CHAPTER 19

1536 Words
6 YEARS BEFORE.. "S-saan mo ba 'ko dada'lhin, Joseph?" Kiming tanong ni Esperanza sa kanyang nobyo habang angkas ng bike nito. "Basta, may surprise ako sayo. Hawak ka lang maigi diyan, ha? Medyo malayo kasi yun at mabako ang daan pero sigurado naman akong magugustuhan mo dun." Nakangiting tugon ng binata sa kanya habang nasa likuran niya at nagpapadyak. Dalawang buwan pa lang simula ng maging sila ni Joseph. Ang totoo ay matagal niya ng crush ang lalaki, may girlfriend nga lang ito ng mga panahong yun. Kaya ng malaman niyang single ulit ang lalaki ay hindi na siya nagdalawang-isip na makipagkilala dito. Alam niya namang napapansin rin siya nito dahil iisang street lang ang tinitirahan nila. 'Di hamak na mas matanda lang sa kanya ng pitung taon si Joseph. Manly at gwapo kasi ito, idagdag pa na palabiro at may sense kausap. Dahil eighteen lang at unang boyfriend, walang paglagyan ang tuwa at kilig sa puso ni Esperanza. Kahit sa bike lang siya nakasakay, pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay sa ulap sila naglalakbay at walang baku-bakong daanan silang nababaybay. Sweet at romantic si Joseph kaya inaasahan niya ng sorpresa ang daratnan niya sa sinasabi nitong lugar. Nai-imagine pa nga ni Esperanza na baka isang picnic ang pupuntahan nila kung kaya excited na talaga siya. Palagi naman siyang niyayaya ni Joseph lumabas pero ngayon lang ito nagyaya sa medyo malayo at tila liblib pa na lugar.. Monthsarry din kasi nila. Nagsuot pa nga siya ng magandang dress at nang-umit ng pabango sa kaibigan niya para mas magmukhang dalaga sa paningin ng kanyang boyfriend.. Pero ng huminto ang bike ay malayo sa picnic na inaasahan niya ang nadatnan. Bagkus ay tila abandonado at medyo sirang maliit na bahay ang binabaan nila. Para iyong mag-isang itinirik doon at hindi na lang itinuloy. Ang paligid naman ay natatakpan ng nagtataasang mga kugon at puno.. "Anong gagawin natin dito, Joseph?" Takang tanong niya sa kasintahan habang iginagala ang paningin sa paligid. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil kumportable at tiwala siya sa kanyang boyfriend. Kaya ng hawakan nito ang kamay niya at igiya patungo doon sa bahay na sira ay walang alinlangan siyang nagpatianod. "Dito tayo magse-celebrate ng 2nd monthsarry natin, baby. Kahit anong tili at sigaw mo, siguradong walang makakarinig sayo kaya pwedeng-pwede kang umungol ng malakas." Biglang nag-iba ang malambing na tono ng pananalita dati ni Joseph. Taka niyang nilingon ang kasintahan. Maging ang pagkakahawak nito sa braso niya ay humihigpit na rin. Doon siya nakaramdam ng kakaiba. Habang papalapit sa bahay ay nauulinigan niya na rin ang mahihinang tawanan at pag-uusap sa loob. Sinubukan niyang huminto at bawiin ang kamay niya pero biglang naging marahas si Joseph sa kanya. Hinaltak siya nito at sa halip ay inakbayan kung saan bumabaon pa sa kabila niyang balikat ang may kahabaang daliri nito. Napapitlag pa siya ng maramdaman ang paglapit ng bibig ni Joseph sa kanyang tainga. "Sabi ko naman sayo, 'di ba? Walang makakaalam o makakarinig sayo dito. Kaya kung ako, ikaw… Sumama ka na lang nang maayos, hmm? Gaya kanina.. excited ka pa nga ng dal'hin kita dito, 'di ba? Dapat ganoon lang, para hindi ako magalit. Okey?" Hindi alam ni Esperanza kung paano magre-react. Ngayon ay bigla na lang luminaw sa kanya ang talagang pakay ni Joseph sa pagdadala sa kanya doon. Ang mas nakakatakot pa, maraming boses ng lalaki ang naririnig niya sa loob. Wala sa sarili siyang napalunok at gaya ng bilin ni Joseph ay nagpatianod na lang siya. Ng tuluyang mapasok ang abandonadong bahay ay nasagot ang hinala niya. Nasa limang lalaki ang nakaupo at may kung anong ginagawa sa may kahabaang lamesa. Sabay-sabay pang napabaling sa kanila ang atensiyon ng mga ito at ngumisi na parang aso. "Wow, pare! Batam-bata nga yan. Ngayon pa lang naglalaway na ko." Bungad na bulalas ng isang lalaking hindi naman nalalayo ang edad kay Joseph. Halos lahat ng naroon ay pawang mga mid 20's to early 30's ang hitsura. "Sabi ko naman sa inyo, 'di ba? Iba ako trumabaho. Nasaan ba si boss? Kailangan ko na, e." Lalo pang humihigpit ang hawak ni Joseph sa kanya sa magkabila niyang balikat. Nasa likuran niya na ito habang siya ay nakaharap ngayon sa limang kalalakihan na kulang na lang ay maglaway na habang nakatitig sa kanya. "Parating pa lang yun, saka meron naman kaming extra dito. Gusto mo iyo na. Basta… pahimasin mo kami sa bitbit mo, sige na.." anang pangalawang lalaki. Kinilabutan si Esperanza sa nasasaksihan. Gusto niyang pumiglas pero parang natuod na ang tuhod niya. Hindi siya makagalaw sa labis na kaba. Umaasang pakulo lang ito ni Joseph at mamaya ay aaluhin din siya at lalambingin. "Kayo talaga, ang susugapa niyo. Alam niyo naman ang bilin ni boss, siya muna bago tayo! Aba, e.. Girlfriend ko na ito pero 'di ko magalaw dahil sa respeto ko kay boss." Rinig niyang wika ni Joseph sa kanyang likuran. Tahimik na bumubuhos ang luha sa magkabilang pisngi ni Esperanza. Ang walang paglagyan na kilig at tuwa niya kanina ay dagling napalitan ng labis na takot at pangamba.. "J-joseph. Ano bang ginagawa mo? U-uuwi na ako, ihatid mo na ako, please.." paki-usap niya ng sa wakas ay mahanap niya ang kanyang boses. "Hmm?" Patanong na himig nito ng lumapit sa likuran niya. "Diba sabi ko tahimik lang? Gusto mo ba akong magalit, baby?" Sunod-sunod na umiling si Esperanza. Ramdam niya sa tinig ni Joseph na hindi ito nagbibiro. Naroon ang gigil at kaseryosohan. "Hawakan niyo 'to, hawakan lang, ha? At pagamit muna ako. Kanina ko pa gustong tumira!" Tila nanginginig pang wika ni Joseph sa mga kasamahan. Halos magpaunahan naman ang mga lalaking naroon para hawakan siya. Bahagyang napaatras ang paa niya pero agad siyang pinigil ni Joseph. Hinawakan nito nang mas mahigpit pa ang mga braso niya. "Huwag mo ng tangkain, Esperanza. Kung gusto mo mabuhay, sumabay ka sa agos!" Mariing bulong nito sa kanya. Pero halos mapasigaw siya ng tuluyang pagkaguluhan ng apat na lalaki. Ang dalawa ay sa magkabila niyang braso nakahawak habang ang dalawa pa ay nasa likuran at harapan niya. Namumula ang mga mata ng mga iyon habang masayang nakatitig sa kanya. "Tang*na, ang bango-bango mo naman, baby! Siguradong napakasarap mo rin." Gigil na anas ng nasa likuran niya. Pakiramdam ni Esperanza tumayo lahat ng buhok sa katawan niya ng maramdaman ang hininga ng lalaki sa batok niya. Kakaiba din ang amoy ng hininga nito at singaw ng mga katawan. Kulang na lang ay masuka siya. "J-joseph!" Mahinang tawag niya sa pangalan ng nobyo. Kita niyang nasa lamesa ito, sinindihan ang hawak na foil at parang baliw na hinigop ang usok gamit ang isa pang foil na ginawang parang straw. Matapos iyon ay napatingala pa si Joseph na animo'y nakaraos sa bagay na siya lang ang nakaalam. Ng muli siyang lingunin ng kasintahan ay nakangisi na ito… "Iba talaga ang kapalit mo, baby! Ligayang walang hanggan.." nakangiting usal nito.. "J-joseph, maawa ka sa'kin.." mahinang paki-usap niya. Bagama't ramdam niya ng wala ng pag-asang maging tama pa ang lahat, umaasa siyang mahal siya ni Joseph. Na ang ipinakita nitong kabutihan sa kanya sa loob ng dalawang buwan ay totoo.. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga lalaking nasa paligid niya. Hindi naman siya ginagalaw ng mga iyon, pero sa uri ng tingin ng mga ito sa kanya, pakiwari ni Esperanza ano mang oras ay pwede na lang siya patayin at halayin ng mga iyon. "Huwag kang mag-alala, Baby. Basta maging mabait ka lang, paliligayahin ka naming lahat." Todo ilag siya ng hawakan ng nasa harap niyang lalaki ang kanyang may kahabaang buhok at dal'hin iyon sa ilong nito. "Joseph!" Mas malakas na sigaw niya. Pero tulala lang si Joseph na nakatitig sa kanya. Kakaiba ang tingin nito habang nakangisi. Maya-maya pa ay may dumating na isang sasakyan. Makahulugang nagtinginan ang mga lalaking naroon, kasunod noon ay pumasok ang isang lalaking nakapustura. Kumpara sa mga naroon, maayos ito at malinis tingnan, may malaking tiyan at maliit na lalaki.. "Boss!" Masayang bati ng mga lalaki. Maging siya ay ihinarap ng mga ito doon. Kaagad na napangisi ang kadarating lang na lalaki at dere-deretsong lumapit sa kanya. Kabado at halos habol hininga na pero hindi magawang makapiglas ni Esperanza. Kanina pa siya nag-iisip kung paano tatakas pero malabo lahat ng nabubuo niyang plano.. Dagli siyang sinuri ng lalaki, tsenek pati ang ngipin niya, amoy ng katawan at maging ang hitsura niya. Ilang sandali pa ay pinahid nito ang luha niya. "Mahusay talagang pipili itong si Joseph. Virgin pa ba ito, ha bata? Aba, e.. malaki-laking reward ang matatanggap mo 'pag nagkataon." "Paki-usap.. maawa po kayo sa akin." Umiiyak na pagsamo niya. Pero hinawakan lang siya sa baba ng lalaki at nginitian. "Hindi uso ang awa dito, Ineng. Lalo na kung palay pa ang lumalapit sa manok? Siguradong tutukain namin!" Parang demonyong usal nito.. Tuluyan ng nawalan na ng pag-asa si Esperanza. Ang liit ng katawan niya kumpara sa naglalakihang katawan ng mga lalaking iyon. Sa pagkakataong iyon ay ipinagkatiwala niya na lamang sa diyos ang buhay niya. Ngayon niya lubos na pinagsisihan ang pagtitiwala at pagmamahal niya kay Joseph.. Mali palang pimaubaya niya sa lalaki ang kanyang puso't isipan.. Mali pala na nagmahal siya.. Maling-mali…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD