Chapter 2

1834 Words
Erol   "Huh? Seryoso ka ba? Iyong mataba mong pamangkin?" tanong ko kay Rafael nang sabihin niyang gusto niyang personal kong turuan ang kanyang pamangkin na mula pa sa Japan.  "Oo naman. Excuse you, dating mataba. Ngayon hindi na," sagot niya bago tinungga ang bote ng beer na nasa harapan namin.  "Alam mo namang mataas ang standard ko pagdating sa pagtuturo ng basketball,"sabi ko bago tinungga ang beer na ininuman ko na kanina.  "May potential ang pamangkin ko Erol. Alam ko naman ang standard mo eh. Kaya nga sinasabi kong subukan mo muna siya. At saka hindi mo pa naman nakikita kung may potential ba siya o wala. He's eager to learn. If not, hindi iyon magpapapayat para lamang sa basketball."  Bumuntong-hininga ako.  "Sige, dalhin mo siya rito. Total bakasyon na rin naman. Kapag wala akong nakitang kaunting espesyal sa batang ito, sorry na lang. At saka hindi mo afford and fee ko." Binatukan niya ko sa ulo sabay hila ng kwelyo ng aking damit at halik sa aking mga labi. Noong una ay simpleng halik lang iyon ngunit naramdaman kong bahagyang lumalim ang mga halik na iyon. Hindi ko na namalayan na naiyakap ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Ito ang mismong huminto sa paghalik bago ako pinatitigan ng maigi. Iyon bang klase ng titig na mula pa noong high school kami. Rafael's my boyfriend for almost eight years and we're planning on going to America para magpa-secret wedding at possibly doon na rin tumira. He knew how strict my parents were kaya nagpasya kaming sa America na rin kami titira for good. Sa ngayon ay isang sundalo si Rafael ngunit he always make time na umuwi sa apartment namin kapag may free time siya. "Aw, alam ko naman na hindi mo ako sisingilin ng mahal at saka isa pa, alam kong na-bully ang pamangkin ko kung kaya naisip niyang umuwi rito. Bigtime bullying siguro," sabi niya sa akin. "Alright sige. I'll see what I can do," sabi ko sa kanya sabay kintal ng maliliit na halik sa kanya. Madaling araw pa lang ay may kumakatok na sa pintuan ng aking apartment.  Inis akong bumangon. "Sandali lang," sabi ko sa kung sino man ang walang hiyang istorbo sa aking pagtulog.  Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Rafael kasama ng isang matangkad na batang kaswal lang na nakasuot ng hoodie. Para siyang younger version ni Rafael noon. Magkapareho ng kulay ang mga mata ng dalawa na light brown dangan lamang at may paka-Japanese ang hugis ng mata ng batang kasama niya.  "Good morning," nakangiting sabi niya sa akin.  "Rafael, madaling araw pa lang," inis na sabi ko sa kanya bago niluwagan ang bukas ng pintuan.  "Sorry. Tumawag kasi ang superior ko kagabi. Pinababalik na ako bago mag-alas nuebe ng umaga sa campo kaya nagpasya na akong idaan muna dito si Raiga bago umalis," sabi niya sa akin "Oh. Ang laki na ng ipinayat mo, Rai," sabi ko sa kanyang pamangkin noong nakaupo ito at inilapag ang kanyang duffel bag sa sofa.  Ngumiti lang ito sa akin.  "Umakyat ka na sa taas, Rai. Pag-akyat mo, left side iyon ang magiging kwarto mo. Pwede ka munang magpahinga. Mamaya na pag sumisikat ang araw tayo mag-uusap," nakangiting sabi ko sa kanya.  Tumango ito sa akin bago binitbit ang kanyang bag at saka umakyat na sa hagdanan. "And you," sabi ko kay Rafa. "Umalis ka ng walang paalam kanina." Nagkamot ito ng ulo at saka hinapit ako sa bewang.  "Sorry. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka."  "And who's fault was that?" tanong ko sa kanya bago inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.  "Kasi I can't get enough of you," sagot niya bago ako niyakap ng mahigpit. Kinurot ko ang kanyang tagiliran.  "Wanna have coffee bago ka umalis?" tanong ko sa kanya.  "Yes, please. I think I need one," sagot niya sa akin bago sumunod sa pantry. Pagkatapos magkape at konting lambingan ay tumayo na si Rafa upang magpaalam na. "Please do everything what you can do for him, love. Iiwan ko na siya sa iyo."  "Don't worry. I'll make him one of the top players dito sa Pilipinas," sagot ko sa kanya bago humalik sa kanyang mga labi na agad niya namang sinuklian.  Pagsikat ng araw ay ginising ko na si Rai. Napansin ko ang malaking similarity nila ni Rafa kapag bagong gising, grumpy. Kaya lihim akong napatawa.  "Get up, Rai. Pupunta tayo sa court ng school kung saan ako nag co-coach," sabi ko sa kanya.  "Pero tito," protesta niya habang nakapikit. "You wanna learn more about basketball, hindi ba?"  Tumango siya.  "Well, move. Your training will start now." Natawa ako nang may narinig akong "tch"mula sa kanya bago tumayo at pumunta ng banyo. He really just like my Rafa.  "Hihintayin kita sa labas. Don't let me wait too long baka iwanan kita," sabi ko pa sa kanya bago lumabas sa kanyang silid. Paglabas niya ay nakita kong nakasukbit na ang backpack sa kanyang likuran habang nakasuot ng puting t shirt at pulang short. Bahagyang naka-messy bun ang kanyang mahabang buhok.  Sumakay ito sa passenger seat ng kotse at saka ko pinasibad palayo ng apartment ang aking sasakyan. Pagdating namin doon ay agad kong ipinasa kay Raiga ang bola.  "Since gusto mong malaman ang tungkol sa basketball Rai, kailangan mo munang malaman ang basic skill ng basketball," sabi ko sa kanya bago kumuha ng bola sa lagayan ng mga ito.  "Una ito," sabi ko pa bago nag-dribble ng bola. At saka huminto pagkatapos.  Nakita kong matamang na nakikinig sa akin si Raiga which is a good sign. Interesado siya. "First is dribbling. Aware ka naman na hindi ka makagalaw sa court kapag hindi mo ginagalaw ang bola hindi ba?" "Seems like ang daling gawin," sagot niya bago nag-dribble sa sarili niyang hawak na bola gaya ng ginagawa ko. Lumapit ako sa kanya pagkatapos. "Yes its easy pero hindi lang basta dribble ang kailangan, Rai. You need to learn the essence of it at kung gaano kahalaga ang basic skill na ito." Nakita kong huminto sa pagdi-dribble ng bola si Raiga at saka muling tumingin sa akin. "When you are dribbling the ball, it will be easy for you to position yourself to score, pwede mong malusutan ang defenders or even pagsisimula ng offense para teammate mo. It will all easy as one two three kung alam mo ang tamang pag-dribble ng bola at syempre pa kung paano mo ito dalhin," paliwanag ko sa kanya.  "Can you teach me Tito about the perfect dribbling?" tanong niya.  "Sure but first you have to learn how to dribble properly hindi iyong bara bara lang porke marunong kang mag-dribble,"sagot ko sa kanya. "Sa pagdi-dribble mo pa lang napansin kong mali na kaagad. Ganito ang tamang paraan," sabi ko pa bago ipinakita sa kanya ang tamang pagdi-dribble. "Don't dribble using your palm of your hands instead use your fingertips. Katulad nito."  Ipinakita ko sa kanya ang pagdi-dribble na gamit ang mga dulo ng aking mga daliri.  "Spread your fingers wide for better support of the ball. By doing this, you can secure the ball at hindi ito titilapon bigla kapag naibuka mong maigi ang mga daliri mo. I'll compare the dribbling between spread finger than close one," sabi ko pa bago nag-dribble ng bola gamit ang hindi nakabuka na mga daliri. "Kapag ganito ang pagdi-dribble, hindi ba parang malaki masyado ang bola at parang kay hirap itong kontrolin lalo na kapag nag-bounce ito pabalik sa iyong palad dahil sa pwersa, hindi ba? Whereas kung nakabuka ang iyong mga daliri, assured ka na nagkokontrol mo ang force ng bola na nagmumula sa sahig dahil lahat ng mga daliri mo ay nagagamit mo at malaking bahagi ng bola ang nahahawakan hindi ba? Sige subukan mo."  Muling nag-dribble ng bola si Raiga pero this time ay nakabuka na ang mga daliri niya unlike kanina na magkadikit-dikit. Nakita ko ring sinubukan niyang mag-dribble ng hindi nakabuka ang mga daliri at halatang nahirapan siya.  "How was it? Alin ang mas madali mag-dribble ng bola, ang nakabuka ang mga daliri o ang nakasara?" tanong ko. "Ang nakabuka," sagot niya.  "Good," sagot ko sa kanya. "Tip number three, kailangan mo ring mag-practice sa kamay na hindi mo masyadong ginagamit," sabi ko sa kanya. Nagulat ako nung bigla niyang ginamit ang kaliwang kamay niya na parang ang dali lang.  "Both hands ginagamit mo?" tanong ko sa kanya. "Uhm, I was originally left-handed pero dahil gusto ni Mama na magsulat ako gamit ang right hand, tinuruan din niya ako sa right hand so I am capable of using both of it," sagot niya habang nag dri-dribble. "That's better, Rai. I'm going to let you practice more on your dribbling skills using your both hands bago ko ituturo sa iyo ang mga klase ng dribble. I'll give you three days for that."  Tumango ito sa akin. Lihim akong napangiti.  I can see that this kid will create his name in the basketball world one day. Tama nga si Rafa. He only needed more polishing and he'll be one hell of a player soon. At tulad nga ng araw na sinabi ko ay nag-improve na ang pagdi-dribble ni Rai sa bola. Magkasing-efficient na ang dalawa niyang mga kamay since sanay siyang gamitin ang mga ito.  "The first kind of dribble will be the hesitation dribble,"sabi ko sa kanya ng nakatayo kami sa likod ng apartment ko at may maliit na semi court doon. "Pay attention to what am I going to teach you."  Kinuha ko ang bola at saka nagsimulang mag-dribble ng bola sa kanyang harapan habang nakatayo siya at nakatingin sa akin. "Hesitation dribble is used when you are quickly advancing or hanging the basketball in the floor where your defenders are waiting. By using this kind of dribbling, it will be your choice whether you choose to score or to just pressure your defender or pass the ball to your teammates. The important part of hesitation is the footwork. You can either skip, scissor or step side whichever you want to use it doesn't matter. What is the most important is that the ball must be outside your body while dribbling, like this," sabi ko sa kanya na bahagyang inilayo ang bola sa aking bewang habang nagdi-dribble ng bola at lumapit sa kanya. "Do you know how to defend?" tanong ko.  Tumango siya.  "Well then I'll try this hesitation dribble. Try to defend."  Agad pumwesto si Raiga sa aking harapan bago ko bahagyang inilayo ang bola sa aking bewang.  "Try to read my moves." My original plan was to shoot the ball but when I was about to shoot it, bigla na lamang tumalon si Raiga to block me.  Nagulat ako nang ginawa niya iyon.  I'm sure he can't read my move yet pero paano niya nalaman na magshu-shoot ako ng bola? "Practice hesitation dribble first, Rai. I'll have to prepare lunch," sabi ko sa kanya bago ipinasa ang bola sa kanya. "Okay," sagot nito sa akin bago sinalo ang bola. This kid really is something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD