CHAPTER 21

1171 Words
Magaan naman ang takbo ng paghihintay nina Esperanza at Zyair ng tumawag si Josh sa binata. Agad iyong sinagot ni Zyair upang magpasalamat na rin.. "Oh, pare? Salamat, ha? Sinundo-" "Pasensiya ka na pare. Papunta pa lang yung ambulansiya, nagkaubusan kasi kanina dahil nagkaroon ng disgrasya." Singit naman ni Josh na tila hindi rin narinig ang unang sinabi ni Zyair kanina. "H-ha?" Tigagal na usal ng binata saka nag-aalalang napabaling kay Esperanza na noo'y mataman lang na nakatingin sa kanya. "Oo, pare. Pasensiya ka na talaga.." "P-pero, may.. may sumundo na daw sa kanila." Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang tensiyon. "Ha? Sino?" Maging si Josh ay nagulat din. "Sige na pala pare." Nagmamadaling anas ni Zyair saka ibinaba ang cellphone. Kabado niyang hinarap si Esperanza na noo'y kababakasan na rin ng matinding takot sa mukha. "A-anong sabi ng… ng kaibigan mo, Zyair?" Napalunok siya nang sunod-sunod. "I need you to stay calm, okey? Ganito...uhmm." pilitin niya mang maging kalmado gaya ng payo niya kay Esperanza ay hindi niya magawa. "Ibang tao ba ang sumundo sa anak ko?" Deretsahang tanong ni Esperanza. "Esperanza-" "Sagutin mo na lang ako, Zyair. Please.." nanghihinang paki-usap nito. Pero bago pa man maibuka ni Zyair ang bibig niya ay tumunog naman ang cellphone ni Esperanza. Bumakas ang galit sa mukha nito ng mabasa ang pangalan ni Mr. Chu sa screen ng cellphone. Kaagad niya iyong sinagot. "H-hello, Mr. Chu." "You're late, darling. Hindi ka tumupad sa kasunduan!" Nasa himig ng matanda ang galit. "Kaya ba pinadukot mo ang anak ko?" "Opss! Ang bilis mo namang makatunog, Darling. Don't worry, ikaw lang naman ang hinihintay ko." "Tuso ka Mr. Chu! Huwag na huwag mong tangkaing kantiin maski dulo ng daliri ng anak ko dahil-" "Ohh, nakakatakot ka naman pala magalit. Hindi mo ba naiisip kapag ako naman ang nagalit, ha? I can do whatever I want, bayad naman na ang buhay ng anak mo, hindi ba? Itinatakas mo na nga with your lover boy!" "Huwag mong sasaktan ang anak at kapatid ko, Mr. Chu! Paki-usap, sabihin mo kung anong dapat kong gawin." Halos maiyak-iyak ng wika ni Esperanza.. "Good, good.. Ganyan nga. Very good. Gaya ng dating usapan," anito saka nawala na sa kabilang linya. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Esperanza, matapos pahirin ang luha ay dali-dali na siyang kumilos para puntahan ang lugar na nasa usapan nila ni Mr. Chu kaninang ibinigay nito ang pera sa kanya. Subalit mariin siyang pinigilan ni Zyair. "Esperanza, let me help you." Pero ipinagpag lang nito ang braso kung saan siya nakahawak. "Hindi na, Zyair. Salamat sa effort mo pero laban ko na lang 'to," anito. "No, hindi ko hahayaang may mangyari sayo-" "Pwede ba, Zyair. Naghahabol ako ng oras, hindi lang 'to basta-basta. Buhay ng anak at kapatid ko ang nakasalalay kaya hayaan mo na 'ko, please…" Kulang sa lakas na paki-usap ni Esperanza. Umiiyak nanaman ito at nasa mga mata ang pinaghalong takot, galit, at pangamba. "Ihahatid na lang kita." Pagpipilit niya pa rin. Pero mariing umiling si Esperanza. "Kilala ka na nila kaya hindi mo ko pwedeng samahan sa pinakasikat na hotel sa makati, sa 34th floor, room 6. " Makahulugang wika pa nito. Sa narinig ay agad na nakaunawa si Zyair. Blangko pa man ang isip sa nararapat na gawin ay hinayaan niya na rin ang babaeng umalis. Gayunpaman ay tinandaan ang eksaktong lugar na sinabi nito kung saan kakatagpuin ang matandang Chu. Ng tuluyang mawala sa kanyang paningin si Esperanza ay dali-dali niyang tinawagan ulit si Josh upang humingi ng tulong. Maraming contact ang papa nito na maaaring makatulong sa kalagayan niya ngayon. Sumagot naman kaagad ang lalaki, matapos niyang maikwento ang lahat at ang ilang mahahalagang detalye ay nagkasundo na rin sila sa dapat gawin. Kaagad siyang nagtungo sa istasyon ng pulisyang nakakasakop sa nasabing hotel. Doon ay may naghihintay na sa kanyang kaibigan mismo ng papa ni Josh. Samantala….. Abut-abot naman ang kaba ni Esperanza habang tinititigan ang matayog na building mula sa labas noon. Nakatago sa magandang istraktura nito ang tunay na mga kaganapan sa loob. Kung gaano karumi ang ilang mga taong pumapasok at lumabas mula roon.. Pinuno niya ng hangin at lakas ang kanyang dibdib bago nagpasyang pasukin na ang lugar. Sa front desk ay itinawag pa sa sinasabi niyang room ang kanyang pagkakakilanlan, ng makumpirma ay saka siya pinahintulutang umakyat na.. Habang nasa elevator ay pilit na pinagana ni Esperanza ang kanyang pagiging matapang. Hindi siya pwedeng kainin ng takot at kahinaan gayung nasa peligro ang buhay ng kanyang kapatid at anak. Ihinanda niya na rin ang sarili sa posibilidad na gagamitin ng mga iyon ang kanyang pamilya upang tuluyan siyang bumigay at maging sunud-sunuran. Lingid sa kaalaman ng Mr. Chu na iyon, isa rin siyang tuso. Mahusay siyang magpaikot gamit ang natatangi niyang sandata, ang kanyang kagandahan at matamis na salita. Kung inaakala nitong mauutakan siya nito ng ganoon-ganoon lang ay nagkakamali ito. Ng tuluyang bumukas ang elevator ay taas noo na siyang naglakad patungo sa kuwartong tinutukoy ni Mr. Chu. Hindi niya pwedeng ipakita na natatakot siya. Hindi ngayon.. Matapos pindutin ang doorbell ay bumukas naman agad ang pintuan. Pero laking pagtataka niya ng ang babae lang ni Mr. Chu ang humarap sa kanya, si Dionne. Nakangisi siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan at pinapasok siya. "Ano ba naman 'yang hitsura mo, Esperanza? Sa tingin mo ba ikatutuwa ni Mr. Chu at ng mga kliyente doon na mukha kang manang at wala man lang kaayus-ayos?" "Nasaan sila at ang anak ko?" Sa halip ay tugon niya. Pero imbis na sagutin siya ay iginiya lang siya nito sa tapat ng tokador kung saan may maiiksi ring dress na mapagpipilian. "Come on, choose the best outfit for you." Utos nito sa kanya. Hindi siya kumibo o kumilos man lang. "If you really wanna save your sibling and son, susunod ka nang mabilis, Esperanza." Seryosong wika ulit nito. "Babae ka rin, Dionne. Kung mayroon mang unang makakaunawa sa akin dito, ikaw dapat yun!" Hindi niya na napigilan ang emosyon. Gustong-gusto niyang makita ang anak niya. Ngumisi lang ulit ang babae sa kanya at kinuha ang remote na nakalagay sa ibabaw ng tokador, itinutok iyon sa TV at ng pindutin nito ang on ay agad na lumitaw mula sa screen ang cctv footage ng kanyang anak. Nakahiga ito sa isang kama habang naka-dextrose at oxygen habang ang kapatid niya naman ay nasa isang upuan lang at nakayukyok sa kama mismo ng anak niya. Nais niyang panghinaan, pero gaya ng pangako sa sarili kanina, mas dapat siyang magpakatatag.. "N-nasaan ang anak ko?!" Matapang na usal niya saka mabilis na kumilos, inikutan niya si Dionne at mula sa likod ng kanyang pantalon ay inilabas niya ang maliit na balisong, sinakal niya ang babae gamit lamang ang isa niyang braso at itinutok sa leeg nito ang matalas na kutsilyo… "Sasabihin mo o dito pa lang, lalaslasin ko na ang leeg mo?!" Galit na tanong niya kay Dionne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD