"Totoo ba yung sinabi mo kay Emman kanina?" Tanong ko kay Esperanza ng mapagsolo kami sa labas. Nagpapahangin kami habang naninigarilyo ako, si Emman ay nanunuod pa rin kasama si Ben. Nagkibit-balikat lang siya. "Napilitan lang akong sabihin yun para tumigil na rin siya sa kapipilit," aniya. "Tingin ko tumigil lang siya pero hindi niya yun kalilimutan," wika ko ulit. Napabuga na lang siya ng hangin at matamang tumingin sa akin. Tinaasan niya pa ako ng kilay. "Wala pa akong planong sundan si Emman. Saka sino namang magiging tatay, ikaw?" Napangisi pa siya at napailing pagkasabi nun. "O, bakit? Kung kay Emman nga nagpapakaama ako, sa magiging tunay na anak ko pa kaya." Ng manliit ang mga mata niya at matiim na tumingin sa akin ay parang noon ko lang rin na-realize kung ano ang sinabi