CHAPTER 5

1443 Words
Nakita kong napanganga siya at sandaling hindi naka-imik. Ilang sandali pa ay bahaw na siyang natawa at umiling. "Ano bang sinasabi mo, Pare? Hindi bagay sayo mam-prank." Napabuga ako ng hangin saka mariing tumitig kay Jerome. "Alam kong mahirap tanggapin, Jerome. Pero ang mahalaga ay nasabi ko sa'yo. Nakita ko siya kaninang umaga na galing din doon sa motel na pinagdal'han niyo sa akin kagabi. Ang akala ko nga ikaw ang kasama niya but she's with other man." Pero marahas lang na tumayo si Jerome at muli ay umiling. "Baka namamalik-mata ka lang, Pare. Hindi ako kayang lokohin ni Dionne. Hindi siya ganoong klase ng babae." Bagama't ramdam ko ang tensiyon niya, alam kong natatalo siya ng pagmamahal niya para sa babaeng yun. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagtungo na rin sa bakanteng higaan upang magpahinga muna. "I understand, Pare. Ang sa akin lang, dahil kaibigan kita kaya ko sinabi sa'yo. Ikaw pa rin naman ang magpapasya. But if you need my help, you know what I can do." Nginisian ko pa siya saka tuluyang pumikit. Rinig ko ang marahas na pagsara ng pintuan, napadilat ako ulit. Wala na si Jerome. Ipinagsawalang-bahala ko na lang, ang mahalaga ay hindi na yun gugulo pa sa isip ko. Ng mag-alas sais ay dumeretso na ako sa table ko. Oras na para magtrabaho. Madalas ay nasa likurang bahagi ko lang si Jerome pero ng mga sandaling iyon ay bakante ang upuan niya. Hindi kaya siya pumasok? Parang nagi-guilty pa tuloy ako. Naapektuhan yata ang trabaho niya dahil sa ipinagtapat ko. Imbis na makapagpokus sa trabaho ay nag-alala pa tuloy ako sa kalagayan niya ngayon. Ano ba namang buhay 'to, bakit ba kasi ang oa ng mga lalaking seryoso sa iisang babae? Tapos pag nalaman nilang niloloko lang sila, ayan at magsesenti, mag-iinom o 'di kaya ay pahihirapan ang sarili. Sa loob ng 10 hours na pag-upo sa harap ng computer at pagsagot ng mga tawag ay hindi maaaring hindi ako mamura ng mga costumer dahil sa mali-maling tugon ko sa mga queries nila. Inis kong iniyukyok ang noo sa maliit na espasyo sa lamesa.. Kung bakit naman kasi kailangan ko pang problemahin ang magiging reaksiyon ni Jerome?! Ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jonas. Nagtaka ako, hindi naman niya ugaling tumawag ng ganitong araw at oras kaya sinagot ko agad. "Oh, Pare? Bakit?" Ako na rin ang unang nagsalita. "Naka-duty ka pa ba, Pare? We are from the bar. Tinawagan kami ng mga staff dito dahil lasing na lasing raw si Jerome. We wonder why pero dahil kayo ang magkasama sa trabaho, baka may alam kang rason kung bakit nagpapakalunod ang kumag na ito sa alak?" Gaya ng inaasahan ko. Hindi na ako nagtaka sa naging reaksiyon ni Jerome. "I know the reason. Nandiyan pa ba kayo? Palabas na rin ako." "Wala na pare, inuwi na namin siya sa apartment niya. Bukambibig si Dionne, e. Kagabi lang masayang-masaya pa ang loko." Napabuga ako ng hangin. "Anyway, ano nga palang rason? Sabi mo alam mo?" "Yup. Sinabi ko lang naman sa kanya na nakita ko si Dionne kahapon ng umaga with another guy. Lumabas sila dun sa motel na pinagdal'han niyo sa'kin. Hindi ko naman yun kayang kimkimin lang, Pare." "What?! Are you serious? Sigurado ka bang si Dionne yun? Hindi kaya hang-over ka lang?" Natawa ako. "Nope. My mind is clear, Jonas. Saka, ano namang paki ko, kung hindi lang naman ako naaawa kay Jerome hindi na rin sana ako makiki-alam. You know me, Pare." Paliwanag ko sa kanya. Talaga namang mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko dahil maria klara nga ang pagkakakilala namin kay Dionne. Ganoon din naman ako noong nakita ko siya. Pero yun ang totoo… "Naniniwala naman ako sa'yo, Pare. I just can't belive na may itinatago rin palang kati ang Dionne na yun. Naniwala ba si Jerome sayo kaninang sinabi mo?" "No, I don't think so. Natural na ipagtatanggol niya yun. I believe he trust her more than me." "Then why do you think he's desperate? Langong-lango sa alak. Ni minsan naman hindi pa yan uminom ng sobra." Napaisip din ako. Bakit nga kaya siya nagpakalango ngayon? Kung hindi niya naman ako pinaniwalaan, dapat ay maayos ang pag-iisip niya. "I don't know. Di bale, dadaan na lang ako sa apartment niya bukas bago pumasok sa trabaho. I'll talk to him." "Okey. Balitaan mo na lang pala kami." Sa ganoon na natapos ang usapan namin ni Jonas. Kaagad na rin akong nag-asikaso at umuwi upang makapagpahinga na. Pagod na pagod ang pakiramdam ko.. Kinabukasan ay maaga akong umalis sa unit ko at gaya ng pangako ko kay Jonas, dinaanan ko muna si Jerome sa apartment nito. Inabutan kong naka-lock mula sa loob ang pintuan. Tahimik din at parang walang tao. Sinubukan kong kumatok pero walang sumasagot. Medyo kinabahan na ako kaya mas malalakas na bayo at pagtawag na kay Jerome ang ginawa ko. Nakahinga ako nang maluwag ng sa wakas ay may narinig akong kaluskos sa loob. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Amoy alak, magulo ang buhok, mugto ang mga mata at gusot-gusot ang damit ni Jerome ng bumungad sa akin. Lulundo-lundo rin itong naglakad pabalik sa loob at hindi man lang ako kinausap, nilakihan niya lang ang pagkakabukas ng pintuan. Hindi ko mapigilang magalit. The last time I saw a man looks so down and desperate like Jerome was 2 decades ago. When my mom left us. Ganitong-ganito ang hitsura ni Dad noon! Para bang tinakasan ng katinuan. Walang paalam na rin akong pumasok sa loob at naupo sa couch na pang-isahan. Maraming in can na beer sa center table niya at punong-puno rin ng upos ang ashtray. Knowing Jerome, malinis at organize ito sa tinutuluyan niyang iyon. Para nga itong babae kung sa kaartehan din lang sa bahay ang pag-uusapan. Alam ko dahil hindi iisang beses lang kaming nag-bonding dito. At ang nakakapagtaka din, hindi naman naninigarilyo si Jerome pero parang lugar na ng adik ang salas niya ngayon. "What is happening to you, Pare? Hindi ka ba ulit papasok ngayon?" Panimula ko. Nakaupo rin siya sa tapat ko at tulala habang humihithit nanaman sa sigarilyo. "Bakit pa? Wala na rin namang dahilan para magsikap ako.." makahulugan niyang tugon. Napanganga ako. Ano bang ibig niyang sabihin? "Ano ka ba pare, buhay ka kaya kailangan mo pa ring magsikap." Positibong tugon ko. Nagulat ako dahil bigla na lang siyang napayuko, ilang sandali pa ay yumuyugyog na ang balikat niya. He's crying! Masasabi kong bato ang puso ko at ang senaryo sa harapan ko ay hindi na bago. Ang kaibahan lang ay malapit sa akin si Jerome at kapwa ko siya lalaki. Kung sa mga babae, drama lang ang tingin ko sa ganito. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang bumigat ang pakiramdam ko at naaawa ako kay Jerome. "She's my life, Zyair. Sa kanya na umiikot ang buhay ko. Nakaplano na ang bukas ko na kasama siya." Humahagulgol na tugon niya. "I'm- I'm sorry sa nasabi ko kahapon. B-baka nga ano.. nagkamali lang ako." Pero mariin siyang umiling. "Pagkasabi mo sa'kin kahapon, I try to contact her. Sabi niya ay nasa bahay pa daw siya ng mama niya pero ang totoo, papunta na rin ako sa unit niya noon para makasiguro. Hindi ko alam pero nagduda rin ako nung ikwento mo sakin kahapon yung nakita mo." Huminto siya sandali at lumagok naman ng beer. "So, kahit ayaw ko, kahit ayaw tanggapin ng utak ko, ginawa kong maglihim sa kanya just to make sure. Pagdating ko doon-" sa parteng iyon ay pumiyok siya at muling napayuko. Nanatili akong nakikinig. "I've seen them. Caught in the act, Pare. Palabas yung guy sa pintuan niya, hinalikan niya pa sa labi." Naiiling na kwento niya. "I confronted her pero siya pa ang galit. Ibinato niya sa akin yung engagement ring. We broke up. Boring daw akong boyfriend. Hindi ko raw siya mapasaya like what the fu*k?! Ang akala ko, ang gusto niya maikasal muna bago may mangyari sa amin. I respected her pero ako pa rin ang mali sa huli? And you know what's hurting me most, yung pagngisi nung lalaki niya sa akin. Na para bang napakahina at napakaliit kong nilalang compared to him!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naaawa ako kay Jerome samantalang galit na galit naman ako sa Dionne na 'yon. "If you need revenge, I can help you." Yun ang mga katagang lumabas sa bibig ko. At hindi ko inaasahan na parang nabuhay sa mga mata ni Jerome ang pagkamuhi at galit para sa ex-fiancèe niya. Kumuyom ang mga kamao niya at nagtangis ang mga bagang. "Sabihin mo sa akin, Zyair. What can you do?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD