CHAPTER 9

1012 Words
Mula pa sa Coffee shop ay sinundan ko na ang babae, nag-commute lamang sila at sa loob ng jeep ay kasama niya pa rin ang bata at ang lalaki. Nauna nga lang bumaba ang dalawa, tinandaan ko pa ang lugar na pinagbabaan nung bata at lalaki, malamang na doon sila nakatira saka muling sumunod sa Jeep. Sinadya kong magpahuli para hindi ako mapansing naka-convoy lang sa kanila. Nagtaka pa ako dahil tila sa loob ng Manila na rin ang tungo ng babae, ni hindi ito bumaba sa nadaanang bayan ng tagaytay. Napailing ako, talaga nga namang dapat ay safe na safe kung manloloko ng asawa.. Sa isang gasolinahan ko siya nakitang bumaba. Sakto, nagpa-gas na rin ako kahit pa nga marami pa naman akong gasolina. Nakita ko siyang pumasok sa pampublikong CR. Nagtaka pa ako dahil ang tagal niyang lumabas mula doon.. Dahil sa pagka-inip ay naisipan ko munang pasukin ang convenient store na nasa gasolinahan rin. Doon ay namili ako ng sigarilyo at nagpasyang tumawid sa kabilang side upang doon mag-abang at manigarilyo na rin. Halos mabitiwan ko ang hawak na sigarilyo ng matanawan ko siyang lumabas ng CR. Malayong-malayo kasi ang hitsura niya ngayon sa hitsura niya nung pumasok doon kanina. Maayos na ang buhok niyang tila sinadya pang kulutin ng malalaki, may makapal na make-up na rin siya sa mukha. Mayroon ding malaki at bilog na hikaw. Halos lahat ng lalaking nagtatrabaho sa gasolinahan na iyon ay nasa kanya ang mga mata. Ang suot niya kaninang blouse lang ay isa na ngayong fitted sleeveless at halos lumabas pa ang pusod niya doon. Medyo luwa din ang ilang bahagi ng kanyang dibdib. May mapang-akit na stockings at mataas na heels. Napalunok ako ng sunod-sunod. Napakaganda at sexy niya! Pero gaya ng ibang babae, para itong hunyango na kayang magpalit-palit ng katauhan. Kanina ay maamo ito, disente at inosente ang mukha. Mukhang sales lady sa mall. Samantalang ngayon ay para na siyang walang pinagkaiba sa mga babaeng natatagpuan sa ermita! Nagbebenta pa rin naman pero hindi na sa mall kung hindi katawan na nila ang nagiging puhunan. May ginagawa siya sa cellphone niya at ilang saglit pa ay isang magarang kotse na ang huminto sa tapat niya. Nakangiti naman siyang pumasok doon. Dali-dali akong sumakay sa motorsiklo ko at sinundan sila. "What am I doing?" Tanong ko sa sarili ng halos kulang na lang ay paliparin ko na rin ang sasakyan ko huwag lang sila mawala sa paningin ko. Nag-iisip pa rin ako ng pwedeng gawing paraan upang maagaw ko ang atensiyon ng babae, mas maigi nga siguro kung siya na mismo ang makuha ko at mailabas na sa kotse na iyon.. I need her badly and I want her as soon as possible! Kung sa anong dahilan, baka dahil naa-attract lang ako sa kanya at ilang buwan na rin naman since may naka-s*x akong mahusay-husay sa kama. I bet she's wilder than I imagine. At ang isipin pa lang kung paano siya kumilos sa ibabaw ko ay talaga namang sapat na upang gawin ko ang lahat ng paraan makuha ko lang siya. I maybe looked desperate but hell yeah, ganito talaga ako kapag may gusto, kailangan ay nakukuha ko at wala akong paki-alam kung may matatapakan akong ibang tao sa paraan ko. Napansin kong pumasok ang sasakyan nila sa Makati. Sa tapat ng isang bar and restaurant sila huminto at doon lumabas mula sa kotse ang isang may edad ng lalaki at yung babae. Inakbayan pa nito ang babae saka sila pumasok sa loob ng lugar na iyon. Napapalatak ako, napakaganda niya para pumatol lang sa isang matanda! At ang aga pa para mag-inom sa lugar na tulad nun. Ni hindi pa nga tanghalian?! Gayunpaman ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Maraming paraan kung dito nga sila tatambay ng gurang na iyon. Nagtungo muna ako sa kalapit na pharmacy at pagkatapos ay kalmado na akong pumasok din ng kaparehang Bar. Hinubad ko na rin ang suot kong jacket at walang itinira sa katawan kong magpapatunay na isa akong rider. Pants at fitted na t-shirt naman ang panloob ko. Maaga man ay may iilan na ring costumer ang naroon. Hindi naman nakakapagtaka dahil nakasulat din sa labas na 24 hours nag-o-operate ang lugar na iyon. Siniguro ko ring pupwesto ako sa lugar na malapit sa babae at sa kasama nito pero isang VIP table ang inupuan ng dalawa. Wala akong nagawa kung hindi ang manatili sa counter at tanawin na lamang sila. Napilitan din akong um-order ng isang beer para naman bukod sa pagtiyempo ay may pagkaabalahan rin akong ibang bagay. Ng lumapit sa counter ang waiter na kumuha ng order para dun sa babae at matanda ay agad akong kumilos. Nagpanggap akong kaibigan nung dalawa at siya ng magdadala ng order nila. Kapalit noon ay inipitan ko siya ng isanglibong buo sa kamay, kaagad naman itong pumayag at hindi na nagtanong pa. Habang naglalakad ay palihim kong nilagyan ng pampatulog ang inumin nung matanda. Hindi naman iyon agad eepekto, kahit pa nga gustuhin kong makuha na agad ang babae ay hahayaan ko pa ring enjoy-in naman ng matanda ang kaunting oras na kasama nito ang magandang dilag na iyon. Narinig ko rin kasi kaninang pinagbabayad na ito ng kalahati ang matanda… Sa unang pagkakataon ay tinapunan ako ng tingin ng babae. Kung ano nga lang ang ganda ng make up sa mukha nito ay siya namang kawalan ng emosyon sa mga mata ng babae. Ngumingiti ang labi niya pero wala iyong tamis. Hindi gaya kanina ng ngitian niya ang kanyang anak. "You will be mine, Angel." Mahinang bulong ko sa kanya na agad ininakunot ng noo niya. Palihim ko ring pinadaplisan ng daliri ko ang tainga niya at balikat. She even smell so sweet! Matapos mailapag lahat ng order nila ay umalis na rin ako at bumalik sa pwesto ko. Sinalubong ako kaagad nung waiter para kuhain ang tray na pinaglagyan ng order. Siguro ay para hindi rin siya mahalata sa counter. Nag-thank you lang ako sa kanya at matiyaga ng naghintay kung kailan eepekto ang gamot sa matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD