puso ko, hindi dahil sa pangyayaring sinabi niya kung hindi sa pag-alis ko na hindi matutuloy. Kainis! "Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan? Kailan pa iniutos ng Heneral ang tungkol dito?" Tanong ni Cielo. "Kanina lang Koronel Cielo, nang puntahan niyo si Gretha sa loob ng dormitoryo ay agad na inulat 'yon sa 'min ni Heneral Doni. Iyon daw ang ibinilin ng kumander ng dibisiyon bago ito umalis patungong Baryo Gozum." Hindi ko na maipinta ang inis sa 'king mukha. I can't imagine myself living in this kind of place. "Paumahin, Koronel Cielo, abala ka sa pag-asikaso sa 'ting panauhin kanina kaya nahuli ka sa balita," isang boses mula sa lalaki. Paglingon ko ay may isang matanda ang palapit sa 'min na sa palagay ko'y na sa cuarenta y cinco años. "Magandang tanghali, Heneral Doni," pagbati ni Cielo at saka nagbigay galang, 'yong laging ginagawa ng mga militar. Nagawi ang tingin sa 'kin ni Heneral Doni. "Paumanhin, ngunit hindi ka maaaring umalis ngayon. Alam mo na rin siguro ang rason kung bakit. Delikado ang magbiyahe ngayon pabalik sa 'yong pinanggalingan." Hindi ko alam kung anong facial expression ang dapat ibato kay Heneral Doni. I couldn't believe na makakaharap ko ang mga sundalo rito. "W-wala na ba talagang ibang way-" Natigilan ako sa pagsasalita nang takpan ni Cielo ang bibig ko, doon ko lang din napagtanto na nakapagsalita ako ng wikang Ingles. s**t! Hindi ko sadya. Narinig ko. "Anong sinabi mo?" napalunok ako nang magtanong siya. "Ang ibig niyang sabihin, wala na bang ibang paraan para makalabas dito? Hinahanap na siya sa kanilang pamilya." Is that you Cielo? Iniligtas mo 'ko sa pagkakamali, just wow! "Gaya nang sinabi ko kanina sa pagpupulong namin, walang sinoman ang pwedeng lumabas kahit pa ikaw na dayo ay dapat sumunod. Alam mo naman siguro ang mga patakaran sa lugar namin?" hindi agad ako nakapagdalit bagkus napatitig kay Cielo. "Huwag mong sabihin na pumunta ka rito na walang alam, aba hindi pwede 'yon!" halos pigilan ko na ang sarili kong paghinga 'wag lamang makapagsabi ng salita. "Tama ka, Heneral, hindi pwede sa 'kin ang sinomang lumabag sa batas na ipinatupad ko, alam niyo 'yan. Kaya't buti na lang ay... alam niya lahat ng patakaran." nagkatitigan kami ni Cielo nang sabihin niya 'yon. He saved me? Hindi ba't siya naman ang tagapag-parusa? "Alam mo na ang dapat gawin Koronel Cielo," sambit ni Heneral Doni. "Ako na ang bahala." si Henerel Doni ay tuluyan nang umalis maging si Tenyente Silong at kaniyang mga kasama. May-maya lang ay mabilis na hinila ni Cielo ang braso ko dahilan para lalo akong mainis sa kaniya. "Bitawan mo nga 'ko!" "Naiinis na 'ko sa 'yo kagabi pa!" "Kung sinabi mo agad na bawal gumamit ng telepono rito edi sana kahapon pa lang nagbiyahe na 'ko pabalik sa 'min!" Hanggang sa makarating kami sa isang gilid na walang tao ay binitawan na rin niya 'ko. "Sinisisi mo ba 'ko?" taas kilay niyang tanong. "Pasalamat ka tinakpan ko 'yang bibig mo. Tingnan ko lang kung saan ka pulutin 'pag naglakad ka sa putik." "Ano ba naman kasi 'yan! Paano na 'ko makakauwi sa 'min kung hindi ako pwedeng lumabas dito? Hahanapin ako nina Mama at Liezel. No way!" palakad-lakad ako at 'di mapakalli kakaisip kung paano ako makababalik sa Manila. "Hayaan mo na lang akong lumabas, kailangan ko talaga, sorry." Tumalikod ako at akmang maglalakad palayo sa kanya pero hinila niya ang kamay ko dahilan para matumba kami pareho. Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtama ang mga mata namin, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na tila 'di maipaliwanag kung bakit. Ang mukha namin ay sobrang magkalapit, tipong isang maling kilos lang ay baka magdikit na ang labi namin. Kitang-kita ko ang kakisigan ni Cielo, ang makapal na kilay, matangos na ilong at medyo pulang labi niya. Mahigit anim na segundo kaming nagkatitigan at nang makaramdam ako ng init sa mukha ay agad din akong tumayo't gano'n din siya. "Ayos ka lang?" tanong niya. Akala mo naman talaga totoong concerned. Pinagpag ko ang sarili ko bago humarap sa kaniya. "Gusto mo nga 'kong parusahan, 'di ba? Tapos tatanungin mo kung ayos lang ako?" Magsasalita na sana siya pero agad ko siyang inunahan. "Dalhin mo nga 'ko sa lugar na may signal. Ang ibig kong sabihin ay 'yong may koneksyon, kung pwede lang sana ay ngayon na," utos ko. "Huwag mo 'kong uutusan dahil pwede kang makisuyo sa maayos na paraan. Baka nakalilimutan mong ako si Koronel Cielo at anumang oras ay pwede kitang parusahan." wala akong nagawa kung hindi manahimik at sumunod sa kaniya. Nang makarating kami sa lugar na maraming bato at halaman ay agad kong sinubukan at kapain ang signal sa hangin. Palakad-lakad ako at paikot-ikot pero kahit anong gawin ko ay wala talaga 'kong masagap na signal. Nakakaimbyerna! Walang signal, kakayanin ko ba 'to ng isang buwan? Itinaas ko pa ang kamay ko't parang tanga na humuhuli ng hangin sa ere pero wala talaga. "Ano ba naman 'yan walang signal! Kainis!" "Ang lakas kasi ng loob mong pumunta rito, hindi mo naman alam ang mga patakaran sa lugar namin. Tapos ngayon nagrereklamo ka," paninisi niya. "Ang lakas din ng loob mo na dalhin ako rito, wala naman palang signal, tsk!" "Hindi naman masamang sumubok," katuwiran niya. "Baka may balak ka sa 'kin ah nako!" humarap ako sa kaniya. "Lahat ng lalaking nambabastos sa 'kin, 'di ko pinalalagpas hangga't 'di ko siya nadadala sa korte, kaya 'wag mo 'kong susubukang bastusin ah!" "Hindi ko kasalanan kung namulat ka sa mundong puno ng karahasan. Palibhasa'y abusado ang mga tao roon," walang emosyon niyang sagot, aba nang-iinsulto ba siya? "At sa tingin mo kaaya-aya ang lugar niyo?" mataray kong tanong. "Hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo. Kaya kung pwede ayusin mo ang pananalita mo. Pasalamat ka, dayo ka rito. Kung hindi, kanina pa sana kita kita pinaluhod sa putikan." aba nananakot pa siya. Tiningnan ko lang siya ng masama. Lumingon ako sa gilid at sandaling bumulong sa 'king sarili. Argh! Can't take it anymore! Hindi ako sanay na ginaganito ako ng isang lalaki. "Pasalamat ka koronel ka, kung hindi kanina pa kita binatukan diyan!" . "May sinasabi ka ba?" Tanong niya. "Ah hindi wala, sabi ko tara na. Bumalik na tayo sa dormitoryo at baka 'di kita matiis." "Ano?!" inis niyang tanong. "Ang sabi ko, 'di ko na matiis ang gutom," palusot ko, tutal hindi pa 'ko nag-umagahan at tanghalian. Nagsimula na kaming maglakad at dumiretso sa dormitoryo. Umakyat kami sa second floor at sa pinaka-gitnang silid ay pumasok kami. Bumungad sa 'kin ang mga kababaihan at kalalakihan na kani-kaniyang naghahanda ng pagkain at inumin sa lamesa. Lahat ay abala, at nang magawi ang tingin ko sa dulo ay nakita ko si Manang Soledad. "Mga kasama, magbigay bati tayo kay Koronel Cielo at sa bisita na kanyang kasama," wika niya. Ang lahat ay sandaling tumigil, ngiti at pagbati ang ibinabato nila sa 'min ni Cielo. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat na sabihin kaya pilit na ngiti ang pinakawalan ko sa harap nilang lahat. "Halina't kumain, mamaya na lamang ipagpatuloy ang ibang gawain," dikta ni Manang Soledad sa mga kasama niya. Marahan akong umupo sa kanang bahagi ni Cielo, si Manang Soledad naman ay na sa kaliwang bahagi nito. Lahat ay nagsimula na sa pagkain. Walang ibang naririnig kung hindi ang tunog ng kutsara't tinidor. Halos mabingi ako sa katahimikang dulot ng paligid. Hindi ko maiwasan mag-isip kung paano nga ba makalalabas sa lugar na 'to? Bakit pa kasi ako pumunta rito na walang alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD