CHAPTER 8

1272 Words
Ilang buwan pa ang matuling lumipas. Nabo-boring na rin ako dahil bukod sa trabaho, inom at bonding ng tropa tuwing schedule at pag-uwi sa condo ay wala na akong ibang pinagkakaabalahan. Kating-kati na akong makahanap ulit ng bagong magiging target. Kung sa pakikipag-break din lang ay tapos na ako sa sinasabi nilang 3 month rule. Naiiling na lang ako sa sarili kapag naaalala ang palabas na yun nina John lloyd at Bea. Hindi ko rin alam kung bakit napapayag ako noon ni Selina na panuorin ang movie na yun sa sinehan, kung hindi lang kasalukuyan ko siyang nililigawan noon ay kahit maglumuhod pa siya sa harapan ko, siguradong hindi ako sasama.. Dahil day-off ko ay naisipan kong mag-roadtrip na lang muna paakyat ng tagaytay. May nabanggit kasi si Jonas na coffee shop daw doon kung saan tanaw mo ang kagandahan ng buong lugar. Mahilig naman ako sa outdoor at hilig ko rin ang maberdeng tanawin kaya isa ang bagay na 'to sa choice kong gawin ngayong araw. Alas singko pa lang ng umaga ay lulan na ako ng motorsiklo ko. Dalawang oras din kasi ang biyahe, minsan ay mas mabilis lalo na kung hindi aabutan ng traffic, mabilis din naman ang dala kong sasakyan kaya for sure, mas mae-enjoy ko ang pagkakape at almusal sa lugar na iyon. Gaya ng inaasahan ko, isa't kalahating oras ko lang binaybay ang patungong tagaytay. Wala pa kasing traffic kaya dere-deretso lang ang naging biyahe ko. Bago mag-alas syete ay narating ko na ang sinasabi ni Jonas na coffee shop. Wala pang masyadong costumer pero may iilan doong couples na masaya ding pumwesto sa over-looking side ng coffee shop. Kaagad akong naghanap ng magiging pwesto ko. May ilang upuan doon at lamesa na parang ipinasadya para sa mga single na tulad ko. Napangisi ako, bukod kasi sa maganda ang kabuoan ng lugar, may mga nakadikit din sa wall na mga banat. Flowery words na madalas ginagamit ng mga kalalakihan tuwing nanliligaw. Matapos um-order ay kinatuwaan kong basahin ang mga iyon, baka may makuha pa akong pambanat sa susunod kong target. Ng dumating ang in-order kong almusal ay nagsimula na rin akong kumain. Makapal ang natatanaw kong fog, ber months na rin kasi at sadyang malamig na ang hangin. Kaya pala peborit spot ng mga mag-jowa ang lugar na ito. Habang nasa kasagsagan ako ng pag-eenjoy sa kinakain kong cinnamon cake ay natanawan ko ang pagpasok ng isang babaeng may kasamang bata na sa tantiya ko ay naglalaro ang edad sa apat hanggang lima. Hawak niya iyon sa isang kamay at inaalalayan. Hindi ko alam pero hindi ko kaagad nagawang tanggalin ang paningin ko sa babae, morena siya at may wave na buhok. Malamlam ang mga mata niyang aakalain mong bumbayin, maliit ang mukha at may matatambok na labing natural na mamula-mula. Wala siyang bahid ng make-up at yung buhok niya ay parang inipit lang ng wala ng suklay-suklay, gayunpaman ay bumagay sa kanya ang ilang hiblang lumalaylay sa kanyang mukha, nakadagdag iyon sa karismang taglay niya. Natuwa pa ako dahil sa kalapit na mesa lang nila napiling maupo. Napataas ang sulok ng labi ko ng halos paharap siya sa pwesto ko ng maupo. Kitang-kita ko tuloy mula sa pwesto ko ang maliit na siwang sa pagitan ng mga hita niya. Mini-skirt lang kasi ang suot niyang pinartneran ng simpleng blouse. Parang nagtatrabaho bilang sales lady sa mall ang datingan dahil simpleng flat shoes lang rin ang suot niya sa paa. May kalakihan ang dibdib niya na sa tingin ko ay tamang-tama lang sa mga palad ko, impis ang tiyan at makurba ang balakang. Makinis at medyo may kahabaan ang legs niya. Hindi nakakapagtakang maganda at seksi ang babae. Hindi rin mapagkakamalang anak niya ang kasamang bata dahil sa baby face na hitsura ng kanyang mukha. "Mama, gusto ko ulit yung dating in-order mo sa'kin." Rinig kong saad ng bata. So, totoo nga. Na may anak na ang magandang dilag na ito? Kaagad akong nakaramdam ng panghihinayang. Mukhang maayos at disente kasi siyang babae. Gusto ko man ang kabuoan niya. Hindi pa rin siya pasok sa qualification ng babaeng target ko… In short, hindi niya deserve ang gaya kong manloloko lang at fu*k boy. Nakita kong hinaplos niya sa buhok ang bata at ng ngumiti siya ay lumabas pa ang dalawang biloy sa magkabila niyang pisngi. Hindi ko napigilang mas humanga pa, hindi lang pala siya maganda, cute pa.. "Iyon lang ba, Anak? Pili ka pa ng gusto mo at pwede natin iuwi para may meryenda ka." Tugon niya sa bata. "Talaga po, Mama? Hindi ka po ba mauubusan ng budget para sa akin?" Bakas sa tinig ng bata ang pag-aalala. "Hinding-hindi. Kaya pili ka lang ng gusto mo, ha?" Napangiti ako ng totoo. Lalo ko lang napatunayan na hindi nga siya karapat-dapat sa akin. Muli akong sumimsim ng kape. Maya-maya pa ay napansin ko ang pagdating ng isang lalaki, dere-deretso itong lumapit doon sa mag-ina. Kaagad namang yumakap ang bata sa lalaki na tinugunan naman noon ng masuyong halik sa buhok ng bata. Baka asawa ng babae? Napakaswerte niya naman kung ganoon.. Tulad ko ay masaya ring nag-almusal ang pamilya. Napansin kong magalang at matalino ang bata, nakakatuwang makinig sa kanila kahit hindi ko naman talaga intensiyong makirinig. Nakaka-entertain kasi ang pinagku-kwentuhan nila, tungkol sa mga kwentong pambata at kung minsan ay sa nagiging ganap ng bata sa eskwelahan nito. Hanggang sa nagpaalam ang batang iihi, sinamahan naman ito kaagad nung lalaki. Napansin ko ng tuluyang mawala sa paningin ng babae ang kanyang mag-ama ay dali-dali niyang kinuha ang cellphone at may idinayal doon. "I'll be there at 10 am. Yes, that's for sure. Pero I need the half of my payment in my account right away. Don't worry, I'll make your day extra special so be prepared. Linisin mong maigi ang katawan mo, okey, baby?" Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ba ako o sadyang nang-aakit ang mga tinig ng babaeng yun sa kanyang kausap? Nakita ko pa kung gaano kabilis niyang itinago ang cellphone ng makita ulit ang pagbalik nung mag-ama. Kaagad na nabuhay ang dugo ko sa katawan. 'Di yata't mali ang hinala ko kani-kanina lang? Mukhang pasok sa standard ko ang babaeng ito at may chance akong laruin ang damdamin niya gayundin ang kanyang katawan? Dagling nag-init ang pakiramdam ko sa isiping iyon. Ang pagkamangha ko sa kanya kanina lang ay napalitan na ng pananabik. She's just one those cheaters na pakalat-kalat at nambibiktima ng mga inosenteng lalaki. "Emman, mauuna na kayong uuwi ha? Susunod na lang agad ang Mama, okey?" Bilin ng babae sa bata habang pinagmamasdan itong kumain.. "May work ka pa po ulit, Mama? Mamayang gabi ba uuwi ka para basahan ako ng story?" Inosenteng tanong ng bata. "Oo naman, Anak. Uuwi si Mama ng gabi at magbabasa tayo ng story." Kasunod noon ay binalingan niya naman ang lalaki. Inabutan niya pa ito ng pera. "Ikaw na muna ang bahala kay Emmanuel, may lalakarin lang ako sandali." Nakangiting bilin niya rin dito. "Oo, sige. Basta 'wag ka lang masyadong magpagabi, ha? alam mo naman." Kimi lang na ngumiti ang babae at hindi na kumibo… Mula sa sulok ng isipan ko, batid kong matatapos na rin ang paghahanap ko ng bagong paglalaruan at hindi na ako makapaghintay na matikman ang babaeng yun. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na papatusin ko ang isang may anak na. I'm just wondering, may pagkakaiba kaya sa ---- Napangisi ako. Siguro ay masasagot lamang ang tanong ko oras na mapasa akin na siya. Kaya naman hindi na ako magsasayang pa ng oras, kailangan ko ng gumawa ng paraan upang makuha ang atensiyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD