-Geraldine POV- "Welcome to the family!" Masiglang bati sa akin ni Tita Thalia. Niyakap ako nito at gano'n din ako rito. "Salamat, Tita Thalia." "You deserve everything, hija. By the way, bukas na ang flight mo patungong Guam. Hindi natuloy sa US dahil mas nais ng Tito Diego mo na malapit ka lang sa amin." "Tita, sino po ang kasama ko ro'n?" "Naroon si Gina, siya ang Nanny mo na in-hired ko para siyang maging tagapag-alaga mo." "P—Pero hindi na po ako bata." "But you are my princess." "Tita..." Ang tanging nasabi ko na lamang dito. "Don't worry about your Nanny dahil dati na iyong Nanny ng Kuya Dante mo. Eksakto namang nang makontak namin ulit ng Tita Thalia mo ay willing niyang bumalik sa amin." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sobra-sobra na kasi ang ginaw