Nanlalagkit at pawis na napabalikwas ng bangon si Esperanza. Mahilo-hilo niyang kinapa ang katawan at ng masigurong hubo't-hubad siya ay wala sa sariling napatayo siya.
"H-hindi, nasaan ako?" Tanong niya sa sarili. Ng biglang bumukas ang ilaw at kumalat ang liwanag sa kabuoan ng silid. Kaagad niyang iginala ang paningin, inaantok at nagtatakang mukha ni Zyair ang nabungaran niya habang nakatayo sa gilid ng pintuan. Nakahawak pa ito sa switch ng ilaw habang pupungas-pungas..
"Hey, are you okey?" Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka habang nakatingin sa kanya.
Napahawak sa kanyang ulo si Esperanza saka napaupo sa kama. Panaginip lamang pala ang lahat. Makatotohanang panaginip na mula pa sa kanyang kabataan. Alaalang hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang ginugulo at patuloy na pinapaalala sa kanya ang pinaka masalimuot at madilim na parte ng kanyang buhay..
Para pa siyang napaso ng may maramdamang kamay na pumatong sa kanyang balikat, dagli siyang napaatras at napa-angat ng tingin pero nagsisi din dahil si Zyair lang pala iyon..
"Ohh, hey.. It's just me. Okey ka lang ba? A-anong nangyayari sayo? You look tense and.. weird.."
Nahihiya siyang tumango at muling yumuko. Hindi niya mapigilang maihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha kasabay ang pagpapakawala ng marahas na buntong-hininga.
"S-sorry, hindi lang maganda ang panaginip ko," tugon niya.
"I can say that.. Hindi ko lang maiwasang mag-aalala at ma-confused, ano bang panaginip mo?" Tanong ni Zyair.
Pero umiling lang si Esperanza at pilit na ngumiti.
"W-wala iyon. 'Wag mo na lang pansinin, pasensiya na rin kung naistorbo ko ang tulog mo." Paliwanag niya..
Lingid sa kaalaman ni Esperanza, rinig na rinig ni Zyair ang pagmamakaawa niya habang tulog na nagsasalita kanina. Alam rin nitong umiiyak siya at nanginginig ang katawan. Balak na sana siyang gisingin ni Zyair ng bigla na lang siyang maupo at tumayo na parang walang sa sarili..
"Sabi nila, mas nakakagaan daw kung ikukwento mo sa iba ang masama mong panaginip." Nakangiting panunubok niya kay Esperanza. Pero gaya kanina, pilit lang din itong ngumiti bago umiling at tumayo..
"M-magbibihis na ako. Mag-aalas dos na rin ng madaling araw, 'diba pupunta pa tayo sa port para abangan sila Emman?"
Napatango naman si Zyair. Oo nga pala, kailangan nilang abangan ang mga ito doon at sabay-sabay na silang tutungo sa probinsiya kung nasaan ang kuya niya. Iyon na lang ang sulusyong nakikita niya para matulungan si Esperanza at ang anak nito..
Bagama't hindi niya napilit ang babae na ikwento sa kanya ang panaginip nito, alam niyang balang araw ay magiging kumportable din si Esperanza sa kanya. Kung ano man ang dahilan nito para magmakaawa ng labis kanina habang natutulog, siguradong may mabigat iyong dahilan.
Paalis na sila ng bahay ng magtext ang kapatid ni Esperanza na nasa biyahe na raw ang mga ito papuntang Manila. Tuluyan na siyang nakahinga nang maayos at masayang ibinalita iyon kay Zyair.
"Let's go. Doon na lang tayo maghintay sa port." Wika ni Zyair. Tumango naman si Esperanza at umangkas na ulit sa motorsiklo ng lalaki..
Habang naghihintay sa pantalan ay nagkape muna sila. Hindi rin maiwasang matulala ni Esperanza at tumitig sa madilim na parte ng karagatan habang muling naglalakbay sa nakaraan ang kanyang isip.
Matapos siyang halayin at pagsamantalahan ng pitong kalalakihan ay iniwanan na lamang siya ng mga ito sa abandonadong lugar na iyon. Nanghihina at halos hindi na makakilos. Ang buong akala niya pa nga ay mamatay na siya doon na siya rin palang inaasahan nina Joseph at ng mga kasama nito. Pero hindi pa rin siya pinabayaan ng diyos, may magkaibigang pulubi ang nakatagpo sa kanya doon na agad ipinaalam ng mga ito sa pinakamalapit na barangay.
Na-rescue siya pero dahil sa trauma ay hindi muna niya nagawang magsalaysay ng nangyari sa kanya. Naging pagkakataon iyon nina Joseph para tuluyang tumakas at magpakalayu-layo..
Ng medyo bumuti ang lagay niya ay saka niya naman nalamang buntis pala siya. Pero sa dami ng lalaking gumahasa sa kanya, hindi niya alam kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan niya. Nahulog sa depresyon si Esperanza at hindi iisang beses siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa labis na kahihiyan..
Dahil sa nangyari ay pinili ng mga magulang niyang ipadala muna siya sa maynila. Sa kanyang tiyahin at doon na idaos ang panganganak, noong umpisa ay hindi niya tanggap ang sanggol, ni hindi niya iyon matingnan. Kasabay ng galit niya sa mga lalaki, matinding galit din ang nararamdaman niya para sa sariling anak. Ipinapaalala kasi nito sa kanya ang pinaka nakakadiring parte ng kanyang buhay. Pero ng muntik na itong mamatay dahil sa sakit, doon na rin siya nagsimulang makaramdam ng guilt. Doon niya na-realize na mahal niya ang bata at wala naman itong kasalanan..
Nalaman niya rin na may malubha itong sakit at dahil hindi naman ganoon karangya ang buhay ng kanyang tiyahin, sinubukan niyang maghanap ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Pero sadyang madamot ang kapalaran, bukod sa maliit na sahod, halos ubusin pa ng trabaho sa palengke ang oras niya…
Hanggang sa nadiskubre niya ang trabahong hanggang ngayon ay kinakapitan niya. Nakilala niya ang isang matandang babae na noo'y bugaw pala at maraming kilalang kliyente, hindi siya nito tinigilan hangga't hindi siya pumapayag.. Noong una ay nagkasya na lang siya na may kahati sa bawat kikitain, pero ng tuluyan niyang makabisado ang pasikot-sikot sa kanyang trabaho, pinili niyang magsolo na lang at humanap ng sarili niyang kliyente..
"Baka naman hindi ko masisid yan," napapitlag siya ng marinig ang kalmado at seryosong tinig ni Zyair.
"H-ha?" Hindi nakakaunawang tanong ni Esperanza.
"Ang lalim kasi ng buntong-hininga mo. Siguradong pati iniisip mo ay malalim din."
"Uhm.." umiling lang siya bilang tugon. Pilit niyang hinamig ang sarili at magpokus na lang sa kasalukuyan..
"Wala ito."
Si Zyair man ay napabuga din ng hangin.
"Alam mo, mas makakagaan sayo kung ise-share mo yan sa iba. Don't worry, hindi naman kita idya-judge o kokontrahin. Makikinig lang ako." Pangungumbinsi ng binata sa kanya.
Nginitian niya lang ulit ito saka napailing-iling..
"Tsismoso ka rin, no?" Pinagaan niya pa ang tinig upang hindi na ma-curious pa si Zyair..
"Hindi naman palagi, sayo lang din." Nakangiting tugon ng binata saka inubos ang laman ng styro cup na hawak nito.
"Bakit mo ako tinutulungan, Zyair?" Maya-maya'y tanong niya. Paraan niya na rin upang iligaw ang usapan. Pero agad nahalata iyon ni Zyair.
"Hindi ko sasagutin yan hangga't hindi ka nagkukwento ng panaginip mo." Parang batang usal ng binata..
Nagkibit-balikat lang si Esperanza.
"Okey," anito na parang balewala lang.
Inis namang napailing si Zyair, kahit kailan talaga ay hindi tumatalab ang mga paraan niya kay Esperanza. Daig na nito ang yelo sa sobrang cold ng personality. Mainit lang yata talaga ang babae pagdating sa mga gawaing pang-kama.