Chapter 4

1990 Words
Maki "Hey, is this the basketball club?" tanong ng lalaking kulay asul ang buhok na halatang dyed na bigla na lamang sumulpot sa pintuan ang aming club room. Woah! He's freaking tall! Base sa suot nitong uniform, isa ito freshman. Base sa kulay ng mga mata at buhok nito ay halatang may lahi itong banyaga na kung tawagin dito ay hafu. It means he's half-Japanese. "Yes. How may I help you?" tanong ni Yuki ang manager ng team. "Ah sorry. Ito kasing pinsan ko ay gustong sumali ng basketball team," sabi ni Ryuk, star player ng baseball team ng aming Academy. Hanggang dibdib lang nito ng lalaking mukhang inaantok habang nakabitin sa kanyang balikat ang backpack nito. "Oh. May experience na ba siya sa paglalaro? Lalo na sa ibang school gaya ng tournaments?" "Yes. Actually, naging three times MVP last year sa middle school na pinasukan niya sa academy, naglaro na rin siya sa provincial league junior division and lead his team to championship," sagot ni Ryuk. "Oh really?" na-excite si Yuki sa narinig. "Can I have his name para i-search ko sa internet. I'm sure my info siya katulad ng sinasabi mo." "Raiga. Raiga Kyoma," sagot ni Ryuk. "Okay. Raiga Kyoma it is." "Hungry," narinig kong sabi ni Raiga bago ipinatong ang siwang sa balikat ng pinsan niya "Then we'll eat," nakangiting sagot nito bago hinimas ang magulong hair style ng lalaki bago bumaling kay Yuki. "Babalik na lang kami mamaya para malaman if pasok ba itong pinsan ko." "Okay. Mga thirty minutes or kapag tapos na kayong kumain," nakangiting sabi ni Yuki. Matapos makapagpaalam ay umalis na ang mga ito habang hila-hila ni Ryuk yung Raiga na iyon. Raiga.. Raiga. Parang narinig ko na yung pangalan niya. Hindi ko lang maalala kung saan. "You gotta be kidding me," sabi sa akin ni Yuki habang nakatingin siya sa tablet na hawak. "Huh?" Itinapat ni Yuki ang tablet sa aking mukha kung saan naroon ang picture ni Raiga habang nakabitin sa rim ng basket ng backboard. And if hindi matibay ang mga screw ng rim sa backboard, sigurado akong nasira na iyon. "Raiga Kyoma, the youngest King of the Dunk, led his former Junior Middle School Team in a national fight last year. This genius player performed unbelievable stunts only few well-known players like the legendary Michael Jordan did. The young player has once again displayed his talent when he entered the government junior cup held by the municipality and fished the trophy in back to back championship. It was rumored that a lot of promising senior high schools tried to recruit him and promised scholarships but he turned it down." Nakita ko rin ang mga mahihirap na layups, mga steal at blocking niya sa laro na nilaro na niya. He is a hybrid player. He can do multiple roles that can't affect his team. He can change position whenever time needed it. "Sugoi," sabi ni Yuki. "He came from a country where basketball is the leading sport and yet he came here and enrolled in this school? We better have that Raiga. We need him, Maki. You understand? We are going to have him," sabi pa niya sabay tayo at nagsimulang maglakad. "Hoy saan ka pupunta?" natatawang tanong ko sa kanya. "Hahanapin ko sila. Baka biglang magbago ang isip at lumipat ng ibang school," sagot niya. Ilang minuto lang pagkaalis ni Yuki ay dumating si Raiga habang nakapamulsa at nakasabit sa kanyang balikat ang blazer ng aming uniform. Sa bunganga niya ay may lollipop habang ang mga mata niyang antukin ay nakatingin sa akin. Pagkalapit mesa ay naupo ito sa harapan ng kinauupuan ko at saka tinggal ang lollipop sa bunganga. "Am I qualified or nah?" patamad niyang tanong. "Umm, hindi mo ba nasalubong ang team manager?" tanong ko sa kanya. "Hindi," sagot niya sabay patong ng kanyang kanang paa sa sahig ng kinauupuan niya. "Well, hinahanap ka niya at gusto ka niyang isali sa team. I guess you're qualified," sagot ko sa kanya. "Nice." Nakita kong ngumisi siya. "So how have you been Maki-senpai?" tanong nito sa akin bago ibinalik sa kanyang bibig ang lollipop. Nangunot ang aking noo sa sinabi niya. "Excuse me. You know me?" tanong ko sa kanya. "Yeah. From two years ago," sagot niya. "Huh?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko talaga kilala itong taong ito plus, wala pa akong nakikilang ganitong player na mas magaling pa sa akin. I haven't played in Inter high way back in middle school and not even in any provincial tournament. "Ah, you forgot already?" tanong niya sa akin bago tumayo at saka dumukwang mesa para inilapit ang mukha sa mukha ko. Nabigla ako sa ginawa niya at bahagya akong napaatras ngunit dahil sa pader na ang nasa likuran ko, hindi na ako nakaiwas. Our faces are dangerously close. "Remember the kid you bullied before? The kid that was too fat during first year in middle school?" sabi niya. Kid that I bullied? Bullie? I can remember. Wait! Biglang nag-click ang bulb sa aking isipan at naalala ko nga ang isang freshman dati na gustong-gustong sumali sa team namin noon. Sobrang taba nga nito noon at hindi ko siya pinasali. Nakita ko pa nang umiyak ito at hinayaan kong i-bully siya ng mga ka-teammates ko dati. Namutla ako ng maalala ko ang pangalan niya. Raiga Kyoma "Ikaw iyon?!" hindi makapaniwala na tanong ko. Ngumisi siya sa akin. "Glad you remember me," sagot niya sa akin. Walang anu-ano ay hinila nito ang kwelyo ng aking uniform at hinalikan ako sa mga labi. Na-shock ako sa ginawa niya at bahagyang napawang ang aking mga labi which he took advantage and insert his tongue inside my mouth. Strawberry. That's what I tasted when he did that. He tasted strawberry. Ni hindi ko napansin na huminto na ito sa paghalik sa akin habang ako ay nakanganga pa rin sa kanya. I was purely shocked. Did he kiss me? But I'm a man and so he is a gay? What the!? He smirked at me. "I heard you got a girlfriend. I'll steal you from her, Senpai. I don't like being sharing," sabi pa niya bago isinulat ang pangalan niya sa record list ng team at saka tumalikod at lumabas sa room. Naiwan akong shocked parin at hindi maproseso ng aking utak ang nangyari. S-si Raiga iyong binully namin noon? Bumalik ba siya para maghiganti? Was he playing at me? "I don't like sharing senpai. I'll steal you from her." Naalala kong sabi niya. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang aking mukha. The hell? Bakit ako nagba-blush? Lalaki ako. Hindi ako gay. Hindi! "Hoy, bakita nagbu-blush ka dyan? May nangyari ba?" tanong ni Yuki ng nakabalik na sa room. "Huh? W-wala," sagot ko sa kanya. Kunwari ay nagsusulat ako ng note para pakalmahin ang aking sarili. "Nagkasalubong kami ni Raiga. Sabi niya ay inilista na raw niya ang pangalan niya sa record," sabi ni Yuki. "Ah eh oo. Heto oh," sagot ko sa kanya sabay abot sa kanya ng record book na agad naman niyang tinanggap. Tinignan niya ito at saka napangiti. "Raiga will be our ace player, Maki. Sigurado akong may laban na tayo sa preliminaries sa susunod na buwan. If we at least get the top three, we will compete in Inter high and then winter cup and then nationals. But we still need to recruit more members. It's just you, Raiga and me." Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ni Yuki dahil naka-focus ang aking buong pansin sa halik na ibinigay ni Raiga sa akin. Unconsciously, napahawak ako sa aking mga labi. My first kiss tasted like strawberry. Who could have known na yung dating mataba ay isa na ngayong matangkad na lalaki at bukod pa doon ay payat na at isa pang magaling na player. No. A monster in the court. "Hindi ka pwede dito. Doon ka sa sumo club." Naalala ko bigla ang mga salitang iyon na mula sa aking bibig noon. Jusko! Parang ang lakas ng kutob ko na kaya bumalik dito si Raiga dahil gusto niyang ilampaso ang pagmumukha ko sa court. I'll apologize. Alam kong mali ang aking ginawa noon. "Umm excuse me," narinig naming dalawa ni Yuki ang boses ni Aoi, ang aking girlfriend at president ng student council ng aming academy. "Maki let' go home," nakangiting sabi niya. Tumayo ako at saka niligpit ang aking mga gamit. "Oi Maki, don't forget, we will going to recruit more tomorrow," sabi ni Yuki sa akin bago ngumiti kay Aoi. "I know," sagot ko sa kanya bago nagpaalam at saka lumabas na. Iniiyakap ni Aoi ang kanyang mga kamay sa aking kanang braso habang palabas kami ng gate ng academy. "Daan muna tayo sa grocery, may bibilhin ako," sabi niya sa akin. "Sige," sagot ko sa kanya habang naglalakad kami patawid. Ilang blocks lang naman ang layo ng grocery sa academy at along the way lang naman ang bahay namin ni Aoi kaya okay lang. Papasok na kami sa grocery ni Aoi ng nakasalubong namin si Raiga na nakasuot lang ng pang basketball short at itim na sando. Yung buhok niyang messy ay hinayaan niyang hindi nakatali which actually made him look so handsome and- "Omigosh! Is that Raiga from first year department?" narinig kong tanong ng isang babae na nasa likuran ko. "Oo siya nga iyan. Ang gwapo niya omg!" sagot naman ng isa. Wait! Teka nga! What did I say? Gwapo?! Since kailan pa ako nagsabing gwapo ang isang lalaki? Nakita kong nakatingin sa akin ang mga mata niya. Agad akong nagbawi ng paningin at saka iniwasan ito. Kunwari ay bale wala sa akin ang mga titig niya pero in actual ay natataranta ako. Nako-conscious ako sa paraan ng pagtitig niya habang may tulak-tulak itong cart kasama ang dalawang may edad ng lalaki and he wasn't smiling at all bago pumila sa counter. Eh? Bakit kaya? "Magc-cr lang muna ako Maki ha?" paalam ni Aoi sa akin. "Okay. Bilisan mo lang," sagot ko sa kanya. Naiwan akong nag-iisa at nakatayo sa milk section at nagpasyang tumingin-tingin ng fresh milk dahil sa haba ng pila na umabot hanggang sa milk section. "Senpai," narinig kong may nagsalita sa aking likuran. Biglang tumayo ang balahibo sa aking batok ng makilala ang may-ari ng boses na iyon. I know his dangerously near at pakiramdam ko ay napakalipit nito sa aking likuran. Nilingon ko ito at aakmang iiwas but pero nahagip pa rin ng kanyang mga labi ang aking mga labi. It was just a smack kiss pero napapiksi ako palayo sa kanya. "What the hell did you do!? Alam mo bang may cctv dito?" nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Ngumisi siya. "Walang cctv dito at hindi ito hagip, Senpai. So siya pa lang girlfriend mo huh?" sabi niya sa akin. "O-oo. S-see? I d-don't swing that way Raiga so please, tantanan mo ako," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ito umimik. Nakatingin lang sa akin. Maya-maya ay bigla na lamang itong lumapit sa akin ay kinulong niya ako sa pagitan ng kanyang dalawang kamay na nakatukod sa stall ng mga gatas at saka yumuko ng bahagya bago inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga. "No way," sabi niya. "Like I said, I'm going to make you mine," bulong niya. "Raiga-kun? Maki?" narinig kong sabi ni Aoi. Bigla akong kinabahan dahil sa pwesto namin ni Raiga at baka kung ano ang maisip ni Aoi. Pinigilan ko ang hininga. "Hi, Aio-senpai. Sorry, nakaharang kasi si Maki-senpai sa fresh milk na kukunin ko sana," sabi ni Raiga bago ngumiti at saka kumuha ng dalawang carton ng fresh milk. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng humakbang palayo sa akin si Raiga. Ngunit noong lumampas siya kay Aoi bigla na lang ako nito kinindatan. In that moment, nakaramdam ako ng kakaibang lukso sa aking dibdib. What it it? Bakit parang naging tumingkad ang ang kulay ng mga bagay na nakapaligid kay Raiga? And Raiga's the center of it. Namamalikmata ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD