CHAPTER 11

1261 Words
"T-teka, ikaw yung nakamotor na kanina pa sunod nang sunod sa akin?" Punong-puno ng pagtatakang tanong niya habang pinagmamasdan akong magsuot ng jacket at gloves. Maging ako ay nagtaka, paano niya nalamang kanina ko pa siya sinusundan? "H-hah? Ako, susundan ka? Bakit ko naman gagawin yun?" Pagmamaang-maangan ko. Pero umikot lang ang itim sa mga mata niya at tinaasan ako ng kilay. Inilabas ang phone niya at may kung anong ginawa doon. Ilang sandali pa ay ipinakita niya na iyon sa akin. "Look at this. Hindi ko na sana 'to gagawin, e. But I have too. Mula pa kasi sa gasoline station ay napansin ko na na panay ang sulyap mo sa 'kin. Alam ko din na ako ang hinihintay mong lumabas mula sa public CR. Belive me, I know if I already got a man's attention. Noong una akala ko nag-a-assume lang ako, pero nakita kong sinusundan mo pati sinasakyan kong kotse." Natigagal ako. Ipinasa niya sa kung kanino ang picture ng ID ko?! "It's obvious na sinusubaybayan mo talaga ako. This is a policeman, he's my friend at pinaalam ko lang kung sino ang huli kong kasama para in case na may mangyari sa akin, alam nila kung sino ang hahanapin," aniya pa bago walang paki-alam niyang binalik ulit ang cellphone sa bag niya. Lalo akong hindi nakakibo. Hindi lang pala siya segurista, matalino at magulang din. "Teka muna, Miss Anghel. Titigan mo nga ako." Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Pakiramdam ko inapakan niya ang pagkatao ko, ang overacting na kasi ng reaksyon niya. "Tell me, mukha ba akong gumagawa ng krimen o ng kahit anong hindi dapat, hmm?" Walang emosyon naman siyang tumitig sa mata ko at lumabi. "Kadalasan, nagtatago sa maamo at gwapong mukha ang kasamaan ng isang tao. For me, you're still stranger kaya hindi kita pwedeng basta na lang pagkatiwalaan." Natawa ako nang bahaw at napailing. Gayunpaman ay natuwa kahit papa'no dahil aminado siyang maamo at gwapo ang mukha ko. "I know I'm good looking. Thank you for appreciating." Pang-iinis ko na lang at saka marahas na ibinigay sa kanya ang extrang helmet na palagi kong bitbit. "Baka gusto mo dumaan pa tayo sa police station o barangay para lang sabihin na ako ang kasama mo at kapag may nangyari sayo, ako ang dapat hanapin at sisihin?" Dagdag ko pa. Nagkibit-balikat lang siya at sumampa na sa likuran ng motor. "Pwede rin naman. Ikaw ang bahala," tugon niya. Imbis na siya ang mainis sa pagiging sarcastic ko ay bumalik pa yata sa akin ang pambubwisit ko. Upang makaganti ay sinubukan kong paharurutin ang motor ko, baka hindi siya sa salita natatakot. Pero ayun, wala pa ring epekto. Mahigpit lang siyang humawak sa tiyan ko at pakiramdam ko nga ay tuwang-tuwa pa siya sa ginawa ko. Sa Bar kung saan kami madalas mag-hang out na magtotropa ko balak dal'hin ang babaeng kasama ko. Ang weird nga lang na hindi ko alam ang maski pangalan niya. Napapailing ako ng lihim, sa tanang buhay ko na nakikipaglaro sa mga babae, ngayon lang yata ako nakatagpo ng babaeng bukod sa hindi clingy, hindi rin madaldal at pabida. Sabihin mang bayaran siya, casual pa rin siyang kumikilos at nagsasalita. Bago tumuloy sa Bar ay kumain muna kami sa isang restaurant, lagpas tanghalian na rin at alam ko namang hindi pa kumakain ang babaeng 'to. Kape lang ang nakita kong in-order niya kanina dun sa Tagaytay at alak na agad dun sa pinanggalingan naming bar. "Anong gusto mo kainin?" Disenteng tanong ko sa kanya kahit pa nga pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang mga babae ay nagbubulungan tuwing mapagmamasdan ang kasama ko habang inggit at lib*g naman ang nasa mata ng mga kalalakihan. Tila hindi rin naman niya iniinda ang napapansin sa paligid. It's either, wala talaga siyang paki-alam o sanay na.. "Yung pinakamura lang ang akin." Tugon niya. "Hah? Bakit naman? C'mon, it's my treat. You can eat anything you want." Nakangiting wika ko. "Hindi ako nagpapalibre. Ayokong makatulog ng wala sa oras." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. "Bakit ka naman makakatulog?" Tumaas lang ang isang kilay niya at hindi na umimik. Nacha-challenge talaga ako sa personalidad niya. Ng lumapit nga ang waiter sa amin ay yung pinakamura lang na pagkain ang in-order niya. "Pakihiwalay ang resibo ko sa resibo niya." Nakangiting wika niya sa waiter. Taka akong tiningnan ng lalaki kaya nagkibit-balikat na lang ako. Napansin ko pang panay ang titig niya sa cleavage ng kasama ko. Kulang na lang ay tumulo ang laway ng waiter o 'di kaya ay isubsob niya na ang mukha doon. Nakaramdam ako ng inis. This woman is mine! Bayad ko na siya pero parang nagpapa-cute pa rin sa ibang lalaki! "Ok, that's enough. Sige na, asikasuhin mo na ang order namin." Malamig at seryosong utos ko sa waiter. "Magpupunta lang kami sa restroom, ilagay mo na lang ang mga pagkain sa mesang ito." Dagdag ko pa. Pansin kong medyo nag-iba ang mukha ng lalaki. Hah! Tamang hinala ang loko. Gayunpaman ay agad naman siyang tumalima na parang natauhan ng tumikhim ako ulit. Pag-alis ng waiter ay agad akong tumayo at hinatak sa braso ang kasama kong babae. Dumeretso kami sa CR. "Dito na?" Tanong niya. Na ang tinutukoy marahil ay ang s*x na magaganap sa pagitan namin. Napaismid lang ako. Atat na ba siyang matikman ako? "I'm not that cheap, Miss. Magpalit ka ng suot mo, now." Seryoso pa ring usal ko. Obvious na obvious kasi sa suot niya na isa siyang babaeng bayaran. "And please, remove your make-up. I want you to be just natural." Sandali siyang hindi nakakibo pero walang salita ring sumunod kalaunan. Matiyaga akong naghintay nanaman sa labas ng restroom. Kung siya ay sanay ng pinagtitinginan at pinagbubulungan, pwes ako hindi! Baka yung susunod na sumilip sa cleavage niya ay masapak ko na… Habang malalim na nag-iisip ay may napansin akong dumaan sa harapan ko. Napataas lang ang tingin ko ng parang hindi iyon umaalis. "Oh, God. Is that really you, Zai?" Si Selena! Napatiim-bagang ako. Bakit sa dinami-rami ng lugar, e dito pa?! Hindi ako kumibo at tumingin lang sa kanya. Nagulat nga lang ako ng bigla niya akong yakapin nang mahigpit at kulang na lang ay isubsob sa dibdib niya. "Oh, I missed you so much! Don't you miss me?" Inis ko siyang inilayo sa katawan ko. "What are you doing?" "Look at you, lalo ka yatang gumwapo." Sa halip ay tugon niya. Ang laki-laki rin ng mga ngiti sa kanyang labi. "You're wasting my time, Selin. Pumunta ka na sa dapat mong puntahan." Malamig na anas ko. "Ano ka ba naman, Sweet heart. Para naman tayong walang pinagsamahan." Sinubukan niya pang lumapit sa akin at tinangkang haplusin ang mukha ko pero dagli ko siyang napigilan. "We're done, Selin. You know that." Laking pasasalamat ko ng bumukas na ang pintuan ng CR at lumabas mula doon ang kasama kong babae. Gaya ng bilin ko, suot niya na lang ang damit na una kong nakitang suot niya sa tagaytay, wala na ring masyadong make-up bagamat ang kanyang buhok ay maayos pa ring nakaputos paitaas. "There you are, Honey." Kaagad ko siyang sinunggaban at hinalikan sa labi. Hindi naman siya tumutol at sa halip ay gumanti din ng halik. She kissed so good! Kung hindi ko lang iniisip na palabas ko lang ang lahat ng ito para ipakita kay Selena na wala na siyang aasahan pa sa akin, siguradong hindi ko na hihiwalayan pa ang malambot na labi ng babaeng 'to! And maybe, sa CR na yun namin tuluyang gawin ang hindi dapat..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD