Subalit malutong na halakhak lang ang itinugon ni Dionne sa kanya. Kahit pa nga nahihirapan na itong huminga ay hindi man lang siya kababakasan ng takot sa mukha.
Pagtapos nitong tumawa nang malakas ay napansin naman ni Esperanza ang paglitaw ni Mr. Chu sa screen ng cctv, nasa kwarto ito ng anak niya at matamang nakatingin sa monitor na para bang sa kanya nakikipagtitigan.
Pinanginigan ng katawan si Esperanza lalo na ng lapitan nito ang kanyang anak at haplus-haplusin ang buhok ng bata. Ilang sandali pa ay may inilabas itong baril at nilaro iyon sa ulunan din ni Emman. Dumagundong ang labis na kaba sa puso ni Esperanza, wala sa sariling nabitiwan niya si Dionne.
"Wrong move ka, sis. Nakamonitor tayo at maging usapan natin ay naririnig nila. Ano bang akala mo? Na basta-basta lang ang kinakalaban mo?"
"Alam niyong hindi ko kayo kinakalaban. Ako ang gusto gulangan ni Mr. Chu!" Galit na pahayag niya.
Nagkibit-balikat lang si Dionne at namili na ng dress na ipapasuot sa kanya na parang wala lang. Umalis naman na si Mr. Chu sa monitor gayunpaman ay hindi pa rin siya napanatag. Mukhang wala na nga yatang pag-asa pang mailigtas sila ng kanyang anak at kapatid..
"Isuot mo na yan. Hindi mo gugustuhing paghintayin ng matagal ang matandang iyon. Beside, kanina ka pa rin inaabangan ng mga kabaro niya."
Napakagat-labi na lamang si Esperanza at wala ng nagawa kung hindi ang sumabay na lang sa agos. Gaya ng dati, iaasa niya na lang ulit sa kapalaran at sa diyos ang mga mangyayari.
Hindi inaasahan ni Esperanza na matapos lang magbihis lang ay muli silang aalis sa hotel na iyon. Lalo siyang nawalan ng pag-asa, ang kwartong pinanggalingan niya kasi ang nasabi niyang lugar kay Zyair…
Tuso at mautak nga ang matandang iyon. Pero nakahanda siyang ibalik ng buo ang pera nito, pakawalan lang siya at kanyang anak.
Sumakay sila ng kotse at binaybay ang daan patungo sa kung saan. Sa loob ng sasakyan ay napapagitnaan siya ng dalawang naglalakihang lalaki, parang mga bouncer sa bar kahapon. Ipit na ipit man sa kinalalagyan ay balewala na sa kanya, ang gusto niya lang ay marating na ang lugar kung nasaan si Emman at Ben..
Hindi malinaw kay Esperanza kung saan sila nagpaliku-liko, habang nasa biyahe ay wala siyang patid sa pagdarasal nang tahimik. Halos wala ring imik ang mga kasama niya maliban kay Dionne na pipitu-pito habang maya't-maya rin naninigarilyo.
Isang bungalow type na bahay ang pinasukan nila. Tila nag-iisa iyong nakatirik sa malaking lupain na napapalibutan ng mga puno at halaman. May nagbukas ng gate para sa kanila at isinara din iyon kaagad matapos na suriin ang paligid. Siguro ay upang malaman kung wala bang nakasunod sa kanila.
Si Dionne din mismo ang umalalay sa kanya habang papasok sa loob ng bahay. Sa sala ay inabutan niya si Mr. Chu na nakaupo sa mahabang sofa habang naka roba lang. Nanunuod ito ng soccer sa TV kung kaya nginisian lang siya ng makita siya nito. Katapat nito sa kabilang sofa ang dalawang may edad na ring matatanda, may mga baso ng alak sa babasaging lamesa at ashtray na halos mapuno na rin ng upos.
Puro naka-roba lamang ang mga ito. Bumakas sa mata ng mga kasama ni Mr. Chu ang tuwa at pagnanasa ng makita siya.
"Siya na ba ang tinutukoy mo kumpadre? Aba, e napakaganda at bata pa pala, ano?" Masayang usal ng isang may maayos na pangangatawan. Habang ang isa namang may malaking tiyan ay masama na ang tingin kay Esperanza. Tila ito isang demonyong handa siyang sagpangin ano mang oras. Hinawakan pa nito ang gitnang bahagi ng katawan nito at itinaas baba ang kamay niya doon.
"Amoy niya pa lang nanggigil na ang alaga ko, Kumpadre. Hindi na ko makapag-hintay! Ako ba ang mauuna?" Tila asong hayok na tanong nito kay Mr. Chu.
"Ano ka ba, Pare. Kumalma ka nga. Hindi ba't may pustahan tayo? Kapag nanalo ang manok ko, mauuna kami nitong si Dionne? Kapag nanalo ang manok niyo, e'di mauna na kayo!" Si Mr. Chu iyon.
Tila iritable namang napakamot sa kanyang ulo ang lalaki.
"Ilang game pa ba yan?!"
"Last na ito, sandali na lang." Tugon ulit ng matanda.
Si Dionne ay halos kumandong na kay Mr. Chu at walang paki-alam na bumukaka paharap sa mga kasama ng matanda.
"Sawa na kami sayo, Dionne! Pero pwede kitang pagtyagaan muna habang pinagnanasaan ko ang isang yan." Nakangising wika nung mataba. Subalit isang dirty finger lang ang isinukli ni Dionne sa kanya.
"Eto ka, Mr. San. Ang baba mo kaya magbayad, pwe!" Tugon ng babae na ikinatawa naman ng lalaki.
"N-nasaan ang anak ko, Mr. Chu." Sa wakas ay lakas loob na tanong ni Esperanza. Nanatili siyang nakatayo sa dati niyang pwesto at wala siyang balak na umalis doon.
Seryoso siyang tiningnan ni Mr. Chu, sinamantala niya ang pagkakataon, lumapit siya dito at ibinato sa harapan nito ang bag na naglalaman ng hiniram niyang kalahating milyong piso.
"Hindi ko na kailangan yan kaya palayain mo na ang anak at kapatid ko. Iyo na ang pera mo." Seryoso ding pahayag niya.
Marahang pinulot ng matanda ang pera, ipinatong iyon sa lamesa at pinaghahalikan pa.
"Alam mo bang may penalty yung apat na oras na na-late ka?" Tanong nito bago bumaling sa kanya. Tumayo at nilapitan siya nito. Hinawakan ang baba niya at halos simsimin nito ang amoy niya ng singhutin nito ang kanyang pisngi bago siya tinitigan sa mga mata.
Hindi naman siya nagpakita ng takot at nakipagtitigan din sa matanda.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Isang daan libong piso.." mahinang usal ni Mr. Chu..
"A-ano?!" Hindi mapigilang bulalas ni Esperanza.
"Isang daang libong piso kada oras na late ka.. yun ang kulang mo. Kapag naibigay mo na yun, palalayain ko na kayo." Nakangising wika nito.
Nais sumabog ng dalaga sa galit at suntukin na lang ang mukha ng kaharap subalit naisip niya nanaman ang kalagayan ng kanyang anak.
Kinagat niya na lamang ang sariling dila at pilit na nagtimpi. Kuyom ang kamao ay tahimik na bumuhos ang luha sa mga mata niya..
"K-kapag ba nanatili ako dito, ipapaopera mo na ba ang anak ko?" Tanong niya.
Doon ngumiti si Mr. Chu.
"Paliligayahin mo kami ng isang linggo, pagkatapos ay tuloy na ang operasyon ng anak mo. Dito rin sa pamamahay ko. Sa sarili kong doctor."
Mariin siyang napapikit. Isang linggo?! Isang linggo niyang pagsisilbihan ang iba't-ibang uri ng matatandang lalaki?
Ng biglang sumigaw yung matabang lalaki.
"Yes! Panalo kami.."
Ng silipin din ni Esperanza ang telebisyon ay nanalo nga yung mga naka-blue.
Dumilim man ang mukha ni Mr. Chu ay pumalakpak pa rin ito bago siya parang pagkain lang na ipinagpaubaya sa mga iyon.
"Simulan niyo na yan, hindi na yan papalag lalo pa at alam niya ang pwedeng mangyari oras na tumanggi o manlaban siya, hindi ba, Dear Esperanza?"
Hindi kumibo si Esperanza. Sa totoo lang ay nagawi ang atensiyon niya sa papalapit na dalawang lalaki sa kanya. Walang paki-alam na nagtanggal ng roba ang dalawa at inihagis na lang ang mga iyon sa kung saan.
Sa senaryong iyon bumabalik ang madilim niyang nakaraan. Tila ba humahalo ang mukha ng mga adik na gumahasa sa kanya noong dalaga pa siya sa mukha ng dalawang matandang papunta sa kanya ngayon. Lumalim ang kanyang paghinga kasabay ng pangunguyom ng kanyang dalawang kamao.
Hiling niya na sana ay huwag tuluyang dumilim ang paningin niya, dahil kapag nangyari yun, siguradong magiging isa na siyang ganap na kriminal pagkatapos ng araw na iyon!