Nagising ako sa lagaslas ng tubig na nanggagaling sa CR. Marahan akong nagdilat ng mga mata, wala na si Esperanza sa tabi ko. Sinipat ko ang wall clock. Alas sais pa lang ng umaga..
Ilang sandali pa ay lumabas na siya mula sa banyo. Bagong paligo at nakatapis lang. Pumuno sa loob ng kwarto ang amoy ng sabon at shampoo na ginamit niya. Pakiramdam ko tuloy nagugutom at nauuhaw ako sa hitsura niya.
"How's your sleep, Honey?" Tanong ko..
"Good. Ikaw?"
"Last night is much better than other nights. You smell so good, I think I like to-"
"Magmumog ka muna Mister Adler." Putol niya sa sinasabi ko habang nagpupunas ng kanyang buhok.
Natawa ako at the same time ay nakaramdam ng pagpakahiya.
"Sabi ko nga, e." Saka ako tumayo at nagtungo ng banyo.
Mabaho ba ang hininga ko?
Curious na tanong ko sa sarili saka bumuga ng hangin sa nakatabing kong mga kamay sa aking bibig. Napangiwi ako..
Medyo may amoy nga!
Nakakahiya nga namang tumabi sa kanya na ganito ang hitsura at amoy ko kaya nagpasya akong maligo na rin. Pakiramdam ko matapos maligo ay lalo pa akong ginanahan mag-exercise.
Paglabas ko ay agad na bumungad sa harapan ko si Esperanza. Nakahiga siya at walang kahit anong saplot sa katawan. Tila handa na at naghihintay na lang sa paglabas ko. Yung freshness na nararamdaman ko ay agad napalitan ng pag-iinit. Napalunok ako ng sunod-sunod saka walang paki-alam na inalis ang tanging tuwalyang bumabalot sa katawan ko.
Napunong muli ng palitan namin ng halinghing ang kwarto kong iyon. Mahigit isang oras din ang itinagal ng morning exercise namin. Mula pa yata kagabi ay nakailang posisyon na rin kami, satisfied na satisfied ako sa husay niyang kumilos. Hindi nakakasawa, pakiramdam ko nga ay lalo akong naaakit sa kanya sa katagalan..
Kasalukuyan kaming nagpapahinga ng tumunog ang cellphone niya. Ang bilis niyang tumayo at sinagot iyon kaagad.
"Okey, papunta na ako." Nagmamadaling wika niya saka sumaglit sa banyo at nagbihis kaagad pagkalabas.
"Hey, calm down. Hindi ka ba mag-aalmusal muna? Saka 'diba sabi mo 24 hours? I still have less than 2 hours."
"I badly need to go. I'm sorry. Kung gusto mo bawasan mo na lang ang bayad ko."
"But-"
May iba pa kaya siyang costumer? O baka naman emergency lang talaga. Bigla kasing nag-iba ang awra niya. Hindi ko alam kung pagkabalisa ba, takot, o lungkot ang naroon. Tumayo na rin ako at nagbihis nang mabilis.
"Ihahatid na kita." Usal ko. Alam kong imposible siyang pumayag pero eksperto ako pagdating sa ganitong senaryo.
"Hindi na kailangan." Walang emosyong tugon niya.
"It's weekdays. Rush hour na rin. I think you have emergency. 'Di hamak na mas mabilis rin ang motorcycle compared to taxi's so.."
Sandali siyang napaisip habang mataman niya akong tinititigan. Kalaunan ay marahas siyang bumuga ng hangin..
"Okey.." tila suko na siya kung kaya't napilitan ng magdesisyon kahit parang ang hirap-hirap para sa kanya noon.
"Let's go. I'm in a hurry," aniya saka binitbit ang bag niya at nauna ng lumabas ng pintuan. Ni hindi nga yata siya nag-abalang suklayin ang buhok niya at itinali na lang iyon paitaas.
Maging ang isip ko ay napuno ng kuryusidad kung ano ang dahilan ng pagmamadali niya. Hindi naman siguro ibang lalaki ang dahilan nun. Napapailing akong sumunod sa kanya matapos magsuot ng sapatos.
"So, saan tayo?" Tanong ko ng makasampa sa motor ko.
"Sa Tagaytay Medical Center."
"H-hah?"
"Please, pakibilis.." nasa boses niya ang paki-usap.
Hindi ako nakakibo. Nagi-guilty ako..
Maingat ko namang pinaharurot ang dala kong sasakyan. Gaya ng inaasahan, traffic na ang palabas ng Maynila. Sumuot-suot na lang ako sa maluluwag na espasyo 'wag lang kaming matagalan.
Kulang dalawang oras din ang tinagal ng biyahe bago namin narating ang hospital. Hindi na siya nag-abalang kausapin pa ako at patakbo siyang pumasok sa loob noon. Pero dahil hindi ko pa nga naibibigay ang kulang na bayad sa kanya kaya sinundan ko siya.
Naabutan ko siya sa information desk na kausap ang nurse, palapit pa lang ako sa kanya ng nagmamadali nanaman siyang naglakad patungo sa may kahabaang hallway. Nakasunod lang ako sa kanya. Ang lalaki ng hakbang niya na animo'y may hinahabol..
Isang kuwarto ang tinapatan niya na agad niya namang pinasukan. Hindi na ako nanghingi pa ng permiso at pumasok din doon. Naabutan ko siyang nakayukyok sa tabi ng isang batang lalaki. Iyon ang anak niya..
Habang ang lalaking nasa loob din ng kwartong iyon ay puno ng pagtatakang napalingon sa gawi ko. Kahit papa'no ay nakaramdam ako ng pagka-asiwa. Huli na para maisip kong mali yata ang naging kilos ko. Baka mamaya ay pagdudahan pa nito si Esperanza at mag-away pa sila.
"Uhm…" tikhim ko saka nakaisip ng palusot. Dinukot ko ang wallet ko at kumuha ng ilang lilibuhin doon. Ginawa ko ng 15k upang may pandagdag na rin sa gastusin niya.
"Iaabot ko lang sana itong pera na nakalimutan ni Esperanza." Usal ko.
Doon naman nagtaas ng tingin si Esperanza sa akin at lumapit. Kinuha niya ang pera sa kamay ko.
"Salamat." Walang emosyon niyang wika saka ako muling tinalikuran at bumalik sa higaan ng bata.
Palabas na sana ako ng kusang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang doktor at dalawang nurse na may dalang kung anong mga medical supplies.
Dagling lumapit si Esperanza at ang lalaki sa mga iyon.
"Doc.. kamusta ang lagay niya?" Si Esperanza iyon na bakas sa boses ang labis na pag-aalala.
Hindi na rin ako nagtuloy sa paglabas at nakinig muna. Kita kong bumuntung-hininga muna ang doctor bago nagsalita.
"Well, he needs more bags of blood again. Patuloy na bumababa ang resistensiya niya. Kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon or else, hindi niya na kayanin."
Kitang-kita ko kung paano maihilamos ni Esperanza ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha paakyat sa kanyang buhok.
"I need another month, Doc. Hindi pa sapat ang pera ko. Kakayanin niya pa ba ng another month?"
Pero malungkot na umiling ang doctor.
"Lumalaki na ang blood cloth sa ulo ng bata, Esperanza. One week.. Hanggang doon na lang talaga. Kung gusto mong mailigtas ang anak mo, within this month ay kinakailangan na siyang isalang sa operasyon."
Kagat-labing napatango si Esperanza at matamang tumitig sa doktor.
"S-sige, ho. Gagawan ko ng paraan. I-schedule niyo na po si Emman para sa operasyon." Matapang na wika niya.
Mangha namang tumingin ang lalaking katabi niya sa kanya.
"Okey, great. Ako na ang bahala. Ii-inform ko na lang kayo mamaya kung kailan siya isasalang, okey?"
Kulang sa lakas na tumango si Esperanza. Tinapik naman siya ng doctor sa balikat at nauna na ring lumabas habang ang dalawang nurse ay inaasikaso pa ang bata..
Lalo akong nakumbinsi na manatili muna doon. Ng tuluyang makalabas ang dalawang nurse ay doon ko lamang narinig na nagsalita ang lalaki.
"Anong gagawin mo, Ate? Saan ka kukuha ng kulang kalahating milyon?"
Wait, ate?! Ibig sabihin-
Magkapatid lang sila?.
"Hindi ko pa alam, Ben. Si Mr. Chu na lang ang pag-asa ko."
"Ano?!" May kalakasang bulalas ng lalaki..
"Ano ka ba naman, Ate? Alam mong delikado yan."
"Wala na akong choice, Ben. Ginawa ko na lahat ng paraan pero kulang pa rin talaga." Naiiyak na pahayag ni Esperanza.
Now I realized everything. Ngayon ko napagtantong mali lahat ng nauna kong espekulasyon tungkol sa kanya.
Pakiramdam ko biglang umurong lahat ng lakas at tapang ko sa katawan. Hindi pa naman huli ang lahat, pwede ko pang itigil ito..
"Hayaan mo muna ako, Ben. Gagawan ko ng paraan para mabuhay ang anak ko. Heto ang pera, bantayan mo muna siya habang dumidiskarte ako ng pang down dito sa hospital. Huwag mo siyang pababayaan, ha?"
"P-pero, Ate.. Huwag kay.. Mr. Chu.."
Pero parang hindi siya pinapakinggan ni Esperanza. Hinalikan niya lang sa noo ang anak at sandaling tinitigan bago naglakad na ulit palabas sa kuwartong iyon. Dinaanan niya nga lang ako na parang hangin sa gilid ng pintuan. Muli akong nagpasyang sumunod sa kanya ng tawagin ako nung lalaki..
"Ikaw ba yung kasama ni Ate magdamag?" Malamig ang tinig na tanong niya sa akin.
"Ah, Oo.."
Kita ko sa mukha niya ang kaba habang papalapit sa akin.
"Paki-usap. Huwag mong hayaang puntahan niya si Mr. Chu. Paliwanagan mo siya. B-baka makinig siya sayo kasi ikaw pa lang ang unang lalaking dinala niya para.. para ipakita sa akin at dal'hin dito sa hospital."
Hindi ko alam kung paano magre-react o kung anong mararamdaman ko..
"H-ha, s-sino ba yung Mr. Chu?" Curious na tanong ko. At bakit kaya siya takot na takot?
Naging aligaga ang mata niya at tila nag-alangan..
"B-basta.. Kailangan mo siyang pigilan dahil kung hindi… Baka hindi na siya makawala pa sa matandang yun." Makahulugang tugon niya..