-ZYAIR- "Papa superman, dito ka rin ba matutulog ngayong gabi?" Nagkatinginan kami ni Esperanza sa tanong na iyon ni Emman habang kumakain kami. "Oo sana, e. Pwede ba Emman?" Balik-tanong ko rin sa kanya. Nakakatuwang lumiwanag ang mukha niya at sunod-sunod na tumango. "Sige po, kahit doon muna ako sa kwarto ni tito Ben matulog ngayong gabi." Sabay rin kaming napakunot-noo ni Esperanza. "Ha? Bakit naman? Dun ka lang sa kwarto, tabi-tabi na tayo doon." Pahayag ko. "Naku, hindi po tayo kasya doon, minsan ka lang naman po pumunta dito kaya okey na sa'kin sa kwarto muna ni tito Ben, natulog na rin naman po ako dun kanina." Gustong pumalakpak ng tainga ko sa narinig. Napakatalino at bibong bata talaga nitong si Emman. Magkakasundo nga kaming dalawa. Makahulugan kong tiningnan si Esperan