Aaminin ko, napakasarap ng alak na nasa lamesa namin. May mga espesyal pang pulutan na hindi rin naman maitatangging masasarap talaga.
Pero nawalan ako bigla ng gana. She's being too clingy, palibhasa may epekto na rin ng alak ang katawan niya. Halos ipagduldulan niya sa akin ang kulang na lang ay lumuwa niya ng dibdib. She's wild!
Imbis na uminom ay kumain na lang ako ng kumain. No, I already change my mind. Hindi ako magkakaroon ng kahit anong koneksiyon sa Dionne na ito. Knowing her secret, malamang na may mas malalim pang inililihim ang babae at ayokong mapasubo doon. Good thing to know na nakipaghiwalay na rin siya kay Jerome. Kung sakali pala, madadawit pa ang pangalan ng kaibigan naming iyon sa mga underground at illegal na pinaggagawa ng muntik niya ng mapangasawa.
Sa hitsura ng lugar na ito, hindi naman maitatangging may mga illegal na ginagawa dito like drugs, premarital s*x, o 'di kaya'y human trafficking.
"I have room upstairs. Gusto mo bang doon na lang rin magpalipas ng gabi with me? May infinity pool at mini bar din naman doon." Malanding usal ni Dionne kalaunan.
Tumikhim ako saka muling sumubo ng sisig.
"Uhm, I forgot, may meeting pala ako ng maaga bukas. I need to go home sober. If you want, I can bring you to your room so you can rest."
Bahaw siyang natawa at umiling.
"No, I wanted to be with you, Zai. I like you, I wanted you to play fire with me. I'll make sure na susuko ka sa magdamag."
Lihim akong napangiwi. Ako susuko? Hindi naman ako ganoon kahina sa kama pero hindi ko planong patulan ang mga sinasabi niya.
"I would love too, but-"
"But you're scared, 'di ba?" Tila nanghuhula siya subalit sigurado.
"Scared? Why would I be? Nangangain ka ba?" Kunwa'y natawa pa ako. Naaalibadbaran na talaga ako, ang gusto ko na lang ay makalayo na sa kanya at sa lugar na ito..
"Oh yes, kumakain ako ng buo. And you'll love how good I am."
Napaangat ang kabilang sulok ng labi ko. I like wild women pero hindi gaya ni Dionne na parang hindi lang basta wild. Para na siyang may sakit..
Tunay na iba ang ipinapakita niya sa panlabas na kaanyuan kumpara sa kung sino talaga siya. May ganito pala talagang klase ng babae. Napapalatak ako nang mahina.
"Can I go to bathroom?" Paalam ko.
"Oh, of course, samahan kita?"
"Ah, hindi na. I can take care of myself."
Pero ang totoo, gagawin ko na lang na rason iyon upang makatakas na. This is not what I expected. Madali ko nga siyang naakit, pero ang hindi pala madali ay siya mismo. Ang kanyang pagkatao.
Mabuti na lang at malawak ang bar na iyon, umikot lang ako sa lugar na hindi niya napapansin at tuluyan na ring lumabas. Kaagad akong sumakay ng taxi patungo sa lugar kung saan ko iniwan ang motorsiklo ko kanina at nag-drive pabalik sa bahay ni Jerome.
Kahit papa'no ay medyo nakakarecover na siya, malinis na ulit ang apartment niya gayundin siya. Isang linggo na rin naman simula ng makipaghiwalay ang ex-fiancèe niya sa kanya.
Nagulat pa siya dahil sa maaga kong pagbalik. Ang ini-expect niya kasi ay bukas pa ako uuwi dahil na rin sa plano ko.
Hindi na ako nagsayang pa ng sandali at ikinuwento ko na rin sa kanya ang lahat ng nalaman ko.
Tiim-bagang at muli niyang naikuyom ang mga kamao matapos marinig ang mga sinabi ko.
"Ibig sabihin, all these years may itinatago siya sa akin? K-kung ganoon, bakit siya pumayag na magpakasal sa akin?"
Nagkibit-balikat ako.
"Yan ang hindi ko rin alam, Pare."
"Napabuti pa pala ang pagkakahuli ko sa kanya at pakikipaghiwalay niya sa akin. I've been saved."
"Exactly. Kaya 'wag ka na masyadong magpa-apekto, Pare. May rason kung bakit yan nangyari."
"Salamat, Zyair. Akala ko noon ang alam mo lang ay maging playboy. May pagkaala-detective ka rin pala." Natatawa at naiiling na usal niya.
Maging ako ay natawa na rin.
"Sira ka.. O pa'no, uwi na ko. Kita na lang tayo sa trabaho bukas?"
Tumango naman siya at tumayo na rin sa one seater na couch para ihatid ako sa labas ng pintuan niya.
"Salamat ulit, Pare." Nakangiting wika niya bago ako tuluyang umalis.
Balik sa normal na takbo ang buhay ko kinabukasan. Kahit papa'no ay nawalan ako ng isipin. Nawala man ang excitement na nadarama ko sa tuwing may paglalaruang babae, ang mahalaga ay at peace naman ang isip ko.
Maging si Jerome ay maaliwalas na ang mukha pagpasok ng hapong iyon. Nakakangiti na rin siya at gaya ng dati ay nakikipagbatian sa mga ka-office mate namin.
"It's good to be back, Pare." Masayang pahayag niya habang papasok kami sa building.
"Good for you, keep it up."
"I moved on easily siguro dahil wala pa rin naman kaming intimate relationship na matatawag. Nasaktan lang rin ang pride ko kaya ako nagkaganoon." Paliwanag niya ulit.
"I agree. Malay mo naman, there's someone na para sayo talaga."
Subalit mariin siyang umiling.
"Ayoko muna, Pare. Pahinga muna ako sa ganyan." Natatawang tugon niya.
Maging ako ay natawa. Natural na reaksiyon din ng mga nasaktan ang ganoon. Bihasang-bihasa na ako sa pagbabasa ng mga taong nagmamahal, nagmahal o nasaktan daw.
I like to belive in them pero hindi talaga. I don't think love existed. May tamang dahilan kung bakit attracted o attached ka sa isang tao. Pwedeng financial, lu*t, o sadyang sanay ka na lang talaga sa presensiya niya. May eksplinasyon nga maging ang science tungkol sa bagay na yan.
"Pare, hindi mo ba papansinin si Kyle? Matagal ko ng napapansin na panay ang titig sa'yo niyan, e." Bulong ni Jerome sa akin habang sakay kami ng elevator.
Yung Kyle na sinasabi niya ay isa sa officemate namin. Maganda naman, simple, dalaga at mukhang malinis talaga. Kaya nga ayokong patusin dahil hindi ko tipo yung mga ganoon.
"Ayoko, Pare." Mariing tanggi ko.
Palibhasa si Jerome ay attracted sa mga Simpleng babae lang.
"Oh, I forgot. Oo nga pala, picky ka sa babaeng idini-date mo." Natatawang anas niya.
"You know me, wala akong planong pasakal at magpakaseryoso sa ganyang bagay. Maikli lang ang buhay, I should enjoy myself while I'm still young." Palagi ko iyong bukambibig sa kanila.
Ang iba ay sumasang-ayon pero ang tulad ni Jerome ay matatawa na lang at mapapailing. Magkaiba man kami ng pananaw sa buhay, hindi iyon nagiging hadlang para kahit papa'no ay magturingan kami bilang tropa.