Kabanata 2. Kaguluhan

2806 Words
Gretha It's already 7 o'clock in the morning. I was walking down the middle school hallway, searching for room 109. Doon kasi ang office ng mga professor ng ethics subject, kailangan kong kitain si Mrs. Luciana dahil may iaabot ako sa kanya. Kagabi pa namin 'to napag-usapan sa chat, buti na lang ay napapayag ko siya. Wala pa man ako sa pupuntahan ko ay nasalubong ko na agad siya. "Mrs. Luciana, you're there!" nagagalak kong bati. Agad kong inabot sa kaniya ang isang small envelope na may lamang pera at nagkakahalagang 5000. "Don't break our deal, Mrs. Luciana. Thank you!" nakangiti kong sinabi bago tuluyang maglakad palayo sa kanya. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero naisip kong magmadali kunwari. I ran out of time. Na sa kalahating oras na ang lumipas simula nang mag-start ang first class ko but sorry, I don't plan on attending my first class. Mas gusto kong mag-stay sa mini cafe at mag-chill. Kasalukuyan akong nakaupo rito sa mini cafe mag-isa habang umiinom ng tea. Ang boring, mamaya pa kasi ang break time ni Liezel kaya wala 'kong kasama. Mag-v-vlog na lang muna ko tutal boring. Naglakad ako papunta sa pinakadulo at paborito kong restaurant dito sa loob ng university. Sandali akong bumili ng pagkain, 'yong mga best seller na tinitinda rito sa restaurant. Ito kasi ang content ng vlog ko. Mamahalin ang mga tinda dahil naka-set ang mga pagkain. Hindi pwedeng um-order ng isang food lang, kasi nga naka-set lahat. Pagkaupo sa napili kong pwesto, agad akong nag-set up and finally, mag-start na 'ko. "Good afternoon to my fellow supporters! Welcome to my channel! It's me, Gretha Estacio! So, for toda… oh shi—" Natigilan ako sa pag-v-vlog nang umalog bigla ang table ko dahilan para matapon ang mga pagkain at inumin sa sahig. "OH MY GOD!" napatayo ako sa inis at pagkagulat. "Ms. Sorry po… h-hindi ko sinasadya sorry…" "Hindi mo sadya? Are you blind or are you just stupid enough to do this! Look what you did!" sigaw ko dahilan para lalo siyang mataranta. "Ms… s-sorry. H-hindi ko po talaga sinasadya, h-hindi ko po nakita n-" "Shut up! Alam mo ba kung magkano lahat 'yan? 250 for Maccaroni with cheddar cheese! 195 for chicken fillet with coke 24 oz! 150 for bacon with egg sandwich! And 110.50 centavos for large french fries with sour and cream flavour! So all in all, 707.50 centavos ang kailangan mong bayaran!" sigaw ko na siyang nagpaluha sa kanya. "W-wala pa akong perang pambayad Ms… s-sorry po talaga hindi ko po sinasadya… napadaan lang po ako rito pasensya na po… kahit ano na lang po ipagawa niyo sa 'kin, gagawin ko please…" lumuluha niyang pakiusap. Tsk! Kaimbyerna ang pagmumukha nitong babaeng asungot na 'to! Lakas ng loob sanggiin ang table ko aba wala naman palang pambayad sa pagkain at inumin ko. Maigi ko siyang tinitigan mulo ulo hanggang paa, hanggang sa may naisip akong kapalit na ipagagawa sa kanya. "Sige. Hindi ko na ipababayad sa 'yo lahat 'yan, sa isang kondisyon." Bigla na lamang lumawak ang ngiti sa kaniyang labi at nasasabik na marinig ang kondisyon na sasabihin ko. "Kahit ano pong kondisyon, ano po ba 'yon? Para magawa makabawi ako," sambit niya na nagagalak. "Lumabas ka ng university at bilhan mo 'ko ng limang order ng Milk Tea. Isang Oreo, Cookies and cream, Vanilla, Rocky Road and Watermelon. Ngayon na," utos ko rito sabay abot ng pera. Agad naman siyang umalis. Mahigit isa't kalahating oras akong naghihintay habang kumakain. Hindi ko na siya inantay pa at bumili na 'ko ng pagkain, buti na lang ay nalinis agad 'yong kalat. Pasalamat ang babae na 'yon dahil good mood ako kung hindi ay baka naingudngod ko siya sa mga pagkain at inuming natapon. Maya-maya lang ay dumating na ito. Hingal na hingal siyang sumulpot sa harap ko. "What took you so long? Hindi ko naman kakainin 'yan, gagawin ko lang props sa vlog ko." saglit na nagbago ang expression niya. "Gano'n po ba, pasensya na po, traffic po kasi." inabot na niya sa 'kin lahat ng milktea . "Okay, get out of my sight now!" nagpasalamat pa ito at hingal na hingal siyang tumalikod at naglakad palabas ng restaurant. I decided to continue vlogging, ilang minuto pa lang ang lumilipas ay may isang babae na lumapit sa 'kin. "Ms. Estacio, pinatatawag ka ni Mrs. Lavinia. Pumunta ka raw sa principal office ngayon na." I tried to ignore her and continue what I'm doing. "Excuse me, Ms. Estacio. Wala ka bang naririnig? Pinatatawag ka ni Mrs. Lavinia," pang-iistorbo niya kaya natigilan ako. "Ano ba? Kita mong may ginagawa 'yong tao nang-iistorbo ka? At isa pa, bakit ako pupunta ro'n?" tinaasan ko ito ng kulay pero hindi siya nagpatinag dahil tiningnan niya ako nang masama. "Pwede bang sumunod ka na lang?" utos niya. "Can't you see? 'Di pa 'ko tapos mag-vlog. Uhmm, fifteen minutes more, please?" "Tama sila maganda ka, ang kaso lang 'di ka marunong sumunod." napatayo ako sa inis. "Anong sinabi mo? Bakit sino ka ba?!" ang yabang ng babae na 'to ah! Suminghap siya ng hangin at ngumiti na tila ba nang-aasar. "I am Kiana Sandoval Chavez, the new student council president of Hill Town University. You need to follow me, or else you have deal with my consequence." "As if I care?" wala naman kasi akong pakialam sa posisyon niya, palibhasa'y sipsip. Akmang magsasalita pa siya pero inunahan ko ito. "I've got to go, bye!" nginitian ko ito at iniwang nganga roon. Tsk, so annoying! Umalis ako na hindi man lang ginalaw kahit kaunti 'yong mga milktea na pinabili ko ro'n sa babae kanina. Ginamit ko lang naman kasing props iyon sa pag-v-vlog ko. Balak ko naman inumin kahit paano at ipamigay sa kakilala pero bwisit kasi iyong Kiana na 'yon. Naisip kong dumiretso sa principal office, at baka 'pag 'di ako pumunta ay ma-drop out ako. Sabagay, sanay na 'kong magpalabas-pasok sa principal office. Mas madalas pa nga 'kong nando'n kaysa classroom. Finally! Pagpasok ko sa principal office ay agad na bumungad sa 'kin si Mrs. Lavinia. Ang Principal ng university na 'to na matalik na kaibigan ni Mommy. "Bakit mo 'ko pinatawag?" bungad ko sa kanya. "Hindi ka ba marunong bumati, Ms. Estacio?" mataray niyang itinanong. "Oh sorry, good morning, Mrs. Lavinia," sarkastikong bati ko, tutal 'yon ang gusto niya. "Aren't you aware? 'Yong student na inutusan mong bumili ng pagkain kanina ay hinika? Minadali mo siyang bumili pagkatapos ay 'di mo naman kinain at ginawa mo lang itong props sa vlog mo. Is it true?" "As far as I know siya ang may kasalanan. Inutusan ko lang naman siya para pagbayaran ang pagtapon niya sa pagkain ko. Pero ano bang malay ko na may hika siya? Edi sana 'di niya sinunod, tapos ngayon ako ang sisisihin ninyo? Just wow!" mataray kong sinabi. Aba totoo naman! "Wala ka pa ring karapatan na gawing utusan ang kahit na sinoman, Ms. Estacio. Palagi ka na lang ganiyan, idinadaan mo sa pera, tingin mo ba tama 'yang ginagawa mo?!" sigaw niya na talagang nakabibingi. "Yes! Wala naman mali ron' ah? In fact, siya ang mali kaya inutusan ko siya bilang kapalit. Then sumunod siya. So please, Mrs. Lavinia, stop blaming me for such a thing I never did! It's not my fault!" mariin kong sinabi at saka tumalikod. Akmang lalabas na 'ko pero…. "MS. ESTACIO!" singhal niya kasabay nang malakas na pagkalampag sa kanyang table. Humarap ako at tumingin sa kanya. "I'm talking to you! 'Wag kang bastos! Hanggang ngayon ba naman ay 'di mo kayang matutunan ang salitang respeto?!" akmang magsasalita ako nang maunahan niya ako. "Starting tomorrow you're not allowed to join the class, bring your mother first!" nanggagalaiti niyang sinabi. "What?!" "Come on Mrs. Lavinia, don't tell my mom this. Promise, hindi na mauulit." I tried to apologize. "Really? Ilang beses ko na bang narinig 'yan? One? Two? Five? Or more?" nakangisi niyang tanong. "This is your last day, Ms. Estacio. Saka ka na bumalik dito kapag natutunan mo na ang salitang respeto at magandang asal." Napatango na lang ako habang nakangisi sa kanya. "Okay!" padabog akong lumabas ng office. Tsk! So annoying! Kung iniisip niyang mabuburyo ako sa bahay, pwes nagkakamali siya dahil ang totoo, ayoko naman talaga sa school. I can make my own money without them. Hindi naman ako gano'n ka-bobo para kailanganin ng tutor. Sa sobrang inis ay naisipan kong umuwi na lang. Habang naglalakad, sinisipa ko ang anumang kalat na makita ko. Pagdating sa tapat ng bahay ay agad akong pumasok sa loob. Bumungad sa 'kin si Mommy na nakapameywang at seryoso ang tingin sa 'kin. Dinaanan ko lang siya ng tingin at saka 'ko nagpatuloy sa paglalakad. "Gretha!" sigaw niya. "I'm tired, I want to rest na." dire-diretso pa rin akong naglakad at akmang aakyat sa hagdan pero natiglan ako sa sunod niyang sinabi. "What did I tell you?! Hindi ba't sinabi kong 'wag na 'wag ka na gagawa ng kalokohan sa school?" "Anak, kagagaling ko lang sa principal office last week, 'di ba nag-usap na tayo?" ang bilis kumalat ng balita, nakarating agad kay Mommy ang nangyari sa school kanina. "Yes I know, I know. Ano bang magagawa ko? Hindi ko naman alam na may hika 'yong tao, tsk," suplada kong sinabi habang nakatalikod sa kanya. "Hindi lang 'yon, Gretha! Akala mo ba hindi ko malalaman? Tuwing may ipagagawa sa inyo, palagi mong inaasa sa iba! Anak naman, kaya ka nag-aaral para matuto, para ikaw mismo ang gumawa ng mga bagay na 'yon. Tapos nalaman ko pa sa ibang prof na in-offer-an mo sila ng pera para lang ipasa ka." Oh my god! How did she know? I'm gonna kill you Mrs. Luciana! Napaharap ako kay Mommy. "Mga siraulo pala sila! Pagkatapos makipagkasundo sa 'kin, isusumbong nila 'ko sa 'yo? Tapos ako ngayon ang masama? Mga bwisit sila! Tsk!" "Gretha! Are you listening to me?" sigaw niya. "Malamang!" napairap ako. Nagulat ako nang sampalin ako bigla ni Mommy, "Wala kang modo!" "Alam mo ba no'ng malaman ko ang mga 'yon, para akong nawalan ng karapatan na maging masaya. Bakit? Kasi bilang Ina, ginawa ko lahat para sa 'yo, pero hindi pala sapat. Nandito ako, Gretha kung nahihirapan ka sa mga academics mo magsabi ka sa 'kin. K-kasi ano pang silbi ng pagiging ina ko, kung sarili kong anak 'di ko magawang pakinggan at tulungan. Sana rin kahit minsan, matuto kang rumespeto," tuloy-tuloy na sambit ni Mommy. Lumapit ito sa 'kin at doon ko napagtanto na lumuluha na pala siya. "Pinalaki ako ng lola at lolo mo na sobrang istrikto kaya nawalan ako ng kalayaan na maging masaya noong kabataan ko. Ngayon, pinili kong ibigay sa 'yo lahat sa pagbabakasakaling maranasan mo 'yong mga bagay na hindi ko naranasan noon." "N-nagkamali ako… s-sa kagustuhan kong maging malaya at masaya ka, inabuso mo masyado. Umabot ka ng kolehiyo anak, pero salitang respeto hindi mo kayang gawin?" nang sabihin niya 'yon ay bigla na lang kumirot ang dibdib ko. Mabilis akong naglakad paakyat sa second floor at dumiretso sa loob ng kwarto ko. Pagkapasok rito ay inihagis ko lang ang bag ko sa sahig at agad na humilata sa 'king malambot na kama. I don't even know why but at this moment, all I could ever feel was constant anger and pain and I don't even know why, pero sanay naman ako na pagalitan, sigawan at sabihan ng masasakit na salita. Now I'm here, beginning to wonder if I deserve this kind of pain? Aware ako na hindi ako anghel kagaya ng iba, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit gano'n na lang ang tingin sa 'kin ng sarili kong Ina? Pakiramdam ko'y wala 'kong ginagawang tama sa paningin niya. Wala nga ba? Or… Am I too insensitive? Am I evil enough to ruin my mom's happiness? Maybe, they were right. But this is me; I can't change the fact that this is me. Mahigit isang oras din akong nag-iisip, sa wakas ay nakaramdam din ako ng antok. Ilang sandali pa ay unti-unti ring bumagsak ang mga mata ko. Maigi kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin dahil kikitain ko ang manliligaw ko na si Samuel. Matapos mag-ayos ay agad akong lumabas ng bahay. Patago kong kikitain si Samuel, tutol kasi sina Daddy at Mommy kaya hindi ako pwedeng magpahuli. Paglabas ay agad akong kumaripas ng takbo. Sumakay agad ako ng taxi. Nang makarating ako sa meet up place namin ni Samuel ay laking pagtataka ko kung bakit wala pa rin siya. Makalipas ang ilang minuto ay may kung sinoman ang nagtakip ng panyo sa bibig ko. Amoy na amoy ko ang pabango hanggang sa tuluyan nang magdilim ang paningin ko. Few minutes later… "Gretha! Wake up!" Pagmulat ng aking mata ay bumungad si Daddy. Shit! Nandito kami ngayon sa isang park na madilim at walang katao-tao. "Daddy, bakit tayo nandito?" "Anak, sinundan kita kanina dahil pinagtangkaan kang gahasain ng Samuel na 'yon! Buti na lang ay sinundan kita." "Dito ka na lang muna, Gretha. Hahabulin ko ang lalaking 'yon! 'Di ako papayag na makatakas siya!" sigaw ni Daddy bago tuluyang tumakbo at hinabol si Samuel. Shit! Who would have thought na rapist ang lalaking manliligaw at pinagkatiwalaan ko? Hindi ko matiis kaya naman sinundan ko si Daddy sa pagtakbo. Hanggang sa makarating ako sa gitna ng kalsada. Maya-maya lang ay may isang kotse ang palapit sa 'kin, hindi ko maigalawp ang mga paa ko. "GRETHA!" Isang pwersa ang tumulak sa 'kin, dahilan para mapapikit at matumba ako sa sahig. Pagmulat ng aking mata ay bumungad sa 'kin si Daddy. Nakahandusay siya sa gitna ng kalsada, duguan at nanghihina. Shit! "Daddy!" mabilis akong tumayo at lumapit kaniya. "Daddy ,wake up!" "Daddy, it's me… Gretha…" "D-daddy… I-i'm sorry…" tuluyan nang umagos ang mga luha ko. Maya-maya… Iminulat niya ang kaniyang mata niya at tumingin sa 'kin. "G-gretha, my princess… sorry a-anak kaya kita inilalayo k-kay S-samuel dahil kilala ko ang lalaking 'yon… kriminal ang papa niya at pati s-siya…" "G-gusto ko lang na ilayo ka sa kapahamakan dahil mahal na mahal kita anak…" "S-siguroo… ito na ang oras ko… masaya akong sa pagpikit ng mata ko ay naprotektahan ko ang prinsesa ko… ipangako mo lang sa 'kin na k-kapag nagmahal ka ay doon sa taong malaki ang respeto sa 'yo, 'di ka iiwan at poprotektahan ka hangang dulo…" "D-daddy…" Ang luha mula sa 'king mga mata ay walang tigil sa pag-agos. Tagos ang sakit. Para bang isang daan na palaso sng nakabara sa 'king dibdib. "D-daddy… please wake up!" Paulit-ulit ko itong ginigising. "P-promise… h-hindi na 'ko sasama kung kani-kanino basta gumising ka lang D-daddy…" "D-daddy…" Pagmulat ng aking mata ay bumungad sa 'kin si Liezel. "Girl, you're crying. Kanina pa kita ginigising," sambit niya. "Si Daddy, napanaginipan ko ulit," tugon ko habang pinupunasan ang mga luha sa 'king mata. "Namimiss mo na naman ang Daddy mo noh?" napatango na lang ako at pekeng ngiti ang pinakalawan ko. Iyon kasi ang rason kung bakit hindi na 'ko muling umibig pa sa kahit na sino. Simula nang lumisan si Daddy, wala na atang mas sasakit pa ro'n. Higit pa ang sakit sa mga masasakit na salitang natatanggap ko mula sa karamihan. Mula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na wala na 'kong ibang lalaking mamahalin kung hindi ang Daddy ko. Siya lang. "Nabalitaan kong suspended ka ng one week, plus grounded dito sa bahay." "Naniwala ka naman?" balak ko na kasing magbiyahe bukas para sa vlog, tutal 'di rin ako tatanggapin sa klase. "Hindi. Ikaw pa ba? 'ayang utak mo palaging may way para makagala," pang-aasar niya. Well, totoo naman. "Mga talkshit sila!" iritado kong sinabi. "Ang tapang mo kasi. Imagine 'di ka um-attend ng class para sa vlog. Tapos 'yong inutusan mo hinika, kaya ayon nagsumbong," umiiling niyang sabi. "Kasalanan niya 'yon tatanga-tanga siya! Naiwan ko tuloy 'yong limang milk tea don," reklamo ko. "See? Andaming pagkain ang sinayang mo, girl! Sana binigay mo na lang sa 'kin. Anyway, pinapunta ako rito ni Tita para kausapin ka," saad niya. "At isa pa girl, sinabi sa 'kin ni Tita na in-offer-an mo pa rin pala 'yong mga prof mo. Sabi ko naman sa 'yo noon pa man tigilan mo na 'yon." "Pumunta ka ba rito para sermonan ako?" taas kilay kong itinanong. Tinawanan niya lang ako. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Pinagluto niya ako sa baba habang ako ay nagsimula nang maligo. Pagkatapos kumain ay tinulungan na rin niya 'ko na mag-impake ng gamit. Isang maleta ang dadalhin ko papuntang Mindanao. Buti na lang ay nandito si Liezel at napapayag ko siya na pagtakpan ako bukas sa pagtakas ko. Saka na lang niya ipaaalam ang totoo kay Mommy kapag na sa eroplano na 'ko. Sanay naman siya na wala ako rito sa bahay, at kahit pa libutin ko ang buong mundo ay wala naman siyang magagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD