Kabanata 1. Karapatan at kalayaan

2682 Words
Ang Mindanao ay pangalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa bahaging timog. Ang pook kung saan maraming bilang ng Pilipinong muslim ang naninirahan at mga kulturang tila hindi normal sa kinagisnan ng ibang Pilipino. Maraming giyera at sagupaan ang nagaganap dito kaya pinaniniwalaan ng karamihan na ang Mindanao ay mapanganib na lugar. Dito rin matatagpuan ang mga lugar na kilala bilang nagsasariling rehiyon, isa na roon ay ang Tawi-tawi. Sa Mindanao rin sumiklab ang Krisis sa Marawi, ang sagupaan at giyera sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng mga teroristang grupong Maute o Abu Sayyaf na tumagal mahigit limang buwan. Itinuring man na delikado ang Mindano, hindi mawawala ang katotohanang napakaraming sining, kultura at tradisyon ang naiambag nito sa buong Pilipinas. Gretha "Hi guys! Welcome back to my channel! This is Gretha Estacio, you—" "Gretha!" Nagulantang ako sa narinig. Si Ms. Laurente na sa likod ko na pala. "Oras ito ng klase hindi pag-v-vlog!" mariin niyang sinabi habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko. "I'm sorry, Ms. Laurente," walang emosyon kong sagot at saka bumalik sa upuan. Panira naman ng moment 'to si Ms. Laurente kung kailan introduction ko sa vlog ay saka pa dumating, sayang tuloy ang aura ko, tsk! Pagkaupo ko sa 'king pwesto ay agad na dumiretso si Ms. Laurente sa kaniyang table doon sa harap at inilapag ang gamit bago magsalita. "Magandang umaga sa inyong lahat," bati niya sa buong klase. 'Yan na naman siya, ang guro kong napakaseryoso at high blood palagi. Ang gurong paborito nila pagdating sa kwentuhan, ngunit salungat naman ako. Pa'no ba naman kasi ay palagi akong napapansin. Kung hindi tatawagin ay tatanungin ng kung anu-ano. Madalas din niya 'kong pagalitan kaya 'di na bago sa 'kin 'yong kanina. "Bago natin simulan ang aralin gusto ko kayong tanungin." Lahat ng atensyon ay nakatuon sa kaniya. "Ano pinagkaiba ng kalayaan sa karapatan?" lumingon ako sa ibang direksyon at baka ako na naman ang makita niya. "Ang sino man na makasagot ay exempted sa finals." Oh no! Ayaw gumana ng brain ko! Kailangan ko pala sumagot ngayon. Natigilan kami nang tumayo ang genius kong kaklase na si Zinah. Wala na, finished na kapag siya ang nagsalita. "Ang karapatan ay ang pag-aari na hindi natin nakikita o nahahawakan, pero kailangan natin pahalagahan. Gaya na lamang ng pag-aaral, pagpapahayag ng saloobin at iba pa. Samantalang ang kalayaan naman ay may malaking kaugnayan sa karapatan, ang pagbili ng kung ano, paggawa ng kahit ano ay isa sa kalayaan dahil nagagawa natin 'yong mga bagay na gusto natin," tuloy-tuloy niyang paliwanag. Pumalakpak ng tatlong beses si Ms. Laurente at malawak na ngumiti't sinabi, "Magaling, Zinah! Tama ang 'yong sinabi." Agad na umupo si Zinah at ngumiti ng bahagya. Ang mga mukha naman ng kaklase ko ay 'di maipinta sa panghihinayang na sana ay sila na lang ang nakasagot. "Alam niyo ba na ang karapatan at kalayaan ay napakahalaga sa mundong ibabaw? Dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na gawin ang bagay na gusto nila," paliwanah niya. "Maswerte kayo, at tayo. Malaya tayong nakagagawa ng desisyon natin na hindi kayang pigilan ng iba. Malaya tayong kumilos sa kahit saan natin naisin. Sa kasamaang palad ay inaabuso natin ang kalayaan na mayroon tayo." Tuloy-tuloy ang paliwanag ni Ms. Laurente habang ang lahat ay patuloy na nakikinig. "Sa sobrang paggamit ng kalayaan, kadalasan ay lumalagpas tayo sa hangganan. Kaya minsan, nakakasakit ka ng ibang tao pero 'di mo 'yon alam." Ang lahat naman ay tahimik siyang pinakikinggan. "Okay, class, makinig kayo, isang makatotohanang salaysay ang ibabahagi ko sa inyo." seryoso ang mukha ni Ms. Laurente. Mukhang interesado ang baon niyang kwento, kaya naman abang na abang ang lahat. "Alam naman natin na ang bawat lugar na mayroon ang Pilipinas ay nakasulat sa mapa, 'di ba? Pero ayon sa mga natutunan ko sa Mindanao noong ako'y nagtungo roon, mayroon isang lugar dito sa Pilipinas na hindi makikita sa mapa o sa kahit na anong website ay wala ito." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Seryoso ba 'yon? "Talaga po ba?!" "Anong lugar po 'yon?" "Saan po makikita 'yong lugar na 'yon?" sunod-sunod na tanong ng mga kaklase ko. "Sa pinakadulo ng Tawi-tawi ay doon lang may sakayan patungo sa lugar na 'yon. Doon matatagpuan ang tinatawag na Los Ultimo. Isang pribadong lugar na kahit sino'y 'di nanaisin na pumunta," sambit ni Mrs. Laurente. Legit naman kaya? "Bakit naman po? Ano po bang klaseng lugar ang Los Ultimo?" tanong ng isa kong kaklase. "Isa 'yong lugar na pribado at napaka-strikto ng mga namumuno. Punong-puno ng batas na kailangan sundin. Walang kalayaan at karapatan. Ang sinoman na sumuway sa patakaran ay mapapatawan ng parusa." bumuntonghininga siya at muling nagsalita, "Taong 1887 nang magkaroon sila ng sariling lenggwahe, ang tawag dito ay Dayac. Ngunit sa pagdaan ng maraming taon ay unti-unti nilang natutunan ang purong tagalog." Nagsimula nang maglakad si Ms. Laurente habang patuloy na nagkukwento. "Sa lugar na 'yon ay maraming bawal, maraming hindi pwede. Kung gusto mong mabuhay doon ay kailangan mong sumunod. Ang lugar na 'yon ay hindi kilala, may sarili silang batas, may sariling pinuno at ang sinoman na lumabag sa batas ay maaring parusahan o kitilan ng buhay anumang oras." Halata ang pagkagulat sa mukha ng lahat. Maging ako ay hindi makapaniwala. I don't even know na nag-e-exist ang gano'ng klaseng pamumuhay. "Simpleng pamumuhay lang ang mayroon doon ngunit lahat ay sapilitan. Lahat ay may gampanin, at hindi maaring tumanggi," dagdag pa niya. "Pero, Ms. Laurente, bakit naman po hindi nakikita sa mapa ang Los Ultimo? Hindi ba dapat silang pinagtutuunan ng pansin dahil kakaiba ang lugar nila? Bakit hindi pa nababalita ang tungkol doon?" sunod-sunod na tanong ng isa kong kaklase. "Dahil walang kalayaan at karapatan ang mga taong naninirahan doon. Lahat ng kilos ay kontrolado at bawat galaw ay limitado. Isa pa, wala rin tayong sapat na patunay para iparating 'yon sa awtoridad dahil hindi tayo saksi sa mga pangyayari sa lugar na 'yon." Maya-maya lang ay nagawi ang tingin niya sa 'kin. Shit! Ako na naman ang nakita niya. "Ms. Estacio, stand up. Hindi ba't vlogger ka?" "Yes, Ma'am," matipid kong sagot. "Bakit hindi mo subukan na gawing content ang mga lugar na hindi sikat o kilala kagaya ng Los Ultimo? At ibahagi sa iba kung anong kaganapan sa lugar na 'yon. Para naman magkaroon ng saysay ang vlog mo hindi 'yong lugar na masyadong common, 'wag 'yong puro paganda at kaartehan lang." What?! Seriously?! Puro pagpapaganda at kaartehan daw ako? Pagkatapos ay tinawag pang common ang mga place sa vlogs ko? Ang buong klase ay tinawanan ako at talagang hindi sila tumigil kahit pa masama na ang tingin ko sa kanila. "Shut up!" sigaw ko dahilan para lahat sila ay tumahimik. Tumayo ako at saka matalim na tiningnan si Ms. Laurente. "Mawawalan ako ng karapatan at kalayaan kung pupunta ako sa Los Ultimo. Coming from you, walang gustong pumunta sa lugar na 'yon, right?" taas kilay kong sinabi. "I know. But it's just my opinion, Ms. Estacio. Have you heard what she said awhile ago?" tumingin ito kay Zinah. "Karapatan ang magpahayag ng opiniyon, kaya 'wag kang magalit. I just want you to experience the other side of this world." Napaismid na lang ako sa inis at muling bumalik sa pagkakaupo. Nagpatuloy ang lesson at ang buong klase ay interesado maliban sa 'kin. Hindi ako makatingin ng diretso kay Ms. Laurente dahil hanggang ngayon ay 'di ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Porket professor siya akala ba niya perfect siya? Isama pa ang kwento patungkol sa lugar na tinutukoy niyang napaka-strikto at delikado, totoo nga ba 'yon? *** "Gretha!" Isang yakap ang sumalubong sa 'kin kaya naman natigilan ako sa paglalakad. Segundo ang lumipas ay napagtanto kong si Liezel ito, ang nag-iisa kong kaibigan. "Ang oa ah." napakunot ang noo ako habang nakayakap siya sa 'kin. "Sungit nito! Miss ka lang no'ng tao," aniya sabay harap sa 'kin. "Miss ba kita?" pambabara ko. "Alam mo, I really can't wait na tamaan ka ni kupido para naman hindi ka na ganiyan." sumimangot ito at nag-pout. "Bakit? Ano ba 'ko?" kunot noo kong tanong. "Iyang kilay mo malapit ko na ahitin 'yan kapag 'di ka pa ngumiti. Kaya ka napagkakamalan na b***h e." "You know naman na ayoko sa school. Kapag na sa labas nakangiti naman ako," sagot ko saka ngumuso. "Ewan ko sa 'yo! Tara na nga sa mini cafe." hinila niya 'ko at sabay kaming naglakad papunta sa loob ng mini cafe. *** KASALUKUYAN kaming nakaupo rito sa loob at umiinom ng tea. "Ba't parang ang init ng ulo mo today? Ano pinagalitan ka na naman ng favorite professor mo?" pang-aasar niya. "As usual. Tawagin ba naman ako tapos sabihin na puro pagpapaganda at kaartehan ang content ng vlog ko! Tsk!" nanggagalaiti pa rin ako hanggang ngayon. "Bakit hindi ba?" "LIEZEL!" "Just kidding, relax," aniya na natatawa. Inirapan ko siya't muling nilagok ang kalahati ng tea. "Any suggestion? Gusto kong lugar na kakaiba ang content ng next vlog ko next week. Kapag pumatok ang vlog ko next week, who you sa 'kin 'yong Laurente na 'yon!" umiinit pa rin ang ulo ko kapag naiisip ko 'yong mga sinabi niya kanina. Napakamot siya sa ulo niya. "Gretha... alam mo naman mahina ako mag-isip ng content keme na 'yan, 'di ba?" sambit niya. Napairap na lang ulit ako at nag-isip. "I knew it!" Nahampas ko ang table kaya't nagdulot ito ng ingay. Ang ibang customer ay napatingin. Well, I don't care. "Gusto kong puntahan 'yong Los Ultimo na sinasabi ni Ms. Laurente. Do'n ko malalaman kung totoo ba 'yong mga kwento niya," nakangising kong sabi. Ang expression niya ay napalitan ng kaba. "Seriously? Alam ko ang kwento sa lugar na 'yon, delikado 'yang naiisip mo." "Feel ko hindi naman. Ramdam kong pwede naman pumunta ang mga outsider doon. I am sure they'll allow me na maglibot doon. Besides, 'yong kikitain ko sa vlog na 'yon is may makukuha naman 'yong mga taong nandoon," nakangiti kong sinabi habang nakatingin kay Liezel. "You sure? Well, if that's your will, support kita. So kailan mo balak magbiyahe?" tanong niya. "By next week siguro tutal two weeks tayong may bakasyon." Hindi naman talaga 'ko natatakot pumunta sa kahit saang lugar, sanay na sanay ako gumala siyempre vlogger ako. Minsan ko nang napuntahan ang Baguio, Tagaytay, Palawan, Batanes, Davao, Quezon Province, at nakaabot na rin ako sa Visayas part ng mag-isa. Minsan nakakakaba lalo na 'pag first time sa isang place but it's part of adventure. Maybe it's time to see the other part of the Philippines. Matapos ang kwentuhan namin ni Liezel ay agad na kaming bumalik sa klase. I have so many plans. I know masyadong malayo ang Mindanao para puntahan ko mag-isa. But I am Gretha Estacio, a strong independent woman who is too eager to dedicate every moment of my life to differrent places. Sometimes we need to take a break from everyone and spend time alone to feel better and know ourselves more. Pero mukhang hobby ko na ang pag-a-adventure and vlogging, well it's not that bad. Sakto, marami akong ipon. Naiisip ko pa lang na pupunta ako roon ay napapangiti na 'ko. I'm so excited! I can't wait to go there. I am sure it would be nice to travel and learn about different cultures, in a place where I don't have any idea aside from the words strict and dangerous. Hindi naman siguro ako mamamatay doon. *** KASALUKUYAN akong nakatayo rito sa loob ng library, and I must hate to admit but this is so frustrating. I hate how this place is so f*****g annoying. Hindi makabasag pinggan lahat ng nandito kahit pa lalaki, plus kanina pa 'ko naghihintay na dumating 'yong librarian. Finally! Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay inunahan na niya 'ko. "Oh, is that you Ms. Estacio?" tanong niya. "Malamang, may iba pa bang maganda rito?" taas kilay kong itinanong. "Hindi ka pa rin nagbabago. Well, pasensya na pero baka naliligaw ka," pang-aasar niya. "Stop wasting my time tuko girl. Ibigay mo sa 'kin ang book na may mapa ng pilipinas. Gusto ko 'yong kumpleto, lahat ng area makikita ko, ngayon na." Ngumisi siya sa 'kin bago tumalikod at lumapit sa bookshelves, kinuha niya ang isang librong makapal at paglapit sa 'kin ay agad niya itong inabot. Mabilis ko itong binuklat at sa bawat pahinang bubungad sa 'kin ay nabuburyo ako. Pero dahil binabalak kong pumunta sa Los Ultimo ay paninindigan ko ang desisyon ko. Nagbabakasakali akong mahagilap ng mata ko ang salitang Los Ultimo sa mapa. "Bakit ganyan ka makatingin? Wala ba 'kong karapatan na pumunta rito?" kung makatingin kasi itong librarian akala mo'y alien ako. "I'm just fascinated, Ms. Estacio. Hindi kasi ako makapaniwalang napadpad ka mundo ng mga libro." Pagkasabi niya no'n ay tinarayan ko siya. "Hindi rin ako makapaniwalang nakikipag-usap ako sa mukhang tuko!" pagtataray ko. Agad akong umalis sa harap niya. Baka hindi ako makapagtimpi at masampal ko ang bibig niya. Nang makahanap ako ng pwesto ay agad akong umupo. Muli kong binuklat ang libro at dinala sa dulong part ng Mindanao. Oh my god! Wala pang kalahating oras ay nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko. Hindi talaga 'ko sanay magbasa ng libro kahit pa romantiko ay wala 'kong kahilig-hilig. "Mukhang may hinahanap kang hindi mo makita, tama ba 'ko?" isang boses mula sa lalaki. Pagtingin ko ay nakaupo na pala ito sa harap ko. "Who cares?" patuloy kong binubuklat ang libro at nagbabakasakaling mabasa ko ang ang salitang Los Ultimo. "Kakaiba ka talaga. Pinipilit mo ang sarili mo sa isang bagay kahit 'di mo kaya. Bakit 'di ka na lang humingi ng tulong o magtanong sa iba?" sambit niya, dahilan para mapakunot ang noo ako. "I can handle myself better than anyone else. So please, shut up your mouth, will you?" inirapan ko siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa ginagawa ko at patuloy lang ako sa pagbubuklat ng libro. Kahit na sa harap ko na ang Tawi-tawi ay hindi ko mahanap ang gusto kong makita. "Okay. I've got to go. Mag-ingat ka na lang sa pupuntahan mo. Masyadong malayo at delikado ang lugar na hinahanap mo." Oh my god! How did he know? Mabilis akong tumayo at hinabol siya. "Wait, how did you know about that? Stalker ba kita?" kunot noo kong tanong. Humarap siya sa 'kin at saka nagsalita, "Sit in ako sa klase ni Ms. Laurente kanina at narinig ko ang usapan niyo no'ng babaeng kasama mo kanina sa mini cafe. Puro ka kasi vlog at paganda, kaya wala kang pakialam sa paligid mo." Aba bastos 'to ah! Magsasalita pa sana 'ko pero inunahan niya 'ko. "I run out of time, pabebe ka kasi kanina. Anyway, ang Los Ultimo ay matatagpuan sa pinakadulo ng Mindanao. Dadaanan mo pa ang Bukidnon, South Cotabato, Tawi-tawi hanggang sa pinakadulo, doon matatagpuan ang Los Ultimo. Kapag nakarating ka sa pinakadulong bahagi ng Tawi-tawi, alam ng mga tao roon ang Los Ultimo," paliwanag niya. May halo man na pang-iinsulto sa una ay 'di na 'ko magrereklamo dahil nasagot na ang mga katanungan ko. "Okay, thank you!" ngumiti ako sa kaniya. Mabilis akong naglakad palabas ng Library, hindi ko nagawang isauli pa ang libro. Gano'n din 'yon, makikita rin nila kapag naglinis sila. Gusto ko na umuwi sa bahay para makapagplano at makapag-research about sa magkanong pera ang kailangan kong dalhin. I can't wait to go to Los Ultimo. Ang lugar na matatagpuan sa dulo ng Pilipinas. It's my very first time to travel in Mindanao. I really can't wait to see go there. Ang lugar na hindi lahat ay pinaniniwalang nag-e-exist ito dahil kahit sa mapa ay wala ang salitang Los Ultimo, wala rin sa google o sa kahit anong website. Hindi na 'ko makapaghintay na matunghayan ang lugar na 'yon at gawing paksa sa gagawin kong vlog. Hindi ako naniniwalang delikado ang lugar na 'yon hanggang 'di ko nasasaksihan ang pamumuhay doon, bukod pa riyan ay makikinabang din naman sila sa oras na sumikat ang vlog ko. Los Ultimo... I'm coming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD