Chapter 1
Raiga's
Fat.
Buta.
Pig.
"Hoy, huwag mong ubusin ang pagkain sa canteen. Tirhan mo kami. Baboy ka kasi."
"Buti kasya pa sa iyo ang mga damit mo. Mukha ka na kasing balyena."
"Huh? Tanggap ka pa rin ng magulang mo? Eh, hindi ba halos inubos mo na ang mga groceries sa bahay ninyo?"
"Sasali ka ng team namin? Alam mo ba yung sinasabi mo? Ang taba-taba mo kaya. Malas ka lang sa team namin. Doon ka na lang sa sumo club. Pwede ka roon. Para iyon sa mga matataba at malakas kumain na katulad mo."
My name is Raiga Kyoma, a freshman in Middle School here in Japan and thirteen years of age, five foot two in height but I weigh hundred and one kilogram. I know I'm above normal but what can I do? I love food and there's nothing I can do to stop myself from eating too much.
As much as I love eating, I also love basketball and that guy I saw playing basketball once during Sakura Blossoming. But the only thing that hinders me is my weight and the bullying.
Napaiyak ako sa pagreject sa akin ni Maki. Siya ang captain ng team ng aming eskwelahan and the guy I really admired. Aminado akong magaling siya at star player ng school at lahat ay tinitingala siya. At first, I thought napakabait niya kasi nakita kong palakaibigan siya at kaibigan ng lahat.
He was like an angel when I saw him playing before. All I wanted was to get near to him and to know everything about him.
But I was wrong.
"You want to join our team?" tanong niya nung pumunta ako sa loob ng club room.
Tumango ako.
Nakita kong nag tawanan ang mga members ng team na naroon.
"Seryoso ka?" pigil na pigil ang tawang tanong niya.
"Oo," sagot ko sa kanya.
Tumayo si Maki at saka lumapit sa akin.
"Talaga ba? Alam mo iyang hawak-hawak mo? Huh?" tanong niya.
Tinignan ko ang hawak kong soft drinks at hamburger na may bahagi ng kagat.
"Ang basketball ay hindi para sa katulad mo. Hindi ito pabigatan o paramihan ng kinakain. Doon ka sa sumo club. Doon ka nababagay. Huwag dito. Mukha kang elepante sa laki. Ang taba mo pa. Baka nga hindi mo kayang buhatin ang sarili mo."
Pagkatapos sabihin iyon ay mas lalong nagtawanan ang mga ka-team niya.
For the first time in my life, nainsulto ako at umiyak. Na-conscious ako sa aking katawan.
Simula nang araw na iyon ay araw-araw na akong tinutukso ng mga classmates at ang pasimuno noon ay si Maki. Maging ang ibang year ay nakiki-join na rin sa panunukso sa akin.
Yung pagtutukso nila sa akin ay mas lalo pang nag-level up. Nariyan iyong biglang bubuhusan ka ng tubig, biglang tatanggalin yung salamin ko sa aking mga mata at lalagyan ng kung anu-ano ang aking locker.
Hindi ko alam kung ilang beses na rin akong umiyak at umuwi ng may mga pasa. I was emotionally and physically bullied. Walang ideya ang mga magulang ko sa nangyayari sa akin dahil palagi silang wala. Minsan kasi ay pumunta si Papa overseas kapag ipinadala ng boss niya siya doon. Si mama naman ay laging out of town dahil na rin sa mga projects na ginagawa niya.
In short, I was all alone and suffering.
But still, it didn't stop me from holding the basketball again at nagdi-dribble sa loob ng bahay.
Nagpasya akong magpalipat ng eskwelahan at umuwi sa bansa na kinalakihan ng Mama dahil hindi naman tumigil ang mga pambu-bully sa akin.
"Are you sure Rai? Mainit sa Pilipinas baka manibago ka sa klima," sabi sa akin ni Mama pagkatapos niyang matawagan ang mga lola at sinabing doon na muna ako titira.
Half- American si Mama dahil ang mapangasawa ng Filipina kong lola ay isang US national. Matapos mag-retire ang lolo sa US army ay nagpasya na silang doon na manirahan for good.
"Opo," sagot ko sa kanya habang nililigpit ang aking mga gamit.
"Ano ba kasi ang dahilan bakit bigla kang nagpasya na lumipat, anak?" tanong ni Papa.
"Wala naman po, Pa," sagot ko sa kanya.
Alam kong hindi naniniwala si Papa pero hindi na siya nagtanong.
Pagdating ko sa Pilipinas ay agad inasikaso ng tito, kapatid ng Mama, ang pagtatransfer ko sa isang eskwelahan. Mabuti nalang at halos two weeks palang nagsisimula ang klase at hindi pa gaano nagsisimula ang lessons.
"Rai, bakit mo nga bang napagpasyahan na mag-aral dito? May problema ba sa Japan?" tanong ni Tito noong nakatambay kami sa kubo malapit sa palayan ng lolo.
Bumuntong-hininga ako at saka na patungo.
"There's this one guy that bullied me. Sabi niya hindi raw ako pupwede sa basketball kasi nga ang taba ko," sagot ko sa kanya.
"Hmmm," sabi niya.
Napatingin ako kay Tito.
"Gusto mo ba talagang matuto maglaro? Tapos kapag marunong ka, pwede mong ihampas ang lalaking nag sabi sayo noon," sabi ni Tito.
"Po? Pwede po ba iyon? Sabi niya kasi ang taba ko at baka hindi ko po makaya ang aking katawan," sagot ko.
"Well, kung interesado ka talaga, magagawa mo naman mag-diet, hindi ba?" tanong niya.
Napatingin ako kay Tito.
Pwede nga ba? Kakayanin ko ba?
Hindi pa pumasok sa isipan ko ang mag-diet simula noon. Sabi sa akin ni Mama noon na tabain na raw ako at ang cute cute ko pa. Well, yung cute na sinasabi ng magulang ko ay pwede lang sa mga bata at alam kong hindi na ako bata.
"Pag-isipan mo ng mabuti Rai. Bibigyan kita ng ilang araw," sabi ng Tito bago ginulo ang aking buhok.
Come to think of it.
Muntik ko ng makalimutan na dati palang player si Tito bago ito nag-graduate ng college at nagtatrabaho bilang isang full time military officer. Naaalala ko pang may matalik itong kaibigan na magaling ding maglaro. Nakilala ko lang ito noong nagbakasyon kami noong walong taong gulang pa lang ako.
"Ano? Nakapagpasya ka na ba, Rai? Tutulungan kitang pumayat sa loob ng anim na buwan bago ako bumalik sa kampo."
Napatigil ako sa pagkain ng adobo noong sinabi ni Tito sa akin iyon kinagabihan.
"Sige po," sagot ko sa kanya.
"Ano na naman ba ang pinagsasabi mo Rafael. Pipilitin mo na namang diet ang apo ko?" tanong ni lola.
"Hindi Mama. Kagustuhan na ni Rai ang mag-diet. Gusto niyang maging isang basketball player," sagot ni Tito bago sumubo ng pagkain sa kanyang bunganga.
Tumingin sa akin ang lola.
"Totoo ba apo?"
"Opo."
Ngumiti ang lolo.
"Kung yan ang gusto mo, siya goodluck, apo."
Naging seryoso nga si Tito noong sinabi niyang magsisimula na siyang i-diet ako. Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay ginising na niya ako at pinagsuot ng rubber shoes.
"Ang aga-aga pa po tito," reklamo ko sa kanya habang palabas na kami ng gate ng bahay.
"Mas maigi para maha-haba ang jogging natin," sagot niya sa akin bago kami nagsimulang mag-jogging.
Sa loob ng ilang araw ay puro jogging ang ginagawa namin ng Tito habang unti-unti na rin niyang binabawasan ang aking pagkain.
Pinagbawalan na rin niya ako sa softdrinks at mga matatamis. Noong una ay mahirap ngunit dahil sa determinado akong pumayat, ginawa ko lahat ang sinasabi ng tito.
"This is good. Nabawan ka na ng halos sampung kilo Rai," sabi sa akin ng Tito noong tinimbang niya ako.
Nakaramdam ako ng tuwa dahil doon. Who would have known? Kakayanin ko rin pala kahit sobrang hirap.
"Keep it up. Makukuha mo rin ang ideal weight mo, Rai," sabi pa niya.
Sinimulan na rin ng tito na tanggalin ang kanin sa aking pagkain at mga tinapay. Pinalitan niya ito ng mga gulay at siya siya na rin ang nagbabalot ng kakainin kong snacks sa school.
"Ayan! Konti na lang ang tatanggalin mong timbang! Keep it going Rai. Malapit na tayo sa goal
weight mo. Pag-nakuha mo na ang timbang mo, ipapakilala kita kay Erol," aniya pa.
Sinubukan din akong patakbuhin ng tito sa tubig. Ilang hakbang pa lang ang ginawa ay hingal kabayo na ako.
"Kailangan araw-araw ay malampasan mo ang mga hakbang na nagawa mo na, Rai." Makakatulong ito upang hindi ka hingalin ng mabilis at makatakbo pa ng mabilis. Kailangan mo iyan kung gusto mo talagang maging isang player," sabi pa niya.
Makalipas ang apat na buwan, nakita ko na ang resulta ng aking paghihirap.
"Aba tumangkad ka na rin pala Rai five six ka na. Tama lang sa timbang mo," sabi sakin ni tito.
"Pero ang problema ay iyang mga lawlaw na balat. Kailangan maging muscles iyan. Pangit tingnan kapag may lawlaw ang balat."
Simula noon ay nag-enrol kami sa gym. Tatlong beses sa isang linggo kami pumunta ng tito roon upang magbuhat kasama ang gym instructor na kaibigan din ng kuya.
"Kumusta ang pag da-diet mo, Rai?" tanong ni Chase habang nakatambay kami sa rooftop ng eskwelahan.
"Okay lang. Masyadong seryoso ang tito sa training ko para maging basketball player,"sagot ko sa kanya bago uminom ng juice shake na ginawa pa ng tito.
"Ang laki laki na nga ng ipinayat mo. Alam mo bang palagi ng nagtatanong yung mga girls sa akin tungkol sayo kung ano daw cellphone number mo at kung ano raw pangalan mo mga ganun," sabi niya bago tinanggal ang suot nitong polo.
Si Chace ang una kong naging kaibigan dito sa Saint Ignacius Academy at isa siyang player ng baseball.
"Ikaw ba naman ang walang humpay sa kakatakbo at iyong kinakain mo kahit nakakasuka eh kailangan mo pa ring kainin," sagot ko sa kanya.
"Heh. Mahirap sigurong maging mataba, 'no?"
"Oo. Ang bigat bigat nga," natatawang sabi ko.
"Chace?" narinig naming may nagsalita sa may pintuan ng rooftop.
Nilingon namin iyon at nakita naming nakatayo si Rui roon, ang boyfriend ni Chace at president ng student council dito.
Tumayo ako at saka pinagpag ang suot kong slacks.
"Nandyan na ang prinsesa mo," biro ko sa kanya.
Natatawang binatukan ako nito.
Being gay isn't issue for me. Kaibigan ko si Chase. He's the first one who didn't tease or bully me noong unang araw ko pa lang sa eskwelahan na ito. Hindi ko na rin mabilang kung ilang imbita ang ginawa ni Chace sa akin na sumali sa baseball club pero it wasn't really my forte. Para sa akin, ang lakas ng hatak ng basketball lalo na kapag napadaan ako sa court kung saan naglalaro o hindi kaya ay may practice ang team. Pakiramdam ko ay niyaya ako ng bola na maglaro na ngunit hindi pa pwede hanggat hindi pa kumpleto ang aking pagbabago.
If I want to get Maki, I need to be like him. I need to learn basketball. I need to be the man he's going to look up to.