-Karina POV- Halos nanggalaiti ako sa inis nang makita ko si Geraldine with Dante. Hindi naman ako dating ganito, pero nang mapansin ko ang kakaibang tingin ni Geraldine para kay Dante ay naging balisa na ako kasabay ng pagkaalam ko sa katotohanang hindi pala tunay na Lucchese si Dante kundi si Geraldine. Narito ako dahil nagbakasakaling makuha ang kwintas na nasa kamay ni Geraldine. Hindi ako pwedeng umatras sa nais kong malaman. Nang dahil kay Kristine Cohen kaya nakulong ang tunay kong ama dahil sa kasalanang hindi nito ginawa. Si Geraldine ang pababayarin ko sa lahat. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga Lucchese clan na ngayo'y hindi inaasahan ang aking pagdating. Siyempre, mabait si Tita Thalia at pinadalhan ako nito ng imbitasyon kahit na alam kong ang invitation ca