Ng makita ko ngang nagtungo si Esperanza sa banyo ay agad na akong sumunod. I won't let her go this time though alam ko rin na hawak niya na ang perang ibinigay ng matandang tinatawag niyang Mr. Chu.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa banyo ay hinaklit ko na ang braso niya.
Maang siyang napabaling sa akin, kasunod noon ay awtomatikong kumunot ang noo niya.
"Ikaw nanaman, Zyair? 'Wag mong sabihin na sinundan mo pa rin ako dito?" Iritableng tanong niya bago binawi ang kanyang braso.
"I need to talk to you," tugon ko.
"Ha? Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Once we're done, we're done! Hindi na 'ko ulit sumasama for the second time. Saka, may mahalaga akong inaasikaso, siguro naman alam mo ang dahilan, kaya please lang, lubayan mo na ako."
Pero muli ko siyang hinawakan sa braso. Mas mahigpit, mas dominante.
"Hindi ka sasama sa matandang yun, Esperanza. I can help you." Pabulong na wika ko.
Saka namang dating ng bulto ni Dionne, medyo malayo pa ang babae pero nag-panic na ako. Tutal ay for man and woman naman ang restroom, wala akong naging choice kung hindi ang hilahin si Esperanza papasok doon at sabay na rin kaming pumasok sa isang cubicle na ihian ng mga babae.
Sinenyasan ko pa siya na huwag maingay habang magkadikit ang katawan namin.
"Ano bang ginagawa mo?!" Mahinang tanong niya na halatang naiirita na.
"Sshhh, huwag kang maingay!"
"Damn it, naiihi na ako. Lumabas ka nga!"
Halos ipagtulakan niya pa ako pero nagmatigas ako.. Narinig ko na rin kasi ang pagbukas ng banyo at pagpasok ng isang babae dahil sa ingay ng takong noon.
"I will kissed you if you don't stop, Esperanza. Sandali lang naman ito, palabasin lang natin ang babaeng yun!" Bulong ko sa tainga niya.
Makahulugan siyang tumingin sa akin at tila nagkaideya na sa dahilan ko. Galit ang mga mata niya habang nakataas pa ang isang kilay.
"Kahit saang lugar may babae ka. Feeling gwapo!" Maktol niya.
Napangiti naman ako..
"Esperanza, are you still there? Sabi ni Daddy sabay na daw tayong bumalik sa table." Malakas na wika ni Dionne sa labas.
Mataman kong tinitigan si Esperanza, umaasa na sana ay huwag siyang pumayag.
"Uhm, ano kasi- inabot ako ng pagbabawas, e. Mauna ka na, susunod na lang ako." Malakas na tugon ni Esperanza. Kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kapanatagan.
"Really, huh? I can see a man's shoes from here, ano ka ba?!" Sinabayan pa nito iyon ng hagikgik.
"But don't worry, Sweety. I completely understand you. Bago nga naman natin paligayahin ang mga amoy lupang iyon, natural na pagsawaan muna natin ang mga macho at batang-bata, 'di ba?"
Nagulat pa kami ng katukin niya nang may kalakasan ang kahoy na pinto.
"You should enjoy now, Esperanza. Ako man ay hahanap din ng laruan kong magpapaligaya muna sa'kin bago sumabak sa trabaho mamaya, with you of course. Anyway, I'm excited to know how good you are. So, let's see each other na*ed?! Bye.." natatawang paalam ng babae.
Walang emosyon ang mukha ni Esperanza ng titigan ko siya matapos na umalis si Dionne. Napabuga na lang siya ng hangin at saka tumingin sa akin.
"Bakit ka nga ulit narito?" Tanong niya.
"To convince you na huwag ng tumuloy sa plano mo. I.. I can help you." Paliwanag ko kahit wala pa iyong kasiguruhan. Ang importante ay mapapayag ko muna siya.
"At akala mo ba pwede pa akong umatras? Bakit ngayon mo lang sinabi samantalang pwede mo na ako kausapin kanina sa hospital pa lang?"
Hindi ko rin alam ang isasagot. Ang totoo kasi ay wala naman akong planong maki-alam pa. Balak ko na ngang itigil ang kahibangang ito pero ang nangyari ay nasa ganito na akong sitwasyon ngayon.
"Sandali, kinausap ka ba ni Benjamin tungkol dito?" Nanliliit ang mga matang tanong niya.
"H-hindi na iyon mahalaga, talaga namang mali ang papasukin mo, 'di ba? Alam kong kahit ikaw ayaw mo yan."
"At gaano ka kasiguradong ayoko nito, Mr. Adler? Hindi ba't nakita mo naman kung paano ako nag-enjoy kagabi? I love s*x, at kahit kanino ko pa yun gawin, I still love having c*ck inside me! So.. kung awa lang ang dahilan kaya mo 'to ginagawa, please don't.. Kaya kong igapang ang pangangailangan ng anak ko at hindi ako nagmamakaawa kahit kanino para tulungan ako."
Napalunok ako sa mga tinuran niya. Wala iyong kagatol-gatol at iisipin ng ibang totoo. Pero iba ang nababasa ko sa mga mata niya. May dumadaang pagkukubli doon, may lungkot at takot. She can't fool me!
"Hindi ako naaawa sa'yo, Esperanza. Kung hindi sa anak mo. You're right, nabanggit ng kapatid mong delikado ang gagawin mo. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? He needs you more than anyone else. Sabihin na nating gumaling nga siya, pero hindi ka naman niya nakakasama, do you think he will be happy-"
"Tama na, tumigil ka na, Zyair! I don't need your fuc*ing preach, Okey? At wala kang paki-alam sa anak ko dahil hindi mo naman siya kaanu-ano." Galit na usal niya saka ako tinalikuran at lumabas na sa maliit na espasyong iyon.
Fu*k! Bakit ba ang tigas-tigas niya?! Kahit pa nakakasakit ang mga salitang binibitiwan niya, naroon pa rin ang damdaming nais ko siyang protektahan.. Damn! Kulang na lang ay suntukin ko na ang pader ng CR na kinalalagyan ko sa labis na inis.
Padabog kong binuksan ang pintuan at lumabas na rin doon. That is enough. I have done my part. I tried everything to convince her pero sadyang mataas ang pride niya. Sorry na lang sa kapatid niya.
Nakita ko pa siyang bumalik sa upuan nila nina Dionne at nung Mr. Chu. Ako naman ay dinaanan na lang ang table ko at dere-deretso na ring lumabas.
If that's what she want, then I will leave her alone. Isa pa, sino ba siya sa buhay ko para pag-aksayahan ko ng ganitong oras at lakas? She's just a sl*t na nakatalik ko sa loob lamang ng isang gabi! Yes, that's what she is.. Isang bayarang babae!
Pero bakit kahit kanina pa ako nakasampa sa motor ko ay hindi ko iyon magawang paandarin?! Bakit panay pa rin ang sulyap ko sa main door ng Bar tuwing bubukas iyon at umaasang si Esperanza na ang lalabas mula sa loob?