CHAPTER 17

1013 Words
-ESPERANZA- Kahit pa sabihing binalewala ko ang Zyair na iyon ay hindi naman siya mawala sa isip ko. Kung paano siyang bigla na lang lumilitaw mula sa kung saan, hindi ko rin alam. Pero isa ang bagay na yun sa dahilan kung bakit nakukuha niya ang atensiyon ko. Dinaig niya pa yung mga stalker at detective. Simula pa nung una, alam ko ng minamatyagan niya ako. Kung bakit? Siguro dahil gaya ng iba, gusto niya lang rin akong matikman at magamit. Wala namang bago sa kanila.. Nasaan na kaya siya? Iniwanan niya na kaya talaga ako? Paano kung totoong matutulungan niya ako? Pero hindi ko kailangan ng awa niya. Hindi naman ako pulubi! Muli akong sumimsim ng alak. Kaunting-kaunti lang, halos idikit ko nga lang ang lasa noon sa labi ko. Hindi ako pwedeng mag-amoy alak, babalik pa ako ng hospital para i-settle ang mga dapat bayaran bago ang operasyon ni Emman. Mahigpit kong nayakap ang bag ko. Naroon ang limang balot ng tig-iisang libong cash. Higit sa ano pa man, kailangan kong protektahan ang bag ko na iyon. Ang totoo ay nagdududa pa nga ako dahil may ilang nakakita na iniabot ni Mr. Chu sa akin ang pera na iyon. Paano kung abangan nila ako? Ngayon ko gustong pagsisihan na tinarayan ko pa si Zyair. Kahit papa'no sana ay may kasama ako.. Alas tres na ng hapon ng pakawalan ako ni Mr. Chu. Magpapahinga na daw muna siya at bago dapat mag alas dose ng hating-gabi ay nakabalik na ako doon. Sinang-ayunan ko naman siya at maingat na akong lumabas ng Bar na iyon. Bahala na mamaya. Ang importante ngayon ay maooperahan na ang anak ko. Mapapanatag na ang puso't-isip ko at sa wakas ay magiging normal na rin ang buhay ni Emman kahit papa'no. Mag-aabang na sana ako ng taxi ng mapansin ko ang dalawang lalaking naka-jacket ng itim sa poste kung saan dapat nag-aabang ng pampasaherong sasakyan. Nakaabang din sila doon at naninigarilyo. Kaagad akong nag-alangan na humakbang papunta doon at muling nayakap ang shoulder bag ko. Sa halip ay sa kabilang dako ako nagpunta. Pero napansin kong naglakad na rin sila papunta sa akin. Kinabahan na ako kaya mas binilisan ko pa ang mga hakbang. "Miss, sandali lang.. May itatanong lang kami sayo." Sigaw ng isang lalaki na kulang na lang ay tumakbo na maabutan lang ako. Hindi ako kumibo. Patuloy lang na naglakad nang mas mabilis pa. "Miss, hintay naman.." sabi ng isa pa. Pagtawid na lang ang magiging paraan para matakasan ko sila pero napakaraming sasakyan na paroo't-parito. Saliwaan sa mahabang kalsada na iyon. Napahinto na ako.. Hinihingal pero matapang akong lumingon sa kanila. "Ano bang kailangan niyo sa akin?" Bagama't kinakabahan ay hindi ko iyon ipinahalata sa kanila. Huminto rin naman sila at sabay pang nagpamaywang habang hinahabol din ang hininga. "Wala naman kaming planong masama sa'yo, Miss. Kung ibibigay mo lang ang pera sa amin, e'di makakauwi ka ng ligtas at buo." Nakangising wika ng mas matangkad na lalaki. "Hah, at bakit ko naman ibibigay sa inyo ang pera?" Ang tatapang naman ng mga itong mang-hold ng maaga? At sa tapat pa nga ng Bar ni Mr. Chu! Hindi ba't may cctv doon? "Dahil yun ang nararapat, Miss. Kung hindi mo naman ibibigay, e dun na kami mapipilitang…" inilabas pa nito mula sa bulsa ng kanyang short ang isang balisong saka lumapit ng dahan-dahan sa akin. "Huwag kang lalapit. Sisigaw ako!" Banta ko. Pero nakangisi silang nagtinginan at sabay pang natawa. "Sige lang, sumigaw ka. Baka may sumaklolo sayo," anas ng may katabaang lalaki. "Hindi ako nagbibiro!" Galit na sigaw ko. "Kami rin naman, hindi nagbibiro." Saka nila sinubukang agawin ang bag ko. "Hindi! Akin 'to!" Pakikipag-agawan ko. Pero malakas ang isang nakahawak sa braso ko. Itinutok niya pa ang kutsilyo sa tagiliran ko dahilan para hindi ako makagalaw. May mga taong dumadaan pero ni isa sa mga iyon ay hindi ako pinansin. Para bang wala silang nakikita! "Miss, ibigay mo na para hindi ka masaktan. Alam mo, bibigyan pa kita ng tips mamaya." Bulong niya sa tainga ko. Buong pwersa akong humugot ng lakas at binigwasan ang lalaking humihila sa bag ko. Napabitiw siya at sinapo ang bunganga. Ngunit kasunod noon ay naramdaman ko ang pagbaon ng dulo ng kutsilyo sa tagiliran ko. "Aba't-" bulalas ng lalaking nakahawak sa akin. Bago niya pa man maidiin ng husto ang balisong ay ubod-lakas kong tinuhod ang kaselanan niya. Halos mapaluhod siya sa sakit. Muli nanaman sana akong dadakmain nung isa pa pero walang paki-alam na akong tumawid. Malalakas na preno at langitngit ng mga gulong ang pumailanlang sa kahabaan ng kalsadang iyon dahil sa bigla kong paglitaw sa gitna. Tuliro maging ang isip ko, hindi bale ng mamatay ako sa disgrasya, 'wag lang mapatay ng mga hayop na yun. "Habulin mo bilis! Malalagot tayo kay Mr. Chu kapag hindi nabawi ang pera!" Malakas na sigaw nung lalaking tinadyakan ko sa bayag. Nangunot ang noo ko sa narinig. 'Di yata't plano pa akong gulangan ng matandang iyon?! Palalabasin niya bang nanakaw ang perang pinahiram niya sa akin tapos ay pagtatrabahuhan ko pa rin kahit ang totoo ay nasa kanya na ulit ang pera? Talaga nga namang daig pa ang hayop ng Mr. Chu na iyon! Magkahalong galit at takot ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Tama si Ben, delikadong makipagtransaksiyon sa matandang iyon. Pero ito na lang kasi ang paraang naiisip ko kanina. Patuloy ako sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan. Umaasang may isang hihinto doon upang saklolohan ako at mailayo na sa lugar na iyon. Nakita ko pa ang dalawang lalaki na sinusubukan din akong sundan kaya lalo pa akong nataranta. "Sakay na, bilis!" Utos ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Ng lingunin ko siya ay kaagad ko siyang nakilala. Si Zyair! Oh, god. Para akong nabuhayan ng pag-asa. Walang salita akong mabilis na umangkas sa motor na agad niya namang pinaharurot. Ng tuluyang makalayo at masigurong wala ng humahabol sa akin ay saka pa lang ako nakaramdam ng panghihina. Sa unang pagkakataon, sa harapan ng isang lalaki ay tuluyan akong napahagulgol ng iyak..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD