CHAPTER 3

1018 Words
Malakas na ingay ang gumising sa nahihimbing na diwa ni Zyair. Nakapikit pa ang mga mata niya ng kapain ang ibabaw ng bed side table kung saan nanggagaling ang hindi pamilyar na tunog. Inabot niya ang bagay na naroon at sinubukang patayin ang maingay na tunog pero bigo siya kaya minabuti niyang ibinato na lang iyon sa lapag. Huminto naman iyon pero nabasag. Wala pa rin siyang ideya na selpon ang naitapon niya. Muli siyang bumalik sa unan at padapang nahiga doon ng may makapa siya di kalayuan sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, kahit nanlalabo ang paningin ay naaninag niya ang hubad na katawan ng isang tao sa tabi niya. Sigurado siyang babae ito dahil sa mahabang buhok na nakatabing sa balikat nito. Tila wala itong kumot dahil kita niya ang kabuoan ng likod nito hanggang sa pang-upo ng babae. Nang tila magising ang isip ni Zyair ay kusang napamulagat ang mga mata niya sa pagkabigla at saka kusang nag-iwas ng mata. Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. "What Happened? Who is she?" Bulong niya sa isip. Ibiniling biling niya ang nananakit na ulo at saka muling humarap sa katabi. Nakatalikod ito sa kanya at nahihimbing pa rin ang tulog. Maputi ang kutis niya at blonde ang tuwid na buhok. Mariin siyang pumikit at pilit na inaalala ang nangyari ng nakaraang gabi pero malabo ang ala ala niya. Napadami yata ang inom niya ng tequila at red wine kaya hindi niya maalala ng lubos ang nangyari. Sa tuwing iisipin niya ang buong pangyayari lalo na kung paano niya naging kasama ang babaeng 'to ay sumasakit lang ang ulo niya. Hindi niya kasi ugaling kumuha ng bayarang babae. Kailangan niyang masiguro na malinis ang babae bago niya ito patungan sa kama. Sinilip niya ang sariling katawan at napagtanto niyang nakahubad din pala siya. Muli siyang napapikit ng mariin bago muling nagdilat ng mata. "s**t!" Himutok niya ng mapansing puno pa ng kissmark ang katawan niya. Kaagad siyang may hinanap sa kama. "Hindi ko iyon maaaring makalimutan, come on, magpakita ka na." Kinakabahang kausap niya sa sarili habang hinahawi ang nagkalat na damit, kumot at unan sa ibabaw ng kama. Tila nakahinga naman siya ng maluwag ng makita ang plastik na nakakalat lang sa ilalim ng kumot niya. Naroon ang ibidensya na hindi siya nagkulang, kahit lasing siya ay nagawa niyang proteksyunan ang sarili. Lihim siyang napangiti sa isiping 'yon. Iginala niya ang paningin, wala siya sa kwarto niya. Siguro ay nag-check in lamang sila kagabi. Hindi niya talaga maalala ang nangyari. Kaagad siyang nagbihis, doon niya napansin ang basag na selpon sa lapag at napansin niyang hindi niya iyon selpon! Natapik niya ang sariling noo. "My god, what a terrible morning!" Inis na bulong niya nanaman sa sarili. Tila maganda pa naman ang unit ng selpon na nasira niya. Mabilis niyang tinapos ang pagsusuot ng polo, hindi na siya nag-abalang tingnan ang mukha ng babaeng nakatalik kagabi, hindi naman mahalaga sa kanya iyon. Nag-iwan na lamang siya ng cash na higit sa sampung libo sa bedside table at saka nagmamadali ng umalis. Masakit pa rin ang ulo niya at nahihilo siya. Napagtanto niyang sa mismong motel na katabi ng bar lamang sila nag-stay. Nasaan na kaya ang mga kasama niya? Pansamantala siyang huminto sa front desk upang tanungin kung bayad na ba ang pananatili niya roon at sinabi naman ng teller na binayaran na raw ni Josh ang bill niya bago pa man siya mag-check in. Napatango tango siya at saka nagpaalam. Nauuhaw siya at gusto niya ng malamig na tubig kaya dumeretso siya sa isang convinient store na nasa tapat lang ng motel para bumili ng maiinom. Hindi sinasadyang pag-ikot niya sa unang stall ay namataan niya si Dionne na lumabas din ng motel na pinaggalingan niya. Napangiti si Zyair dahil akala niya at naroon din si Jerome at magkasama ang dalawa sa buong magdamag pero ibang lalaki ang nakita niyang sumunod sa babae. Hindi iyon si Jerome pero pamilyar ang mukha nito. Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita ang mukhang iyon. Niyakap at hinalikan pa nito sa labi si Dionne bago ito sumakay ng unang taxing dumaan. Naiwan naman ang babae doon at sumakay din sa kasunod na taxi. Natulala si Zyair sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Dionne ang ganoong bagay. Tila conservative kasi ito at hindi makabasag pinggan ng minsan itong ipakilala ni Jerome sa kanila. Wala rin naman daw ideya si Dionne sa Bar na madalas nilang puntahan dahil siguradong hindi daw ito papayag at muli lang silang mag-aaway ni Jerome. Oo, sanay siyang nakakakita ng mga babaeng nagloloko pero iba pala kapag kilala mo ang taong niloloko ng taong iyon. Hindi lang basta kakilala kung hindi malapit din sa kanya. Nagtangis ang mga bagang ng binata. Muling namuo ang kagustuhan niyang pasukin ang buhay ng isang taksil na babae at ipaghiganti si Jerome pero alam niyang ibang sitwasyon ito ngayon. Kasamahan niya ang maaapektuhan at hindi naman lingid sa kanya kung gaano nito kamahal ang nobya. Hindi siya makapag-isip ng tama, masakit pa rin ang ulo niya kaya minabuti niyang bayaran na ang kinuhang malamig na tubig at beer saka dumeretso sa kotse niya. Pabalandra niyang ibinaba ang pinamili sa katabing upuan sa driver's seat at binuksan ang tubig. Inubos niya ang laman noon bago isinunod ang beer upang pang-banlaw sa hang-over niya. Napapaisip pa rin siya pero muling naiiling sa tumatakbo sa kanyang isip. "No, not Jerome!" Pangungumbinsi niya sa sarili pero naroon ang matinding pagnanais ng isip niya. Ipinikit niya ang mga mata at pinakalma ang isip. Dapat ay nagpapahinga muna siya sa ganitong kaganapan. Katatapos niya lang kay Selena. Pero hahayaan niya bang mapunta sa maling tao ang kasamahan niya? Oo nga at hindi kaibigan ang turing niya kay Jerome pero aminado naman siyang may pagpapahalaga pa rin siya sa pinagsamahan nila. Mabilis siyang nag-drive pabalik sa condo niya. Kailangan niya munang ipahinga ang isip at katawan saka gagawa ng isang desisyon. Kung ipagpapatuloy niya ba ang hangarin o hahayaan na lang si Jerome na matuklasan ang panloloko ng babaeng nais nitong pakasalan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD