Prologo

717 Words
Mundong puno ng batas. Maraming bawal. Maraming hindi pwede. Walang salitang ayaw. Sa bawat pagtanggi at paglabag ay may kapalit na kaparusahan. Hindi madali ang mapadpad sa lugar na puno ng patakaran. Walang karapatan at kalayaan. Limitado ang kilos, kontrolado ang galaw. Kaya nga bang baguhin ng isang batas ang taong walang ibang pinakikinggan kung hindi ang kaniyang sarili? Kaya nga bang labagin ang sariling batas 'wag lamang mawala at masaktan ang taong kinamumuhian ng karamihan, ngunit matagal mo nang pinakaiingat-ingatan? *** PAGMULAT ng aking mata ay nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Pinagmasdan ko ang paligid at bumungad sa 'kin si Heneral Albino at Tenyente Lagman. Nang makita nila 'kong mulat ang mga mata ay agad nila kong nilapitan, inalis ang tali sa paa ko at itinayo ako. "Saan niyo 'ko dadalhin?!" sigaw ko "Sa preso, kailangan kang parusahan dahil sa paglabag mo sa mga batas!" mariing sinabi ni Heneral Albino. Hinihila nila ko papunta sa kung saan kaya naman sinusubukan kong manlaban. "Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!" sigaw ko na nanggagalaiti sa inis at nagpupumiglas. "Talagang matigas ang ulo mo ah!" huminto sila at mabilis na itinali muli ang paa ko. "Napaka-talkshit niyo! Inaano ko ba kayo?!" sigaw ko habang nagwawala! Akmang tatalian ni Tenyente Lagman ang bibig ko pero maya-maya lang ay... "Hindi niyo siya maaaring parusahan!" sigaw mula sa boses ng isang lalaki. Lumingon ako para tingnan at laking gulat ko nang makita ko si Cielo palapit sa 'min. "Bilang isang Koronel, inuutusan ko kayo na pakawalan siya ngayon din!" "Paumanhin Koronel Cielo, ngunit ang babaeng ito ay napakaraming batas na ang nilabag! Dahil doon ay kailangan siyang maparusahan," sambit ni Heneral Albino. "Alam ko. Pero sana alam niyo rin na ako lang ay may karapatang magpataw ng parusa sa kahit na sino," saad ni Cielo. "Alam namin 'yon ngunit hindi patas sa mata ng mamamayan kung hindi magdudusa ang babaeng 'yan!" galit na sambit ni Heneral Albino. "Mas hindi makatarungan kung parurusahan ang inosenteng tao! Kaya inuutusan ko kayo ngayon din na pakawalan siya ng walang sugat o bahid ng dugo mula sa armas niyo!" sigaw ni Cielo, sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. "Naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo? Isa ako sa mga heneral at kahit saang anggulo mo tingnan ay mas nakatataas ako sa 'yo kaya 'wag mo 'kong didiktahan!" mariin na sinabi ni Heneral Albino. "Naturingan kang heneral pero simpleng kasunduan hindi mo magawang sundin?" Naglakad si Cielo palapit kay Heneral Albino at seryosong tinitigan ito sa mata. "Hindi ba't nakapaloob sa kasunduan ng buong Los Ultimo na ang Koronel lang ang nag-iisa at may karapatang magparusa sa kahit na sinong suwail at Koronel lang din ang maaaring magbago ng anumang batas." tila ba nakakikilabot ang mga titig niya sa pagkakataong ito. "Huwag niyo sanang kalimutan na ako si Koronel Cielo, kaya inuutusan ko kayo na pakawalan siya at hayaan niyong ako ang magpataw ng parusang nararapat sa kanya." Kung titingnan ay talagang isa siyang sundalong nakakatakot dahil sa maskuladong katawan at ang baritanong boses nito. Tipong isang tingin lang niya ay para bang matutunaw ka. Nakatitindig balahibo. Huminga nang malalim si Heneral Albino bago muling magsalita habang si Tenyente Lagman ay nanatiling tahimik. "Palalampasin ko ang araw na 'to. Ito ang huling beses na pagbibigyan ko siya. Sana'y magtanda na ang babaeng 'yan," tugon ni Heneral Albino. Inalis nila ang mga tali sa kamay at paa ko. Mabilis naman akong hinila ni Cielo papunta sa tabi niya. "Huwag mo sanang masamain Koronel Cielo, pero napapansin namin na iba ang turing mo sa babaeng 'yan. Huwag mong sabihing tama ang matagal kong hinihinala... na may pagtingin ka sa babaeng 'yan?" "Heneral Albino, ang batas ay mananatiling batas. Nakapaloob sa kasunduang itinalaga ko, na ang isang Koronel ay hindi maaring umibig o magpakasal." "Kung gayon ay mabuti, dapat lang na alam mo 'yan," nakangiting sambit ni Heneral Albino sabay tingin sa 'kin. "Alam ko. Pero gaya ng sabi ko, ako lang ang maaaring magbago ng mga patakaran. Kaya kung sakaling mahulog ang loob ko sa isang babae, handa akong baguhin ang batas... 'wag lang siyang mawala," tugon ni Cielo pagkatapos ay seryosong tumitig sa mga mata ko na siyang nagdulot ng kakaibang pintig sa 'king dibdib. Sandali, anong ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD