-ZYAIR-
Pagkauwi ko ay muli akong humilata sa kama. Mabuti na lang at mamaya pang gabi ang shift ko, may oras pa ako para matulog maghapon at bawiin ang energy ko na parang naubos kagabi at sa lumipas na magdamag. Saka ko na iisipin yung nakita ko kanina.
Pero ng maalala si Dionne ay muli akong nakaramdam ng panggagalaiti. Napakabuti ni Jerome para iputan lang sa ulo ng inakala niyang disenteng babae hindi pa man sila naikakasal.
Pinilit kong pumikit pero nakakaramdam ako ng panlalagkit at alinsangan, nagpasya akong tumayo at magtungo muna sa banyo upang maglinis ng katawan. Nairita pa ako ng mapansin nanaman ang sangkaterba kong kiss mark sa leeg at dibdib. Napaka-wild naman yata nung babaeng naka-one night stand ko. Yun nga lang, kahit anong isip ko ay wala akong maalalang ginawa namin.
Matapos makaligo ay naginhawahan ako. Muli akong nahiga at sa pagkakataong 'to ay nakatulog na ako ulit. Mas mahimbing pa at payapa.
Kaya naman ng magising ako ay mas magaan na ang pakiramdam ko. Sinipat ko ang wall clock sa aking kwarto at napagtanto kong alas dos na ng hapon. Kaya pala medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Sa isang simpleng kainan ako agad na nagtungo. Carinderia kung maituturing sa mga gaya kong pinili ang mamuhay ng simple at walang masyadong iniintindi sa buhay. Naghihintay na lang ako ng order ng tumunog ang cellphone ko.
Si kuya Simon. Napabuga ako ng hangin. Siguradong kahit nakatulog ako nang maayos ay sasakit nanaman ang ulo ko sa kaiisip ng idadahilan sa kanya.
Tumikhim muna ako at nilinis ang lalamunan bago iyon tuluyang sinagot.
"Yes, kuya? How are you?" Kahit napipilitan ay pinilit kong pagiliwin ang tinig ko.
"I'm fine, Zyair. Kailan mo ba balak na asikasuhin ang negosyo mo? I'm having lots of inquires from your company. Alam mo namang busy din ako sa negosyong pinapalago ko. Aba, baka naman hindi na ako makapag-asawa nito sa sobrang busy ko."
Pinaikot ko lang ang aking mga mata. Sanay na rin akong dakdakan ni kuya. Nauunawaan ko naman ang bigat ng responsibilidad na nasa balikat niya, ayaw ko lang talagang mamuhay sa napakagulo at mausisang mundo ng pagiging business owner.
"Sorry na kuya. Ano kasi- alam mo namang… hay.."
"Alam ko namang ayaw mo at hindi ka pa handa, ganoon ba?"
"Kuya-"
"Zyair, you're not getting any younger! Next month lang ay 30 ka na. Kailan mo pa balak hawakan at unawain na hindi lang basta isang negosyo ang iniwan sayo ni Dad? I need you here, Tol. Para sa'yo rin naman ito at sa kinabukasan- hello Zyair, are you still there?"
"Hello kuya.." kunwa'y tinapik tapik ko pa ang cellphone. "Chappy ka!I talk to you later again kuya, Okey? I'm sorry but I have to go." Saka ko pinatay ng mabilisan ang cellphone.
Muli akong napabuntong-hininga at naupo na sa upuan. Sakto namang inilapag ng isang babae ang order kong pagkain. Imbis na stress-in ang sarili ay sinimulan ko na lang lantakan ang umuusok pang nilagang baka at kanin sa harapan ko.
Isang wine company ang iniwan ni Dad sa akin, dahil ako ang nag-aral sa siyudad at kahit papa'no ay nakapag-masteral sa america, sa akin niya ibinigay ang obligasyon para sa kumpanya habang si kuya ang naitalaga para mag-asikaso ng malawak na grapes farm namin sa probinsiya.
Gayunpaman ay hindi naging sapat ang kaalaman ko. Hindi ko alam kung dahil ba takot lang akong sumubok o dahil alam ko rin na puro bulakbol lang naman ang ginagawa ko noong nag-aaral pa ako.
Babae at bisyo, minsan ay inaakit ko na lang ang ilang professor namin lalo na yung mga cougar para lang ipasa ako. Aminado rin naman ako na ayokong hawakan ang napakalaking responsibilidad na iyon sa takot na baka mag-failed ako. Baka ako ang maging dahilan para bumagsak iyon lalo na at nasa kasagsagan ngayon ng kumpentensiya sa ibang malalaki ring kumpanya.
So I choose to live like a normal person.
Kapalit noon ay hindi ako tumatanggap ng kahit na anong financial support mula kay Kuya o sa kumpanya kahit pa nga palagi niya namang ipinipilit. Ang alam ko ay inilalagay niya pa rin sa bank account ko ang mga share ko bawat buwan.
He's indeed a kind person. Maunawain siya at hindi nagsasawang paliwanagan ako, minsan nga ako na lang rin ang nagi-guilty but I remain hard as stone. Ayoko pa talagang matali sa ganoon klaseng obligasyon.
Matapos kumain ay nagrelax muna ako at nanigarilyo. Maaga akong papasok at doon muna magpapalipas ng oras sa sleeping area namin. Aabangan ko rin kasi si Jerome at kakausapin. Sa isiping yun yata ako mas nai-stress ngayon.
………………………..
"Oh, pare. Ang aga mo rin yata." Nagulat pa ako ng makilala si Jerome. Halos sabay kaming dumating sa office at nagkasabay din sa papasok sa sleeping quarter.
"Oo, pare. Hindi rin kasi umuwi si Dionne kagabi dahil nagka-emergency daw sa mama niya. Na-bored naman ako sa unit kaya heto, pumasok na lang ng mas maaga at least dito may makakakwentuhan ako maski papa'no." Nakangiting tugon niya sa akin.
Lihim akong napangisi. Nakaramdam ako ng awa para kay Jerome. Hindi niya alam kung gaano ka-wild ang pakakasalan niya. Isa siyang inosente at mabuting tao na winawalanghiya lang ng mapapangasawa nito.
"Sabihin mo nga sa akin, Pare. Paano at bakit si Dionne ang napili mong pakasalan?"
Kaagad kong nakita ang kahinaan at ningning sa mga mata ni Jerome. Bagay na madalas kong nakikita sa mga mata ng babaeng naikakama at pinaglalaruan ko. Isa ang tanawin na iyon sa madalas kong iniilingan. Kapag may usapang 'love' o 'pagmamahal' na, para silang nagagayuma o nao-orasyunan ng isang kulto.
"I meet her at the bar, Pare. When I first saw her, I felt like my entire world flip. Alam ko na from that moment na siya ang gusto kong makasama for the rest of my life." Tila hibang na paliwanag ni Jerome.
Nangiwi si Zyair sa narinig. Kaya nga ayaw niyang pinag-uusapan ang ganitong topic. Naaalibadbaran talaga siya.
"Okey. But pare, I want you to listen. Ayoko na sanang maki-alam pero hindi ko rin naman kayang magsawalang-kibo na lang. Baka maging dahilan pa ito ng stress ko sa araw-araw at dumating yung time na sisihin mo ako."
Natural na kumunot ang noo ni Jerome ng marinig ang sinabi niya..
"What do you mean, Zyair?"
"Your fiancèe is cheating on you." Walang kagatol-gatol na tugon niya.