CHAPTER 2

1049 Words
Masayang nag-drive palayo sa condo unit ni Selina si Zyair. Pipitu-pito pa siya habang sinasabayan ang rock na tugtog sa kanyang car stereo. Patungo siya ngayon sa bar na madalas niyang pag-inuman kasama ang mga tropa niya. Tropa at hindi kaibigan. Wala naman kasi siyang matatawag na tunay na kaibigan dahil ni minsan ay hindi niya nagawang mag-open sa mga ito ng tungkol sa pagkatao niya. Hindi rin siya madalas na sumasama kapag usapang seryosohan at tungkol sa pagpapamilya ang topic sa kwentuhan. Lalong hindi siya maaasahan sa pagbibigay ng payo. Maliban nalang kung tungkol sa panliligaw at panloloko, doon siya bihasa at madalas ay nagiging buhay ang dugo niya. Nasa kahabaan siya ng byahe ng mag-ring ang selpon niya. Si Jonas iyon, nangiti siya at napailing bago sagutin ang tawag nito. "I'm on my way, Bro," dagling tugon niya. "You better hurry, Zyair. You don't wanna miss everything. Someone's gonna have a big announcement today," excited na pahayag nito sa kabilang linya. Napatango tango si Zyair. As usual, alam niyang siya na lang ang hinihintay sa grupo. Natagalan kasi siya sa pakikipagkalas kay Selena. Ang dami naman kasing drama ng babaeng 'yon. "Malapit na ako. Angt totoo, pwede niyo na ako ipagbukas ng isang beer." Natatawang pahayag niya habang bumababa ng kotse. Hindi naman siya nahirapang mag-park dahil may nakalaan na ring parking space para sa kanilang anim. Matagal na kasi silang suki sa Bar na iyon at twice a week sila kung magkita kita doon. "Alright, see you here, then." Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. Mabilis niyang ibinulsa ang selpon at isinuot ang sunglass niya. Dagli siyang binati at ipinagbukas ng pinto ng guard matapos siyang makilala nito. Nginitian niya naman ito at tinanguan din. Kaagad niyang nakita sa paborito nilang lugar sa loob ng bar ang mga tropa niya. Malapit iyon sa stage kung saan malapitang mapapanuod ang mga seksing babae habang sumayaw. VIP ang table nila na nakalaan lang sa kanila tuwing tuesday at sabado. Masaya ang mga itong nagtatawanan at nagtutudyuhan. Nakangiti siyang lumapit sa mga ito at naupo sa natitirang space na para sa kanya. Yun nga lang, tila may kakaiba at may nagbago sa kanila. Ang dalawa kasi sa kasama nila ay palaging may bitbit na mga chicks madalas. Palaging tig-dalawa ang mga ito at kung minsan ay higit pa. "Where are your chikababes?" Nakangiti niyang tanong kina Arman at Felix. Sabay na tumingin ang mga ito sa kanya at umiling. "It's just us tonight, Zyair. I think tonight is a special night for our good friend, Jerome," ani Arman sabay tapik sa balikat ni Jerome na katabi lang nito sa upuan. Malaki ang ngiti sa labi nito kasabay ang 'di maitatangging pagniningning ng kanyang mga mata. Muling napatango at napaisip si Zyair. May ideyang tumatakbo sa isip niya pero hindi siya sigurado kung tama ba iyon. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si Jerome. "So guys, since nandito na tayong lahat. Sasabihin ko na ang announcement na kanina ko pa gusto sabihin sa inyo." nakangiting sambit ng lalaki. Panandaliang nanahimik ang lahat. Nakatingin at naghihintay ng susunod na sasabihin ni Jerome. "Guys, sa tingin ko ako ang unang malalayo sa ating anim. I mean, ako ang unang hindi na masyadong makakasama sa mga boys night out natin," panimula ni Jerome. "Gago ka pare, nakabuntis ka ba?" gulat na hula ni Roman. Ang pinakamakulit sa grupo. "Nah, Roman. Patapusin mo muna si Jerome," natatawang tugon ni Josh dito. Tumango naman si Roman at muling naupo. "So, what do you really mean, pare?" si Felix habang sumisimsim ng alak. "Eto na nga. Dionne say yes to me earlier and I'm getting married next year!" masayang amin ni Jerome. Sandaling natahimik ang lahat. Tila nakikiramdam kung hindi ba nagbibiro si Jerome at pina-prank lamang sila. Hindi naman ito kumibo din at tahimik lang din na nagmamasid sa magiging reaksyon nila. "Are you serious?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Josh. Nakangiting tumango si Jerome. "Yeah." Sukat doon ay sabay sabay na tumayo ang apat at masayang niyakap si Jerome habang naiwan naman si Zyair sa upuan. Naiiling at natatawa. "Wow pare, talagang tinamaan ka kay Dionne!" masayang tudyo ni Arman. "Magiging asawa ka na, sigurado ka na ba diyan?" Tanong naman ni Felix. "Hindi ka na makakapunta dito, siguradong hindi ka na papayagan no'n at ikukulong ka na lang sa loob ng bahay," naiiling namang saad ni Roman. "Congratulations, Bro," masayang bati naman ni Josh sa kaibigan. Sa lahat ng sinabi ng magkakaibigan kay Jerome, tanging tawa at ngiti lamang ang isinagot ng lalaki sa kanila. Ngiting napakasaya at alam mong siguradong-sigurado na siya. Nang makaupo muli ang apat ay saka lamang tumayo si Zyair at nilapitan si Jerome. "Nakakapagtampo ka pare, alam mong pwede mo kaming tawagin at kunstyabahin para sa proposal mo," Kunwa'y seryosong sambit ni Zyair dito. Nagtinginan ang apat at saka sumang-ayon kay Zyair. "Oo nga naman, Bro," sang-ayon ni Josh. "Wait, guys. Let me explain, ok? I know I can count on you and I'm sorry but I want it to be plain yet romantic. Isa pa, alam kong mga busy din kayo kaya sinolo ko na lang at gusto ko rin kayong surpresahin." dagling paliwanag ni Jerome. "Hey, I'm just joking," natatawang sambit ni Zyair. Nagtawanan ang lahat kaya naman muling gumaan ang ambiance sa paligid nila. "Anyway, congratulations, Jerome. Maagang best wishes." nakangiting bati ni Zyair dito. Sa kanilang anim, si Jerome talaga ang naging matino pagdating sa babae. Dati rin itong maloko pero nag-iba ang ugali niya ng makilala nito si Dionne. Ilang beses na rin itong umiyak dahil sa babae na lubos nilang pinagtakhang lahat. Head over heels nga ang tawag nila sa kasamahan pero balewala naman ito kay Jerome. Ang totoo ay aminado rin ang binata na ganoon niya nga kamahal si Dionne at naniniwala siyang karma niya ang ma-inlove ng todo sa dalaga dahil sa mga kalokohan niya noon sa ibang babae. "At dahil diyan, magdiriwanang tayong lahat. Sagot ko ang lahat ng bills natin ngayong gabi!" Masayang pahayag pa ni Jerome. Masayang naghiyawan ang grupo nila Zyair sa narinig. Sa dami ng nag-iinom doon, sila ang pinakamaingay sa lahat pero walang nagtatangkang sawayin sila. Alam kasi ng lahat na ama ni Josh ang Mayor sa bayang iyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD