CHAPTER 12

1047 Words
Pagbitiw ng mga labi namin ay agad akong tumingin kay Selena. Kitang-kita ko kung paano manlisik ang mga mata niya habang nakatingin sa amin. Sinuri niya pa ng tingin mula ulo hanggang paa ang katabi kong babae. "Hah, sa isang pipitsugin mo lang pala ako ipapalit, Zyair? Nakakahiyang naging parte ka ng buhay ko. Nawalan ka lang pala ng taste kaya ka nakipaghiwalay sa'kin. Sigurado akong kasing pangit ng babaeng yan pati ang pangalan niya, hindi ba dear?" Nakangisi pa siyang bumaling sa kasama ko. Pero sa halip na tumugon ay ngumiti lang ng matamis ang babae at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko. "Nagugutom na ako, Honey. Mag-aaksaya pa ba tayo ng oras dito?" Malambing na tanong niya sa akin. Napangiti ako. Bagay naman pala sa kanya maging clingy, idinikit niya pa ang dibdib niya sa braso ko na tila lalong ikinagalit ni Selena. "Nope, gutom na rin ako, e." Sabay ko naman sa kanya saka siya iginiya palayo sa CR. Nilampasan na lang namin si Selena na parang hangin. Napangisi ako ng tuluyang makalampas kay Selena. Ang lakas talaga ng loob ng isang yun. Akalain mong manlait pa? Obviously, kitang-kita naman ang insecurities sa mga mata niya. Mabuti na lang at mahusay magdala ng kanyang sarili ang mukhang anghel kong kasama. Ano ba kasing pangalan niya? Hindi ko tuloy alam kung paano siya ia-address nang maayos. "Baka naman pwede mo ng sabihin ang pangalan mo sa'kin? Baka kasi mamaya itanong ni Selena, mahuli pa tayo.." pagdadahilan ko. Pero gaya ng inaasahan ko, hindi iyon tumalab. "E'di gumawa ka ng pangalan ko. I can play with that." Simpleng tugon niya. Napabuga ako ng hangin. Talagang mahirap siyang kumbinsihin. "But I wanted your real name." "Kain na tayo, gutom na talaga ako." Kiming tugon niya sa halip na sagutin ako. Siya na rin ang kusang naupo sa pwesto niya at nagsimula ng kumain. Napapailing na lang ako ng lihim. Ano bang mayroon sa pangalan niya at ayaw niyang ipaalam man lang? Kung sa pangalan pa lang ay pahirapan na, siguradong mas pahihirapan niya pa ako sa ibang bagay. This is getting so exciting! For the first time ay hindi ako agad mabo-bored sa pakikipaglaro sa kanya. Habang kumakain ay taas-noo pang dumaan sa gilid namin si Selena. Nagulat na lang ako ng bigla akong subuan ni Miss Anghel. Tama, iyon na lang muna ang itatawag ko sa kanya.. Matamis naman akong ngumiti at tinanggap ang pagkain. Kulang na lang dilaan ko na rin ang daliri niyang ipinangpahid niya sa labi ko. Sh*t, that feels so hot! Hindi ko alam kung bakit bigla na lang matikas na tumindig ang sandata ko sa pagitan ng aking mga hita. Kung tutuusin, napakasimple lang ng ginawa niya. "Thanks, Hon. That's so sweet." Nakangiti kong wika. Ni minsan ay hindi namin ginawa ni Selena ang ganoong bagay, at kung gagawin niya man, hindi ko rin tatanggapin. I hate dramas or even sweetness. Pero ewan ko ba, pagdating sa babaeng kaharap ko ngayon, everything seems so fine. Baka nga dahil kailangan ko rin takasan si Selena. Kilala ko ang babaeng yun, sa lahat ng ginamit ko, siya lang ang talagang matindi kung maghabol.. Dahil sa nasaksihan ay galit na umalis ng lugar na iyon si Selena. Nakita pa namin ang lalaking kaagad na sumunod sa kanila na gaya niya ay masama rin ang tingin sa amin. Taas-kilay akong sinulyapan ni Miss Anghel na para bang nanghihingi ng paliwanag kahit wala naman siyang literal na itinatanong. "Uhm.. as you can see, she's my ex na hindi pa rin yata maka-move on." May kayabangang paliwanag ko. "I didn't ask for any explanation." Walang paki-alam na anas niya. Medyo nakaramdam ako ng pagkapahiya. Gayunpaman ay hindi ko iyon ipinahalata sa kanya, nagkibit-balikat lang ako at ngumiti pa rin. "I know. It's my decision na sabihin sayo because you help me get rid of her." Lumabi lang siya na gustong-gusto kong pinagmamasdan. Nate-temp akong halikan siya. Nakakapanggigil.. "Stop doing that." Wala sa sariling bigkas ko. "Ang alin?" "That.." Kunot-noo niya akong tiningnan. Bumakas ang kainosentehan sa mukha niya dahil sa hindi maintindihang utos ko. Ipinilig ko ang ulo. "Ahh, nothing.. don't mind me." Nagkibit-balikat lang din siya at tinapos na ang pagkain. Matapos iyon ay nagpahinga lang kami sandali at saka nagpasyang lisanin na ang lugar na iyon. Dumeretso na kami sa bar na madalas ko ring puntahan. Kahit papa'no ay tahimik doon at medyo disente. Walang mga babaeng nagsasayaw na halos hubad na pero may iilang waitress na madalas magpapansin. "So, ilang oras ka mag-i-stay?" Tanong ko sa kanya habang sumisimsim ng alak. "I can be yours for 24 hours." 24 hours?! Lang? Bakit parang kukulangin pa para sa akin? Parang gusto ko tuloy pahintuin muna ang orasan at mamaya na paganahin ulit kapag magkasama na kami sa unit ko. "Kung pwede lang na hanggang kinsenas lang kita nakakasama-" Biglang banat ko sa kanya. Napansin kong tumaas ang sulok ng kanyang labi at mataman akong tinitigan. Nasa mata niya ang pagtatanong.. "Uhm, para sana wala ng katapusan." Dagdag ko. Bahagya naman siyang napangiti. "No wonder why your ex can't get over you. Mahusay ka palang dumiga." "Hindi, ah. Sayo lang." Agad na kontra ko. Tumangu-tango naman siya pero bakas sa mukha niya na hindi siya kumbinsido. Ako naman ang bahagyang natawa. "Hindi ka naniniwala?" "Hindi, e." Tinitigan ko siya. Habang tumatagal, mas lalo pa siyang gumaganda sa mga mata ko. Lalong tumitingkad ang taglay niyang s*x appeal na lalong nagpapainit sa katawan ko. "Can you be mine for the rest of your life?" Hindi mapigilang tanong ko. Alam kong kailangan ko ng husayan para naman hindi masayang lahat ng effort ko gayundin ang mga plano ko. "Hindi." Walang gatol na tugon niya. "Just for 24 hours. If you can't deal with that, then,-" "Okey, okey. I'm fine with that. Sinusubukan ko lang naman, e. Beside, I can be your son's father too. Willing naman akong tanggapin siya." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang bagay na yun. Hindi naman ako ganoon ka-desperado para pati anak niya ay gamitin ko makuha ko lang ang loob niya. Hindi siya kumibo bagama't nakita ko ang biglang pagbabago ng awra niya. Lungkot ba yun? "Paano ka naman nakasiguro na walang tatay ang anak ko?" Maya-maya'y tanong niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD