Paglabas ko ng hospital ay natanaw ko pa ang pagsakay ni Esperanza sa isang taxi. Sinubukan ko siyang habulin pero nakaandar na rin ang sasakyan. Bago pa man siya tuluyang mawala sa paningin ko ay kaagad na akong sumakay sa motorsiklo at sinundan ang sinasakyan niya.
I don't know why am I doing this. Ang nais ko na lang sana gawin ay tigilan na ito at lubayan na si Esperanza dahil mali rin naman ang unang inakala ko. Pero after that wonderful night, isama pa ang pagkakataong makita ko ang tunay niyang dahilan at kalagayan at matapos kong makausap ang kapatid niya, pakiramdam ko hindi ko kayang basta na lang siya iwanan at kalimutan.
This is very strange for me. Kailan pa ako nagkaroon ng pagmamalasakit sa mga kalahi ni Eba?! Kung pinaparusahan man siguro si Esperanza ngayon, baka karma niya lang yun..
Pero muli akong napailing..
"Sh*t! I don't know what to do!" Inis na bulong ko sa sarili habang nakasunod nanaman na parang stalker sa taxi'ng kinalululanan ni Esperanza.
Para akong naiipit sa bagay na kahit ako ay hindi ko maunawaan. Hindi ko alam kung utak at konsensiya ko lang ba ang nagtatalo. Pero bakit may kaba at takot akong nakakapa sa puso ko?
Marahas akong napabuga ng hangin saka ipinilig ang aking ulo. Baka madisgrasya pa ako sa kaiisip kaya pinilit kong magpokus muna sa pagmamaneho…
Napansin kong pabalik nanaman siya ng kamaynilaan.
What the he*k? Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya? Patuloy akong bumuntot sa kanila hanggang sa isang pamilyar na lugar ang binabaan niya.
"Oh no.." mahinang bulong ko sa sarili ng mapansing papasok na siya sa lugar na iyon. Ang lugar na mula pa ng iwanan ko si Dionne ay iniwasan ko ng magawian.
"Damn it, bakit sa dinami-rami ng lugar ay sa Bar pa na yun?!" Hindi ko alam kung ano ang gagawin, pwede ko bang hindi tanggalin ang helmet ko at pumasok ng nakatakip ang mukha gaya nito?
Heck, ayoko ng makita pa ang Dionne na yun! Marahas akong napabuga ng hangin saka nagpasyang bumaba na sa motor at sundan si Esperanza..
Sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong pigilan ang babaeng yun gaya ng paki-usap ng kapatid nito.
Lakas-loob akong pumasok sa loob ng Bar at kaagad na hinanap ang pigura ni Esperanza. Nakita ko naman siya agad, lalapitan ko na sana pero biglang may dumating na matandang lalaki. Napaatras ako at bahagyang nagkubli gilid ng counter.
Ang laki ng mga ngiti sa labi nung matanda at hindi ako maaaring magkamali, siya iyong tinatawag na Daddy ni Dionne noon! And speaking about that woman, nakita ko rin siyang nakakawit ang mga braso sa matanda habang papalapit sila kay Esperanza.
Sinubukang kabigin ng matanda si Esperanza upang gawaran siguro ng halik pero ilang na nag-iwas ng mukha ang babae. Sa pagkakataong ito ay nataranta na ako. Mariin akong napapikit, nag-iisip ng dapat gawin..
Bakit ko ba ginagawa ito? Hindi kaya pinahihirapan ko lang ang sarili ko?
Pero anu mang kontra ng utak ko, may kung ano pa ring pwersa ang kusang nagpapakilos sa katawan ko. Pinili kong maglakad ng normal patungo sa likurang vip table na kinauupuan din nina Esperanza kahit pa alam kong mahal ang pananatili doon.
Sa parteng iyon ko lang kasi malinaw na maririnig ang pag-uusapan nila. Pakiwari ko nga ay isa na akong detective sa pinaggaggagawa ko. Huwag lang sana ako makilala ni Dionne. Kung sabagay naman, anim na buwan na rin ang nakakaraan simula nung nakilala niya ako. Baka nga limot niya na ang hitsura ko dahil medyo humaba na rin ang buhok ko na sadya kong pinahaba at ngayon nga ay lagpas tainga na ito..
Kulang na lang ay magdikit na ang mga ulo namin ni Esperaza, may nakaharang lang kasing mga sandalan ng sofa'ng kinauupuan namin.
Ng may lumapit sa aking waiter ay agad akong um-order ng alak at snacks. Tinanong pa nito kung may kasama ako, umiling naman ako at iniabot ang credit card ko na ni minsan ay hindi ko pa nagamit..
"So, good news na ba ang dahilan kung bakit ka narito, Ms. Alonzo?" Rinig kong bungad na tanong ng matanda.
Ms. Alonzo, si Esperanza ang tinutukoy nito.
"Hindi good news para sa akin, Mr. Chu. I need five hundred thousand this week. Can you provide it?" Deretsahang tanong ng babae.
Bahaw na natawa ang matanda at saglit na hindi kumibo.
"You know I can give you more than of what you are asking for right now, Esperanza. But.. you also know the con-"
"I know, Mr. Chu. I have decided na tanggapin na ang offer mo."
Muling natawa ang matanda..
"Now that sounds so desperate, Baby. Mukhang wala ka ng ibang choice."
"Matutulungan mo ba ako o hindi, Mr. Chu?" Tila inip na tanong ni Esperanza.
"Come with me tonight. You'll start working for me, and I will give you the money. Cheque or cash, that's up to you. But for now, samahan mo muna akong ubusin ang in-order kong beers."
"Okey."
"Make sure you're on time later, okey? Alam mo namang ako ang dapat unang titikim sa putahe bago ko ipamahagi sa iba."
Hindi ko na narinig pang magsalita si Esperanza pero halos magtangis ang mga bagang ko sa naririnig. Mariin ko ring naikuyom ang mga kamao ko. Tama nga ang kapatid ni Esperanza, hindi na siya pakakawalan ng matandang ito, higit pa doon, gagawin pa yata siyang pulutan ng mga hinayupak na matatandang mahilig sa laman!
Sakto namang dumating ang order ko. Agad ko iyong nilagok hanggang sa mangalahati. Nate-tense ako, ni hindi ko alam kung paano aayain si Esperanza para umalis doon.
"Wait, I change my mind. I will give you the cheque now so you can do what you need to do. Para mamaya pagbalik mo ay wala ka ng ibang iisipin pa kung hindi ang makipaglaro na lang kay Dionne at paligayahin kami. Isn't it exciting, Dionne Darling?"
"So exciting, Daddy! Uhmmm.."
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa likuran ko. Pero malinaw ang mga usapang naririnig ko. Hindi, hindi ko pwedeng hayaan na mapunta sa ganoong sitwasyon si Esperanza. I don't know why and I don't care. Gagawa ako ng paraan upang magbago ang isip nito.
Kahit pa nga ibaba ko na ang pride ko kay Kuya Simon ay gagawin ko na just to win her back. From this moment I realized that I want her mine, just mine!