CHAPTER 6

1178 Words
Mula sa tapat ng condo unit ay matiyaga akong naghintay sa paglabas ni Dionne. Nae-excite akong hindi ko mawari. Ngayong pumayag na si Jerome na makialam ako, siguradong magiging napakasaya nanaman ng mga susunod kong araw. Itinapon ko ang nangangalahati pa lang na sigarilyo ng makita ang paglabas ng babae mula sa loob ng building. Napangisi ako, mukhang makikipagkita nanaman sa ipinalit niya kay Jerome. Pero hindi siya matutuloy ngayon. She will be mine before midnight comes. Naglakad ako nang marahan at kunwa'y napadaan sa gawi niya. Gaya ng inaasahan ko, she looks devastated dahil sa flat na gulong ng kotse niya. "Do you need help, Miss?" Isinabay ko sa pag-angat niya ng mukha ang pagtatanggal ko ng suot na shades. Sandali siyang napanganga pero tumango rin kalaunan. "Uhm.. I think so," aniya saka tumingin sa suot na wristwatch. "Are you in a hurry?" Tanong ko ulit subalit alanganin siyang umiling. "H-hindi naman." "I see, do you have tools?" "Yeah. Nasa compartment." Nauna na rin siyang nagtungo doon kaya sumunod ako. Wala naman masyadong tao sa parking area at malilim na rin. Natural na mag-effort ako sa umpisa pero this will be the first and last. After midnight, sisiguruhin kong siya naman ang maghahabol sa akin. Pumwesto ako sa likuran niya kung saan nabubundol ng malapad kong katawan ang may katambukan niyang pang-upo. Narinig kong napa-ungol siya ng napakahina. Napangisi ako nang palihim. Alam kong hindi niya ako namumukhaan. Yung una at huling pagkikita kasi namin sa bar ay hindi naman masyadong nagtagal. Isa pa ay ni hindi niya ako nasulyapan man lang noon dahil nakapokus ang mga mata niya sa lapag o 'di kaya ay kay Jerome. Kaya nga ang akala namin ay mahinhin talaga siya. "H-here are the.. uhm.. the tools. May available din akong gulong. But.. Hindi ba ako makakaabala-" "Oh, no, no. Kaya nga ako nagtanong kung kailangan mo ng tulong kasi available naman ako. Beside, I'm single so no worries." Kinindatan ko pa siya at naghubad ng t-shirt sa harapan niya upang hindi iyon madumihan. Napanganga siya at sunod-sunod na napalunok. Pamilyar na tanawin, pamilyar na reaction. Hindi na ako nagtaka sa dahilan. Women's have similar reaction kapag nakakakita ng abs at biceps. Ang iba ay nagiging single pa kahit ang totoo ay taken na. "How about you, do you have boyfriend? Sa ganda mong 'yan, sigurado akong marami ang nanliligaw sayo." Kimi siyang ngumiti at inipit ang buhok niya sa magkabilang tainga na akala mo ay nakakadagdag sa ganda niya ang ganoong gawain. "Ah, ano.. I'm- sa totoo lang, I'm single. Wala pang matipuhan, e." Napatango ako at lihim na napatiim-bagang. She's indeed a cheater! Ang mga ganitong klase ng babae ang hindi dapat nirerespeto. I will make sure na luluhod siya sa mga paa ko at magmamakaawa! "That's good!" Kunwa'y masayang bulalas ko. Nagsimula na rin akong tanggalin ang gulong na flat, ilang minuto pa ay ikinakabit ko na rin ang ipapalit doon. Mataman lang siyang nakamasid sa akin habang inaayos ko ang sasakyan niya. Siniguro kong nasa maayos na angle ang katawan ko at nakikita niya ang paggagalawan ng mga muscle ko sa katawan. Sa uri ng mga tingin ni Dionne ay alam kong pinagnanasaan niya na ako. Nariyang napapakagat-labi siya at ilang beses na dinidilaan ang kanyang labi na animo'y uhaw. Ng tuluyang matapos ay agad siyang lumapit sa akin at inilabas ang maliit na towel sa dala niyang bag. Akma niyang iaabot sa'kin yun ng umiling ako. "Can you wipe out my sweat instead? I mean, marumi kasi ang kamay ko. Puting-puti pa naman pamunas mo." Nakangising tanong ko. Tumango siya at marahang pinadaan sa noo ko pababa sa aking mukha at malapad na dibdib ang kanyang kamay. Kita kong bahagya pa siyang nanginginig kaya hinawakan ko iyon ng walang paalam. "Hey, it's just a body. Why are you nervous? Ngayon ka lang ba nakahawak ng katawan ng lalaki?" Sunod-sunod siyang umiling kasabay ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi. "Nakaka-tense ka kasi, alam mo ba yun?" "Does that mean you're attracted to me?" Saglit siyang hindi nakakibo. "Uhm, so, paano ba ako makakabawi sa'yo?" Sa halip ay tanong niya. Napakibit-balikat ako at muling isinuot ang damit ko. "Well, today's my day off. I think I need someone to be with me at the bar. You know, just to have fun and.. if you don't mind. I also wanna get to know you better." Ng mag-ring ang cellphone niya. Sinilip niya iyon ngunit walang pagdadalawang-isip na pinindot ang end button. "Oh, bakit mo naman pinatayan?" Tanong ko. "Not that important." Simpleng tugon niya. Tumango na lang ako at naghintay pa ng sasabihin niya. "So, which bar would you like to go?" nakangiting usal niya. "Since it's your call, I let you decide kung saan mo 'ko dadal'hin, Miss?" "Dionne." Pagtutuloy niya. "Wow, such a sexy name. I'm Zai by the way." Agad niya namang inabot ang mga kamay ko at mahigpit iyong kinamayan. "Are you sure ako ang masusunod?" Nakangising tanong niya. "Yeah, I'm all yours to handle." Kinindatan ko siya ulit. "Then, what are you waiting for? Hop in!" Aniya saka binuksan ang pintuan sa tabi ng driver's seat. This is a piece of cake. Mas madali pa sa inaasahan ko. Ni hindi man lang nagpakipot o nagpa-hard to get ng kaunti. Hinayaan ko siyang magdecide, napangisi pa 'ko ng sa isang private bar niya ako dinala. Puro mga vip ang naroon at 'di hamak na mahal ang presyo ng mga inumin. "Okey ka na ba dito?" Tanong niya. Alas singko pa lang ng hapon pero marami na ang costumer doon. Palibhasa madilim ang kabuoan ng lugar at mga dim light lang ang gamit, nagmukhang gabi na doon kahit maliwanag pa naman sa labas. May mga babaeng nagsasayaw sa gitnang stage at marami din ang babae sa bawat table. Nagtaka pa ako ng malamang may access si Dionne sa lugar na iyon. May VIP table na para lang sa kanya. Sinong mag-aakala na may ganitong side ang babaeng inakala naming lahat na ugaling probinsiyana?! Ng tuluyan kaming makaupo sa table na para sa kanya ay may lumapit na matandang lalaki sa amin. Tila mayaman dahil sa suot na amerikana. "Daddy!" Malanding tawag ni Dionne sa matanda saka yumakap dito at humalik sa labi. "Oh, who's that man? Your new toy?" Nakangising tanong ng matanda kay Dionne. Ano daw? New toy?! "Uhm, no dad. I owe him a lot for helping me with my flat tire today. So, I need something special at my table." "Hmm, don't worry. Just get anything you want and use my vip card. Hindi na rin ako magtatagal dahil may aasikasuhin pa ako. Have fun, okey?" Bilin nito kay Dionne saka muling sinibasib ng halik ang labi ng dalaga. Napangiwi ako nang lihim. Maging ako ay tinanguan lang ng matanda bago ito tuluyang umalis. Natigagal ako sa natuklasan. Kung hindi ako nagkakamali, sugar daddy ni Dionne ang mayamang matanda na iyon?! At ayos lang sa matanda na magdala ng lalaki si Dionne at ipakilala sa kanya bilang laruan ng dalaga? Like what the heck?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD