Marahan niyang ihininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan may overlooking view sa karagatan. Malayo na kami sa lugar na pinanggalingan ko at wala na ring panganib sa paligid. Gayunpaman ay pansin kong hindi pa rin kampante si Zyair. Malikot ang mga mata niya at tila nakikiramdam..
"I'm sorry kung nadamay pa kita," hingi ko ng paumanhin sa kanya.
Noon din ay lumingon siya sa akin at marahas na napabuga ng hangin.
"What happened?" Tanong niya.
Ayoko na sanang sabihin pa ang dahilan pero mali naman sigurong ikubli ko pa iyon gayung nadamay na nga siya at higit sa lahat ay nailigtas niya ako. Pero biglang pumasok sa isip ko si Benjamin at Emman. Kaagad sumalsal ang nakakatakot na kaba sa dibdib ko.
Paano kung sila ang pagbalingan ni Mr. Chu?!
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at dinayal ang numero ni Ben. Mabuti na lang at sinagot niya iyon kaagad.
"Oh, ate?"
"B-ben, magpalipat na kayo ng hospital! Ngayon nga.." hindi ko mapigilang mataranta.
"H-hah? P-pero saan.."
"Kahit saan! Basta umalis na kayo diyan ni Emman, please."
"Eto na nga bang sinasabi ko sa'yo, ate! Ang tigas kasi ng ulo mo.." galit na tugon niya sa akin.
Muli akong napaluha. Hindi ko naman akalain na aabot sa pagiging tuso ang matandang iyon!
"Alam ko, Ben. Sorry, pero sa ngayon, kailangan ko kayong maging ligtas. Please.."
"Sige.. ako na ang bahala.. Nasaan ka ba?"
"K-kasama ko si Zyair. Tawagan mo ko kung saan kayo pupunta, ha? Susunod ako."
"Okey.."
Sa ganoon naputol ang usapan namin. Kunot na kunot naman ang noo ni Zyair habang manghang nakatingin sa akin..
"A-anong gagawin ko?" Tulirong tanong ko sa kawalan. "Ipapahanap kami ni Mr. Chu."
"Sino yung mga humahabol sayo kanina?"
"Huli ko na nalamang tauhan sila ni Mr. Chu. Plano yata nung matandang iyon bawiin ang pera pero palalabasing nanakaw sa'kin para pagbayaran ko pa rin."
Rinig kong nagtangis ang mga ngipin niya.
"Kailangan niyo ngang mag-ingat. Anong plano mo?"
Umiling ako..
"Wala pa akong maisip sa ngayon. Nalilito ako. Kailangan na maoperahan ng anak ko." Sa isiping iyon ay muling tumulo ang luha ko. Lalo pang nagkanda-letse-letse ang sitwasyon dahil sa maling desisyon ko.
Marahas na napabuntong-hininga si Zyair. Nahihiya ako sa kanya kaya nagdesisyon na akong bumaba na sa motorsiklo niya.
"Pasensiya ka na, ha? P-pwede mo na akong iwanan dito. I will be safe."
"Ano?! Pride nanaman ba yan, Esperanza?" Tila inis na tanong niya.
Ako naman ang napakunot ang noo.
"Hah? H-hindi.. bakit ka ba nagagalit? Nahihiya na nga ako dahil nadamay ka pa sa problema ko. B-baka mamaya may trabaho ka ng naapektuhan dahil kagabi mo pa 'ko kasama-"
"So?" Balewalang tugon niya ulit.
"Hah?"
"Look, I can't just leave you alone. Kargo de konsensiya ko yun. Paano kung bukas mabalitaan ko na lang na pinatay ka na? Baka mamaya multuhin mo pa 'ko."
Inis akong humarap sa kanya.
"Gago ka rin, e no? Nagagawa mo pang magbiro ng ganyan?"
"Oh? Hindi ba't posible naman yun? Now, hop in. Sumama ka muna sa akin. Mag-iisip ako ng paraan para sa'yo at sa anak mo. Pero- hindi yun libre, ha?" Kakaiba pa ang tinig niya sa huling tinuran na salita.
Alam ko na ang ibig sabihin nun. Napailing ako, may bago pa ba sa ganoon? Saka kumpara naman sa matandang Chu at mga kabaro nitong amoy lupa na rin, mas gusto ko namang makatalik si Zyair na bukod sa gwapo at macho ay mahusay din sa kama at mabango.
Naipilig ko ang ulo. Sa dami talaga ng problema ko ngayon, naiisip ko pa ang senaryong iyon sa aking isip? Ang weird naman yatang maging kampante na ako dahil lang kasama ko si Zyair! Lalaki pa rin siya at isa sa kinamumuhian kong nilalang sa mundo ang mga kalahi ni Adan, maliban na lang sa anak ko at sa kapatid ko syempre..
Bumalik kami sa bahay niya. Sakto namang nakapagpahinga na ako ng magtext si Ben. Tinatanong kung saan daw ba ang destinasyon nila upang maihatid sila ng ambulansiya doon. Nagreply ako na nais kong makausap ang doctor ni Emman. Walang pwedeng makaalam kung saan sila pupunta dahil sigurado akong darating doon ang mga tauhan ni Mr. Chu para ipagtanong ang tungkol sa amin.
Pero bago ko pa man matawagan si Ben upang kausapin ang doctor ng anak ko ay pinigilan ako ni Zyair.
"Tell Ben na maghintay na lang muna doon. Pero asikasuhin niya na lahat ng papel para ma-discharge na sila. Ako na ang magpapapunta ng ambulansiya doon para sunduin sila at dal'hin sa province ko." Seryosong wika ni Zyair kalaunan..
Sandali akong natulala sa kanya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Hindi ko mapigilang mamangha pero naroon pa rin ang pagdududa sa isip ko. We just met yesterday but he seems to care a lot. Sino ba talaga siya?
"Don't worry, I'm a good person, Esperanza. Wala akong gagawing masama sa inyo."
"P-pero, bakit mo ito ginagawa? Kahapon lang tayo nagkakilala.."
"Ang totoo, hindi ko rin alam."
"Hah?"
"Sige na, your son's life is at stake. May mas mahalaga pa ba kaysa mailigtas sila?"
Ramdam ko naman ang sinseridad sa tinig niya, at tama siya. Si Emman ang pinakamahalaga sa ngayon. Agad kong tinext kay Ben ang bilin ni Zyair, dahil doon kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kapanatagan.
Nakita kong lumabas sandali si Zyair at may kinausap sa kanyang cellphone. Sa senaryong iyon ay hindi ko mapigilang kabahan. Para kasing wala akong mapagkatiwalaan..
Napakagat-labi ako. Sino kayang kausap niya at ano ang pinag-uusapan nila? Bakit pa siya lumabas? Para ba hindi ko marinig?
Nakakabaliw ang mag-overthink. Yung huling pagkakataon kasi na nagtiwala ako sa isang lalaki ay nauwi sa trahedya ang buhay ko..
Tama nga bang nagtiwala ako sa lalaking isang gabi ko lang naman nakasama at sa kama pa?
Pagpasok niya ay sinadya kong ipahalata sa kanya na hindi ako kumportable. Kimi naman siyang ngumiti at tinabihan ako sa sofa.
"Don't worry, anak ng mayor yung kausap ko. Tropa ko yun at para mabilis, sa kanya ako humingi ng tulong para sa ambulansiyang masasakyan ng anak mo. Siniguro ko rin na may mga medical assistant doon para masigurong maayos ang kalagayan ni Emman habang nasa biyahe."
"B-bakit ka pa.. lumabas?" Hindi ko mapigilang tanong.
"Hah? Ah.. Mahina kasi ang signal dito sa loob."
Natural na hindi ako kumbinsido. Ngumiti siya ulit.
"Of course hindi kapani-paniwala.. Ganito na lang, why don't you try to call Ben?"
Upang mapatunayan, sinubukan ko ngang idayal ang numero ni Ben. Nag-ring naman iyon at kalaunan ay sinagot niya din.
"Hello, -te?"
"Ben, ano ng ginagawa mo ngayon?" Tanong ko.
"Ha? --gang a- oras -mi maghi---tay?"
Pinatay ko ang tawag, totoo nga ang sinasabi ni Zyair. Muli ay napayuko ako ng ulo.
"Hmm, okey ka na ba? Gutom na kasi ako. Papadeliver ako ng pagkain, baka may gusto kang kainin?" Nakangiting tanong niya.
Seryoso ko siyang tiningnan. Baka nga hindi naman talaga siya masamang tao. Baka nga mapagkakatiwalaan ko siya..
Pero paano ko malalaman kung palagi akong nagdududa sa mga ginagawa niya?
Nagulat na lang ako ng ilapit niya sa akin ang mukha niya.
"Teka nga, alam ko ang ganyang mga titig. Huwag mong sabihin na ako ang gusto mong kainin?" Pilyong tanong niya habang kulang isang sintementro lang ang layo ng labi niya sa bibig ko..