Napangisi ako ng mapansing bangenge na ang matandang kasama nung babae. Malamlam na ang mga mata noon at kulang na lang ay yumukyok na sa lamesa. Kaagad na tinawag ng babae ang isang bouncer at may sinabi doon. Tumango naman yung lalaki at lumabas ng lugar na iyon. Pagbalik nito ay may kasama ng nakaunipormeng lalaki, tila driver ito ng matanda.
Sandali silang nag-usap nung babae bago tuluyang inalalayan nung driver ang amo nito palabas. Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mukha ng maganda nga subalit manloloko namang babae habang tinatanaw ang paglayo nung matandang costumer niya akay ng driver nito.
Ng tumayo ang babae at magtungo kung saan ay agad ko siyang sinundan. Stalker na kung stalker, I just like her and I want her mine tonight. Walang makakapigil sa gusto ko kapag nais ko.
Napagtanto kong ladies room ang pinasukan niya kaya nagtiyaga na lang akong maghintay sa labas ng pintuan. Hindi naman siya nagtagal at lumabas din, kaagad ko siyang hinarang..
"Uhm.." tikhim ko na nakakuha ng atensyon niya. Huminto siya at mataray na tumingin sa akin. Pinagkrus niya pa ang dalawang braso sa ilalim ng dibdib niya dahilan para mapansin ko ang marahang pag-alog ng malulusog niyang hinaharap.
Napalunok ako ng laway. Kahit kailan ay hindi pa ako natakam ng ganito sa isang babae. Siguro dahil ito na ang pinakamatagal na panahong tengga ako sa mga babaeng nakakalaro ko sa kama.
"Ano bang kailangan mo sa'kin, ha Mister?" Iritableng tanong niya.
"Teka, 'wag mo naman akong tarayan, Miss. Hindi ka man lang ba magte-thank you sa akin? Iniligtas kita sa isang amoy lupang nilalang."
Alam kong pang-asar ang binitiwan kong salita pero kulang na lang ay manlisik ang mga mata ng babae habang nakatitig sa akin.
"Hah! Mag-thank you? Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi mo ba alam kung gaano kalaking halaga ang nawala sa akin ngayong gabi, ha? Pagkatapos kong mag-effort ng ganito." Galit pa siyang pumiksi. Tila hinayang na hinayang talaga sa matandang pinatulog ko.
"Magkano ba ang presyo sayo ng matandang yun?" Seryosong tanong ko.
Makahulugan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa saka ngumisi.
"Sa hitsura mong yan? Hindi mo afford." Mataray niyang sagot saka ako tinalikuran.
"What if I can."
Muli siyang huminto at humarap sa gawi ko. Tinitigan ako ng deretso sa mga mata.
"Desperado ka ba? Wala na bang ibang papatol sayo kaya pinipilit mo yang sarili mo sa'kin? I'm gold, babe. Baka magsisi ka lang," aniya.
Ako naman ang napangisi.
"Kapag gusto ko, gusto ko. And I like you. Sabihin mo sa'kin, magkano ba ang isang gabi mo?"
Sa pagkakataong yun ay lumapit siya sa
akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko ang mabango niyang hininga, para iyong hininga ng sanggol na mas nakakatakam pa dahil sa amoy alak rin na nakahalo doon.
"Money down first, 10 thousand ngayon, 10 thousand bukas bago tayo maghiwalay. You can make it higher pag nasatisfied ka sa performance ko pero… bawal na bawal ang tumawad," mahinang usal niya.
Naroong gusto ko ng halikan ang labi niya at panggigilan. Nag-iinit na ang pakiramdam ko at kakauting pasensiya na lang rin ang natitira sa'kin upang mag-isip pa ng matino.
Hindi ako nagpatalo sa kanya. Nakipagtitigan ako habang dinudukot ang wallet ko. At para patunayan sa kanya na I am more than capable kesa sa matandang iniwanan siya kani-kanina lang, buo kong iniabot sa kanya ang wallet.
"Here. Sayo na lahat ng Cash diyan, you can check it first bago ka sumama sa akin." Nakangisi kong sambit. Alam kong segurista siya.
Walang imik niyang kinuha ang wallet ko at tiningnan isa-isa ang ID ko. Nakakapagtaka na yun ang inuna niya bago ang makapal na cash na naroon. Nangunot nga lang ang noo ko ng picturan niya ang voter's id ko.
"Hey, para saan yun?" Taka kong tanong. Kahit papa'no ay napaisip ako. Baka mamaya scammer na pala ang babaing 'to at gagamitin ang id's ko kung saan-saan, hindi ko lang namamalayan dahil sa pagkahumaling ko sa kanya.
"It's for my protection, Mr. Adler. Para lang alam mo, I have one son at ngayon lang kita nakilala so I don't have much time para check-in pa ang background mo o ipagtanong kung may record ka ba sa police station." Walang gatol niyang tugon.
Natawa ako nang bahaw. Ngayon ay parang nabaligtad pa pala ang iniisip ko.
"Don't worry. Buburahin ko rin ito bukas before I leave. Ipapakita ko pa sayo," dagdag niya pa saka kumuha ng 10k at muling ibinalik ang wallet ko.
"I told you, iyo na lahat ng cash diyan."
"Sabi ko rin sayo, professional akong kausap. 10k ngayon, 10k bukas na pwede mong dagdagan if nasatisfied kita. That's our deal."
Napakibit-balikat na lang ako saka muling ibinalik ang wallet sa bulsa ko.
"Where are we going now?" Tanong niya.
"Let's drink first. Masyado pang maaga para magpakasawa sa kama. Isa pa, I wanted to know you better." Panunubok ko.
"Just to be clear, Mr. Adler. Narito tayo para sa isang trabaho. Wala akong planong magpakilala sayo ganoong wala rin akong planong alamin ang personal life mo. So, don't expect na magkakamabutihan tayo," aniya saka nagpatiuna ng naglakad.
Sumunod naman ako at nagtaka ng makitang dere-deretso siyang lumabas sa Bar. Mabilis ko siyang hinabol.
"Wait, I said iinom muna tayo." Pigil ko sa kanya.
"Bring me to another bar, ayoko na dito."
"Why?"
"Stop questioning me, Mr."
"Why not? You're paid."
"Then, let's get into business. Saan ba ang bahay o hotel mo?"
"Look, I don't even know your name-"
"You can call me anything you want. I can be whoever you want me to be." Makahulugan niyang sabi.
Napakunot lalo ang noo ko. Ano bang trip ng babaeng 'to?
"What? That's not fair. You took pictures of my Id pero ikaw ayaw mo man lang magpakilala ng pangalan mo?" Naiinis ko ng usal.
"What's the point? Hindi ba iba-ibang pangalan ng babae din naman ang tatawagin mo mamaya? As I told you, I can be your greatest desire. Isa pa, after this night, you won't see me again. Hindi ako pumapatol ng paulit-ulit sa iisang tao."
Gusto ko ng magalit. She's hard. Para bang ayaw magpatalo to the point na hawak niya na ang kalahating halaga ng bayad ko sa kanya. This is the first time na papatol ako sa isang bayarang babae. Ang akala ko pa naman ay para silang pusa kung kumilos dahil sa pera, pero iba ang isang 'to. Hindi siya basta-basta o mas maiging sabihin na baka mas expert siya sa iba?
"You know what, I understand na nahihirapan kang unawain ako. But this is me," aniya habang dinudukot ang bulsa ng bag niya. Kinuha niya ang pera doon at iniabot sa akin.
"You can change your mind if you want para na rin hindi natin nasasayang ang oras ng isa't-isa."
Sandali kong tinitigan ang lilibuhing pera. Nag-isip ng maigi saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya palayo sa lugar na iyon..